Traduzione dei Significati del Sacro Corano - Traduzione filippina (taglog) dell'Abbrevviata Esegesi del Nobile Corano * - Indice Traduzioni

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Traduzione dei significati Sura: Muhammad   Versetto:

Muhammad

ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ وَصَدُّواْ عَن سَبِيلِ ٱللَّهِ أَضَلَّ أَعۡمَٰلَهُمۡ
Ang mga tumangging sumampalataya at sumagabal sa landas ni Allāh[565] ay magpapawalang-kabuluhan Siya sa mga gawa nila.
[565] Ibig sabihin: sa Relihiyong Islam
Esegesi in lingua araba:
وَٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّٰلِحَٰتِ وَءَامَنُواْ بِمَا نُزِّلَ عَلَىٰ مُحَمَّدٖ وَهُوَ ٱلۡحَقُّ مِن رَّبِّهِمۡ كَفَّرَ عَنۡهُمۡ سَيِّـَٔاتِهِمۡ وَأَصۡلَحَ بَالَهُمۡ
Ang mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos at sumampalataya sa [Qur’ān na] ibinaba kay [Propeta] Muḥammad – at ito ay ang katotohanan mula sa Panginoon nila – ay magtatakip-sala Siya sa kanila sa mga masagwang gawa nila at magsasaayos Siya sa lagay nila [sa Mundo at Kabilang-buhay].
Esegesi in lingua araba:
ذَٰلِكَ بِأَنَّ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ ٱتَّبَعُواْ ٱلۡبَٰطِلَ وَأَنَّ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ ٱتَّبَعُواْ ٱلۡحَقَّ مِن رَّبِّهِمۡۚ كَذَٰلِكَ يَضۡرِبُ ٱللَّهُ لِلنَّاسِ أَمۡثَٰلَهُمۡ
Iyon ay dahil ang mga tumangging sumampalataya ay sumunod sa kabulaanan at ang mga sumampalataya naman ay sumunod sa katotohanan mula sa Panginoon nila. Gayon naglalahad si Allāh para sa mga tao ng mga paghahalintulad sa kanila.
Esegesi in lingua araba:
فَإِذَا لَقِيتُمُ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ فَضَرۡبَ ٱلرِّقَابِ حَتَّىٰٓ إِذَآ أَثۡخَنتُمُوهُمۡ فَشُدُّواْ ٱلۡوَثَاقَ فَإِمَّا مَنَّۢا بَعۡدُ وَإِمَّا فِدَآءً حَتَّىٰ تَضَعَ ٱلۡحَرۡبُ أَوۡزَارَهَاۚ ذَٰلِكَۖ وَلَوۡ يَشَآءُ ٱللَّهُ لَٱنتَصَرَ مِنۡهُمۡ وَلَٰكِن لِّيَبۡلُوَاْ بَعۡضَكُم بِبَعۡضٖۗ وَٱلَّذِينَ قُتِلُواْ فِي سَبِيلِ ٱللَّهِ فَلَن يُضِلَّ أَعۡمَٰلَهُمۡ
Kaya kapag nakipagkita kayo [sa labanan] sa mga tumangging sumampalataya ay tumaga sa mga leeg nila; hanggang sa nang nakalipol kayo sa kanila ay maghigpit kayo ng mga paggapos [sa mga bihag] saka maaaring maging may pagmamagandang-loob matapos niyon o maaaring maging may pagpapatubos [sa mga bihag] hanggang sa magbaba ang digmaan ng mga pasanin nito. Iyon nga [ang utos ni Allāh]; at kung sakaling loloobin ni Allāh ay talaga sanang naghiganti Siya laban sa kanila subalit [ipinag-utos ang pakikibaka laban sa mga kaaway ng katotohanan, katarungan, at kapayapaan] upang sumubok Siya sa iba sa inyo sa pamamagitan ng iba pa. Ang mga pinatay sa landas ni Allāh ay hindi Siya magwawala sa mga gawa nila.
Esegesi in lingua araba:
سَيَهۡدِيهِمۡ وَيُصۡلِحُ بَالَهُمۡ
Magpapatnubay Siya sa kanila at magsasaayos Siya sa [kasalukuyang] lagay nila.
