Terjemahan makna Alquran Alkarim - Terjemahan Al-Mukhtaṣar fī Tafsīr Al-Qur`ān Al-Karīm ke bahasa Philipina (Tagalog) * - Daftar isi terjemahan


Terjemahan makna Ayah: (173) Surah: Surah Al-A'rāf
أَوۡ تَقُولُوٓاْ إِنَّمَآ أَشۡرَكَ ءَابَآؤُنَا مِن قَبۡلُ وَكُنَّا ذُرِّيَّةٗ مِّنۢ بَعۡدِهِمۡۖ أَفَتُهۡلِكُنَا بِمَا فَعَلَ ٱلۡمُبۡطِلُونَ
O [upang hindi] kayo mangatwiran na ang mga ninuno ninyo ay ang mga kumalas sa tipan sapagkat nagtambal sila kay Allāh at na kayo noon ay mga gumagaya sa mga ninuno ninyo sa natagpuan ninyo sa kanila na pagtatambal para magsabi kayo: "Kaya maninisi Ka ba sa amin, O Panginoon namin, dahil sa ginawa ng mga ninuno namin na nagpawalang-saysay sa mga gawa nila dahil sa pagtatambal sa Iyo saka magpaparusa Ka sa amin? Kaya walang pagkakasala sa amin dahil sa kamangmangan namin at paggaya namin sa mga ninuno namin."
Tafsir berbahasa Arab:
Beberapa Faedah Ayat-ayat di Halaman Ini:
• المقصود من إنزال الكتب السماوية العمل بمقتضاها لا تلاوتها باللسان وترتيلها فقط، فإن ذلك نَبْذ لها.
Ang layunin sa pagpapababa ng mga kasulatang makalangit ay ang paggawa ng ayon sa hinihiling ng mga ito, hindi ang pagbigkas sa mga ito sa bibig at ang pag-awit sa mga ito lamang sapagkat tunay na iyon ay isang pagwawaksi sa mga ito.

• أن الله خلق في الإنسان من وقت تكوينه إدراك أدلة الوحدانية، فإذا كانت فطرته سليمة، ولم يدخل عليها ما يفسدها أدرك هذه الأدلة، وعمل بمقتضاها.
Na si Allāh ay lumikha sa tao sa oras ng pagkabuo sa kanya ng [kakayahan sa] pagtalos sa mga patunay ng kaisahan Niya, kaya kapag ang kalikasan sa pagkalalang sa tao ay hindi nasira at hindi nakapasok rito ang nagpapatiwali rito, makatatalos siya sa mga patunay na ito at gagawa siya ayon sa hinihiling ng mga ito.

• في الآيات عبرة للموفَّقين للعمل بآيات القرآن؛ ليعلموا فضل الله عليهم في توفيقهم للعمل بها؛ لتزكو نفوسهم.
Sa mga talatang ito [ng Qur'ān] ay may maisasaalang-alang para sa mga itinuon [ni Allāh] sa paggawa ayon sa mga talata ng Qur'ān, upang malaman nila ang kabutihang-loob ni Allāh sa kanila sa pagkakatuon sa kanila sa paggawa ayon sa mga ito upang madalisay ang mga kaluluwa nila.

• في الآيات تلقين للمسلمين للتوجه إلى الله تعالى بطلب الهداية منه والعصمة من مزالق الضلال.
Nasaad sa mga talata [ng Qur'ān] ang paghimok sa mga Muslim sa pagbaling kay Allāh – pagkataas-taas Siya – sa pamamagitan ng paghiling ng kapatnubayan mula sa Kanya at pangangalaga laban sa mga pagkadulas sa pagkaligaw.

 
Terjemahan makna Ayah: (173) Surah: Surah Al-A'rāf
Daftar surah Nomor Halaman
 
Terjemahan makna Alquran Alkarim - Terjemahan Al-Mukhtaṣar fī Tafsīr Al-Qur`ān Al-Karīm ke bahasa Philipina (Tagalog) - Daftar isi terjemahan

Terjemahan Al-Mukhtaṣar fī Tafsīr Al-Qur`ān Al-Karīm ke bahasa Philipina (Tagalog). Diterbitkan oleh Markaz Tafsīr Li Ad-Dirasāt Al-Qur`āniyyah.

Tutup