Traduzione dei Significati del Sacro Corano - Traduzione filippina (tagalog) dell'Abbreviata Esegesi del Nobile Corano * - Indice Traduzioni


Traduzione dei significati Versetto: (19) Sura: Al-Mâ’idah
يَٰٓأَهۡلَ ٱلۡكِتَٰبِ قَدۡ جَآءَكُمۡ رَسُولُنَا يُبَيِّنُ لَكُمۡ عَلَىٰ فَتۡرَةٖ مِّنَ ٱلرُّسُلِ أَن تَقُولُواْ مَا جَآءَنَا مِنۢ بَشِيرٖ وَلَا نَذِيرٖۖ فَقَدۡ جَآءَكُم بَشِيرٞ وَنَذِيرٞۗ وَٱللَّهُ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ قَدِيرٞ
O mga May Kasulatan kabilang sa mga Hudyo at mga Kristiyano, dumating nga sa inyo ang Sugo Niyang si Muḥammad – ang basbas at ang pagbati ng kapayapaan ay sumakanya – matapos ng pagkaputol [ng pagdating] ng mga sugo at dala ng tindi ng pangangailangan sa pagsugo sa kanya upang hindi kayo magsabi bilang mga nagdadahilan: "Walang dumating sa amin na anumang sugong nagbabalita ng nakagagalak sa amin hinggil sa gantimpala ni Allāh ni nagbababala sa amin ng parusa Niya," sapagkat dumating nga sa inyo si Muḥammad – ang basbas at ang pagbati ng kapayapaan ay sumakanya – bilang tagapagbalita ng nakagagalak hinggil sa gantimpala Niya at bilang tagapagbabala ng parusa Niya. Si Allāh, sa bawat bagay, ay May-kakayahan: hindi Siya napanghihina ng anuman. Bahagi ng kakayahan Niya ang pagsusugo ng mga sugo, na ang pangwakas nila ay si Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan.
Esegesi in lingua araba:
Alcuni insegnamenti da trarre da questi versi sono:
• تعذيب الله تعالى لكفرة بني إسرائيل بالمسخ وغيره يوجب إبطال دعواهم في كونهم أبناء الله وأحباءه.
Ang pagpaparusa ni Allāh – pagkataas-taas Siya – sa mga tagatangging sumampalataya sa mga anak ni Israel sa pamamagitan ng pagbabagong-anyo at iba pa, na nag-oobliga ng pagpapabula sa pag-aangkin nila ng kanilang pagiging mga anak at mga iniibig ni Allāh daw.

• التوكل على الله تعالى والثقة به سبب لاستنزال النصر.
Ang pananalig kay Allāh – pagkataas-taas Siya – at ang pagtitiwala sa Kanya ay isang dahilan para sa pagpapababa ng pag-aadya.

• جاءت الآيات لتحذر من الأخلاق الرديئة التي كانت عند بني إسرائيل.
Nasaad ang mga talata upang magbabala laban sa mga kaasalang masama na noon ay taglay ng mga anak ni Israel.

• الخوف من الله سبب لنزول النعم على العبد، ومن أعظمها نعمة طاعته سبحانه.
Ang pangamba kay Allāh ay isang dahilan sa pagbaba ng mga biyaya sa tao at kabilang sa pinakasukdulan sa mga ito ay ang biyaya ng pagtalima sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya.

 
Traduzione dei significati Versetto: (19) Sura: Al-Mâ’idah
Indice delle Sure Numero di pagina
 
Traduzione dei Significati del Sacro Corano - Traduzione filippina (tagalog) dell'Abbreviata Esegesi del Nobile Corano - Indice Traduzioni

Traduzione filippina (tagalog) dell'Abbrevviata Esegesi del Corano, edita da Tafseer Center for Quranic Studies.

Chiudi