Check out the new design

Traduzione dei Significati del Sacro Corano - Traduzione filippina (tagalog) dell'Abbreviata Esegesi del Nobile Corano * - Indice Traduzioni


Traduzione dei significati Sura: Tâ-Hâ   Versetto:
قَالُواْ يَٰمُوسَىٰٓ إِمَّآ أَن تُلۡقِيَ وَإِمَّآ أَن نَّكُونَ أَوَّلَ مَنۡ أَلۡقَىٰ
Nagsabi ang mga manggagaway kay Moises – sumakanya ang pangangalaga: "O Moises, mamili ka sa dalawang bagay: na ikaw ang magsisimula sa pagpukol ng taglay mong panggagaway o kami ang mga magsisimula niyon."
Esegesi in lingua araba:
قَالَ بَلۡ أَلۡقُواْۖ فَإِذَا حِبَالُهُمۡ وَعِصِيُّهُمۡ يُخَيَّلُ إِلَيۡهِ مِن سِحۡرِهِمۡ أَنَّهَا تَسۡعَىٰ
Nagsabi si Moises – sumakanya ang pangangalaga: "Bagkus magtapon kayo muna ng taglay ninyo." Kaya nagtapon sila ng taglay nila kaya biglang ang mga lubid nila at ang mga tungkod nila na itinapon nila ay ginuniguni kay Moises, dahil sa panggagaway nila, na ang mga ito ay mga ulupong na kumikilos nang may kabilisan.
Esegesi in lingua araba:
فَأَوۡجَسَ فِي نَفۡسِهِۦ خِيفَةٗ مُّوسَىٰ
Kaya nagkimikim si Moises sa sarili niya ng pangamba sa niyari nila.
Esegesi in lingua araba:
قُلۡنَا لَا تَخَفۡ إِنَّكَ أَنتَ ٱلۡأَعۡلَىٰ
Nagsabi si Allāh kay Moises – sumakanya ang pangangalaga – habang nagpapanatag sa kanya: "Huwag kang mangamba sa ginuniguni sa iyo, O Moises; ikaw at ang mangingibabaw sa kanila sa pananaig at pagwawagi."
Esegesi in lingua araba:
وَأَلۡقِ مَا فِي يَمِينِكَ تَلۡقَفۡ مَا صَنَعُوٓاْۖ إِنَّمَا صَنَعُواْ كَيۡدُ سَٰحِرٖۖ وَلَا يُفۡلِحُ ٱلسَّاحِرُ حَيۡثُ أَتَىٰ
Magtapon ka ng tungkod mo na nasa kamay mong kanan, mag-aanyong isang ahas ito na lululon sa niyari nila mula sa panggagaway sapagkat wala silang niyari kundi isang pakanang pampanggagaway. Hindi nagtatamo ang manggagaway ng isang hinihiling saanman siya naroon.
Esegesi in lingua araba:
فَأُلۡقِيَ ٱلسَّحَرَةُ سُجَّدٗا قَالُوٓاْ ءَامَنَّا بِرَبِّ هَٰرُونَ وَمُوسَىٰ
Kaya nagtapon si Moises ng tungkod niya saka nag-anyong isang ahas ito at nilulon nito ang niyari ng mga manggagaway. Kaya nagpatirapa ang mga manggagaway noong nalaman nilang ang taglay ni Moises ay hindi panggagaway. Ito lamang ay mula sa ganang kay Allāh. Nagsabi sila: "Sumampalataya kami sa Panginoon nina Moises at Aaron, ang Panginoon ng lahat ng mga nilikha."
Esegesi in lingua araba:
قَالَ ءَامَنتُمۡ لَهُۥ قَبۡلَ أَنۡ ءَاذَنَ لَكُمۡۖ إِنَّهُۥ لَكَبِيرُكُمُ ٱلَّذِي عَلَّمَكُمُ ٱلسِّحۡرَۖ فَلَأُقَطِّعَنَّ أَيۡدِيَكُمۡ وَأَرۡجُلَكُم مِّنۡ خِلَٰفٖ وَلَأُصَلِّبَنَّكُمۡ فِي جُذُوعِ ٱلنَّخۡلِ وَلَتَعۡلَمُنَّ أَيُّنَآ أَشَدُّ عَذَابٗا وَأَبۡقَىٰ
Nagsabi si Paraon habang nagmamasama sa mga manggagaway sa pagsampalataya nila at habang nagbabanta: "Sumampalataya ba kayo kay Moises bago ako magpahintulot sa inyo niyon? Tunay na si Moises ay talagang ang pangulo ninyo, O mga manggagaway, na nagturo sa inyo ng panggagaway. Kaya talagang magpuputul-putol nga ako mula sa bawat isa sa inyo ng paa at kamay nang magkabilaan sa pagitan ng dalawang dako ng dalawang ito. Talagang magbibitin nga ako sa mga katawan ninyo sa mga puno ng datiles hanggang sa mamatay kayo at kayo ay maging aral sa iba pa sa inyo. Talagang makaaalam nga kayo sa sandaling iyon kung alin sa atin ang higit na malakas sa [pagdudulot ng] pagdurusa at higit na namamalagi: ako o ang Panginoon ni Moises?"
Esegesi in lingua araba:
قَالُواْ لَن نُّؤۡثِرَكَ عَلَىٰ مَا جَآءَنَا مِنَ ٱلۡبَيِّنَٰتِ وَٱلَّذِي فَطَرَنَاۖ فَٱقۡضِ مَآ أَنتَ قَاضٍۖ إِنَّمَا تَقۡضِي هَٰذِهِ ٱلۡحَيَوٰةَ ٱلدُّنۡيَآ
