クルアーンの対訳 - クルアーン簡潔注釈(フィリピン - タガログ語対訳) * - 対訳の目次


対訳 章: フード章   節:

Hūd

本章の趣旨:
تثبيت النبي والمؤمنين بقصص الأنبياء السابقين، وتشديد الوعيد للمكذبين.
Ang pagpapatatag sa Propeta at mga mananampalataya sa pamamagitan ng mga kasaysayan ng mga propetang nauna at ang pagpapatindi ng banta sa mga tagapagpasinungaling.

الٓرۚ كِتَٰبٌ أُحۡكِمَتۡ ءَايَٰتُهُۥ ثُمَّ فُصِّلَتۡ مِن لَّدُنۡ حَكِيمٍ خَبِيرٍ
Alif. Lām. Rā’. Nauna na ang pagtatalakay sa mga kapareho ng mga ito sa Kabanatang Al-Baqarah. Ang Qur'ān ay isang aklat na hinusayan ang mga talata nito sa pagkakaayos at kahulugan kaya hindi ka nakakikita sa mga ito ng kasiraan ni kakulangan. Pagkatapos nilinaw ito sa pamamagitan ng pagbanggit sa ipinahihintulot at ipinagbabawal, ipinag-uutos at sinasaway, pangako at banta, mga salaysay, at ipa pa roon mula sa ganang Marunong sa pangangasiwa Niya at pagbabatas Niya, Mapagbatid sa mga kalagayan ng mga lingkod Niya at sa anumang nagsasaayos sa kanila.
アラビア語 クルアーン注釈:
أَلَّا تَعۡبُدُوٓاْ إِلَّا ٱللَّهَۚ إِنَّنِي لَكُم مِّنۡهُ نَذِيرٞ وَبَشِيرٞ
Ang nilalaman nitong mga talatang pinababa kay Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ay ang pagsaway sa mga lingkod na sumamba kasama kay Allāh sa iba pa sa Kanya: "Tunay na ako, O mga tao, ay isang tagapangamba para sa inyo sa pagdurusang dulot ni Allāh kung tumanggi kayong sumampalataya sa Kanya at sumuway kayo sa Kanya, at isang tagapagbalita ng nakagagalak sa inyo hinggil sa gantimpala Niya kung sumampalataya kayo sa Kanya at gumawa kayo ayon sa batas Niya."
アラビア語 クルアーン注釈:
وَأَنِ ٱسۡتَغۡفِرُواْ رَبَّكُمۡ ثُمَّ تُوبُوٓاْ إِلَيۡهِ يُمَتِّعۡكُم مَّتَٰعًا حَسَنًا إِلَىٰٓ أَجَلٖ مُّسَمّٗى وَيُؤۡتِ كُلَّ ذِي فَضۡلٖ فَضۡلَهُۥۖ وَإِن تَوَلَّوۡاْ فَإِنِّيٓ أَخَافُ عَلَيۡكُمۡ عَذَابَ يَوۡمٖ كَبِيرٍ
Humiling kayo, O mga tao, ng kapatawaran sa mga pagkakasala ninyo mula sa Panginoon ninyo. Manumbalik kayo sa Kanya kalakip ng pagsisisi sa anumang nagkulang kayo sa panig Niya, magpapatamasa Siya sa inyo sa buhay ninyo sa Mundo ng isang natatamasang maganda hanggang sa oras ng pagwawakas ng mga taning ninyong itinakda at magbibigay Siya sa bawat may kabutihang-loob sa pagtalima at paggawa ng isang ganti sa kabutihang-loob nito nang kumpletong walang ibinawas. Kung aayaw kayo sa pagsampalataya sa inihatid ko mula sa Panginoon ko, tunay na ako ay nangangamba para sa inyo ng isang pagdurusa sa isang araw na matindi ang mga hilakbot, ang Araw ng Pagbangon.
アラビア語 クルアーン注釈:
إِلَى ٱللَّهِ مَرۡجِعُكُمۡۖ وَهُوَ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ قَدِيرٌ
Tungo kay Allāh lamamng ang pagbabalik ninyo, O mga tao, sa Araw ng Pagbangon. Siya – kaluwalhatian sa Kanya – sa bawat bagay ay May-kakayahan: walang nakapagpapahina sa Kanya na anuman kaya hindi nakapagpapahina sa Kanya ang pagbibigay-buhay sa inyo at ang pagtutuos sa inyo matapos ng kamatayan ninyo at pagbubuhay sa inyo."
アラビア語 クルアーン注釈:
أَلَآ إِنَّهُمۡ يَثۡنُونَ صُدُورَهُمۡ لِيَسۡتَخۡفُواْ مِنۡهُۚ أَلَا حِينَ يَسۡتَغۡشُونَ ثِيَابَهُمۡ يَعۡلَمُ مَا يُسِرُّونَ وَمَا يُعۡلِنُونَۚ إِنَّهُۥ عَلِيمُۢ بِذَاتِ ٱلصُّدُورِ
Pansinin, tunay na ang mga tagapagtambal na ito ay nagbabaluktot ng mga dibdib nila upang magtago ng nasa mga ito na pagdududa tungkol kay Allāh dala ng isang kamangmangan sa Kanya mula sa kanila. Pansinin, kapag nagtatalukbong sila ng mga ulo nila sa pamamagitan ng mga kasuutan nila ay nakaaalam si Allāh ng itinatago nila at inilalantad nila. Tunay na Siya ay Maalam sa anumang ikinukubli ng mga dibdib.
アラビア語 クルアーン注釈:
本諸節の功徳:
• إن الخير والشر والنفع والضر بيد الله دون ما سواه.
Tunay na ang kabutihan, ang kasamaan, ang pakinabang, at ang pinsala ay nasa kamay ni Allāh, wala sa iba pa sa Kanya.