Esegesi in lingua araba:
وَيُدۡخِلُهُمُ ٱلۡجَنَّةَ عَرَّفَهَا لَهُمۡ
Magpapapasok Siya sa kanila sa Paraiso, na ipinakilala Niya sa kanila.
Esegesi in lingua araba:
يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْ إِن تَنصُرُواْ ٱللَّهَ يَنصُرۡكُمۡ وَيُثَبِّتۡ أَقۡدَامَكُمۡ
O mga sumampalataya, kung mag-aadya kayo kay Allāh [sa layunin Niya], mag-aadya Siya sa inyo at magpapatatag Siya sa mga paa ninyo [sa labanan].
Esegesi in lingua araba:
وَٱلَّذِينَ كَفَرُواْ فَتَعۡسٗا لَّهُمۡ وَأَضَلَّ أَعۡمَٰلَهُمۡ
Ang mga tumangging sumampalataya, kasawian ay ukol sa kanila at iwawala Niya ang mga gawa nila.
Esegesi in lingua araba:
ذَٰلِكَ بِأَنَّهُمۡ كَرِهُواْ مَآ أَنزَلَ ٱللَّهُ فَأَحۡبَطَ أَعۡمَٰلَهُمۡ
Iyon ay dahil sila ay nasuklam sa [Qur’ān na] pinababa ni Allāh kaya nagpawalang-kabuluhan Siya sa mga gawa nila.
Esegesi in lingua araba:
۞ أَفَلَمۡ يَسِيرُواْ فِي ٱلۡأَرۡضِ فَيَنظُرُواْ كَيۡفَ كَانَ عَٰقِبَةُ ٱلَّذِينَ مِن قَبۡلِهِمۡۖ دَمَّرَ ٱللَّهُ عَلَيۡهِمۡۖ وَلِلۡكَٰفِرِينَ أَمۡثَٰلُهَا
Kaya hindi ba sila humayo sa lupain para tumingin sila kung papaano naging ang kinahinatnan ng mga bago pa nila? Dumurog si Allāh sa kanila. Ukol sa mga tagatangging sumampalataya ang mga tulad niyon.
Esegesi in lingua araba:
ذَٰلِكَ بِأَنَّ ٱللَّهَ مَوۡلَى ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَأَنَّ ٱلۡكَٰفِرِينَ لَا مَوۡلَىٰ لَهُمۡ
Iyon ay dahil si Allāh ang Pinagpapatangkilikan ng mga sumampalataya at [dahil] ang mga tagatangging sumampalataya ay walang pinagpapatangkilikan ukol sa kanila.
Esegesi in lingua araba:
إِنَّ ٱللَّهَ يُدۡخِلُ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّٰلِحَٰتِ جَنَّٰتٖ تَجۡرِي مِن تَحۡتِهَا ٱلۡأَنۡهَٰرُۖ وَٱلَّذِينَ كَفَرُواْ يَتَمَتَّعُونَ وَيَأۡكُلُونَ كَمَا تَأۡكُلُ ٱلۡأَنۡعَٰمُ وَٱلنَّارُ مَثۡوٗى لَّهُمۡ
Tunay na si Allāh ay magpapapasok sa mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos sa mga hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog. Ang mga tumangging sumampalataya ay nagpapakatamasa [sa Mundo] at kumakain kung paanong kumakain ang mga hayupan. Ang Apoy ay tuluyan para sa kanila.
Esegesi in lingua araba:
وَكَأَيِّن مِّن قَرۡيَةٍ هِيَ أَشَدُّ قُوَّةٗ مِّن قَرۡيَتِكَ ٱلَّتِيٓ أَخۡرَجَتۡكَ أَهۡلَكۡنَٰهُمۡ فَلَا نَاصِرَ لَهُمۡ
Kay raming pamayanan ay higit na matindi sa lakas kaysa sa [Makkah na] pamayanan mo na nagpalisan sa iyo! Nagpahamak Kami sa kanila sapagkat walang tagapag-adya para sa kanila.
Esegesi in lingua araba:
أَفَمَن كَانَ عَلَىٰ بَيِّنَةٖ مِّن رَّبِّهِۦ كَمَن زُيِّنَ لَهُۥ سُوٓءُ عَمَلِهِۦ وَٱتَّبَعُوٓاْ أَهۡوَآءَهُم
Kaya ba ang sinumang nasa isang malinaw na patunay mula sa Panginoon niya ay gaya ng mga ipinaakit para sa kanila ang kasagwaan ng gawain nila at sumunod sila sa mga pithaya nila?
