Check out the new design

Terjemahan makna Alquran Alkarim - Terjemahan Berbahasa Philipina (Tagalog) - Pusat Terjemah Ruwwād * - Daftar isi terjemahan

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Terjemahan makna Surah: Al-Aḥzāb   Ayah:
قُل لَّن يَنفَعَكُمُ ٱلۡفِرَارُ إِن فَرَرۡتُم مِّنَ ٱلۡمَوۡتِ أَوِ ٱلۡقَتۡلِ وَإِذٗا لَّا تُمَتَّعُونَ إِلَّا قَلِيلٗا
Sabihin mo: “Hindi magpapakinabang sa inyo ang pagtakas kung tumakas kayo sa kamatayan o pagkapatay, at sa samakatuwid [kung ginawa ninyo,] hindi kayo pagtatamasain [buhay na ito] kundi nang kaunti.”
Tafsir berbahasa Arab:
قُلۡ مَن ذَا ٱلَّذِي يَعۡصِمُكُم مِّنَ ٱللَّهِ إِنۡ أَرَادَ بِكُمۡ سُوٓءًا أَوۡ أَرَادَ بِكُمۡ رَحۡمَةٗۚ وَلَا يَجِدُونَ لَهُم مِّن دُونِ ٱللَّهِ وَلِيّٗا وَلَا نَصِيرٗا
Sabihin mo: “Sino itong magsasanggalang sa inyo laban kay Allāh kung nagnais Siya sa inyo ng isang kasagwaan o nagnais Siya sa inyo ng isang awa?” Hindi sila makatatagpo para sa kanila bukod pa kay Allāh ng isang katangkilik ni isang mapag-adya.
Tafsir berbahasa Arab:
۞ قَدۡ يَعۡلَمُ ٱللَّهُ ٱلۡمُعَوِّقِينَ مِنكُمۡ وَٱلۡقَآئِلِينَ لِإِخۡوَٰنِهِمۡ هَلُمَّ إِلَيۡنَاۖ وَلَا يَأۡتُونَ ٱلۡبَأۡسَ إِلَّا قَلِيلًا
Nakaaalam nga si Allāh sa mga tagabalakid [sa pakikipaglaban sa landas ni Allāh] kabilang sa inyo at mga tagasabi sa mga kapatid nila: “Pumarito kayo sa amin,” samantalang hindi sila pumupunta sa labanan kundi nang kaunti,
Tafsir berbahasa Arab:
أَشِحَّةً عَلَيۡكُمۡۖ فَإِذَا جَآءَ ٱلۡخَوۡفُ رَأَيۡتَهُمۡ يَنظُرُونَ إِلَيۡكَ تَدُورُ أَعۡيُنُهُمۡ كَٱلَّذِي يُغۡشَىٰ عَلَيۡهِ مِنَ ٱلۡمَوۡتِۖ فَإِذَا ذَهَبَ ٱلۡخَوۡفُ سَلَقُوكُم بِأَلۡسِنَةٍ حِدَادٍ أَشِحَّةً عَلَى ٱلۡخَيۡرِۚ أُوْلَٰٓئِكَ لَمۡ يُؤۡمِنُواْ فَأَحۡبَطَ ٱللَّهُ أَعۡمَٰلَهُمۡۚ وَكَانَ ذَٰلِكَ عَلَى ٱللَّهِ يَسِيرٗا
habang mga sakim sa inyo.[2] Ngunit kapag dumating ang pangamba, makakikita ka sa kanila na tumitingin sa iyo, na umiikot ang mga mata nila gaya ng hinihimatay sa kamatayan; ngunit kapag umalis ang takot ay humahagupit sila sa inyo ng mga dilang matatalas, na mga sakim sa mabuti.[3] Ang mga iyon ay hindi sumampalataya kaya nagpawalang-kabuluhan si Allāh sa mga gawa nila. Laging iyon kay Allāh ay madali.
[2] na nagmamaramot ng mga yaman nila at mga sarili nila
[3] Ang tinutukoy ng mabuti rito ay ang mga samsam ng digmaan.
Tafsir berbahasa Arab:
يَحۡسَبُونَ ٱلۡأَحۡزَابَ لَمۡ يَذۡهَبُواْۖ وَإِن يَأۡتِ ٱلۡأَحۡزَابُ يَوَدُّواْ لَوۡ أَنَّهُم بَادُونَ فِي ٱلۡأَعۡرَابِ يَسۡـَٔلُونَ عَنۡ أَنۢبَآئِكُمۡۖ وَلَوۡ كَانُواْ فِيكُم مَّا قَٰتَلُوٓاْ إِلَّا قَلِيلٗا
Nag-aakala silang ang mga lapian ay hindi umalis. Kung pumunta [muli] ang mga lapian ay magmimithi sila na kung sana sila ay mga pumapailang sa mga Arabeng disyerto, na nagtatanong tungkol sa mga balita sa inyo. Kung sakaling sila ay nasa inyo ay hindi sila makikipaglaban kundi nang kaunti.
Tafsir berbahasa Arab:
لَّقَدۡ كَانَ لَكُمۡ فِي رَسُولِ ٱللَّهِ أُسۡوَةٌ حَسَنَةٞ لِّمَن كَانَ يَرۡجُواْ ٱللَّهَ وَٱلۡيَوۡمَ ٱلۡأٓخِرَ وَذَكَرَ ٱللَّهَ كَثِيرٗا
Talaga ngang nagkaroon para sa inyo sa Sugo ni Allāh ng isang magandang huwaran para sa sinumang naging nag-aasam [sa pakikipagkita] kay Allāh at sa Huling Araw at nag-alaala kay Allāh nang madalas.
Tafsir berbahasa Arab:
وَلَمَّا رَءَا ٱلۡمُؤۡمِنُونَ ٱلۡأَحۡزَابَ قَالُواْ هَٰذَا مَا وَعَدَنَا ٱللَّهُ وَرَسُولُهُۥ وَصَدَقَ ٱللَّهُ وَرَسُولُهُۥۚ وَمَا زَادَهُمۡ إِلَّآ إِيمَٰنٗا وَتَسۡلِيمٗا
Noong nakita ng mga mananampalataya ang mga lapian ay nagsabi sila: “Ito ay ang ipinangako sa atin ni Allāh at ng Sugo Niya at nagpakatapat si Allāh at ang Sugo Niya.” Walang naidagdag sa kanila ito kundi pananampalataya at pagtanggap.
Tafsir berbahasa Arab:
 
Terjemahan makna Surah: Al-Aḥzāb
Daftar surah Nomor Halaman
 
Terjemahan makna Alquran Alkarim - Terjemahan Berbahasa Philipina (Tagalog) - Pusat Terjemah Ruwwād - Daftar isi terjemahan

Terjemahannya oleh Tim Markaz Ruwwād Terjemah bekerjasama dengan Perkumpulan Dakwah di Rabwah dan Perkumpulan Pelayanan Konten Islami dalam Bahasa.

Tutup