• وجوب اتباع الكتاب والسُّنَّة والصبر على الأذى وانتظار الفرج من الله.
Ang pagkatungkulin ng pagsunod sa Qur'ān at Sunnah, ang pagtitiis sa pananakit, at ang paghihintay ng pagpapaginhawa mula kay Allāh.

• آيات القرآن محكمة لا يوجد فيها خلل ولا باطل، وقد فُصِّلت الأحكام فيها تفصيلًا تامَّا.
Ang mga talata ng Qur'ān ay hinusto, na hindi nakatatagpo sa mga ito ng kasiraan ni kabulaanan, at dinetalye nga ang mga patakaran sa mga ito ayon sa isang pagdedetalyeng lubusan.

• وجوب المسارعة إلى التوبة والندم على الذنوب لنيل المطلوب والنجاة من المرهوب.
Ang pagkatungkulin ng pagdadali-dali sa pagbabalik-loob at pagsisisi sa mga pagkakasala para sa pagtamo ng hinihiling at kaligtasan mula sa pinangingilabutan.

۞ وَمَا مِن دَآبَّةٖ فِي ٱلۡأَرۡضِ إِلَّا عَلَى ٱللَّهِ رِزۡقُهَا وَيَعۡلَمُ مُسۡتَقَرَّهَا وَمُسۡتَوۡدَعَهَاۚ كُلّٞ فِي كِتَٰبٖ مُّبِينٖ
Walang anumang nilikhang gumagalaw sa balat ng lupa, maging anuman ito, malibang gumarantiya si Allāh sa pagtustos dito bilang pagmamagandang-loob mula sa Kanya. Nakaaalam Siya – kaluwalhatian sa Kanya – sa kinalalagyan ng panunuluyan nito sa lupa at nakaaalam Siya sa kinalalagyan ng kamatayan nito kung saan mamamatay ito. Kaya bawat isa sa mga hayop – pati na ang pagtustos sa mga ito, ang mga kinalalagyan ng panunuluyan ng mga ito, at ang mga kinalalagyan ng kamatayan ng mga ito – ay nasa isang talaang maliwanag, ang Tablerong Pinag-iingatan.
アラビア語 クルアーン注釈:
وَهُوَ ٱلَّذِي خَلَقَ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضَ فِي سِتَّةِ أَيَّامٖ وَكَانَ عَرۡشُهُۥ عَلَى ٱلۡمَآءِ لِيَبۡلُوَكُمۡ أَيُّكُمۡ أَحۡسَنُ عَمَلٗاۗ وَلَئِن قُلۡتَ إِنَّكُم مَّبۡعُوثُونَ مِنۢ بَعۡدِ ٱلۡمَوۡتِ لَيَقُولَنَّ ٱلَّذِينَ كَفَرُوٓاْ إِنۡ هَٰذَآ إِلَّا سِحۡرٞ مُّبِينٞ
Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ang lumikha ng mga langit at lupa sa kabila ng kalakihan ng mga ito at lumikha ng anumang nasa mga ito sa anim na araw. Ang Trono Niya, bago ng paglikha sa mga ito, ay nasa ibabaw ng tubig. [Ito ay] upang sumulit Siya sa inyo, O mga tao, kung alin sa inyo ang pinakamaganda dahil sa paggawa ng nagpapalugod sa Kanya at kung alin sa inyo ang pinakamasagwa dahil sa paggawa ng nagpapainis sa Kanya, para gumantimpala Siya sa bawat isa ng nagiging karapat-dapat dito. Talagang kung nagsabi ka, O Sugo: "Tunay na kayo, O mga tao, ay mga bubuhayin matapos ng kamatayan ninyo upang tuusin kayo" ay talagang magsasabi nga ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh at nagkaila sa pagbubuhay: "Walang iba ang Qur'ān na ito na binibigkas ninyo kundi isang panggagaway na maliwanag sapagkat ito ay bulaang maliwanag ang kabulaanan."
アラビア語 クルアーン注釈:
وَلَئِنۡ أَخَّرۡنَا عَنۡهُمُ ٱلۡعَذَابَ إِلَىٰٓ أُمَّةٖ مَّعۡدُودَةٖ لَّيَقُولُنَّ مَا يَحۡبِسُهُۥٓۗ أَلَا يَوۡمَ يَأۡتِيهِمۡ لَيۡسَ مَصۡرُوفًا عَنۡهُمۡ وَحَاقَ بِهِم مَّا كَانُواْ بِهِۦ يَسۡتَهۡزِءُونَ
Talagang kung nag-antala Kami sa mga tagapagtambal ng nagiging karapat-dapat sa kanila na pagdurusa sa buhay na pangmundo hanggang sa isang yugto ng mga araw na nabibilang ay talagang magsasabi nga sila habang mga nagmamadali sa kanya habang mga nangungutya: "Aling bagay ang pumipigil ng pagdurusa sa amin?" Pakatandaan, tunay na ang pagdurusang nagiging karapat-dapat sila ay may yugto sa ganang kay Allāh. Sa araw na darating ito sa kanila ay hindi sila makatatagpo ng isang tagalihis na maglilihis nito palayo sa kanila, bagkus magaganap ito sa kanila at papaligid sa kanila ang pagdurusang dati nilang minamadali bilang pangungutya at panunuya.
