Check out the new design

Traduzione dei Significati del Sacro Corano - Traduzione filippina (tagalog) - Pioneers Translation Center (Ruwwad at-Tarjama) * - Indice Traduzioni

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Traduzione dei significati Sura: Yûsuf   Versetto:
قَالُوٓاْ أَضۡغَٰثُ أَحۡلَٰمٖۖ وَمَا نَحۡنُ بِتَأۡوِيلِ ٱلۡأَحۡلَٰمِ بِعَٰلِمِينَ
Nagsabi sila: “Mga paglalahok ng mga napanaginipan [ito]. Kami, sa pagpapakahulugan ng mga napanaginipan, ay hindi mga nakaaalam.”
Esegesi in lingua araba:
وَقَالَ ٱلَّذِي نَجَا مِنۡهُمَا وَٱدَّكَرَ بَعۡدَ أُمَّةٍ أَنَا۠ أُنَبِّئُكُم بِتَأۡوِيلِهِۦ فَأَرۡسِلُونِ
Nagsabi ang naligtas mula sa dalawang [bilanggo] sa kanila at nakapagsaalaala [kay Jose] matapos ng isang yugto: “Ako ay magbabalita sa inyo hinggil sa pagpapakahulugan nito, kaya magsugo kayo sa akin [kay Jose].”
Esegesi in lingua araba:
يُوسُفُ أَيُّهَا ٱلصِّدِّيقُ أَفۡتِنَا فِي سَبۡعِ بَقَرَٰتٖ سِمَانٖ يَأۡكُلُهُنَّ سَبۡعٌ عِجَافٞ وَسَبۡعِ سُنۢبُلَٰتٍ خُضۡرٖ وَأُخَرَ يَابِسَٰتٖ لَّعَلِّيٓ أَرۡجِعُ إِلَى ٱلنَّاسِ لَعَلَّهُمۡ يَعۡلَمُونَ
Jose, O pagkatapat-tapat, maghabilin ka sa amin hinggil sa [panaginip na] pitong bakang matataba na kinain ng pitong bakang yayat at pitong uhay na luntian at mga iba pang tuyot, nang sa gayon ako ay babalik tungo sa mga tao, nang sa gayon sila ay makaaalam.
Esegesi in lingua araba:
قَالَ تَزۡرَعُونَ سَبۡعَ سِنِينَ دَأَبٗا فَمَا حَصَدتُّمۡ فَذَرُوهُ فِي سُنۢبُلِهِۦٓ إِلَّا قَلِيلٗا مِّمَّا تَأۡكُلُونَ
Nagsabi siya: “Magtatanim kayo nang pitong taong sunud-sunod,[8] saka ang anumang aanihin ninyo ay hayaan ninyo ito sa uhay nito, maliban sa kaunti mula sa kakainin ninyo.
[8] O pitong taon ayon sa kinagawian.
Esegesi in lingua araba:
ثُمَّ يَأۡتِي مِنۢ بَعۡدِ ذَٰلِكَ سَبۡعٞ شِدَادٞ يَأۡكُلۡنَ مَا قَدَّمۡتُمۡ لَهُنَّ إِلَّا قَلِيلٗا مِّمَّا تُحۡصِنُونَ
Pagkatapos may darating matapos na niyon na pitong [taon na] matitindi na kakain sa [naipong] ipinauna ninyo para sa mga [taon na] ito, maliban sa kaunti mula sa iniimbak ninyo.
Esegesi in lingua araba:
ثُمَّ يَأۡتِي مِنۢ بَعۡدِ ذَٰلِكَ عَامٞ فِيهِ يُغَاثُ ٱلنَّاسُ وَفِيهِ يَعۡصِرُونَ
Pagkatapos may darating matapos na niyon na isang taon na doon ay uulanin ang mga tao at doon ay pipiga[9] sila.
[9] ng oliba at ubas
Esegesi in lingua araba:
وَقَالَ ٱلۡمَلِكُ ٱئۡتُونِي بِهِۦۖ فَلَمَّا جَآءَهُ ٱلرَّسُولُ قَالَ ٱرۡجِعۡ إِلَىٰ رَبِّكَ فَسۡـَٔلۡهُ مَا بَالُ ٱلنِّسۡوَةِ ٱلَّٰتِي قَطَّعۡنَ أَيۡدِيَهُنَّۚ إِنَّ رَبِّي بِكَيۡدِهِنَّ عَلِيمٞ
Nagsabi ang Hari: “Dalhin ninyo siya sa akin.” Ngunit noong dumating sa kanya ang sugo ay nagsabi siya: “Bumalik ka tungo sa panginoon mo at tanungin mo siya kung ano ang lagay ng mga babae na humiwa-hiwa ng mga kamay nila. Tunay na ang Panginoon ko, sa panlalansi nila, ay Maalam.”
Esegesi in lingua araba:
قَالَ مَا خَطۡبُكُنَّ إِذۡ رَٰوَدتُّنَّ يُوسُفَ عَن نَّفۡسِهِۦۚ قُلۡنَ حَٰشَ لِلَّهِ مَا عَلِمۡنَا عَلَيۡهِ مِن سُوٓءٖۚ قَالَتِ ٱمۡرَأَتُ ٱلۡعَزِيزِ ٱلۡـَٰٔنَ حَصۡحَصَ ٱلۡحَقُّ أَنَا۠ رَٰوَدتُّهُۥ عَن نَّفۡسِهِۦ وَإِنَّهُۥ لَمِنَ ٱلصَّٰدِقِينَ
Nagsabi ito:[10] “Ano ang katayuan ninyo nang nagtangka kayong mang-akit kay Jose sa sarili niya?” Nagsabi sila: “Kasakdalan ay ukol kay Allāh! Wala kaming nalaman sa kanya na isang kasagwaan.” Nagsabi ang maybahay ng Makapangyarihan: “Ngayon, nabunyag ang totoo; ako ay nagtangkang umakit sa kanya sa sarili niya, at tunay na siya ay talagang kabilang sa mga tapat.”
[10] Ibig sabihin: ang hari.
Esegesi in lingua araba:
ذَٰلِكَ لِيَعۡلَمَ أَنِّي لَمۡ أَخُنۡهُ بِٱلۡغَيۡبِ وَأَنَّ ٱللَّهَ لَا يَهۡدِي كَيۡدَ ٱلۡخَآئِنِينَ
[Nagsabi ang Maybahay:] “Iyon ay upang makaalam siya na ako ay hindi nakapagtaksil sa kanya nang nakalingid at na si Allāh ay hindi nagpapatnubay sa panlalansi ng mga taksil.
Esegesi in lingua araba:
 
Traduzione dei significati Sura: Yûsuf
Indice delle Sure Numero di pagina
 
Traduzione dei Significati del Sacro Corano - Traduzione filippina (tagalog) - Pioneers Translation Center (Ruwwad at-Tarjama) - Indice Traduzioni

Tradotta dal team del centro di traduzione "Pioneers" in collaborazione con "Association for call and awareness of communities" di al-Rabwah e "Association for Service of Islamic Content in Languages".

Chiudi