Check out the new design

Traduzione dei Significati del Sacro Corano - Traduzione filippina (tagalog) dell'Abbreviata Esegesi del Nobile Corano * - Indice Traduzioni


Traduzione dei significati Sura: Al-Qamar   Versetto:

Al-Qamar

Alcuni scopi di questa Sura comprendono:
التذكير بنعمة تيسير القرآن، وما فيه من الآيات والنذر.
Ang pagpapaalaala hinggil sa biyaya ng pagpapadali sa Qur'ān at anumang nasaad dito na mga talata at mga paalaala.

ٱقۡتَرَبَتِ ٱلسَّاعَةُ وَٱنشَقَّ ٱلۡقَمَرُ
Napalapit ang pagdating ng Huling Sandali at nabiyak ang buwan sa panahon ng Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan. Ang pagkabiyak ng buwan ay kabilang sa mga pisikal na himala niya – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan.
Esegesi in lingua araba:
وَإِن يَرَوۡاْ ءَايَةٗ يُعۡرِضُواْ وَيَقُولُواْ سِحۡرٞ مُّسۡتَمِرّٞ
Kung makakita ang mga tagapagtambal ng isang patunay at isang patotoo sa katapatan niya – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ay aayaw sila sa pagtanggap nito at magsasabi sila: "Ang nasaksihan namin na mga katwiran at mga patotoo ay isang panggagaway na bulaan."
Esegesi in lingua araba:
وَكَذَّبُواْ وَٱتَّبَعُوٓاْ أَهۡوَآءَهُمۡۚ وَكُلُّ أَمۡرٖ مُّسۡتَقِرّٞ
Nagpasinungaling sila sa dumating sa kanila na katotohanan at sumunod sila sa mga pithaya nila sa pagpapasinungaling. Bawat bagay – kabutihan o kasamaan – ay magaganap ayon sa magiging karapat-dapat dito sa Araw ng Pagbangon.
Esegesi in lingua araba:
وَلَقَدۡ جَآءَهُم مِّنَ ٱلۡأَنۢبَآءِ مَا فِيهِ مُزۡدَجَرٌ
Talaga ngang dumating sa kanila mula sa mga ulat ng mga kalipunang ipinahamak ni Allāh dahil sa kawalang-pananampalataya ng mga ito at paglabag ng mga ito sa katarungan ang nakasasapat para sa pagpapaudlot sa kanila sa kawalang-pananampalataya nila at paglabag nila sa katarungan.
Esegesi in lingua araba:
حِكۡمَةُۢ بَٰلِغَةٞۖ فَمَا تُغۡنِ ٱلنُّذُرُ
Ang dumating sa kanila ay isang karunungang lubos upang maglatag ito sa kanila ng katwiran ngunit hindi nakapagpapakinabang ang mga mapagbabala sa mga taong hindi sumasampalataya kay Allāh ni sa Kabilang-buhay.
Esegesi in lingua araba:
فَتَوَلَّ عَنۡهُمۡۘ يَوۡمَ يَدۡعُ ٱلدَّاعِ إِلَىٰ شَيۡءٖ نُّكُرٍ
Kaya kapag hindi sila napatnubayan ay iwan mo sila, O Sugo, at umayaw ka sa kanila habang naghihintay sa araw na mananawagan ang anghel na nakatalaga sa pag-ihip sa tambuli tungo sa isang bagay na kahila-hilakbot, na hindi nakaalam ang mga nilikha ng tulad niyon bago pa niyon.
Esegesi in lingua araba:
Alcuni insegnamenti da trarre da questi versi sono:
• عدم التأثر بالقرآن نذير شؤم.
Ang kawalan ng pagkakaapekto dahil sa Qur'ān ay isang mapagbabala ng isang masama.

• خطر اتباع الهوى على النفس في الدنيا والآخرة.
Ang panganib ng pagsunod sa pithaya para sa sarili sa Mundo at Kabilang-buhay.

• عدم الاتعاظ بهلاك الأمم صفة من صفات الكفار.
Ang kawalan ng pagkapangaral sa pagkapahamak ng mga kalipunan ay isa sa mga katangian ng mga tagatangging sumampalataya.

 
Traduzione dei significati Sura: Al-Qamar
Indice delle Sure Numero di pagina
 
Traduzione dei Significati del Sacro Corano - Traduzione filippina (tagalog) dell'Abbreviata Esegesi del Nobile Corano - Indice Traduzioni

Emesso dal Tafseer Center per gli Studi Coranici.

Chiudi