アラビア語 クルアーン注釈:
وَلَئِنۡ أَذَقۡنَا ٱلۡإِنسَٰنَ مِنَّا رَحۡمَةٗ ثُمَّ نَزَعۡنَٰهَا مِنۡهُ إِنَّهُۥ لَيَـُٔوسٞ كَفُورٞ
Talagang kung nagbigay Kami sa tao mula sa Amin ng isang biyaya gaya ng biyaya ng kalusugan at yaman, pagkatapos nagtanggal Kami mula sa kanya ng biyayang iyon, tunay na siya ay talagang madalas ang kawalang-pag-asa sa awa ni Allāh, mabigat ang pagtangging magpasalamat sa mga biyaya Niya. Nakalilimot siya sa mga ito kapag nagtanggal si Allāh ng mga ito sa kanya.
アラビア語 クルアーン注釈:
وَلَئِنۡ أَذَقۡنَٰهُ نَعۡمَآءَ بَعۡدَ ضَرَّآءَ مَسَّتۡهُ لَيَقُولَنَّ ذَهَبَ ٱلسَّيِّـَٔاتُ عَنِّيٓۚ إِنَّهُۥ لَفَرِحٞ فَخُورٌ
Talagang kung nagpalasap Kami sa kanya ng isang kaluwagan sa panustos at kalusugan matapos ng isang karalitaan at isang karamdamang dumapo sa kanya ay talagang magsasabi nga siya: "Nawala ang kasagwaan buhat sa akin at tumigil ang pinsala." Hindi siya nagpasalamat kay Allāh doon. Tunay na siya ay talagang labis ang saya nang walang pasasalamat, at labis ang pagmamataas sa mga tao at ang pagpapasikat sa ibiniyaya ni Allāh sa kanya.
アラビア語 クルアーン注釈:
إِلَّا ٱلَّذِينَ صَبَرُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّٰلِحَٰتِ أُوْلَٰٓئِكَ لَهُم مَّغۡفِرَةٞ وَأَجۡرٞ كَبِيرٞ
Maliban sa mga nagtiis sa mga kasamaang-palad at mga pagtalima laban sa mga pagsuway at gumawa ng mga gawang maayos sapagkat magkakaroon sila ng iba pang kalagayan yayamang walang dadapo sa kanila na kawalang-pag-asa ni kawalang-pasasalamat sa mga biyaya ni Allāh ni pagmamataas sa mga tao. Ang mga nailalarawang iyon sa mga katangiang ito ay may ukol sa kanila na isang kapatawaran mula sa Panginoon nila para sa mga pagkakasala nila at may ukol sa kanila na isang ganting malaki sa Kabilang-buhay.
アラビア語 クルアーン注釈:
فَلَعَلَّكَ تَارِكُۢ بَعۡضَ مَا يُوحَىٰٓ إِلَيۡكَ وَضَآئِقُۢ بِهِۦ صَدۡرُكَ أَن يَقُولُواْ لَوۡلَآ أُنزِلَ عَلَيۡهِ كَنزٌ أَوۡ جَآءَ مَعَهُۥ مَلَكٌۚ إِنَّمَآ أَنتَ نَذِيرٞۚ وَٱللَّهُ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ وَكِيلٌ
Kaya baka ikaw, O Sugo, dahil sa nakaharap mo na kawalang-pananampalataya nila at pagmumungkahi nila ng mga talata, ay mag-iiwan sa pagpapaabot sa ilan sa ipinag-utos sa iyo ni Allāh na ipaabot, na nakabibigat sa kanila ang pagsasagawa niyon, at pinaninikipan ng dibdib mo sa pagpapaabot niyon? [Ito ay] upang hindi sila magsabi: "Bakit kaya walang pinababa sa kanya ng isang kayamanang magpapayaman sa kanya o may dumating kasama sa kanya na isang anghel na magpapatotoo sa kanya?" Kaya huwag kang mag-iwan sa ilan sa ikinakasi sa iyo alang-alang doon sapagkat Ikaw ay walang iba kundi isang mapagbabala: nagpapaabot ka ng ipinag-utos sa iyo ni Allāh na ipaabot. Hindi tungkulin sa iyo ang pagsasagawa ng iminumungkahi nila na mga talata. Si Allāh sa bawat bagay ay Mapag-ingat.
アラビア語 クルアーン注釈:
本諸節の功徳:
• سعة علم الله تعالى وتكفله بأرزاق مخلوقاته من إنسان وحيوان وغيرهما.
Ang lawak ng kaalaman ni Allāh – pagkataas-taas Siya – at ang paggagarantiya Niya sa mga panustos ng mga nilikha Niya na tao, hayop, at iba pa sa mga ito.