Esegesi in lingua araba:
مَّثَلُ ٱلۡجَنَّةِ ٱلَّتِي وُعِدَ ٱلۡمُتَّقُونَۖ فِيهَآ أَنۡهَٰرٞ مِّن مَّآءٍ غَيۡرِ ءَاسِنٖ وَأَنۡهَٰرٞ مِّن لَّبَنٖ لَّمۡ يَتَغَيَّرۡ طَعۡمُهُۥ وَأَنۡهَٰرٞ مِّنۡ خَمۡرٖ لَّذَّةٖ لِّلشَّٰرِبِينَ وَأَنۡهَٰرٞ مِّنۡ عَسَلٖ مُّصَفّٗىۖ وَلَهُمۡ فِيهَا مِن كُلِّ ٱلثَّمَرَٰتِ وَمَغۡفِرَةٞ مِّن رَّبِّهِمۡۖ كَمَنۡ هُوَ خَٰلِدٞ فِي ٱلنَّارِ وَسُقُواْ مَآءً حَمِيمٗا فَقَطَّعَ أَمۡعَآءَهُمۡ
Ang paglalarawan sa Paraiso – na pinangakuan ang mga tagapangilag magkasala roon ng mga ilog mula sa tubig na hindi nagbabago, ng mga ilog mula sa gatas na hindi nagbago ang lasa nito, ng mga ilog mula sa alak na kasarapan para sa mga tagainom, at ng mga ilog mula sa pulut-pukyutan na dinalisay, at may ukol sa kanila roon na lahat ng mga bunga at isang kapatawaran mula sa Panginoon nila – ay gaya ba ng mga mamamalagi sa Apoy at paiinumin ng isang nakapapasong tubig kaya magpuputul-putol ito sa mga bituka nila?
Esegesi in lingua araba:
وَمِنۡهُم مَّن يَسۡتَمِعُ إِلَيۡكَ حَتَّىٰٓ إِذَا خَرَجُواْ مِنۡ عِندِكَ قَالُواْ لِلَّذِينَ أُوتُواْ ٱلۡعِلۡمَ مَاذَا قَالَ ءَانِفًاۚ أُوْلَٰٓئِكَ ٱلَّذِينَ طَبَعَ ٱللَّهُ عَلَىٰ قُلُوبِهِمۡ وَٱتَّبَعُوٓاْ أَهۡوَآءَهُمۡ
Mayroon sa kanila [ng mga tagatangging sumampalataya] na [nagkukunwaring] nakikinig sa iyo; hanggang nang nakalabas sila mula sa piling mo ay nagsabi sila sa mga binigyan ng kaalaman: “Ano ang sinabi niya kanina?” Ang mga iyon ay ang mga nagpinid si Allāh sa mga puso nila at sumunod sa mga pithaya nila.
Esegesi in lingua araba:
وَٱلَّذِينَ ٱهۡتَدَوۡاْ زَادَهُمۡ هُدٗى وَءَاتَىٰهُمۡ تَقۡوَىٰهُمۡ
Ang mga napatnubayan [sa landas ng Islām] ay nagdagdag Siya sa kanila ng patnubay at nagbigay Siya sa kanila ng pangingilag nilang magkasala.
Esegesi in lingua araba:
فَهَلۡ يَنظُرُونَ إِلَّا ٱلسَّاعَةَ أَن تَأۡتِيَهُم بَغۡتَةٗۖ فَقَدۡ جَآءَ أَشۡرَاطُهَاۚ فَأَنَّىٰ لَهُمۡ إِذَا جَآءَتۡهُمۡ ذِكۡرَىٰهُمۡ
Kaya naghihintay kaya sila ng maliban pa sa Huling Sandali, na sumapit ito sa kanila nang bigla sapagkat dumating na ang mga tanda nito? Kaya papaanong ukol sa kanila, kapag dumating [ang Huling Sandali na] ito sa kanila, ang paalaala sa kanila?
