Check out the new design

Traduzione dei Significati del Sacro Corano - Traduzione filippina (tagalog) dell'Abbreviata Esegesi del Nobile Corano * - Indice Traduzioni


Traduzione dei significati Sura: Al-Mâ’idah   Versetto:
إِنَّمَا يُرِيدُ ٱلشَّيۡطَٰنُ أَن يُوقِعَ بَيۡنَكُمُ ٱلۡعَدَٰوَةَ وَٱلۡبَغۡضَآءَ فِي ٱلۡخَمۡرِ وَٱلۡمَيۡسِرِ وَيَصُدَّكُمۡ عَن ذِكۡرِ ٱللَّهِ وَعَنِ ٱلصَّلَوٰةِۖ فَهَلۡ أَنتُم مُّنتَهُونَ
Naglalayon lamang ang demonyo sa paghahalina sa nakalalasing at sugal ng pagsasadlak ng poot at suklam sa pagitan ng mga puso at ng pagpapabaling palayo sa pag-alaala kay Allāh at sa pagdarasal, kaya kayo ba, O mga mananampalataya, ay mga mag-iiwan sa mga nakasasamang ito? Walang duda na iyon ay ang nababagay sa inyo kaya tumigil kayo.
Esegesi in lingua araba:
وَأَطِيعُواْ ٱللَّهَ وَأَطِيعُواْ ٱلرَّسُولَ وَٱحۡذَرُواْۚ فَإِن تَوَلَّيۡتُمۡ فَٱعۡلَمُوٓاْ أَنَّمَا عَلَىٰ رَسُولِنَا ٱلۡبَلَٰغُ ٱلۡمُبِينُ
Tumalima kayo kay Allāh at tumalima kayo sa Sugo sa pamamagitan ng pagsunod sa ipinag-utos ng Batas ng Islām at pag-iwas sa sinaway nito at mag-ingat kayo laban sa pagsalungat. Ngunit kung umayaw kayo roon ay alamin ninyo na tanging tungkulin ng Sugo ni Allāh ay ang pagpapaabot ng ipinag-utos Niya na ipaabot, at naipaabot nga naman nito. Kayo kung napatnubayan kayo, ito ay para sa mga sarili ninyo; at kung nakagawa kayo ng masagwa, ito ay laban naman sa mga sarili.
Esegesi in lingua araba:
لَيۡسَ عَلَى ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّٰلِحَٰتِ جُنَاحٞ فِيمَا طَعِمُوٓاْ إِذَا مَا ٱتَّقَواْ وَّءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّٰلِحَٰتِ ثُمَّ ٱتَّقَواْ وَّءَامَنُواْ ثُمَّ ٱتَّقَواْ وَّأَحۡسَنُواْۚ وَٱللَّهُ يُحِبُّ ٱلۡمُحۡسِنِينَ
Walang kasalanan sa mga sumampalataya at gumawa ng mga gawang maayos bilang pagpapakalapit-loob [kay Allāh] kaugnay sa anumang ininom nila na alak bago ng pagbabawal nito, kapag umiwas sila sa mga ipinagbabawal habang mga nangingilag sa pagkainis ni Allāh sa kanila, habang mga mananampalataya sa Kanya, habang mga nagsasagawa ng mga gawang maayos. Pagkatapos nadagdagan sila ng pagsasaalang-alang kay Allāh hanggang sa sila ay naging sumasamba sa Kanya na para bang sila ay nakakikita sa Kanya. Si Allāh ay umiibig sa mga sumasamba sa Kanya na para bang sila ay nakakikita sa Kanya dahil sa taglay nilang pagkadama ng namamalaging pagsasaalang-alang kay Allāh. Iyon ay ang nag-aakay sa mananampalataya tungo sa pagpapaganda sa gawa niya at pagpapahusay nito.
Esegesi in lingua araba:
يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ لَيَبۡلُوَنَّكُمُ ٱللَّهُ بِشَيۡءٖ مِّنَ ٱلصَّيۡدِ تَنَالُهُۥٓ أَيۡدِيكُمۡ وَرِمَاحُكُمۡ لِيَعۡلَمَ ٱللَّهُ مَن يَخَافُهُۥ بِٱلۡغَيۡبِۚ فَمَنِ ٱعۡتَدَىٰ بَعۡدَ ذَٰلِكَ فَلَهُۥ عَذَابٌ أَلِيمٞ
O mga sumampalataya, talagang susubok nga sa inyo si Allāh ng isang bagay na mag-aakay Siya nito sa inyo gaya ng pinangangasong hayop na ligaw habang kayo ay mga nasa iḥrām, na nakakukuha kayo sa mga maliit ng mga ito sa pamamagitan ng mga kamay ninyo at ng mga malaki sa pamamagitan ng mga sibat ninyo. [Ito ay] upang maghayag si Allāh ayon sa kaalaman ng paghahayag. Magtutuos Siya dahil doon sa mga tao kung sino ang nangangamba sa Kanya nang lingid dahil sa kalubusan ng pananampalataya nito sa kaalaman ni Allāh, kaya naman magpipigil ito sa panghuhuli sa pinangangasong hayop dala ng pangamba sa Tagapaglikha nito na hindi nakakukubli sa Kanya ang gawa nito. Kaya ang sinumang lumampas sa hangganan at nangaso habang siya ay nasa iḥrām ng ḥajj o `umrah, ukol sa kanya ay isang parusang nakasasakit sa Araw ng Pagbangon dahil sa pagkagawa niya sa sinaway ni Allāh.