• بيان علة الخلق؛ وهي اختبار العباد بامتثال أوامر الله واجتناب نواهيه.
Ang paglilinaw sa sanhi ng paglikha, na ito ay ang pagsubok sa mga lingkod sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos ni Allāh at pag-iwas sa mga sinasaway Niya.

• لا ينبغي الاغترار بإمهال الله تعالى لأهل معصيته، فإنه قد يأخذهم فجأة وهم لا يشعرون.
Hindi nararapat ang pagkakalinlang dahil sa pagpapalugit ni Allāh – pagkataas-taas Siya – para sa mga tagagawa ng pagsuway sa Kanya sapagkat ito ay maaaring kumuha sa kanila nang biglaan habang sila ay hindi nakararamdam.

• بيان حال الإنسان في حالتي السعة والشدة، ومدح موقف المؤمن المتمثل في الصبر والشكر.
Ang paglilinaw sa kalagayan ng tao sa dalawang kalagayan ng kaluwagan at kagipitan at ang pagpapapuri sa paninindigan ng mananampalataya na kinakatawan ng pagtitiis at pagpapasalamat.

أَمۡ يَقُولُونَ ٱفۡتَرَىٰهُۖ قُلۡ فَأۡتُواْ بِعَشۡرِ سُوَرٖ مِّثۡلِهِۦ مُفۡتَرَيَٰتٖ وَٱدۡعُواْ مَنِ ٱسۡتَطَعۡتُم مِّن دُونِ ٱللَّهِ إِن كُنتُمۡ صَٰدِقِينَ
Bagkus nagsasabi ba ang mga tagapagtambal: "Lumikha-likha si Muḥammad ng Qur'ān at hindi ito isang kasi mula kay Allāh?" Sabihin mo, O Sugo, habang naghahamon sa kanila: "Kaya maglahad kayo ng sampung nilikha-likhang kabanata tulad ng Qur'ān na ito, na hindi kayo naoobliga sa mga ito ng katapatan tulad ng Qur'ān na inaakala ninyo na ito ay nilikha-likha. Tumawag kayo ng sinumang nakaya ninyong tawagin upang magpatulong kayo rito para roon kung kayo ay mga tapat sa pag-aangkin na ang Qur'ān ay nilikha-likha."
アラビア語 クルアーン注釈:
فَإِلَّمۡ يَسۡتَجِيبُواْ لَكُمۡ فَٱعۡلَمُوٓاْ أَنَّمَآ أُنزِلَ بِعِلۡمِ ٱللَّهِ وَأَن لَّآ إِلَٰهَ إِلَّا هُوَۖ فَهَلۡ أَنتُم مُّسۡلِمُونَ
Kaya kung hindi sila nagdala ng hiniling ninyo mula sa kanila dahil sa kawalan ng kakayahan nila roon, alamin ninyo, O mga mananampalataya, ayon sa kaalamang tiyak na ang Qur'ān ay pinababa lamang ni Allāh sa Sugo Niya nang may kaalaman Niya at hindi nilikha-likha, at alamin ninyo na walang sinasamba ayon sa karapatan kundi si Allāh. Kaya kayo ba ay mga nagpapaakay sa Kanya matapos ng mga kapani-paniwalang katwirang ito?
アラビア語 クルアーン注釈:
مَن كَانَ يُرِيدُ ٱلۡحَيَوٰةَ ٱلدُّنۡيَا وَزِينَتَهَا نُوَفِّ إِلَيۡهِمۡ أَعۡمَٰلَهُمۡ فِيهَا وَهُمۡ فِيهَا لَا يُبۡخَسُونَ
Ang sinumang nagnanais dahil sa gawa niya ng buhay na pangmundo at ng mga tinatamasa ritong naglalaho at hindi nagnanais dahil doon ng Kabilang-buhay, magbibigay Kami sa kanila ng gantimpala sa mga gawa nila sa Mundo [gaya ng] kalusugan, katiwasayan, at kaluwagan sa panustos habang hindi sila binabawasan ng anuman mula sa gantimpala sa gawa nila.
アラビア語 クルアーン注釈:
أُوْلَٰٓئِكَ ٱلَّذِينَ لَيۡسَ لَهُمۡ فِي ٱلۡأٓخِرَةِ إِلَّا ٱلنَّارُۖ وَحَبِطَ مَا صَنَعُواْ فِيهَا وَبَٰطِلٞ مَّا كَانُواْ يَعۡمَلُونَ
Ang mga nailarawang iyon sa layuning kasisi-sising ito ay walang ukol sa kanilang gantimpala sa Araw ng Pagbangon kundi ang Apoy upang pasukin nila. Nawala sa kanila ang gantimpala ng mga gawa nila. Ang mga gawa nila ay walang-saysay dahil ang mga ito ay hindi naunahan ng isang pananampalataya ni ng isang layuning tumpak sapagkat hindi sila nagnais dahil sa mga ito ng [lugod ng] mukha ni Allāh at ng tahanan sa Kabilang-buhay.