Esegesi in lingua araba:
فَٱعۡلَمۡ أَنَّهُۥ لَآ إِلَٰهَ إِلَّا ٱللَّهُ وَٱسۡتَغۡفِرۡ لِذَنۢبِكَ وَلِلۡمُؤۡمِنِينَ وَٱلۡمُؤۡمِنَٰتِۗ وَٱللَّهُ يَعۡلَمُ مُتَقَلَّبَكُمۡ وَمَثۡوَىٰكُمۡ
Kaya alamin mo na walang Diyos [na karapat-dapat sambahin] kundi si Allāh at humingi ka ng tawad para sa pagkakasala mo at para sa [mga pagkakasala ng] mga lalaking mananampalataya at mga babaing mananampalataya. Si Allāh ay nakaaalam sa ginagalawan ninyo at tuluyan ninyo [sa gabi ninyo].
Esegesi in lingua araba:
وَيَقُولُ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ لَوۡلَا نُزِّلَتۡ سُورَةٞۖ فَإِذَآ أُنزِلَتۡ سُورَةٞ مُّحۡكَمَةٞ وَذُكِرَ فِيهَا ٱلۡقِتَالُ رَأَيۡتَ ٱلَّذِينَ فِي قُلُوبِهِم مَّرَضٞ يَنظُرُونَ إِلَيۡكَ نَظَرَ ٱلۡمَغۡشِيِّ عَلَيۡهِ مِنَ ٱلۡمَوۡتِۖ فَأَوۡلَىٰ لَهُمۡ
Nagsasabi ang mga sumampalataya: “Bakit kasi walang ibinaba na isang kabanata?”[566] Ngunit nang may pinababa na isang kabanatang isinatahasan at binanggit dito ang pakikipaglaban, makikita mo ang mga sa mga puso nila ay may sakit [ng pagpapaimbabaw] na tumitingin sa iyo nang pagtingin ng hinimatay dahil sa [takot sa] kamatayan. Kaya higit na nararapat para sa kanila ay
[566] sa Qur’an na may pagbanggit ng pagpahintulot ng pakikipalaban
Esegesi in lingua araba:
طَاعَةٞ وَقَوۡلٞ مَّعۡرُوفٞۚ فَإِذَا عَزَمَ ٱلۡأَمۡرُ فَلَوۡ صَدَقُواْ ٱللَّهَ لَكَانَ خَيۡرٗا لَّهُمۡ
pagtalima [kay Allāh] at pagsasabing nakabubuti. Kaya kapag naisatungkulin ang usapin [ng pakikipaglaban] saka kung sakaling nagpakatotoo sila kay Allāh, talaga sanang ito ay naging higit na mabuti para sa kanila.
Esegesi in lingua araba:
فَهَلۡ عَسَيۡتُمۡ إِن تَوَلَّيۡتُمۡ أَن تُفۡسِدُواْ فِي ٱلۡأَرۡضِ وَتُقَطِّعُوٓاْ أَرۡحَامَكُمۡ
Kaya marahil kayo kaya, kung tumalikod kayo, ay manggugulo sa lupa at magpuputul-putol ng ugnayan sa mga kaanak ninyo?
Esegesi in lingua araba:
أُوْلَٰٓئِكَ ٱلَّذِينَ لَعَنَهُمُ ٱللَّهُ فَأَصَمَّهُمۡ وَأَعۡمَىٰٓ أَبۡصَٰرَهُمۡ
Ang mga iyon ay ang mga isinumpa ni Allāh, kaya bumingi Siya sa kanila at bumulag Siya sa mga paningin nila [sa katotohanan].
Esegesi in lingua araba:
أَفَلَا يَتَدَبَّرُونَ ٱلۡقُرۡءَانَ أَمۡ عَلَىٰ قُلُوبٍ أَقۡفَالُهَآ
Kaya hindi ba sila nagmumuni-muni sa Qur’ān o sa mga puso ay may mga pampinid ng mga ito?
Esegesi in lingua araba:
إِنَّ ٱلَّذِينَ ٱرۡتَدُّواْ عَلَىٰٓ أَدۡبَٰرِهِم مِّنۢ بَعۡدِ مَا تَبَيَّنَ لَهُمُ ٱلۡهُدَى ٱلشَّيۡطَٰنُ سَوَّلَ لَهُمۡ وَأَمۡلَىٰ لَهُمۡ
Tunay na ang mga bumalik sa mga tinalikdan nila matapos na luminaw para sa kanila ang patnubay, ang demonyo ay humalina sa kanila at nagpapatagal [ng maling pag-asa] para sa kanila.