Esegesi in lingua araba:
يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ لَا تَقۡتُلُواْ ٱلصَّيۡدَ وَأَنتُمۡ حُرُمٞۚ وَمَن قَتَلَهُۥ مِنكُم مُّتَعَمِّدٗا فَجَزَآءٞ مِّثۡلُ مَا قَتَلَ مِنَ ٱلنَّعَمِ يَحۡكُمُ بِهِۦ ذَوَا عَدۡلٖ مِّنكُمۡ هَدۡيَۢا بَٰلِغَ ٱلۡكَعۡبَةِ أَوۡ كَفَّٰرَةٞ طَعَامُ مَسَٰكِينَ أَوۡ عَدۡلُ ذَٰلِكَ صِيَامٗا لِّيَذُوقَ وَبَالَ أَمۡرِهِۦۗ عَفَا ٱللَّهُ عَمَّا سَلَفَۚ وَمَنۡ عَادَ فَيَنتَقِمُ ٱللَّهُ مِنۡهُۚ وَٱللَّهُ عَزِيزٞ ذُو ٱنتِقَامٍ
O mga sumampalataya, huwag kayong pumatay ng pinangangasong hayop na ligaw habang kayo ay mga nasa iḥrām ng ḥajj o `umrah. Ang sinumang pumatay nito kabilang sa inyo nang sinasadya, kailangan sa kanya ay ganting nakatutulad ng pinatay niya mula sa pinangangasong hayop gaya ng kamelyo o baka o tupa. Ihahatol ito ng dalawang lalaking nagtataglay ng katangian ng pagkamakatarungan sa mga Muslim. Ang anumang inihatol nilang dalawa ay gagawin rito ang ginagawa sa handog gaya ng pagpapadala sa Makkah at pagkakatay nito sa Ḥaram, o sa halaga niyon na pagkaing ibinibigay sa mga maralita ng Ḥaram: para sa bawat maralita ay kalahating Sā', o sa pag-aayuno ng isang araw katumbas ng bawat kalahating ṣā' ng pagkain. Ang lahat ng iyon ay upang makalasap ang pumatay ng pinangangasong hayop sa kinahihinatnan ng paglalakas-loob niya sa pagpatay niyon. Nagpalampas si Allāh sa anumang nakalipas na pagpatay sa pinangangasong hayop ng Ḥaram at pagpatay ng taong nasa iḥrām sa pinangangasong hayop ng ilang bago ng pagbabawal nito. Ang sinumang nanumbalik doon matapos ng pagbabawal ay maghihiganti si Allāh sa kanya sa pamamagitan ng pagpaparusa sa kanya dahil doon. Si Allāh ay Malakas, Matatag. Bahagi ng lakas Niya na Siya ay naghihiganti sa sinumang sumuway sa Kanya kung niloob Niya. Hindi Siya napipigil doon ng isang tagapigil.
Esegesi in lingua araba:
Alcuni insegnamenti da trarre da questi versi sono:
• عدم مؤاخذة الشخص بما لم يُحَرَّم أو لم يبلغه تحريمه.
Ang kawalan ng paninisi sa tao dahil sa anumang hindi ipinagbawal o hindi umabot sa kanya ang pagbabawal niyon.

• تحريم الصيد على المحرم بالحج أو العمرة، وبيان كفارة قتله.
Ang pagbabawal sa pangangaso ng ligaw na hayop sa taong nasa iḥrām ng ḥajj o `umrah at ang paglilinaw sa panakip-sala sa pagpatay nito.

• من حكمة الله عز وجل في التحريم: ابتلاء عباده، وتمحيصهم، وفي الكفارة: الردع والزجر.
Bahagi ng kasanhian ni Allāh – kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan Siya – sa pagbabawal ay ang pagsubok sa mga lingkod Niya at ang pagsusulit sa kanila. Sa panakip-sala naman ay may pagpapaudlot at pagpigil.

 
Traduzione dei significati Sura: Al-Mâ’idah
Indice delle Sure Numero di pagina
 
Traduzione dei Significati del Sacro Corano - Traduzione filippina (tagalog) dell'Abbreviata Esegesi del Nobile Corano - Indice Traduzioni

Emesso dal Tafseer Center per gli Studi Coranici.

Chiudi