アラビア語 クルアーン注釈:
أَفَمَن كَانَ عَلَىٰ بَيِّنَةٖ مِّن رَّبِّهِۦ وَيَتۡلُوهُ شَاهِدٞ مِّنۡهُ وَمِن قَبۡلِهِۦ كِتَٰبُ مُوسَىٰٓ إِمَامٗا وَرَحۡمَةًۚ أُوْلَٰٓئِكَ يُؤۡمِنُونَ بِهِۦۚ وَمَن يَكۡفُرۡ بِهِۦ مِنَ ٱلۡأَحۡزَابِ فَٱلنَّارُ مَوۡعِدُهُۥۚ فَلَا تَكُ فِي مِرۡيَةٖ مِّنۡهُۚ إِنَّهُ ٱلۡحَقُّ مِن رَّبِّكَ وَلَٰكِنَّ أَكۡثَرَ ٱلنَّاسِ لَا يُؤۡمِنُونَ
Hindi nagkakapantay [iyon at] si Propeta Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – na may kasama sa kanyang isang patotoo mula sa Panginoon niya – pagkataas-taas Siya. Sumusunod sa kanya ang isang tagasaksi mula sa Panginoon niya, na si Anghel Gabriel, at sumasaksi sa kanya bago pa man sa pagkapropeta niya ang Torah na pinababa kay Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – bilang huwaran ng mga tao at bilang awa sa kanila. Siya at ang sinumang sumampalataya kasama sa kanya ay hindi nakapapantay ng mga tagatangging sumampalatayang iyan na mga nag-aapuhap sa pagkaligaw. Ang mga iyon ay sumasampalataya kay Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – at sa Qur'ān na pinababa sa kanya. Ang sinumang tumangging sumampalataya sa kanya kabilang sa mga tagasunod ng mga kapaniwalaan, ang Apoy ay ipinangako rito sa Araw ng Pagbangon. Kaya ikaw, O Sugo, ay huwag maging nasa isang pag-aalinlangan sa Qur'ān at sa ipinangako sa kanila sapagkat ito ang katotohanang walang pagdududa hinggil dito, subalit ang higit na marami sa mga tao ay hindi sumasampalataya sa kabila ng pagkakatigan ng mga patunay na maliwanag at mga patotoong hayag.
アラビア語 クルアーン注釈:
وَمَنۡ أَظۡلَمُ مِمَّنِ ٱفۡتَرَىٰ عَلَى ٱللَّهِ كَذِبًاۚ أُوْلَٰٓئِكَ يُعۡرَضُونَ عَلَىٰ رَبِّهِمۡ وَيَقُولُ ٱلۡأَشۡهَٰدُ هَٰٓؤُلَآءِ ٱلَّذِينَ كَذَبُواْ عَلَىٰ رَبِّهِمۡۚ أَلَا لَعۡنَةُ ٱللَّهِ عَلَى ٱلظَّٰلِمِينَ
Walang isang higit na tagalabag sa katarungan kaysa sa sinumang lumikha-likha laban kay Allāh ng isang kasinungalingan sa pamamagitan ng pag-uugnay ng katambal o anak sa Kanya. Ang mga lumilikha-likha ng kasinungalingan laban kay Allāh ay ilalahad sa Panginoon nila sa Araw ng Pagbangon upang magtanong Siya sa kanila tungkol sa mga gawain nila at magsasabi ang mga saksi laban sa kanila kabilang sa mga anghel at mga isinugo: "Ang mga ito ay ang mga nagsinungaling laban kay Allāh sa pamamagitan ng iniugnay nila sa Kanya na katambal at anak." Pansinin, itinaboy ni Allāh mula sa awa Niya ang mga tagalabag sa katarungan sa mga sarili nila dahil sa pagsisinungaling laban kay Allāh.
アラビア語 クルアーン注釈:
ٱلَّذِينَ يَصُدُّونَ عَن سَبِيلِ ٱللَّهِ وَيَبۡغُونَهَا عِوَجٗا وَهُم بِٱلۡأٓخِرَةِ هُمۡ كَٰفِرُونَ
Ang mga pumipigil sa mga tao sa tuwid na landas ni Allāh at humihiling para sa landas Niya ng pagkabaluktot palayo sa pagkamatuwid upang hindi ito tahakin ng isa man habang sila ay tumatangging sumampalataya sa pagkabuhay matapos ng kamatayan at nagkakaila rito.
アラビア語 クルアーン注釈:
本諸節の功徳:
• تحدي الله تعالى للمشركين بالإتيان بعشر سور من مثل القرآن، وبيان عجزهم عن الإتيان بذلك.
Ang paghamon ni Allāh – pagkataas-taas Siya – sa mga tagapagtambal na maglahad ng sampung kabanata mula sa tulad ng Qur'ān at ang paglilinaw sa kawalang-kakayahan nila sa paglalahad niyon.

