Check out the new design

Traduzione dei Significati del Sacro Corano - Traduzione filippina (tagalog) dell'Abbreviata Esegesi del Nobile Corano * - Indice Traduzioni


Traduzione dei significati Sura: Qâf   Versetto:
وَكَمۡ أَهۡلَكۡنَا قَبۡلَهُم مِّن قَرۡنٍ هُمۡ أَشَدُّ مِنۡهُم بَطۡشٗا فَنَقَّبُواْ فِي ٱلۡبِلَٰدِ هَلۡ مِن مَّحِيصٍ
Kay rami ng mga kalipunang ipinahamak Namin bago ng mga tagapagtambal na tagapagpasinungaling na ito kabilang sa mga mamamayan ng Makkah. Sila noon ay higit na matindi kaysa sa mga ito sa lakas, saka nagsiyasat sila sa bayan nang sa gayon sila ay makatagpo ng matatakasan mula sa pagdurusa ngunit hindi sila nakatagpo niyon.
Esegesi in lingua araba:
إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَذِكۡرَىٰ لِمَن كَانَ لَهُۥ قَلۡبٌ أَوۡ أَلۡقَى ٱلسَّمۡعَ وَهُوَ شَهِيدٞ
Tunay na sa nabanggit na iyon na pagpapahamak sa mga kalipunang nauna ay talagang may pagpapaalaala at may pangaral para sa sinumang nagkaroon ng isang pusong naipang-uunawa o nagtuon ng pakikinig niya na nakadalo ang puso, hindi nalilingat.
Esegesi in lingua araba:
وَلَقَدۡ خَلَقۡنَا ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضَ وَمَا بَيۡنَهُمَا فِي سِتَّةِ أَيَّامٖ وَمَا مَسَّنَا مِن لُّغُوبٖ
Talaga ngang lumikha Kami ng mga langit, at lumikha Kami ng lupa at anumang nasa pagitan ng mga langit at lupa sa anim na araw sa kabila ng kakayahan Namin sa paglikha sa mga ito sa isang iglap. Walang tumama sa Amin na anumang kapaguran, gaya ng sinasabi ng mga Hudyo.
Esegesi in lingua araba:
فَٱصۡبِرۡ عَلَىٰ مَا يَقُولُونَ وَسَبِّحۡ بِحَمۡدِ رَبِّكَ قَبۡلَ طُلُوعِ ٱلشَّمۡسِ وَقَبۡلَ ٱلۡغُرُوبِ
Kaya magtiis ka, O Sugo, sa sinasabi ng mga Hudyo at iba pa sa kanila. Magdasal ka sa Panginoon mo habang nagpupuri sa Kanya sa dasal sa madaling-araw bago ng pagsikat ng araw at magdasal ka sa hapon bago ng paglubog nito.
Esegesi in lingua araba:
وَمِنَ ٱلَّيۡلِ فَسَبِّحۡهُ وَأَدۡبَٰرَ ٱلسُّجُودِ
Sa bahagi ng gabi ay magdasal ka sa Kanya at magluwalhati ka sa Kanya matapos ng mga dasal.
Esegesi in lingua araba:
وَٱسۡتَمِعۡ يَوۡمَ يُنَادِ ٱلۡمُنَادِ مِن مَّكَانٖ قَرِيبٖ
Makinig ka, O Sugo, sa Araw na mananawagan ang anghel nakatalaga sa pag-ihip sa tambuli sa ikalawang pag-ihip mula sa isang pook na malapit,
Esegesi in lingua araba:
يَوۡمَ يَسۡمَعُونَ ٱلصَّيۡحَةَ بِٱلۡحَقِّۚ ذَٰلِكَ يَوۡمُ ٱلۡخُرُوجِ
sa Araw na maririnig ng mga nilikha ang Sigaw ng pagbubuhay kalakip ng katotohanang walang pag-aatubili rito. Ang Araw na iyon na makaririnig sila roon ay ang Araw ng Paglabas ng mga patay mula sa mga libingan nila para sa pagtutuos at pagganti.
Esegesi in lingua araba:
إِنَّا نَحۡنُ نُحۡيِۦ وَنُمِيتُ وَإِلَيۡنَا ٱلۡمَصِيرُ
Tunay na Kami mismo ay nagbibigay-buhay at nagbibigay-kamatayan, walang tagabigay-buhay na iba pa sa Amin at walang tagabigay-kamatayan, at tungo sa Amin lamang ang pagbabalik ng mga lingkod sa Araw ng Pagbangon para sa pagtutuos at pagganti,
Esegesi in lingua araba:
يَوۡمَ تَشَقَّقُ ٱلۡأَرۡضُ عَنۡهُمۡ سِرَاعٗاۚ ذَٰلِكَ حَشۡرٌ عَلَيۡنَا يَسِيرٞ
sa araw na magkakabiyak-biyak palayo sa kanila ang lupa kaya lalabas sila habang mga nagmamadali. Iyon ay isang pagkakalap, na sa Amin ay magaan.
Esegesi in lingua araba:
نَّحۡنُ أَعۡلَمُ بِمَا يَقُولُونَۖ وَمَآ أَنتَ عَلَيۡهِم بِجَبَّارٖۖ فَذَكِّرۡ بِٱلۡقُرۡءَانِ مَن يَخَافُ وَعِيدِ
Kami ay higit na maalam sa anumang sinasabi ng mga tagapagpasinungaling na ito. Ikaw, O Sugo, ay hindi tagapangibabaw sa kanila para pumilit ka sa kanila sa pananampalataya. Ikaw lamang ay tagapagpaabot ng ipinag-utos sa iyo ni Allāh na ipaabot. Kaya magpaalaala ka sa pamamagitan ng Qur’ān sa sinumang nangangamba sa banta Ko para sa mga tagatangging sumampalataya at mga tagasuway dahil ang nangangamba ay ang napangangaralan at nagsasaalaala kapag pinaalalahanan.
Esegesi in lingua araba:
Alcuni insegnamenti da trarre da questi versi sono:
• الاعتبار بوقائع التاريخ من شأن ذوي القلوب الواعية.
Ang pagsasaalang-alang sa mga naganap sa kasaysayan ay kabilang sa gawi ng mga may pusong nakamamalay.

• خلق الله الكون في ستة أيام لِحِكَم يعلمها الله، لعل منها بيان سُنَّة التدرج.
Ang paglikha ni Allāh sa Sansinukob sa anim na araw ay dahil sa mga kasanhiang nalalaman ni Allāh. Marahil kabilang sa mga ito ang paglilinaw sa kalakaran ng pag-uunti-unti.

• سوء أدب اليهود في وصفهم الله تعالى بالتعب بعد خلقه السماوات والأرض، وهذا كفر بالله.
Ang kasagwaan ng kaasalan ng mga Hudyo sa pagkakalarawan kay Allāh – pagkataas-taas Siya – ng pagkapagod matapos ng paglikha Niya ng mga langit at lupa. Ito ay kawalang-pananampalataya kay Allāh.

 
Traduzione dei significati Sura: Qâf
Indice delle Sure Numero di pagina
 
Traduzione dei Significati del Sacro Corano - Traduzione filippina (tagalog) dell'Abbreviata Esegesi del Nobile Corano - Indice Traduzioni

Emesso dal Tafseer Center per gli Studi Coranici.

Chiudi