Check out the new design

Traduzione dei Significati del Sacro Corano - Traduzione filippina (tagalog) dell'Abbreviata Esegesi del Nobile Corano * - Indice Traduzioni


Traduzione dei significati Sura: Ghâfir   Versetto:
إِنَّ ٱلسَّاعَةَ لَأٓتِيَةٞ لَّا رَيۡبَ فِيهَا وَلَٰكِنَّ أَكۡثَرَ ٱلنَّاسِ لَا يُؤۡمِنُونَ
Tunay na ang Huling Sandali na bubuhay na muli si Allāh sa mga patay para sa pagtutuos at pagganti ay talagang darating nang walang pasubali, na walang pagdududa hinggil dito, subalit ang karamihan sa mga tao ay hindi sumasampalataya sa pagdating nito, at dahil doon ay hindi sila naghahanda para rito.
Esegesi in lingua araba:
وَقَالَ رَبُّكُمُ ٱدۡعُونِيٓ أَسۡتَجِبۡ لَكُمۡۚ إِنَّ ٱلَّذِينَ يَسۡتَكۡبِرُونَ عَنۡ عِبَادَتِي سَيَدۡخُلُونَ جَهَنَّمَ دَاخِرِينَ
Nagsabi ang Panginoon ninyo, O mga tao: "Pakaisahin ninyo Ako sa pagsamba at paghiling, sasagot Ako sa inyo sa panalangin ninyo, magpapaumanhin Ako sa inyo, at maaawa Ako sa inyo." Tunay na ang mga nagpapakadakila sa [pag-ayaw sa] pagbubukod-tangi sa Akin sa pagsamba ay papasok sa Araw ng Pagbangon sa Impiyerno na mga nanliliit na mga hamak.
Esegesi in lingua araba:
ٱللَّهُ ٱلَّذِي جَعَلَ لَكُمُ ٱلَّيۡلَ لِتَسۡكُنُواْ فِيهِ وَٱلنَّهَارَ مُبۡصِرًاۚ إِنَّ ٱللَّهَ لَذُو فَضۡلٍ عَلَى ٱلنَّاسِ وَلَٰكِنَّ أَكۡثَرَ ٱلنَّاسِ لَا يَشۡكُرُونَ
Si Allāh ay ang gumawa para sa inyo ng gabi bilang tagapagpadilim upang tumahan kayo roon at makapagpahinga kayo, at gumawa ng maghapon bilang tagapagtanglaw na tagapagbigay-liwanag upang magtrabaho kayo roon. Tunay na si Allāh ay talagang may dakilang kabutihang-loob sa mga tao nang nagpanagana Siya sa kanila mula nakahayag sa mga biyaya Niya at nakakubli sa mga ito, subalit ang karamihan sa mga tao ay hindi nagpapasalamat sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya – sa ibiniyaya Niya sa kanila mula sa mga ito.
Esegesi in lingua araba:
ذَٰلِكُمُ ٱللَّهُ رَبُّكُمۡ خَٰلِقُ كُلِّ شَيۡءٖ لَّآ إِلَٰهَ إِلَّا هُوَۖ فَأَنَّىٰ تُؤۡفَكُونَ
Gayon si Allāh na nagmabuting-loob sa inyo sa pamamagitan ng mga biyaya Niya. Siya ay ang Tagalikha ng bawat bagay sapagkat walang tagalikha na iba pa sa Kanya at walang sinasamba ayon sa karapatan kundi Siya. Kaya papaanong nababaling kayo palayo sa pagsamba sa Kanya patungo sa pagsamba sa iba pa sa Kanya kabilang sa hindi nakapagdudulot ng pakinabang ni pinsala?
Esegesi in lingua araba:
كَذَٰلِكَ يُؤۡفَكُ ٱلَّذِينَ كَانُواْ بِـَٔايَٰتِ ٱللَّهِ يَجۡحَدُونَ
Kung paanong bumaling ang mga ito palayo sa pananampalataya kay Allāh at pagsamba sa Kanya lamang, bumabaling naman palayo ang sinumang nagkakaila sa mga tanda ni Allāh, na nagpapatunay sa paniniwala sa kaisahan Niya sa bawat panahon at pook, kaya hindi ito napapatnubayan sa katotohanan ni naitutuon sa pagkagabay.
Esegesi in lingua araba:
ٱللَّهُ ٱلَّذِي جَعَلَ لَكُمُ ٱلۡأَرۡضَ قَرَارٗا وَٱلسَّمَآءَ بِنَآءٗ وَصَوَّرَكُمۡ فَأَحۡسَنَ صُوَرَكُمۡ وَرَزَقَكُم مِّنَ ٱلطَّيِّبَٰتِۚ ذَٰلِكُمُ ٱللَّهُ رَبُّكُمۡۖ فَتَبَارَكَ ٱللَّهُ رَبُّ ٱلۡعَٰلَمِينَ
Si Allāh ay ang gumawa para sa inyo, O mga tao, ng lupa bilang kontinenteng inilaan para sa pamamalagi ninyo rito, gumawa ng langit na matibay ang pagkakagawa sa ibabaw ninyo na pinipigilan sa pagbagsak, nagbigay-anyo sa inyo sa mga sinapupunan ng mga ina ninyo saka nagpaganda sa mga anyo ninyo, at nagtustos sa inyo mula sa ipinahihintulot sa mga pagkain at mga itinuturing na kaaya-aya sa mga ito. Gayon ang nagbiyaya sa inyo ng mga biyayang ito, si Allāh, ang Panginoon ninyo. Kaya mapagpala si Allāh, ang Panginoon ng mga nilikha sa kabuuan ng mga ito sapagkat walang panginoon para sa mga ito na iba pa sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya.
Esegesi in lingua araba:
هُوَ ٱلۡحَيُّ لَآ إِلَٰهَ إِلَّا هُوَ فَٱدۡعُوهُ مُخۡلِصِينَ لَهُ ٱلدِّينَۗ ٱلۡحَمۡدُ لِلَّهِ رَبِّ ٱلۡعَٰلَمِينَ
Siya ay ang Buhay na hindi namamatay; walang sinasamba ayon sa karapatan na iba pa sa Kanya. Kaya dumalangin kayo sa Kanya ng panalangin ng pagsamba at paghiling habang mga naglalayon [ng kaluguran] ng mukha Niya lamang, at huwag kayong magtambal kasama sa Kanya ng iba pa sa Kanya kabilang sa mga nilikha Niya. Ang papuri ay ukol kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilikha.
Esegesi in lingua araba:
۞ قُلۡ إِنِّي نُهِيتُ أَنۡ أَعۡبُدَ ٱلَّذِينَ تَدۡعُونَ مِن دُونِ ٱللَّهِ لَمَّا جَآءَنِيَ ٱلۡبَيِّنَٰتُ مِن رَّبِّي وَأُمِرۡتُ أَنۡ أُسۡلِمَ لِرَبِّ ٱلۡعَٰلَمِينَ
Sabihin mo, O Sugo: "Tunay na ako ay sinaway ni Allāh na sumamba sa mga sinasamba ninyo bukod pa kay Allāh, kabilang sa mga anitong ito na hindi nakapagpapakinabang at hindi nakapipinsala, nang dumating sa akin ang mga patotoo at ang mga patunay na maliwanag sa kabulaanan ng pagsamba sa mga ito, at inutusan ni Allāh na magpaakay sa Kanya lamang sa pamamagitan ng pagsamba sapagkat Siya ay ang Panginoon ng mga nilikha sa kabuuan ng mga ito: walang Panginoon para sa mga ito na iba pa sa Kanya."
Esegesi in lingua araba:
Alcuni insegnamenti da trarre da questi versi sono:
• دخول الدعاء في مفهوم العبادة التي لا تصرف إلا إلى الله؛ لأن الدعاء هو عين العبادة.
Ang pagkakapaloob ng panalangin sa pagkaunawa ng pagsamba na hindi ibinabaling maliban kay Allāh dahil ang panalangin ay ang pinakadiwa ng pagsamba.

• نعم الله تقتضي من العباد الشكر.
Ang mga biyaya ni Allāh ay humihiling sa mga tao ng pasasalamat.

• ثبوت صفة الحياة لله.
Ang pagpapatibay sa katangian ng buhay para kay Allāh.

• أهمية الإخلاص في العمل.
Ang kahalagahan ng pagpapakawagas sa gawain.

 
Traduzione dei significati Sura: Ghâfir
Indice delle Sure Numero di pagina
 
Traduzione dei Significati del Sacro Corano - Traduzione filippina (tagalog) dell'Abbreviata Esegesi del Nobile Corano - Indice Traduzioni

Emesso dal Tafseer Center per gli Studi Coranici.

Chiudi