Nagsabi ang mga manggagaway kay Paraon: "Hindi kami magmamagaling sa pagsunod sa iyo, O Paraon, higit sa pagsunod sa dumating sa amin na mga tandang maliwanag at hindi kami magmamagaling sa iyo higit kay Allāh na lumikha sa amin. Kaya gawin mo ang anumang gagawin mo sa amin. Wala kang kapamahalaan sa amin maliban sa buhay na nagmamaliw na ito. Maglalaho ang kapamahalaan mo.
Esegesi in lingua araba:
إِنَّآ ءَامَنَّا بِرَبِّنَا لِيَغۡفِرَ لَنَا خَطَٰيَٰنَا وَمَآ أَكۡرَهۡتَنَا عَلَيۡهِ مِنَ ٱلسِّحۡرِۗ وَٱللَّهُ خَيۡرٞ وَأَبۡقَىٰٓ
Tunay na kami ay sumampalataya sa Panginoon namin sa pag-asang magpawi Siya sa amin ng mga pagsuway naming nagdaan gaya ng kawalang-pananampalataya at iba pa rito at magpawi Siya sa amin ng pagkakasala ng panggagaway na nagpumilit ka sa amin sa pagkatuto nito, pagsasagawa nito, at pagtatangkang manaig kay Moises dito. Si Allāh ay higit na mabuti sa pagganti kaysa sa ipinangako mo sa amin at higit na namamalagi sa [pagdudulot ng] pagdurusa kaysa sa ibinanta mo sa amin na pagdurusa."
Esegesi in lingua araba:
إِنَّهُۥ مَن يَأۡتِ رَبَّهُۥ مُجۡرِمٗا فَإِنَّ لَهُۥ جَهَنَّمَ لَا يَمُوتُ فِيهَا وَلَا يَحۡيَىٰ
Tunay na ang lagay at ang resulta ay na ang sinumang pumunta sa Panginoon niya sa Araw ng Pagbangon bilang tagatangging sumampalataya sa Kanya, ukol dito ay ang Apoy ng Impiyerno, na papasukin nito bilang mamamalagi roon magpakailanman. Hindi ito mamamatay roon para makapagpahinga mula sa pagdurusa roon at hindi ito mabubuhay sa isang buhay na kaaya-aya.
Esegesi in lingua araba:
وَمَن يَأۡتِهِۦ مُؤۡمِنٗا قَدۡ عَمِلَ ٱلصَّٰلِحَٰتِ فَأُوْلَٰٓئِكَ لَهُمُ ٱلدَّرَجَٰتُ ٱلۡعُلَىٰ
Ang sinumang pumunta sa Panginoon nito sa Araw ng Pagbangon bilang mananampalataya sa Kanya ay gumawa nga ng mga gawang maayos. Kaya ang mga nailalarawang iyon sa mga dakilang katangiang iyon ay ukol sa kanila ang mga tahanang angat at ang mga antas na mataas:
Esegesi in lingua araba:
جَنَّٰتُ عَدۡنٖ تَجۡرِي مِن تَحۡتِهَا ٱلۡأَنۡهَٰرُ خَٰلِدِينَ فِيهَاۚ وَذَٰلِكَ جَزَآءُ مَن تَزَكَّىٰ
Ang mga antas na iyon ay ang mga hardin ng pagpapanatili na dumadaloy ang mga ilog mula sa ilalim ng mga palasyo ng mga ito bilang mga namamalagi sa mga ito magpakailanman. Ang nabanggit na ganting iyon ay ang ganti sa bawat nagpakalinis mula sa kawalang-pananampalataya at mga pagsuway.
Esegesi in lingua araba:
Alcuni insegnamenti da trarre da questi versi sono:
• لا يفوز ولا ينجو الساحر حيث أتى من الأرض أو حيث احتال، ولا يحصل مقصوده بالسحر خيرًا كان أو شرًّا.
Hindi nagtatagumpay at hindi naliligtas ang manggagaway saanman siya pumunta sa lupa o saanman siya nanggulang. Hindi siya nagtatamo ng pinapakay niya sa pamamagitan ng panggagaway, mabuti man o masama.

• الإيمان يصنع المعجزات؛ فقد كان إيمان السحرة أرسخ من الجبال، فهان عليهم عذاب الدنيا، ولم يبالوا بتهديد فرعون.
Ang pananampalataya ay gumagawa ng mga himala sapagkat ang pananampalataya ng mga manggagaway ay naging higit na matatag nga kaysa sa mga bundok kaya gumaan sa kanila ang pagdurusa sa Mundo at hindi sila umalintana sa pagbabanta ni Paraon.

• دأب الطغاة التهديد بالعذاب الشديد لأهل الحق والإمعان في ذلك للإذلال والإهانة.
Ang nakaugalian ng mga mapagmalabis ay ang pagbabanta ng matinding pagdurusa sa mga alagad ng katotohanan at ang pagsisikhay doon para mang-aba at manghamak.

 
Traduzione dei significati Sura: Tâ-Hâ
Indice delle Sure Numero di pagina
 
Traduzione dei Significati del Sacro Corano - Traduzione filippina (tagalog) dell'Abbreviata Esegesi del Nobile Corano - Indice Traduzioni

Emesso dal Tafseer Center per gli Studi Coranici.

Chiudi