Traduzione dei Significati del Sacro Corano - Traduzione filippina (tagalog) dell'Abbreviata Esegesi del Nobile Corano * - Indice Traduzioni


Traduzione dei significati Versetto: (18) Sura: Al-Kahf
وَتَحۡسَبُهُمۡ أَيۡقَاظٗا وَهُمۡ رُقُودٞۚ وَنُقَلِّبُهُمۡ ذَاتَ ٱلۡيَمِينِ وَذَاتَ ٱلشِّمَالِۖ وَكَلۡبُهُم بَٰسِطٞ ذِرَاعَيۡهِ بِٱلۡوَصِيدِۚ لَوِ ٱطَّلَعۡتَ عَلَيۡهِمۡ لَوَلَّيۡتَ مِنۡهُمۡ فِرَارٗا وَلَمُلِئۡتَ مِنۡهُمۡ رُعۡبٗا
Magpapalagay ka, O nakatingin sa kanila, na sila ay mga gising dahil sa pagkabukas ng mga mata nila gayong ang totoo ay na sila ay mga natutulog. Nagpapabaling Kami sa kanila sa pagtulog nila: minsan sa kanan at minsan sa kaliwa, upang hindi kainin ng lupa ang mga katawan nila, habang ang aso nilang sumasama sa kanila ay nakalatag ang dalawang unahang biyas nito sa pasukan ng yungib. Kung sakaling tumingin ka sa kanila at nakapanood ka sa kanila ay talaga sanang tumalikod ka palayo sa kanila habang tumatakas dala ng pangamba dahil sa kanila at talaga sanang napuno ang sarili mo ng hilakbot dahil sa kanila.
Esegesi in lingua araba:
Alcuni insegnamenti da trarre da questi versi sono:
• من حكمة الله وقدرته أن قَلَّبهم على جنوبهم يمينًا وشمالًا بقدر ما لا تفسد الأرض أجسامهم، وهذا تعليم من الله لعباده.
Bahagi ng karunungan ni Allāh at kakayahan Niya na nagpabaling Siya sa mga tagiliran nila sa kanan at sa kaliwa sa puntong hindi masisira ng lupa ang mga katawan nila. Ito ay isang pagtuturo mula kay Allāh sa mga lingkod Niya.

• جواز اتخاذ الكلاب للحاجة والصيد والحراسة.
Ang pagpayag sa pag-aalaga ng mga aso para sa pangangailangan, pangangaso, at pagtatanod.

• انتفاع الإنسان بصحبة الأخيار ومخالطة الصالحين حتى لو كان أقل منهم منزلة، فقد حفظ ذكر الكلب لأنه صاحَبَ أهل الفضل.
Ang pakikinabang ng tao sa pakikisama sa mga mabuti at pakikihalubilo sa mga maayos kahit pa man higit na mababa kaysa sa kanila sa antas sapagkat naingatan ang pagbanggit sa aso dahil ito ay nakasama ng mga taong may kalamangan.

• دلت الآيات على مشروعية الوكالة، وعلى حسن السياسة والتلطف في التعامل مع الناس.
Nagpatunay ang mga talata ng Qur'ān sa pagkaisinasabatas ng pagkatawan (paghalili) at sa kagandahan ng pamamalakad at pagpapakaingat-ingat sa pakikitungo sa mga tao.

 
Traduzione dei significati Versetto: (18) Sura: Al-Kahf
Indice delle Sure Numero di pagina
 
Traduzione dei Significati del Sacro Corano - Traduzione filippina (tagalog) dell'Abbreviata Esegesi del Nobile Corano - Indice Traduzioni

Traduzione filippina (tagalog) dell'Abbrevviata Esegesi del Corano, edita da Tafseer Center for Quranic Studies.

Chiudi