Traduzione dei Significati del Sacro Corano - Traduzione filippina (tagalog) dell'Abbreviata Esegesi del Nobile Corano * - Indice Traduzioni


Traduzione dei significati Versetto: (195) Sura: Al-A‘râf
أَلَهُمۡ أَرۡجُلٞ يَمۡشُونَ بِهَآۖ أَمۡ لَهُمۡ أَيۡدٖ يَبۡطِشُونَ بِهَآۖ أَمۡ لَهُمۡ أَعۡيُنٞ يُبۡصِرُونَ بِهَآۖ أَمۡ لَهُمۡ ءَاذَانٞ يَسۡمَعُونَ بِهَاۗ قُلِ ٱدۡعُواْ شُرَكَآءَكُمۡ ثُمَّ كِيدُونِ فَلَا تُنظِرُونِ
Ang mga anitong ito na ginawa ninyong mga diyos ay mayroon bang mga paang naglalakad sila sa pamamagitan ng mga ito saka nagtatrabaho sila para sa mga pangangailangan ninyo? O mayroon silang mga kamay na tumutulak sila sa inyo sa pamamagitan ng mga ito nang may lakas? O mayroon silang mga matang nakakikita sila sa pamamagitan ng mga ito ng nakalingid sa inyo kaya nagpapabatid sila sa inyo? O mayroon silang mga taingang nakaririnig sila sa pamamagitan ng mga ito ng nakakubli sa inyo kaya nagpaparating sila ng kaalaman dito para sa inyo? Kaya kung ang mga ito ay mga inutil doon sa kabuuan niyon, papaanong sumasamba kayo sa mga ito sa pag-asang magtamo ng pakinabang at magtulak ng pinsala? Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na ito: "Dumalangin kayo sa mga ipinantay ninyo kay Allāh. Pagkatapos manggulang kayo para makapinsala sa akin at huwag kayong magpalugit sa akin."
Esegesi in lingua araba:
Alcuni insegnamenti da trarre da questi versi sono:
• في الآيات بيان جهل من يقصد النبي صلى الله عليه وسلم ويدعوه لحصول نفع أو دفع ضر؛ لأن النفع إنما يحصل من قِبَلِ ما أرسل به من البشارة والنذارة.
Sa mga talata ay may paglilinaw sa kamangmangan ng sinumang tinutukoy ng Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – at inaanyayahan niya para sa pagtamo ng pakinabang at pagtulak ng pinsala dahil ang pakinabang ay natatamo lamang sa pamamagitan ng ipinasugo sa kanya na balitang nakalulugod at babala.

• جعل الله بمنَّته من نوع الرجل زوجه؛ ليألفها ولا يجفو قربها ويأنس بها؛ لتتحقق الحكمة الإلهية في التناسل.
Gumawa si Allāh, sa pamamagitan ng pagmamagandang-loob Niya, mula sa uri ng lalaki, ng maybahay nito upang mawili ito roon, hindi ito umayaw sa paglapit doon, at mapalagay ito roon upang maisakatuparan ang kasanhiang makadiyos sa pagpaparami ng supling.

• لا يليق بالأفضل الأكمل الأشرف من المخلوقات وهو الإنسان أن يشتغل بعبادة الأخس والأرذل من الحجارة والخشب وغيرها من الآلهة الباطلة.
Hindi naaangkop sa pinakamainam, pinakalubos, at pinakamaharlika sa mga nilikha, ang tao, na magpakaabala sa pagsamba sa pinakaaba, pinakahamak na bato, kahoy, at iba pa sa mga ito na mga diyos na huwad.

 
Traduzione dei significati Versetto: (195) Sura: Al-A‘râf
Indice delle Sure Numero di pagina
 
Traduzione dei Significati del Sacro Corano - Traduzione filippina (tagalog) dell'Abbreviata Esegesi del Nobile Corano - Indice Traduzioni

Traduzione filippina (tagalog) dell'Abbrevviata Esegesi del Corano, edita da Tafseer Center for Quranic Studies.

Chiudi