Traduzione dei Significati del Sacro Corano - Traduzione filippina (tagalog) dell'Abbreviata Esegesi del Nobile Corano * - Indice Traduzioni


Traduzione dei significati Versetto: (178) Sura: Al-A‘râf
مَن يَهۡدِ ٱللَّهُ فَهُوَ ٱلۡمُهۡتَدِيۖ وَمَن يُضۡلِلۡ فَأُوْلَٰٓئِكَ هُمُ ٱلۡخَٰسِرُونَ
Ang sinumang itinuon ni Allāh sa kapatnubayan tungo sa landasin Niyang tuwid, siya ang napapatnubayan nang totohanan. Ang sinumang pinalayo Niya sa landasing tuwid, ang mga iyon ay ang mga nagbabawas sa mga sarili nila ng mga bahagi nila nang totohanan, na mga nagpalugi sa mga sarili nila at mga mag-anak nila sa Araw ng Pagbangon. Pansinin, iyon ay ang pagkaluging malinaw!
Esegesi in lingua araba:
Alcuni insegnamenti da trarre da questi versi sono:
• المقصود من إنزال الكتب السماوية العمل بمقتضاها لا تلاوتها باللسان وترتيلها فقط، فإن ذلك نَبْذ لها.
Ang layunin sa pagpapababa ng mga kasulatang makalangit ay ang paggawa ng ayon sa hinihiling ng mga ito, hindi ang pagbigkas sa mga ito sa bibig at ang pag-awit sa mga ito lamang sapagkat tunay na iyon ay isang pagwawaksi sa mga ito.

• أن الله خلق في الإنسان من وقت تكوينه إدراك أدلة الوحدانية، فإذا كانت فطرته سليمة، ولم يدخل عليها ما يفسدها أدرك هذه الأدلة، وعمل بمقتضاها.
Na si Allāh ay lumikha sa tao sa oras ng pagkabuo sa kanya ng [kakayahan sa] pagtalos sa mga patunay ng kaisahan Niya, kaya kapag ang kalikasan sa pagkalalang sa tao ay hindi nasira at hindi nakapasok rito ang nagpapatiwali rito, makatatalos siya sa mga patunay na ito at gagawa siya ayon sa hinihiling ng mga ito.

• في الآيات عبرة للموفَّقين للعمل بآيات القرآن؛ ليعلموا فضل الله عليهم في توفيقهم للعمل بها؛ لتزكو نفوسهم.
Sa mga talatang ito [ng Qur'ān] ay may maisasaalang-alang para sa mga itinuon [ni Allāh] sa paggawa ayon sa mga talata ng Qur'ān, upang malaman nila ang kabutihang-loob ni Allāh sa kanila sa pagkakatuon sa kanila sa paggawa ayon sa mga ito upang madalisay ang mga kaluluwa nila.

• في الآيات تلقين للمسلمين للتوجه إلى الله تعالى بطلب الهداية منه والعصمة من مزالق الضلال.
Nasaad sa mga talata [ng Qur'ān] ang paghimok sa mga Muslim sa pagbaling kay Allāh – pagkataas-taas Siya – sa pamamagitan ng paghiling ng kapatnubayan mula sa Kanya at pangangalaga laban sa mga pagkadulas sa pagkaligaw.

 
Traduzione dei significati Versetto: (178) Sura: Al-A‘râf
Indice delle Sure Numero di pagina
 
Traduzione dei Significati del Sacro Corano - Traduzione filippina (tagalog) dell'Abbreviata Esegesi del Nobile Corano - Indice Traduzioni

Traduzione filippina (tagalog) dell'Abbrevviata Esegesi del Corano, edita da Tafseer Center for Quranic Studies.

Chiudi