Check out the new design

Terjemahan makna Alquran Alkarim - Terjemahan Al-Mukhtaṣar fī Tafsīr Al-Qur`ān Al-Karīm ke bahasa Philipina (Tagalog) * - Daftar isi terjemahan


Terjemahan makna Surah: Gāfir   Ayah:
هُوَ ٱلَّذِي خَلَقَكُم مِّن تُرَابٖ ثُمَّ مِن نُّطۡفَةٖ ثُمَّ مِنۡ عَلَقَةٖ ثُمَّ يُخۡرِجُكُمۡ طِفۡلٗا ثُمَّ لِتَبۡلُغُوٓاْ أَشُدَّكُمۡ ثُمَّ لِتَكُونُواْ شُيُوخٗاۚ وَمِنكُم مَّن يُتَوَفَّىٰ مِن قَبۡلُۖ وَلِتَبۡلُغُوٓاْ أَجَلٗا مُّسَمّٗى وَلَعَلَّكُمۡ تَعۡقِلُونَ
Siya ay ang lumikha sa ama ninyong si Adan mula sa alabok, pagkatapos gumawa sa paglikha sa inyo matapos niya mula sa isang patak, pagkatapos matapos ng patak ay mula sa isang dugong namuo, pagkatapos matapos niyon ay nagpalabas Siya sa inyo mula sa mga tiyan ng mga ina ninyo bilang mga batang maliliit, pagkatapos upang sumapit kayo sa gulang ng kalakasan ng katawan, pagkatapos upang lumaki kayo hanggang sa kayo ay maging mga matanda – at mayroon sa inyo na namamatay bago niyon – at upang umabot kayo sa isang yugtong tinakdaan sa kaalaman ni Allāh, na hindi kayo nakababawas doon at hindi kayo nakadaragdag doon, at nang sa gayon kayo ay makinabang sa mga katwiran at mga patotoong ito sa kakayahan Niya at kaisahan Niya.
Tafsir berbahasa Arab:
هُوَ ٱلَّذِي يُحۡيِۦ وَيُمِيتُۖ فَإِذَا قَضَىٰٓ أَمۡرٗا فَإِنَّمَا يَقُولُ لَهُۥ كُن فَيَكُونُ
Siya lamang – kaluwalhatian sa Kanya – ay ang nasa kamay Niya ang pagbibigay-buhay at Siya lamang ay ang nasa kamay Niya ang pagbibigay-kamatayan, saka kapag nagtadhana Siya ng isang bagay ay nagsasabi lamang Siya sa bagay na iyon na mangyari saka mangyayari.
Tafsir berbahasa Arab:
أَلَمۡ تَرَ إِلَى ٱلَّذِينَ يُجَٰدِلُونَ فِيٓ ءَايَٰتِ ٱللَّهِ أَنَّىٰ يُصۡرَفُونَ
Hindi ka ba nakakita, O Sugo, sa mga nakikipag-alitan hinggil sa mga tanda ni Allāh habang mga nagpapasinungaling sa mga ito sa kabila ng kaliwanagan ng mga ito? Talagang magtataka ka sa kalagayan nila habang sila ay umaayaw sa katotohanan sa kabila ng kaliwanagan nito.
Tafsir berbahasa Arab:
ٱلَّذِينَ كَذَّبُواْ بِٱلۡكِتَٰبِ وَبِمَآ أَرۡسَلۡنَا بِهِۦ رُسُلَنَاۖ فَسَوۡفَ يَعۡلَمُونَ
[Sila] ang mga nagpasinungaling sa Qur'ān at sa ipinadala Namin sa mga sugo Namin na katotohanan. Malalaman ng mga tagapagpasinungaling na ito ang kahihinatnan ng pagpapasinungaling nila at makikita nila ang kasagwaan ng wakas.
Tafsir berbahasa Arab:
إِذِ ٱلۡأَغۡلَٰلُ فِيٓ أَعۡنَٰقِهِمۡ وَٱلسَّلَٰسِلُ يُسۡحَبُونَ
Malalaman nila ang kahihinatnan nito kapag ang mga posas ay nasa mga leeg nila at ang mga tanikala ay nasa mga paa nila habang humihila sa kanila ang mga bantay ng pagdurusa.
Tafsir berbahasa Arab:
فِي ٱلۡحَمِيمِ ثُمَّ فِي ٱلنَّارِ يُسۡجَرُونَ
Hahatak ang mga iyon sa kanila sa tubig na mainit na tumindi ang pagkulo nito. Pagkatapos sa Apoy ay paniningasin sila.
Tafsir berbahasa Arab:
ثُمَّ قِيلَ لَهُمۡ أَيۡنَ مَا كُنتُمۡ تُشۡرِكُونَ
Pagkatapos sasabihin sa kanila bilang pagpula sa kanila at panunumbat: "Nasaan na ang mga diyos na hinaka-haka na itinambal ninyo sa pamamagitan ng pagsamba sa mga iyon
Tafsir berbahasa Arab:
مِن دُونِ ٱللَّهِۖ قَالُواْ ضَلُّواْ عَنَّا بَل لَّمۡ نَكُن نَّدۡعُواْ مِن قَبۡلُ شَيۡـٔٗاۚ كَذَٰلِكَ يُضِلُّ ٱللَّهُ ٱلۡكَٰفِرِينَ
bukod pa kay Allāh kabilang sa mga anito ninyo na hindi nakapagpapakinabang at hindi nakapipinsala? Magsasabi ang mga tagatangging sumampalataya: "Nalingid sila sa amin kaya hindi kami nakakikita sa kanila; bagkus hindi kami dati sumasamba sa Mundo sa anumang nagiging karapat-dapat sa pagsamba." Tulad ng pagliligaw sa mga ito nagliligaw si Allāh sa mga tagatangging sumampalataya palayo sa katotohanan sa bawat panahon at lugar.
Tafsir berbahasa Arab:
ذَٰلِكُم بِمَا كُنتُمۡ تَفۡرَحُونَ فِي ٱلۡأَرۡضِ بِغَيۡرِ ٱلۡحَقِّ وَبِمَا كُنتُمۡ تَمۡرَحُونَ
Sasabihin sa kanila: "Ang pagdurusang iyon na pagdurusahan ninyo ay dahilan sa pagkatuwa ninyo sa taglay ninyo dati na shirk at dahil sa pagpapakalawak ninyo sa pagkatuwa.
Tafsir berbahasa Arab:
ٱدۡخُلُوٓاْ أَبۡوَٰبَ جَهَنَّمَ خَٰلِدِينَ فِيهَاۖ فَبِئۡسَ مَثۡوَى ٱلۡمُتَكَبِّرِينَ
Pumasok kayo sa mga pintuan ng Impiyerno bilang mga mamamalagi roon magpakailanman. Kaya kay pangit ang pananatilihan ng mga nagpapakamalaki sa katotohanan!"
Tafsir berbahasa Arab:
فَٱصۡبِرۡ إِنَّ وَعۡدَ ٱللَّهِ حَقّٞۚ فَإِمَّا نُرِيَنَّكَ بَعۡضَ ٱلَّذِي نَعِدُهُمۡ أَوۡ نَتَوَفَّيَنَّكَ فَإِلَيۡنَا يُرۡجَعُونَ
Kaya magtiis ka, O Sugo, sa pananakit ng mga kalipi mo at pagpapasinungaling nila; tunay na ang pangako ni Allāh ng pag-aadya sa iyo ay totoong walang mapag-aalinlanganan dito. Kaya alinman: magpapakita nga Kami sa iyo sa buhay mo ng ilan sa ipinangangako Namin sa kanila na pagdurusa gaya ng nangyari sa Araw ng Badr o magpapapanaw nga Kami sa iyo bago niyon. Saka sa Amin lamang sila panunumbalikin sa Araw ng Pagbangon, saka gaganti Kami sa kanila sa mga gawa nila para papasukin Namin sila sa Apoy bilang mga mananatili roon magpakailanman.
Tafsir berbahasa Arab:
Beberapa Faedah Ayat-ayat di Halaman Ini:
• التدرج في الخلق سُنَّة إلهية يتعلم منها الناس التدرج في حياتهم.
Ang pag-uunti-unti sa paglikha ay isang kalakarang pandiyos na natututo mula rito ang mga tao ng pag-uunti-unti sa buhay nila.

• قبح الفرح بالباطل.
Ang kapangitan ng pagkatuwa sa kabulaanan.

• أهمية الصبر في حياة الناس، وبخاصة الدعاة منهم.
Ang kahalagahan ng pagtitiis sa buhay ng mga tao at lalo na sa mga tagapag-anyaya sa Islām kabilang sa kanila.

 
Terjemahan makna Surah: Gāfir
Daftar surah Nomor Halaman
 
Terjemahan makna Alquran Alkarim - Terjemahan Al-Mukhtaṣar fī Tafsīr Al-Qur`ān Al-Karīm ke bahasa Philipina (Tagalog) - Daftar isi terjemahan

Diterbitkan oleh Markaz Tafsīr Li Ad-Dirasāt Al-Qur`āniyyah.

Tutup