Esegesi in lingua araba:
ذَٰلِكَ بِأَنَّهُمۡ قَالُواْ لِلَّذِينَ كَرِهُواْ مَا نَزَّلَ ٱللَّهُ سَنُطِيعُكُمۡ فِي بَعۡضِ ٱلۡأَمۡرِۖ وَٱللَّهُ يَعۡلَمُ إِسۡرَارَهُمۡ
Iyon ay dahil sila ay nagsabi sa mga nasuklam sa [Qur’ān na] ibinaba ni Allāh: “Tatalima kami sa inyo sa ilan sa usapin,” samantalang si Allāh ay nakaaalam sa paglilihim nila.
Esegesi in lingua araba:
فَكَيۡفَ إِذَا تَوَفَّتۡهُمُ ٱلۡمَلَٰٓئِكَةُ يَضۡرِبُونَ وُجُوهَهُمۡ وَأَدۡبَٰرَهُمۡ
Kaya papaano kapag bumawi sa kanila ang mga anghel habang pumapalo ang mga ito sa mga mukha nila at mga likod nila?
Esegesi in lingua araba:
ذَٰلِكَ بِأَنَّهُمُ ٱتَّبَعُواْ مَآ أَسۡخَطَ ٱللَّهَ وَكَرِهُواْ رِضۡوَٰنَهُۥ فَأَحۡبَطَ أَعۡمَٰلَهُمۡ
Iyon ay dahil sila ay sumunod sa nagpainis kay Allāh at nasuklam sila sa pagkalugod Niya kaya nagpawalang-kabuluhan Siya sa mga gawa nila.
Esegesi in lingua araba:
أَمۡ حَسِبَ ٱلَّذِينَ فِي قُلُوبِهِم مَّرَضٌ أَن لَّن يُخۡرِجَ ٱللَّهُ أَضۡغَٰنَهُمۡ
O nag-akala ang mga sa mga puso nila ay may sakit [ng pagpapaimbabaw] na hindi magpapalabas si Allāh sa mga poot nila?
Esegesi in lingua araba:
وَلَوۡ نَشَآءُ لَأَرَيۡنَٰكَهُمۡ فَلَعَرَفۡتَهُم بِسِيمَٰهُمۡۚ وَلَتَعۡرِفَنَّهُمۡ فِي لَحۡنِ ٱلۡقَوۡلِۚ وَٱللَّهُ يَعۡلَمُ أَعۡمَٰلَكُمۡ
Kung sakaling niloloob Namin ay talaga sanang ipinakita Namin sa iyo sila kaya talaga sanang nakilala mo sila sa pamamagitan ng mga tatak nila at talaga sanang makikilala mo nga sila sa himig ng pagkakasabi [nila]. Si Allāh ay nakaaalam sa mga gawa ninyo.
Esegesi in lingua araba:
وَلَنَبۡلُوَنَّكُمۡ حَتَّىٰ نَعۡلَمَ ٱلۡمُجَٰهِدِينَ مِنكُمۡ وَٱلصَّٰبِرِينَ وَنَبۡلُوَاْ أَخۡبَارَكُمۡ
Talagang susubok nga Kami sa inyo hanggang sa maghayag Kami sa mga nakikibaka [sa pakikipaglaban] kabilang sa inyo at mga nagtitiis at sumubok Kami sa mga gawain ninyo.
Esegesi in lingua araba:
إِنَّ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ وَصَدُّواْ عَن سَبِيلِ ٱللَّهِ وَشَآقُّواْ ٱلرَّسُولَ مِنۢ بَعۡدِ مَا تَبَيَّنَ لَهُمُ ٱلۡهُدَىٰ لَن يَضُرُّواْ ٱللَّهَ شَيۡـٔٗا وَسَيُحۡبِطُ أَعۡمَٰلَهُمۡ
Tunay na ang mga tumangging sumampalataya, sumagabal [sa mga tao] sa landas ni Allāh, at nakipaghidwaan sa Sugo matapos na luminaw para sa kanila ang patnubay ay hindi makapipinsala kay Allāh sa anuman at magpapawalang-kabuluhan Siya sa mga gawa nila.