• إذا أُعْطِي الكافر مبتغاه من الدنيا فليس له في الآخرة إلّا النار.
Kapag binigyan ang tagatangging sumampalataya ng minimithi nito mula sa Mundo, walang ukol sa kanya sa Kabilang-buhay kundi ang Apoy.

• عظم ظلم من يفتري على الله الكذب وعظم عقابه يوم القيامة.
Ang bigat ng kawalang-katarungan ng sinumang gumagawa-gawa laban kay Allāh ng kasinungalingan at ang bigat ng parusa sa kanya sa Araw ng Pagbangon.

أُوْلَٰٓئِكَ لَمۡ يَكُونُواْ مُعۡجِزِينَ فِي ٱلۡأَرۡضِ وَمَا كَانَ لَهُم مِّن دُونِ ٱللَّهِ مِنۡ أَوۡلِيَآءَۘ يُضَٰعَفُ لَهُمُ ٱلۡعَذَابُۚ مَا كَانُواْ يَسۡتَطِيعُونَ ٱلسَّمۡعَ وَمَا كَانُواْ يُبۡصِرُونَ
Ang mga nailalarawang iyon sa mga katangiang iyon ay hindi naging mga nakakakaya sa pagtakas sa lupa mula sa pagdurusa mula kay Allāh kapag bumaba ito sa kanila at hindi sila nagkaroon ng mga kakampi at mga tagatulong bukod pa kay Allāh na tutulak sa parusa Niya palayo sa kanila. Daragdagan sa kanila ang pagdurusa sa Araw ng Pagbangon dahilan sa paglihis nila ng mga sarili nila at paglihis nila ng iba pa sa kanila palayo sa landas ni Allāh. Hindi sila dati sa Mundo nakakakaya ng pagdinig sa katotohanan at patnubay at ayon sa pagdinig ng pagtanggap. Hindi sila dati nakakikita sa mga tanda ni Allāh sa Sansinukob ayon sa pagkakitang nagdudulot ng mahihita sa kanila dahil sa matinding pag-ayaw nila sa katotohanan.
アラビア語 クルアーン注釈:
أُوْلَٰٓئِكَ ٱلَّذِينَ خَسِرُوٓاْ أَنفُسَهُمۡ وَضَلَّ عَنۡهُم مَّا كَانُواْ يَفۡتَرُونَ
Ang mga nailalarawang iyon sa mga katangiang iyon ay ang mga nagpalugi sa mga sarili nila sa pamamagitan ng paghahatid sa mga ito sa mga hatiran ng kapahamakan sa pamamagitan ng paggawa ng mga katambal kasama kay Allāh. Umalis sa kanila ang dati nilang nililik-likha na mga katambal at mga tagapamagitan.
アラビア語 クルアーン注釈:
لَا جَرَمَ أَنَّهُمۡ فِي ٱلۡأٓخِرَةِ هُمُ ٱلۡأَخۡسَرُونَ
Totoong tunay na sila sa Araw ng Pagbangon ay ang mga pinakalugi sa pakikipagpalitan yayamang ipinalit nila ang kawalang-pananampalataya sa pananampalataya, ang Mundo sa Kabilang-buhay, at ang pagdurusa sa awa.
アラビア語 クルアーン注釈:
إِنَّ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّٰلِحَٰتِ وَأَخۡبَتُوٓاْ إِلَىٰ رَبِّهِمۡ أُوْلَٰٓئِكَ أَصۡحَٰبُ ٱلۡجَنَّةِۖ هُمۡ فِيهَا خَٰلِدُونَ
Tunay na ang mga sumampalataya kay Allāh at sa mga sugo Niya, gumawa ng mga gawang maayos, at nagpasailalim at nagpakumbaba kay Allāh, ang mga iyon ay ang mga maninirahan sa Paraiso; sila ay doon mga mamamalagi magpakailanman.
アラビア語 クルアーン注釈:
۞ مَثَلُ ٱلۡفَرِيقَيۡنِ كَٱلۡأَعۡمَىٰ وَٱلۡأَصَمِّ وَٱلۡبَصِيرِ وَٱلسَّمِيعِۚ هَلۡ يَسۡتَوِيَانِ مَثَلًاۚ أَفَلَا تَذَكَّرُونَ
Ang paghahalintulad sa dalawang pangkat ng mga tagatangging sumampalataya at mga mananampalataya ay ang paghahalintulad sa bulag na hindi nakakikita at bingi na hindi nakaririnig – ito ay ang paghahalintulad sa pangkat ng mga tagatangging sumampalataya na hindi nakaririnig sa katotohanan ayon sa pagdinig ng pagtanggap at hindi nakakikita nito ayon sa pagkakitang na nagpapakinabang sa kanila – at ang paghahalintulad sa nakaririnig na nakakikita – ito ay ang paghahalintulad sa pangkat ng mga mananampalataya, na pinagsasama ang pagkadinig at ang pagkakita. Nagkakapantay kaya ang dalawang pangkat na ito sa kalagayan at katangian? Hindi nagkakapantay ang dalawang ito. Kaya hindi ba kayo nagsasaalang-alang sa kawalan ng pagkakapantay ng dalawa?
