Traduzione dei Significati del Sacro Corano - Traduzione filippina (tagalog) dell'Abbreviata Esegesi del Nobile Corano * - Indice Traduzioni


Traduzione dei significati Versetto: (158) Sura: Al-A‘râf
قُلۡ يَٰٓأَيُّهَا ٱلنَّاسُ إِنِّي رَسُولُ ٱللَّهِ إِلَيۡكُمۡ جَمِيعًا ٱلَّذِي لَهُۥ مُلۡكُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۖ لَآ إِلَٰهَ إِلَّا هُوَ يُحۡيِۦ وَيُمِيتُۖ فَـَٔامِنُواْ بِٱللَّهِ وَرَسُولِهِ ٱلنَّبِيِّ ٱلۡأُمِّيِّ ٱلَّذِي يُؤۡمِنُ بِٱللَّهِ وَكَلِمَٰتِهِۦ وَٱتَّبِعُوهُ لَعَلَّكُمۡ تَهۡتَدُونَ
Sabihin mo, O Sugo: "O mga tao, tunay na ako ay Sugo ni Allāh sa inyo sa kalahatan: sa mga Arabe sa inyo at mga di-Arabe sa inyo, na ukol sa Kanya lamang ang paghahari sa mga langit at ukol sa Kanya ang paghahari sa lupa. Walang sinasamba ayon sa karapatan na iba pa sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya. Nagbibigay-buhay Siya sa mga patay at nagbibigay-kamatayan Siya sa mga buhay. Kaya sumampalataya kayo, O mga tao, kay Allāh at sumampalataya kayo kay Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ang Sugo Niya, ang Propeta na hindi nakababasa at hindi nakasusulat at naghatid lamang ng isang kasi na ikinakasi sa kanya ng Panginoon niya, na sumasampalataya kay Allāh at sumampalataya sa pinababa sa kanya at sa pinababa sa mga propeta noong bago niya, nang walang pagtatangi. Sumunod kayo sa kanya sa inihatid niya mula sa Panginoon niya, sa pag-asang mapatnubayan kayo tungo sa anumang naroon ang mga kapakanan ninyo sa Mundo at Kabilang-buhay."
Esegesi in lingua araba:
Alcuni insegnamenti da trarre da questi versi sono:
• تضمَّنت التوراة والإنجيل أدلة ظاهرة على بعثة النبي محمد صلى الله عليه وسلم وعلى صدقه.
Naglaman ang Torah at ang Ebanghelyo ng mga hayag na patunay sa pagpapadala kay Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – at sa katapatan niya.

• رحمة الله وسعت كل شيء، ولكن رحمة الله عباده ذات مراتب متفاوتة، تتفاوت بحسب الإيمان والعمل الصالح.
Ang awa ni Allāh ay sumakop sa bawat bagay, subalit ang awa ni Allāh sa mga lingkod Niya ay may mga antas na nagkakaibahan, na nagkakaibahan alinsunod sa pananampalataya at gawang maayos.

• الدعاء قد يكون مُجْملًا وقد يكون مُفَصَّلًا حسب الأحوال، وموسى في هذا المقام أجمل في دعائه.
Ang panalangin ay maaaring maging nakabuod at maaaring maging nakadetalye alinsunod sa mga kalagayan. Si Moises sa katayuang ito ay higit na nakabuod sa panalangin niya.

• من صور عدل الله عز وجل إنصافه للقِلَّة المؤمنة، حيث ذكر صفات بني إسرائيل المنافية للكمال المناقضة للهداية، فربما توهَّم متوهِّم أن هذا يعم جميعهم، فَذَكَر تعالى أن منهم طائفة مستقيمة هادية مهدية.
Kabilang sa mga anyo ng katarungan ni Allāh – kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan – ay ang makatarungang pakikitungo Niya sa minoriyang mananampalataya yayamang bumanggit Siya ng mga katangian ng mga anak ni Israel, na nagkakaila sa kalubusan, na sumasalungat sa kapatnubayan. Kaya marahil hinahaka-haka ng isang tagapaghaka-haka na ito ay sumasakop sa lahat sa kanila, ngunit bumanggit Siya – pagkataas-taas Siya – na kabilang sa kanila ay isang pangkating tuwid, na tagapatnubay na pinapatnubayan.

 
Traduzione dei significati Versetto: (158) Sura: Al-A‘râf
Indice delle Sure Numero di pagina
 
Traduzione dei Significati del Sacro Corano - Traduzione filippina (tagalog) dell'Abbreviata Esegesi del Nobile Corano - Indice Traduzioni

Traduzione filippina (tagalog) dell'Abbrevviata Esegesi del Corano, edita da Tafseer Center for Quranic Studies.

Chiudi