Esegesi in lingua araba:
۞ يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْ أَطِيعُواْ ٱللَّهَ وَأَطِيعُواْ ٱلرَّسُولَ وَلَا تُبۡطِلُوٓاْ أَعۡمَٰلَكُمۡ
O mga sumampalataya, tumalima kayo kay Allāh at tumalima kayo sa Sugo, at huwag kayong magpawalang-saysay sa mga [magandang] gawa ninyo.
Esegesi in lingua araba:
إِنَّ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ وَصَدُّواْ عَن سَبِيلِ ٱللَّهِ ثُمَّ مَاتُواْ وَهُمۡ كُفَّارٞ فَلَن يَغۡفِرَ ٱللَّهُ لَهُمۡ
Tunay na ang mga tumangging sumampalataya at sumagabal sa landas ni Allāh – pagkatapos namatay sila habang sila ay mga tagatangging sumampalataya – ay hindi magpapatawad si Allāh sa kanila.
Esegesi in lingua araba:
فَلَا تَهِنُواْ وَتَدۡعُوٓاْ إِلَى ٱلسَّلۡمِ وَأَنتُمُ ٱلۡأَعۡلَوۡنَ وَٱللَّهُ مَعَكُمۡ وَلَن يَتِرَكُمۡ أَعۡمَٰلَكُمۡ
Kaya huwag kayong panghinaan at [huwag] kayong mag-anyaya sa pakikipagpayapaan samantalang kayo ay ang mga pinakamataas at si Allāh ay kasama sa inyo. Hindi Siya magbabawas sa inyo sa [gantimpala sa] mga gawa ninyo.
Esegesi in lingua araba:
إِنَّمَا ٱلۡحَيَوٰةُ ٱلدُّنۡيَا لَعِبٞ وَلَهۡوٞۚ وَإِن تُؤۡمِنُواْ وَتَتَّقُواْ يُؤۡتِكُمۡ أُجُورَكُمۡ وَلَا يَسۡـَٔلۡكُمۡ أَمۡوَٰلَكُمۡ
Ang buhay na pangmundo ay isang paglalaro at isang paglilibang lamang. Kung sasampalataya kayo at mangingilag kayong magkasala ay magbibigay Siya sa inyo ng mga pabuya ninyo at hindi Siya hihingi sa inyo ng mga yaman ninyo.
Esegesi in lingua araba:
إِن يَسۡـَٔلۡكُمُوهَا فَيُحۡفِكُمۡ تَبۡخَلُواْ وَيُخۡرِجۡ أَضۡغَٰنَكُمۡ
Kung hihingi Siya sa inyo niyon saka magpipilit Siya sa inyo ay magmamaramot kayo at magpapalabas Siya sa mga poot ninyo.
Esegesi in lingua araba:
هَٰٓأَنتُمۡ هَٰٓؤُلَآءِ تُدۡعَوۡنَ لِتُنفِقُواْ فِي سَبِيلِ ٱللَّهِ فَمِنكُم مَّن يَبۡخَلُۖ وَمَن يَبۡخَلۡ فَإِنَّمَا يَبۡخَلُ عَن نَّفۡسِهِۦۚ وَٱللَّهُ ٱلۡغَنِيُّ وَأَنتُمُ ٱلۡفُقَرَآءُۚ وَإِن تَتَوَلَّوۡاْ يَسۡتَبۡدِلۡ قَوۡمًا غَيۡرَكُمۡ ثُمَّ لَا يَكُونُوٓاْ أَمۡثَٰلَكُم
Kayo nga itong tinatawagan upang gumugol kayo sa landas ni Allāh ngunit mayroon sa inyo na nagmamaramot. Ang sinumang nagmamaramot ay nagmamaramot lamang sa sarili niya. Si Allāh ay ang Walang-pangangailangan samantalang kayo ay ang mga maralita [sa Kanya]. Kung tatalikod kayo ay papalitan Niya [kayo] ng mga taong iba sa inyo, pagkatapos hindi sila magiging mga tulad ninyo.
Esegesi in lingua araba:
 
Traduzione dei significati Sura: Muhammad
Indice delle Sure Numero di pagina
 
Traduzione dei Significati del Sacro Corano - Traduzione filippina (taglog) dell'Abbrevviata Esegesi del Nobile Corano - Indice Traduzioni

Traduzione dei significati del Nobile Corano in filippino (tagalog) a cura di Pioneers Translation Center (Ruwwad at-Tarjama) in collaborazione col sito Islam House islamhouse.com

Chiudi