Check out the new design

Traduzione dei Significati del Sacro Corano - Traduzione filippina (tagalog) - Pioneers Translation Center (Ruwwad at-Tarjama) * - Indice Traduzioni

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Traduzione dei significati Sura: Ibrâhîm   Versetto:
قَالَتۡ لَهُمۡ رُسُلُهُمۡ إِن نَّحۡنُ إِلَّا بَشَرٞ مِّثۡلُكُمۡ وَلَٰكِنَّ ٱللَّهَ يَمُنُّ عَلَىٰ مَن يَشَآءُ مِنۡ عِبَادِهِۦۖ وَمَا كَانَ لَنَآ أَن نَّأۡتِيَكُم بِسُلۡطَٰنٍ إِلَّا بِإِذۡنِ ٱللَّهِۚ وَعَلَى ٱللَّهِ فَلۡيَتَوَكَّلِ ٱلۡمُؤۡمِنُونَ
Nagsabi sa kanila ang mga sugo nila [mula kay Allāh]: “Walang iba kami kundi mga taong tulad ninyo, subalit si Allāh ay nagmamagandang-loob sa sinumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya. Hindi naging ukol sa amin na magdala sa inyo ng isang katunayan malibang ayon sa pahintulot ni Allāh. Sa kay Allāh ay manalig ang mga mananampalataya.
Esegesi in lingua araba:
وَمَا لَنَآ أَلَّا نَتَوَكَّلَ عَلَى ٱللَّهِ وَقَدۡ هَدَىٰنَا سُبُلَنَاۚ وَلَنَصۡبِرَنَّ عَلَىٰ مَآ ءَاذَيۡتُمُونَاۚ وَعَلَى ٱللَّهِ فَلۡيَتَوَكَّلِ ٱلۡمُتَوَكِّلُونَ
Ano ang mayroon sa amin na hindi kami manalig kay Allāh samantalang nagpatnubay nga Siya sa amin sa mga landas namin? Talagang magtitiis nga kami sa anumang pananakit ninyo sa amin. Sa kay Allāh ay manalig ang mga nananalig.”
Esegesi in lingua araba:
وَقَالَ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ لِرُسُلِهِمۡ لَنُخۡرِجَنَّكُم مِّنۡ أَرۡضِنَآ أَوۡ لَتَعُودُنَّ فِي مِلَّتِنَاۖ فَأَوۡحَىٰٓ إِلَيۡهِمۡ رَبُّهُمۡ لَنُهۡلِكَنَّ ٱلظَّٰلِمِينَ
Nagsabi ang mga tumangging sumampalataya sa mga sugo sa kanila: “Talagang magpapalisan nga kami sa inyo mula sa lupain natin, o talagang manunumbalik nga kayo sa kapaniwalaan natin.” Kaya nagkasi sa kanila ang Panginoon nila: “Talagang magpapahamak nga Kami sa mga tagalabag sa katarungan,
Esegesi in lingua araba:
وَلَنُسۡكِنَنَّكُمُ ٱلۡأَرۡضَ مِنۢ بَعۡدِهِمۡۚ ذَٰلِكَ لِمَنۡ خَافَ مَقَامِي وَخَافَ وَعِيدِ
at talagang magpapatahan nga Kami sa inyo sa lupain matapos na nila. Iyon ay ukol sa sinumang nangamba sa katayuan Ko[4] at nangamba sa banta Ko.”
[4] O pagtayo sa harap Ko
Esegesi in lingua araba:
وَٱسۡتَفۡتَحُواْ وَخَابَ كُلُّ جَبَّارٍ عَنِيدٖ
Humiling sila ng pagwawagi, at nabigo ang bawat palasupil na mapagmatigas.
Esegesi in lingua araba:
مِّن وَرَآئِهِۦ جَهَنَّمُ وَيُسۡقَىٰ مِن مَّآءٖ صَدِيدٖ
Mula sa harap niya ay Impiyerno, at paiinumin siya ng tubig na nana.
Esegesi in lingua araba:
يَتَجَرَّعُهُۥ وَلَا يَكَادُ يُسِيغُهُۥ وَيَأۡتِيهِ ٱلۡمَوۡتُ مِن كُلِّ مَكَانٖ وَمَا هُوَ بِمَيِّتٖۖ وَمِن وَرَآئِهِۦ عَذَابٌ غَلِيظٞ
Lalagok-lagukin niya ito at hindi niya halos malulunok ito. Pupunta sa kanya ang kamatayan mula sa bawat pook ngunit siya ay hindi patay. Mula sa harap niya ay may isang pagdurusang mabagsik.
Esegesi in lingua araba:
مَّثَلُ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ بِرَبِّهِمۡۖ أَعۡمَٰلُهُمۡ كَرَمَادٍ ٱشۡتَدَّتۡ بِهِ ٱلرِّيحُ فِي يَوۡمٍ عَاصِفٖۖ لَّا يَقۡدِرُونَ مِمَّا كَسَبُواْ عَلَىٰ شَيۡءٖۚ ذَٰلِكَ هُوَ ٱلضَّلَٰلُ ٱلۡبَعِيدُ
Ang paghahalintulad sa mga tumangging sumampalataya sa Panginoon nila [ay na] ang mga gawa nila ay gaya ng mga abo na tumindi sa mga ito ang hangin sa isang araw na umuunos; hindi sila nakakakaya [na magpanatili] sa anuman mula sa nakamit nila. Iyon ay ang pagkaligaw na malayo [sa katotohanan].
Esegesi in lingua araba:
 
Traduzione dei significati Sura: Ibrâhîm
Indice delle Sure Numero di pagina
 
Traduzione dei Significati del Sacro Corano - Traduzione filippina (tagalog) - Pioneers Translation Center (Ruwwad at-Tarjama) - Indice Traduzioni

Tradotta dal team del centro di traduzione "Pioneers" in collaborazione con "Association for call and awareness of communities" di al-Rabwah e "Association for Service of Islamic Content in Languages".

Chiudi