Check out the new design

Terjemahan makna Alquran Alkarim - Terjemahan Berbahasa Philipina (Tagalog) - Pusat Terjemah Ruwwād * - Daftar isi terjemahan

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Terjemahan makna Surah: Al-A'rāf   Ayah:
وَمَا كَانَ جَوَابَ قَوۡمِهِۦٓ إِلَّآ أَن قَالُوٓاْ أَخۡرِجُوهُم مِّن قَرۡيَتِكُمۡۖ إِنَّهُمۡ أُنَاسٞ يَتَطَهَّرُونَ
Walang iba ang sagot ng mga kababayan niya kundi na nagsabi sila: “Palabasin ninyo sila[10] mula sa pamayanan ninyo; tunay na sila ay mga taong nagpapakadalisay.”
[10] sina Lot at ang mag-anak niya
Tafsir berbahasa Arab:
فَأَنجَيۡنَٰهُ وَأَهۡلَهُۥٓ إِلَّا ٱمۡرَأَتَهُۥ كَانَتۡ مِنَ ٱلۡغَٰبِرِينَ
Kaya pinaligtas Namin siya at ang mag-anak niya maliban sa maybahay niya; ito ay naging kabilang sa mga nagpapaiwan [sa parusa ni Allāh].
Tafsir berbahasa Arab:
وَأَمۡطَرۡنَا عَلَيۡهِم مَّطَرٗاۖ فَٱنظُرۡ كَيۡفَ كَانَ عَٰقِبَةُ ٱلۡمُجۡرِمِينَ
Nagpaulan Kami sa kanila ng isang ulan [ng mga bato], kaya tumingin ka kung papaano naging ang kinahinatnan ng mga salarin.
Tafsir berbahasa Arab:
وَإِلَىٰ مَدۡيَنَ أَخَاهُمۡ شُعَيۡبٗاۚ قَالَ يَٰقَوۡمِ ٱعۡبُدُواْ ٱللَّهَ مَا لَكُم مِّنۡ إِلَٰهٍ غَيۡرُهُۥۖ قَدۡ جَآءَتۡكُم بَيِّنَةٞ مِّن رَّبِّكُمۡۖ فَأَوۡفُواْ ٱلۡكَيۡلَ وَٱلۡمِيزَانَ وَلَا تَبۡخَسُواْ ٱلنَّاسَ أَشۡيَآءَهُمۡ وَلَا تُفۡسِدُواْ فِي ٱلۡأَرۡضِ بَعۡدَ إِصۡلَٰحِهَاۚ ذَٰلِكُمۡ خَيۡرٞ لَّكُمۡ إِن كُنتُم مُّؤۡمِنِينَ
[Nagsugo sa mga mamamayan ng] Madyan ng kapatid nilang si Shu`ayb. Nagsabi siya: “O mga kalipi ko, sumamba kayo kay Allāh; walang ukol sa inyo na anumang Diyos na iba pa sa Kanya. May dumating nga sa inyo na isang malinaw na patunay mula sa Panginoon ninyo. Kaya magpalubus-lubos kayo sa pagtatakal at timbangan, huwag kayong magpakulang sa mga tao sa mga bagay-bagay nila, at huwag kayong manggulo sa lupa matapos ng pagsasaayos nito. Iyon ay higit na mabuti para sa inyo kung kayo ay mga mananampalataya.
Tafsir berbahasa Arab:
وَلَا تَقۡعُدُواْ بِكُلِّ صِرَٰطٖ تُوعِدُونَ وَتَصُدُّونَ عَن سَبِيلِ ٱللَّهِ مَنۡ ءَامَنَ بِهِۦ وَتَبۡغُونَهَا عِوَجٗاۚ وَٱذۡكُرُوٓاْ إِذۡ كُنتُمۡ قَلِيلٗا فَكَثَّرَكُمۡۖ وَٱنظُرُواْ كَيۡفَ كَانَ عَٰقِبَةُ ٱلۡمُفۡسِدِينَ
Huwag kayong umupo sa bawat landasin, na nagbabanta kayo at sumasagabal kayo sa landas ni Allāh sa sinumang sumampalataya sa Kanya, at naghahangad kayo rito ng isang kabaluktutan. Alalahanin ninyo, noong kayo dati ay kakaunti, pinarami Niya kayo. Tumingin kayo kung papaano naging ang kinahinatnan ng mga tagatiwali [bago ninyo].
Tafsir berbahasa Arab:
وَإِن كَانَ طَآئِفَةٞ مِّنكُمۡ ءَامَنُواْ بِٱلَّذِيٓ أُرۡسِلۡتُ بِهِۦ وَطَآئِفَةٞ لَّمۡ يُؤۡمِنُواْ فَٱصۡبِرُواْ حَتَّىٰ يَحۡكُمَ ٱللَّهُ بَيۡنَنَاۚ وَهُوَ خَيۡرُ ٱلۡحَٰكِمِينَ
Kung may isang pangkatin kabilang sa inyo na sumampalataya sa ipinasugo sa akin at may isang pangkating hindi sumampalataya, magtiis kayo hanggang sa humatol si Allāh sa pagitan natin. Siya ay ang pinakamainam sa mga tagahatol.”
Tafsir berbahasa Arab:
 
Terjemahan makna Surah: Al-A'rāf
Daftar surah Nomor Halaman
 
Terjemahan makna Alquran Alkarim - Terjemahan Berbahasa Philipina (Tagalog) - Pusat Terjemah Ruwwād - Daftar isi terjemahan

Terjemahannya oleh Tim Markaz Ruwwād Terjemah bekerjasama dengan Perkumpulan Dakwah di Rabwah dan Perkumpulan Pelayanan Konten Islami dalam Bahasa.

Tutup