Check out the new design

Terjemahan makna Alquran Alkarim - Terjemahan Berbahasa Philipina (Tagalog) - Pusat Terjemah Ruwwād * - Daftar isi terjemahan

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Terjemahan makna Surah: Al-Ḥujurāt   Ayah:
يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ ٱجۡتَنِبُواْ كَثِيرٗا مِّنَ ٱلظَّنِّ إِنَّ بَعۡضَ ٱلظَّنِّ إِثۡمٞۖ وَلَا تَجَسَّسُواْ وَلَا يَغۡتَب بَّعۡضُكُم بَعۡضًاۚ أَيُحِبُّ أَحَدُكُمۡ أَن يَأۡكُلَ لَحۡمَ أَخِيهِ مَيۡتٗا فَكَرِهۡتُمُوهُۚ وَٱتَّقُواْ ٱللَّهَۚ إِنَّ ٱللَّهَ تَوَّابٞ رَّحِيمٞ
O mga sumampalataya, umiwas kayo sa maraming pagpapalagay; tunay na ang ilan sa pagpapalagay ay kasalanan. Huwag kayong maniktik. Huwag manlibak ang ilan sa inyo ang iba pa. Iibigin ba ng isa sa inyo na kumain ng laman ng kapatid niya kapag patay na? Nasuklam kayo rito [kaya kasuklaman ninyo ang panlilibak]. Mangilag kayong magkasala kay Allāh. Tunay na si Allāh ay Palatanggap ng pagbabalik-loob, Maawain.
Tafsir berbahasa Arab:
يَٰٓأَيُّهَا ٱلنَّاسُ إِنَّا خَلَقۡنَٰكُم مِّن ذَكَرٖ وَأُنثَىٰ وَجَعَلۡنَٰكُمۡ شُعُوبٗا وَقَبَآئِلَ لِتَعَارَفُوٓاْۚ إِنَّ أَكۡرَمَكُمۡ عِندَ ٱللَّهِ أَتۡقَىٰكُمۡۚ إِنَّ ٱللَّهَ عَلِيمٌ خَبِيرٞ
O mga tao, tunay na Kami ay lumikha sa inyo mula sa isang lalaki [na si Adan] at isang babae [na si Eva] at gumawa sa inyo na mga bansa at mga lipi upang magkakilalahan kayo.[1] Tunay na ang pinakamarangal sa inyo sa ganang kay Allāh ay ang pinakamapangilag magkasala sa inyo.[2] Tunay na si Allāh ay Maalam, Mapagbatid.
[1] at magtulungan sa pagpapakabuti at pangingilag magakasala
[2] at pinakamaganda sa asal
Tafsir berbahasa Arab:
۞ قَالَتِ ٱلۡأَعۡرَابُ ءَامَنَّاۖ قُل لَّمۡ تُؤۡمِنُواْ وَلَٰكِن قُولُوٓاْ أَسۡلَمۡنَا وَلَمَّا يَدۡخُلِ ٱلۡإِيمَٰنُ فِي قُلُوبِكُمۡۖ وَإِن تُطِيعُواْ ٱللَّهَ وَرَسُولَهُۥ لَا يَلِتۡكُم مِّنۡ أَعۡمَٰلِكُمۡ شَيۡـًٔاۚ إِنَّ ٱللَّهَ غَفُورٞ رَّحِيمٌ
Nagsabi ang [ilan sa] mga Arabeng disyerto: “Sumampalataya kami.” Sabihin mo: “Hindi [pa] kayo sumampalataya, subalit sabihin ninyo: ‘Nagpasakop kami [sa Islām].’ Hindi pa pumasok ang pananampalataya sa mga puso ninyo. Kung tatalima kayo kay Allāh at sa Sugo Niya [na si Muḥammad] ay hindi Siya babawas sa inyo mula sa mga gawa ninyo ng anuman. Tunay na si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain.”
Tafsir berbahasa Arab:
إِنَّمَا ٱلۡمُؤۡمِنُونَ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ بِٱللَّهِ وَرَسُولِهِۦ ثُمَّ لَمۡ يَرۡتَابُواْ وَجَٰهَدُواْ بِأَمۡوَٰلِهِمۡ وَأَنفُسِهِمۡ فِي سَبِيلِ ٱللَّهِۚ أُوْلَٰٓئِكَ هُمُ ٱلصَّٰدِقُونَ
Tanging ang mga mananampalataya ay ang mga sumampalataya kay Allāh at sa Sugo Niya [na si Muḥammad], pagkatapos hindi sila nag-alinlangan, at nakibaka sila sa pamamagitan ng mga yaman nila at mga sarili nila sa landas ni Allāh. Ang mga iyon ay ang mga tapat.
Tafsir berbahasa Arab:
قُلۡ أَتُعَلِّمُونَ ٱللَّهَ بِدِينِكُمۡ وَٱللَّهُ يَعۡلَمُ مَا فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَمَا فِي ٱلۡأَرۡضِۚ وَٱللَّهُ بِكُلِّ شَيۡءٍ عَلِيمٞ
Sabihin mo: “Nagtuturo ba kayo kay Allāh ng relihiyon ninyo[3] samantalang si Allāh ay nakaaalam sa anumang nasa mga langit at anumang nasa lupa? Si Allāh sa bawat bagay ay Maalam.”
[3] Ibig sabihin: ng pananampalataya ninyo at mga gawa ninyo
Tafsir berbahasa Arab:
يَمُنُّونَ عَلَيۡكَ أَنۡ أَسۡلَمُواْۖ قُل لَّا تَمُنُّواْ عَلَيَّ إِسۡلَٰمَكُمۖ بَلِ ٱللَّهُ يَمُنُّ عَلَيۡكُمۡ أَنۡ هَدَىٰكُمۡ لِلۡإِيمَٰنِ إِن كُنتُمۡ صَٰدِقِينَ
Nanunumbat sila sa iyo na nagpasakop sila. Sabihin mo: “Huwag kayong manumbat sa akin ng pagpapasakop ninyo, bagkus si Allāh ay nagmamagandang-loob sa inyo na pumatnubay Siya sa inyo sa pananampalataya, kung kayo ay naging mga tapat.”
Tafsir berbahasa Arab:
إِنَّ ٱللَّهَ يَعۡلَمُ غَيۡبَ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۚ وَٱللَّهُ بَصِيرُۢ بِمَا تَعۡمَلُونَ
Tunay na si Allāh ay nakaaalam sa nakalingid sa mga langit at lupa. Si Allāh ay Nakakikita sa anumang ginagawa ninyo.
Tafsir berbahasa Arab:
 
Terjemahan makna Surah: Al-Ḥujurāt
Daftar surah Nomor Halaman
 
Terjemahan makna Alquran Alkarim - Terjemahan Berbahasa Philipina (Tagalog) - Pusat Terjemah Ruwwād - Daftar isi terjemahan

Terjemahannya oleh Tim Markaz Ruwwād Terjemah bekerjasama dengan Perkumpulan Dakwah di Rabwah dan Perkumpulan Pelayanan Konten Islami dalam Bahasa.

Tutup