Check out the new design

Terjemahan makna Alquran Alkarim - Terjemahan Al-Mukhtaṣar fī Tafsīr Al-Qur`ān Al-Karīm ke bahasa Philipina (Tagalog) * - Daftar isi terjemahan


Terjemahan makna Surah: Al-'Alaq   Ayah:

Al-‘Alaq

Tujuan Pokok Surah Ini:
الإنسان بين هدايته بالوحي وضلاله بالاستكبار والجهل.
Ang tao ay nasa pagitan ng kapatnubayan niya dahil sa pagkasi at ng pagkaligaw niya dahil sa pagmamalaki at kamangmangan.

ٱقۡرَأۡ بِٱسۡمِ رَبِّكَ ٱلَّذِي خَلَقَ
Bumasa ka, O Sugo, ng ikinakasi ni Allāh sa iyo, na nagpapasimula sa ngalan ng Panginoon mo na lumikha sa lahat ng mga nilikha,
Tafsir berbahasa Arab:
خَلَقَ ٱلۡإِنسَٰنَ مِنۡ عَلَقٍ
lumikha sa tao mula sa isang piraso ng dugong namuo matapos na ito dati ay isang patak.
Tafsir berbahasa Arab:
ٱقۡرَأۡ وَرَبُّكَ ٱلۡأَكۡرَمُ
Bumasa ka, O Sugo, ng ikinakasi ni Allāh sa iyo samantalang ang Panginoon mo ay ang Napakamapagbigay, na walang nakapapantay sa pagkamapagbigay Niya na isang mapagbigay sapagkat Siya ay ang marami ang kagalantehan at ang paggawa ng mabuti.
Tafsir berbahasa Arab:
ٱلَّذِي عَلَّمَ بِٱلۡقَلَمِ
na nagturo ng pagsasatitik at pagsulat sa pamamagitan ng panulat,
Tafsir berbahasa Arab:
عَلَّمَ ٱلۡإِنسَٰنَ مَا لَمۡ يَعۡلَمۡ
nagturo sa tao ng hindi dati nito nalaman.
Tafsir berbahasa Arab:
كَلَّآ إِنَّ ٱلۡإِنسَٰنَ لَيَطۡغَىٰٓ
Sa katotohanan, tunay na ang taong masamang-loob tulad ni Abū Jahl ay talagang lumampas sa hangganan sa paglabag sa mga hangganan ni Allāh.
Tafsir berbahasa Arab:
أَن رَّءَاهُ ٱسۡتَغۡنَىٰٓ
dahilan sa nakakita siya sa sarili niya na nakasapat dahil sa taglay niya na impluwensiya at yaman.
Tafsir berbahasa Arab:
إِنَّ إِلَىٰ رَبِّكَ ٱلرُّجۡعَىٰٓ
Tunay na tungo sa Panginoon mo, O tao, ang pagbabalik sa Araw ng Pagbangon para gumanti Siya sa bawat ayon sa magiging karapat-dapat dito.
Tafsir berbahasa Arab:
أَرَءَيۡتَ ٱلَّذِي يَنۡهَىٰ
Nakakita ka ba ng higit na kataka-taka kaysa sa nauukol kay Abū Jahl na sumasaway
Tafsir berbahasa Arab:
عَبۡدًا إِذَا صَلَّىٰٓ
sa lingkod Naming si Muḥammad – sumakanya ang basbas at ang pagbati ng kapayapaan – kapag nagdasal siya sa tabi ng Ka`bah?
Tafsir berbahasa Arab:
أَرَءَيۡتَ إِن كَانَ عَلَى ٱلۡهُدَىٰٓ
Nakakita ka ba kung itong sinasaway ay nasa isang patnubay at isang pagkatalos mula sa Panginoon niya,
Tafsir berbahasa Arab:
أَوۡ أَمَرَ بِٱلتَّقۡوَىٰٓ
o nag-uutos noon ng pangingilag magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya? Sinasaway ba ang sinumang ito ang pumapatungkol sa kanya?
Tafsir berbahasa Arab:
Beberapa Faedah Ayat-ayat di Halaman Ini:
• رضا الله هو المقصد الأسمى.
Ang pagpaparangal ni Allāh – pagkataas-taas Siya – sa Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – sa pamamagitan ng pag-angat para sa kanya ng alaala sa kanya.

• أهمية القراءة والكتابة في الإسلام.
Ang pagkalugod ni Allāh ay ang pinakamatayog na pakay.

• خطر الغنى إذا جرّ إلى الكبر والبُعد عن الحق.
Ang kahalagahan ng pagbabasa at pagsusulat sa Islām.

• النهي عن المعروف صفة من صفات الكفر.
Ang panganib ng pagkamayaman kapag humatak ito tungo sa pagmamalaki at paglayo sa katotohanan.

• إكرام الله تعالى نبيه صلى الله عليه وسلم بأن رفع له ذكره.
Ang pagsaway sa nakabubuti ay isang katangian kabilang sa mga katangian ng kawalang-pananampalataya.

 
Terjemahan makna Surah: Al-'Alaq
Daftar surah Nomor Halaman
 
Terjemahan makna Alquran Alkarim - Terjemahan Al-Mukhtaṣar fī Tafsīr Al-Qur`ān Al-Karīm ke bahasa Philipina (Tagalog) - Daftar isi terjemahan

Diterbitkan oleh Markaz Tafsīr Li Ad-Dirasāt Al-Qur`āniyyah.

Tutup