Check out the new design

Traduzione dei Significati del Sacro Corano - Traduzione filippina (tagalog) - Pioneers Translation Center (Ruwwad at-Tarjama) * - Indice Traduzioni

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Traduzione dei significati Sura: Al-Mu’minûn   Versetto:
فَإِذَا ٱسۡتَوَيۡتَ أَنتَ وَمَن مَّعَكَ عَلَى ٱلۡفُلۡكِ فَقُلِ ٱلۡحَمۡدُ لِلَّهِ ٱلَّذِي نَجَّىٰنَا مِنَ ٱلۡقَوۡمِ ٱلظَّٰلِمِينَ
Kaya kapag lumulan ka at ang sinumang kasama sa iyo sa daong ay sabihin mo: “Ang papuri ay ukol kay Allāh na nagligtas sa amin mula sa mga taong tagalabag sa katarungan.”
Esegesi in lingua araba:
وَقُل رَّبِّ أَنزِلۡنِي مُنزَلٗا مُّبَارَكٗا وَأَنتَ خَيۡرُ ٱلۡمُنزِلِينَ
Sabihin mo: “Panginoon ko, magpatuloy Ka sa akin sa isang pinatutuluyang pinagpala yamang Ikaw ay ang pinakamabuti sa mga tagapagpatuloy.”
Esegesi in lingua araba:
إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَٰتٖ وَإِن كُنَّا لَمُبۡتَلِينَ
Tunay na sa gayon ay talagang may mga tanda at tunay na Kami noon ay talagang sumusubok.
Esegesi in lingua araba:
ثُمَّ أَنشَأۡنَا مِنۢ بَعۡدِهِمۡ قَرۡنًا ءَاخَرِينَ
Pagkatapos nagpaluwal Kami matapos na nila ng isang salinlahing iba pa.
Esegesi in lingua araba:
فَأَرۡسَلۡنَا فِيهِمۡ رَسُولٗا مِّنۡهُمۡ أَنِ ٱعۡبُدُواْ ٱللَّهَ مَا لَكُم مِّنۡ إِلَٰهٍ غَيۡرُهُۥٓۚ أَفَلَا تَتَّقُونَ
Saka nagsugo Kami sa kanila ng isang sugo [na si Propeta Hūd na] kabilang sa kanila, na [nagsasabi]: “Sumamba kayo kay Allāh; walang ukol sa inyo na anumang Diyos na iba pa sa Kanya. Kaya hindi ba kayo mangingilag magkasala?”
Esegesi in lingua araba:
وَقَالَ ٱلۡمَلَأُ مِن قَوۡمِهِ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ وَكَذَّبُواْ بِلِقَآءِ ٱلۡأٓخِرَةِ وَأَتۡرَفۡنَٰهُمۡ فِي ٱلۡحَيَوٰةِ ٱلدُّنۡيَا مَا هَٰذَآ إِلَّا بَشَرٞ مِّثۡلُكُمۡ يَأۡكُلُ مِمَّا تَأۡكُلُونَ مِنۡهُ وَيَشۡرَبُ مِمَّا تَشۡرَبُونَ
Nagsabi ang konseho kabilang sa mga kalipi niya na mga tumangging sumampalataya at nagpasinungaling sa pakikipagkita sa Kabilang-buhay samantalang nagpariwasa Kami sa kanila sa Buhay sa Mundo: “Walang iba ito kundi isang taong tulad ninyo; kumakain siya mula sa kinakain ninyo at umiinom siya mula sa iniinom ninyo.
Esegesi in lingua araba:
وَلَئِنۡ أَطَعۡتُم بَشَرٗا مِّثۡلَكُمۡ إِنَّكُمۡ إِذٗا لَّخَٰسِرُونَ
Talagang kung tumalima kayo sa isang taong tulad ninyo, tunay na kayo, samakatuwid, ay talagang mga lugi.
Esegesi in lingua araba:
أَيَعِدُكُمۡ أَنَّكُمۡ إِذَا مِتُّمۡ وَكُنتُمۡ تُرَابٗا وَعِظَٰمًا أَنَّكُم مُّخۡرَجُونَ
Nangangako ba siya sa inyo na kayo, kapag namatay kayo at naging alabok at buto kayo, ay mga ilalabas?
Esegesi in lingua araba:
۞ هَيۡهَاتَ هَيۡهَاتَ لِمَا تُوعَدُونَ
Pagkalayu-layo ito, pagkalayu-layo ito para sa ipinangangako sa inyo.
Esegesi in lingua araba:
إِنۡ هِيَ إِلَّا حَيَاتُنَا ٱلدُّنۡيَا نَمُوتُ وَنَحۡيَا وَمَا نَحۡنُ بِمَبۡعُوثِينَ
Walang iba ito kundi buhay nating pangmundo; namamatay tayo at nabubuhay tayo at tayo ay hindi mga bubuhayin.
Esegesi in lingua araba:
إِنۡ هُوَ إِلَّا رَجُلٌ ٱفۡتَرَىٰ عَلَى ٱللَّهِ كَذِبٗا وَمَا نَحۡنُ لَهُۥ بِمُؤۡمِنِينَ
Walang iba siya kundi isang lalaking gumawa-gawa laban kay Allāh ng isang kasinungalingan. Tayo ay sa kanya ay hindi mga maniniwala.”
Esegesi in lingua araba:
قَالَ رَبِّ ٱنصُرۡنِي بِمَا كَذَّبُونِ
Nagsabi [si Noe]: “Panginoon ko, mag-adya Ka sa akin dahil nagpasinungaling sila sa akin.”
Esegesi in lingua araba:
قَالَ عَمَّا قَلِيلٖ لَّيُصۡبِحُنَّ نَٰدِمِينَ
Nagsabi Siya: “Sa kaunting [panahon], talagang sila nga ay magiging mga magsisisi.”
Esegesi in lingua araba:
فَأَخَذَتۡهُمُ ٱلصَّيۡحَةُ بِٱلۡحَقِّ فَجَعَلۡنَٰهُمۡ غُثَآءٗۚ فَبُعۡدٗا لِّلۡقَوۡمِ ٱلظَّٰلِمِينَ
Kaya dumaklot sa kanila ang hiyaw ayon sa katotohanan kaya gumawa Kami sa kanila bilang yagit. Kaya kalayuan [sa awa] ay ukol sa mga taong tagalabag sa katarungan.
Esegesi in lingua araba:
ثُمَّ أَنشَأۡنَا مِنۢ بَعۡدِهِمۡ قُرُونًا ءَاخَرِينَ
Pagkatapos nagpaluwal Kami matapos na nila ng mga salinlahing iba pa.
Esegesi in lingua araba:
 
Traduzione dei significati Sura: Al-Mu’minûn
Indice delle Sure Numero di pagina
 
Traduzione dei Significati del Sacro Corano - Traduzione filippina (tagalog) - Pioneers Translation Center (Ruwwad at-Tarjama) - Indice Traduzioni

Tradotta dal team del centro di traduzione "Pioneers" in collaborazione con "Association for call and awareness of communities" di al-Rabwah e "Association for Service of Islamic Content in Languages".

Chiudi