アラビア語 クルアーン注釈:
وَلَقَدۡ أَرۡسَلۡنَا نُوحًا إِلَىٰ قَوۡمِهِۦٓ إِنِّي لَكُمۡ نَذِيرٞ مُّبِينٌ
Talaga ngang nagpadala Kami kay Noe – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – bilang sugo sa mga tao niya, kaya nagsabi siya sa kanila: "Tunay na ako ay isang mapagbabala para sa inyo sa pagdurusang dulot ni Allāh, na malinaw para sa inyo ang ipinasugo sa akin sa inyo.
アラビア語 クルアーン注釈:
أَن لَّا تَعۡبُدُوٓاْ إِلَّا ٱللَّهَۖ إِنِّيٓ أَخَافُ عَلَيۡكُمۡ عَذَابَ يَوۡمٍ أَلِيمٖ
Nag-aanyaya ako sa inyo tungo sa pagsamba kay Allāh lamang kaya huwag kayong sumamba kundi sa Kanya. Tunay na ako ay nangangamba para sa inyo sa isang pagdurusa sa isang araw na nakasasakit."
アラビア語 クルアーン注釈:
فَقَالَ ٱلۡمَلَأُ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ مِن قَوۡمِهِۦ مَا نَرَىٰكَ إِلَّا بَشَرٗا مِّثۡلَنَا وَمَا نَرَىٰكَ ٱتَّبَعَكَ إِلَّا ٱلَّذِينَ هُمۡ أَرَاذِلُنَا بَادِيَ ٱلرَّأۡيِ وَمَا نَرَىٰ لَكُمۡ عَلَيۡنَا مِن فَضۡلِۭ بَلۡ نَظُنُّكُمۡ كَٰذِبِينَ
Kaya nagsabi ang mga maharlika at ang mga pinuno na mga tumangging sumampalataya kabilang sa mga tao niya: "Hindi kami tutugon sa paanyaya mo dahil walang pagtatangi sa iyo higit sa amin sapagkat ikaw ay tao tulad namin; dahil kami ay hindi nakikita sa iyo na [may] sumunod sa iyo maliban sa mga mababa sa amin batay sa lumitaw sa amin sa pagtingin namin; at dahil wala kayong kahigitan sa kamaharlikaan, yaman, at impluwensiya, na magpapaging-dapat sa inyo upang sumunod kami sa inyo; bagkus nagpapalagay kami na kayo ay mga sinungaling sa inaanyaya ninyo."
アラビア語 クルアーン注釈:
قَالَ يَٰقَوۡمِ أَرَءَيۡتُمۡ إِن كُنتُ عَلَىٰ بَيِّنَةٖ مِّن رَّبِّي وَءَاتَىٰنِي رَحۡمَةٗ مِّنۡ عِندِهِۦ فَعُمِّيَتۡ عَلَيۡكُمۡ أَنُلۡزِمُكُمُوهَا وَأَنتُمۡ لَهَا كَٰرِهُونَ
Nagsabi sa kanila si Noe: "O mga tao ko, magpabatid kayo sa akin. Kung ako ay nasa isang patotoo mula sa Panginoon ko, na sumasaksi sa katapatan ko at nag-oobliga sa inyo ng pagpapatotoo sa akin, at nagbigay Siya sa akin ng awa mula sa ganang Kanya: ang pagkapropeta at ang pasugo, at naikubli ito sa inyo dahil sa kamangmangan ninyo rito, mamumuwersa ba Kami sa inyo sa pananampalataya rito at magpapasok ba kami nito sa mga puso ninyo nang sapilitan? Hindi kami nakakakaya niyon sapagkat ang nagtutuon sa pananampalataya ay si Allāh.
アラビア語 クルアーン注釈:
本諸節の功徳:
• الكافر لا ينتفع بسمعه وبصره انتفاعًا يقود للإيمان، فهما كالمُنْتَفِيَين عنه بخلاف المؤمن.
Ang tagatangging sumampalataya ay hindi nakikinabang sa pakikinig niya at pagtingin niya ayon sa pakikinabang na nag-aakay sa pananampalataya sapagkat ang dalawang ito ay gaya ng mga nagkakaila doon, bilang kasalungatan sa mananampalataya.

