Check out the new design

Traduzione dei Significati del Sacro Corano - Traduzione filippina (tagalog) dell'Abbreviata Esegesi del Nobile Corano * - Indice Traduzioni


Traduzione dei significati Versetto: (49) Sura: Ash-shûrâ
لِّلَّهِ مُلۡكُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۚ يَخۡلُقُ مَا يَشَآءُۚ يَهَبُ لِمَن يَشَآءُ إِنَٰثٗا وَيَهَبُ لِمَن يَشَآءُ ٱلذُّكُورَ
49-50. Sa kay Allāh ang paghahari sa mga langit at ang paghahari sa lupa. Lumilikha Siya ng niloloob Niya na lalaki o babae o iba pa roon. Nagbibigay Siya sa sinumang niloloob Niya ng mga [anak na] babae at nagkakait Siya rito ng mga [anak na] lalaki. Nagbibigay Siya sa sinumang niloloob Niya ng mga [anak na] lalaki at nagkakait Siya rito ng mga [anak na] babae. O gumagawa Siya para sa sinumang niloloob Niya ng mga lalaki at mga babae nang magkasama. Gumagawa Siya sa sinumang niloloob Niya bilang baog na hindi nagkakaanak. Tunay na Siya ay Maalam sa anumang nangyayari at anumang mangyayari sa hinaharap. Ito ay bahagi ng kalubusan ng kaalaman Niya at pagkaganap ng karunungan Niya: walang nakakukubli sa Kanya na anuman at walang nakapagpapawalang-kakayahan sa Kanya na anuman.
Esegesi in lingua araba:
Alcuni insegnamenti da trarre da questi versi sono:
• وجوب المسارعة إلى امتثال أوامر الله واجتناب نواهيه.
Ang pagkatungkulin ng pagdadali-dali sa pagsunod sa mga ipinag-uutos ni Allāh at pag-iwas sa mga sinasaway Niya.

• مهمة الرسول البلاغ، والنتائج بيد الله.
Ang katungkulan ng Sugo ay ang pagpapaabot at ang mga resulta ay nasa kamay ni Allāh.

• هبة الذكور أو الإناث أو جمعهما معًا هو على مقتضى علم الله بما يصلح لعباده، ليس فيها مزية للذكور دون الإناث.
Ang pagkakaloob ng mga [anak na] lalaki o mga [anak na] babae o ang pagsasama sa mga ito ay ayon sa hinihiling ng kaalaman ni Allāh ayon sa naaangkop para sa mga lingkod Niya. Wala roong pagtatangi para sa mga lalaki higit sa mga babae.

• يوحي الله تعالى إلى أنبيائه بطرق شتى؛ لِحِكَمٍ يعلمها سبحانه.
Nagkakasi si Allāh – pagkataas-taas Siya – sa mga propeta Niya sa pamamagitan ng sarisaring pamamaraan dahil sa mga kasanhiang nalalaman Niya – kaluwalhatian sa Kanya.

 
Traduzione dei significati Versetto: (49) Sura: Ash-shûrâ
Indice delle Sure Numero di pagina
 
Traduzione dei Significati del Sacro Corano - Traduzione filippina (tagalog) dell'Abbreviata Esegesi del Nobile Corano - Indice Traduzioni

Emesso dal Tafseer Center per gli Studi Coranici.

Chiudi