Terjemahan makna Alquran Alkarim - Terjemahan Al-Mukhtaṣar fī Tafsīr Al-Qur`ān Al-Karīm ke bahasa Philipina (Tagalog) * - Daftar isi terjemahan


Terjemahan makna Ayah: (20) Surah: Surah Muḥammad
وَيَقُولُ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ لَوۡلَا نُزِّلَتۡ سُورَةٞۖ فَإِذَآ أُنزِلَتۡ سُورَةٞ مُّحۡكَمَةٞ وَذُكِرَ فِيهَا ٱلۡقِتَالُ رَأَيۡتَ ٱلَّذِينَ فِي قُلُوبِهِم مَّرَضٞ يَنظُرُونَ إِلَيۡكَ نَظَرَ ٱلۡمَغۡشِيِّ عَلَيۡهِ مِنَ ٱلۡمَوۡتِۖ فَأَوۡلَىٰ لَهُمۡ
Nagsasabi ang mga sumampalataya kay Allāh habang mga nagmimithi na magbaba si Allāh sa Sugo Niya ng isang kabanatang naglalaman ng kahatulan ng pakikipaglaban: "Bakit kaya hindi nagpababa si Allāh ng isang kabanata na naroon ang pagbanggit ng pakikipaglaban?" Ngunit nang nagpababa si Allāh ng isang kabanatang tinahas sa paglilinaw nito at mga patakaran nito, na naglalaman ng pagbanggit ng pakikipaglaban, makikita mo, O Sugo, ang mga sa mga puso nila ay may pagdududa kabilang sa mga mapagpaimbabaw na tumitingin sa iyo ng pagtingin ng hinimatay dahil sa tindi ng pangamba at pangingilabot sapagkat nagbanta sa kanila si Allāh na ang pagdurusa nila ay sumunod na sa kanila at nalapit na sa kanila dahilan sa pag-urong sa pakikipaglaban at pangamba rito.
Tafsir berbahasa Arab:
Beberapa Faedah Ayat-ayat di Halaman Ini:
• التكليف بالجهاد في سبيل الله يميّز المنافقين من صفّ المؤمنين.
Ang pag-aatang ng pakikibaka sa landas ni Allāh ay naglalantad sa mga mapagpaimbabaw mula sa hanay ng mga mananampalataya.

• أهمية تدبر كتاب الله، وخطر الإعراض عنه.
Ang kahalagahan ng pagbubulay-bulay sa Aklat ni Allāh at ang panganib ng pag-ayaw rito.

• الإفساد في الأرض وقطع الأرحام من أسباب قلة التوفيق والبعد عن رحمة الله.
Ang panggugulo sa lupa at ang pagputol sa mga ugnayang pangkaanak ay kabilang sa mga kadahilanan ng kakauntian ng pagkatuon [sa patnubay] at pagkalayo sa awa ni Allāh.

 
Terjemahan makna Ayah: (20) Surah: Surah Muḥammad
Daftar surah Nomor Halaman
 
Terjemahan makna Alquran Alkarim - Terjemahan Al-Mukhtaṣar fī Tafsīr Al-Qur`ān Al-Karīm ke bahasa Philipina (Tagalog) - Daftar isi terjemahan

Terjemahan Al-Mukhtaṣar fī Tafsīr Al-Qur`ān Al-Karīm ke bahasa Philipina (Tagalog). Diterbitkan oleh Markaz Tafsīr Li Ad-Dirasāt Al-Qur`āniyyah.

Tutup