Check out the new design

Terjemahan makna Alquran Alkarim - Terjemahan Al-Mukhtaṣar fī Tafsīr Al-Qur`ān Al-Karīm ke bahasa Philipina (Tagalog) * - Daftar isi terjemahan


Terjemahan makna Ayah: (52) Surah: Az-Zumar
أَوَلَمۡ يَعۡلَمُوٓاْ أَنَّ ٱللَّهَ يَبۡسُطُ ٱلرِّزۡقَ لِمَن يَشَآءُ وَيَقۡدِرُۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَٰتٖ لِّقَوۡمٖ يُؤۡمِنُونَ
Nagsabi ba ang mga tagapagtambal na ito ng sinabi nila at hindi sila nakaalam na si Allāh ay nagpapaluwang sa panustos sa sinumang niloloob Niya bilang pagsubok dito kung magpapasalamat ba ito o tatangging magpasalamat, at nagpapasikip nito sa sinumang niloloob Niya bilang pagsusulit dito kung magtitiis ba ito o maiinis sa pagtatakda ni Allāh? Tunay na sa nabanggit na iyon na pagpapaluwang sa panustos at pagpapasikip dito ay talagang may mga katunayan sa pangangasiwa ni Allāh para sa mga taong sumasampalataya dahil sila ay ang mga makikinabang sa mga katunayan. Tungkol naman sa mga tagatangging sumampalataya, sila ay dumaraan sa mga ito samantalang sila sa mga ito ay mga umaayaw.
Tafsir berbahasa Arab:
Beberapa Faedah Ayat-ayat di Halaman Ini:
• النعمة على الكافر استدراج.
Ang biyaya sa tagatangging sumampalataya ay isang pagpapain.

• سعة رحمة الله بخلقه.
Ang lawak ng awa ni Allāh sa nilikha Niya.

• الندم النافع هو ما كان في الدنيا، وتبعته توبة نصوح.
Ang pagsisising napakikinabangan ay ang nasa Mundo, na nasusundan ng isang pagbabalik-loob na tapat.

 
Terjemahan makna Ayah: (52) Surah: Az-Zumar
Daftar surah Nomor Halaman
 
Terjemahan makna Alquran Alkarim - Terjemahan Al-Mukhtaṣar fī Tafsīr Al-Qur`ān Al-Karīm ke bahasa Philipina (Tagalog) - Daftar isi terjemahan

Diterbitkan oleh Markaz Tafsīr Li Ad-Dirasāt Al-Qur`āniyyah.

Tutup