Check out the new design

Traduzione dei Significati del Sacro Corano - Traduzione filippina (tagalog) - Pioneers Translation Center (Ruwwad at-Tarjama) * - Indice Traduzioni

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Traduzione dei significati Sura: Al-Baqarah   Versetto:
وَقَالَتِ ٱلۡيَهُودُ لَيۡسَتِ ٱلنَّصَٰرَىٰ عَلَىٰ شَيۡءٖ وَقَالَتِ ٱلنَّصَٰرَىٰ لَيۡسَتِ ٱلۡيَهُودُ عَلَىٰ شَيۡءٖ وَهُمۡ يَتۡلُونَ ٱلۡكِتَٰبَۗ كَذَٰلِكَ قَالَ ٱلَّذِينَ لَا يَعۡلَمُونَ مِثۡلَ قَوۡلِهِمۡۚ فَٱللَّهُ يَحۡكُمُ بَيۡنَهُمۡ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِ فِيمَا كَانُواْ فِيهِ يَخۡتَلِفُونَ
Nagsabi ang mga Hudyo: “Ang mga Kristiyano ay hindi nakabatay sa anuman,” at nagsabi ang mga Kristiyano: “Ang mga Hudyo ay hindi nakabatay sa anuman,” samantalang sila ay nagbabasa ng Kasulatan. Gayon nagsabi ang mga hindi nakaaalam ng tulad ng sabi nila. Kaya si Allāh ay hahatol sa pagitan nila sa Araw ng Pagbangon hinggil sa anumang sila noon hinggil doon ay nagkakaiba-iba.
Esegesi in lingua araba:
وَمَنۡ أَظۡلَمُ مِمَّن مَّنَعَ مَسَٰجِدَ ٱللَّهِ أَن يُذۡكَرَ فِيهَا ٱسۡمُهُۥ وَسَعَىٰ فِي خَرَابِهَآۚ أُوْلَٰٓئِكَ مَا كَانَ لَهُمۡ أَن يَدۡخُلُوهَآ إِلَّا خَآئِفِينَۚ لَهُمۡ فِي ٱلدُّنۡيَا خِزۡيٞ وَلَهُمۡ فِي ٱلۡأٓخِرَةِ عَذَابٌ عَظِيمٞ
Sino pa ang higit na tagalabag sa katarungan kaysa sa sinumang pumigil [sa mga tao] sa mga masjid ni Allāh na banggitin sa mga ito ang pangalan Niya at nagpunyagi sa pagkasira ng mga ito. Ang mga iyon ay hindi ukol sa kanilang pumasok sa mga ito malibang mga nangangamba. Ukol sa kanila sa Mundo ay isang kahihiyan at ukol sa kanila sa Kabilang-buhay ay isang pagdurusang sukdulan.
Esegesi in lingua araba:
وَلِلَّهِ ٱلۡمَشۡرِقُ وَٱلۡمَغۡرِبُۚ فَأَيۡنَمَا تُوَلُّواْ فَثَمَّ وَجۡهُ ٱللَّهِۚ إِنَّ ٱللَّهَ وَٰسِعٌ عَلِيمٞ
Sa kay Allāh ang silangan at ang kanluran kaya saanman kayo humarap ay naroon ang Mukha ni Allāh. Tunay na si Allāh ay Malawak, Maalam.
Esegesi in lingua araba:
وَقَالُواْ ٱتَّخَذَ ٱللَّهُ وَلَدٗاۗ سُبۡحَٰنَهُۥۖ بَل لَّهُۥ مَا فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۖ كُلّٞ لَّهُۥ قَٰنِتُونَ
Nagsabi sila: “Gumawa si Allāh ng isang anak.” Kaluwalhatian sa Kanya! Bagkus sa Kanya ang anumang nasa mga langit at lupa. Lahat sa Kanya ay mga masunurin.
Esegesi in lingua araba:
بَدِيعُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۖ وَإِذَا قَضَىٰٓ أَمۡرٗا فَإِنَّمَا يَقُولُ لَهُۥ كُن فَيَكُونُ
Ang Mapagpasimula ng mga langit at lupa, kapag nagtadhana Siya ng isang bagay, ay nagsasabi lamang dito na mangyari saka mangyayari ito.
Esegesi in lingua araba:
وَقَالَ ٱلَّذِينَ لَا يَعۡلَمُونَ لَوۡلَا يُكَلِّمُنَا ٱللَّهُ أَوۡ تَأۡتِينَآ ءَايَةٞۗ كَذَٰلِكَ قَالَ ٱلَّذِينَ مِن قَبۡلِهِم مِّثۡلَ قَوۡلِهِمۡۘ تَشَٰبَهَتۡ قُلُوبُهُمۡۗ قَدۡ بَيَّنَّا ٱلۡأٓيَٰتِ لِقَوۡمٖ يُوقِنُونَ
Nagsabi ang mga hindi nakaaalam:[21] “Bakit kasi hindi kumakausap sa atin si Allāh o may pumupunta sa atin na isang tanda? Gayon nagsabi ang mga bago pa nila ng tulad ng sabi nila. Nagkawangisan ang mga puso nila. Naglinaw na Kami ng mga tanda para sa mga taong nakatitiyak [sa katotohanan].
[21] kabilang sa mga May Kasulatan at mga tagapagtambal.
Esegesi in lingua araba:
إِنَّآ أَرۡسَلۡنَٰكَ بِٱلۡحَقِّ بَشِيرٗا وَنَذِيرٗاۖ وَلَا تُسۡـَٔلُ عَنۡ أَصۡحَٰبِ ٱلۡجَحِيمِ
Tunay na Kami ay nagsugo sa iyo [O Propeta Muḥammad] kalakip ng katotohanan bilang mapagbalita ng nakagagalak [hinggil sa Paraiso] at bilang mapagbabala [hinggil sa Impiyerno]. Hindi ka tatanungin tungkol sa mga maninirahan sa Impiyerno.
Esegesi in lingua araba:
 
Traduzione dei significati Sura: Al-Baqarah
Indice delle Sure Numero di pagina
 
Traduzione dei Significati del Sacro Corano - Traduzione filippina (tagalog) - Pioneers Translation Center (Ruwwad at-Tarjama) - Indice Traduzioni

Tradotta dal team del centro di traduzione "Pioneers" in collaborazione con "Association for call and awareness of communities" di al-Rabwah e "Association for Service of Islamic Content in Languages".

Chiudi