• سُنَّة الله في أتباع الرسل أنهم الفقراء والضعفاء لخلوِّهم من الكِبْر، وخُصُومهم الأشراف والرؤساء.
Ang kalakaran ni Allāh sa mga tagasunod ng mga sugo ay na sila ay ang mga maralita at ang mga mahina dahil sa kawalan nila ng pagmamalaki. Ang mga kaalitan nila ay ang mga maharlika at ang mga pinuno.

• تكبُّر الأشراف والرؤساء واحتقارهم لمن دونهم في غالب الأحيان.
Ang pagkamapagmalaki ng mga maharlika at mga pinuno at ang panghahamak nila sa sinumang mababa pa sa kanila sa pinakamadalas.

وَيَٰقَوۡمِ لَآ أَسۡـَٔلُكُمۡ عَلَيۡهِ مَالًاۖ إِنۡ أَجۡرِيَ إِلَّا عَلَى ٱللَّهِۚ وَمَآ أَنَا۠ بِطَارِدِ ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْۚ إِنَّهُم مُّلَٰقُواْ رَبِّهِمۡ وَلَٰكِنِّيٓ أَرَىٰكُمۡ قَوۡمٗا تَجۡهَلُونَ
O mga tao ko, hindi ako humihiling sa inyo dahil sa pagpapaabot ng pasugo ng isang yaman sapagkat walang iba ang pabuya ko kundi nasa kay Allāh. Ako ay hindi magpapalayo buhat sa pagtitipon ko sa mga maralita kabilang sa mga sumampalataya, na hiniling ninyo ang pagtataboy sa kanila. Tunay na sila ay makikipagkita sa Panginoon nila sa Araw ng Pagbangon, at Siya ay gaganti sa kanila dahil sa pananampalataya nila. Subalit ako ay nakakikita sa inyo bilang mga taong hindi nakaiintindi sa katotohanan ng pag-aanyayang ito nang humihiling kayo ng pagtataboy sa mga mahina kabilang sa mga mananampalataya.
アラビア語 クルアーン注釈:
وَيَٰقَوۡمِ مَن يَنصُرُنِي مِنَ ٱللَّهِ إِن طَرَدتُّهُمۡۚ أَفَلَا تَذَكَّرُونَ
O mga tao ko, sino ang magtutulak palayo sa akin ng pagdurusa mula kay Allāh kung nagtaboy ako sa mga mananampalatayang ito dala ng paglabag sa katarungan, nang walang pagkakasala? Kaya hindi ba kayo nagsasaalaala at nagpupunyagi ng anumang higit na maayos para sa inyo at higit na kapaki-pakinabang?
アラビア語 クルアーン注釈:
وَلَآ أَقُولُ لَكُمۡ عِندِي خَزَآئِنُ ٱللَّهِ وَلَآ أَعۡلَمُ ٱلۡغَيۡبَ وَلَآ أَقُولُ إِنِّي مَلَكٞ وَلَآ أَقُولُ لِلَّذِينَ تَزۡدَرِيٓ أَعۡيُنُكُمۡ لَن يُؤۡتِيَهُمُ ٱللَّهُ خَيۡرًاۖ ٱللَّهُ أَعۡلَمُ بِمَا فِيٓ أَنفُسِهِمۡ إِنِّيٓ إِذٗا لَّمِنَ ٱلظَّٰلِمِينَ
Hindi ako nagsasabi sa inyo, O mga tao ko, na taglay ko ang mga imbakan ni Allāh, na nasa mga ito ang panustos Niya, na gugugulin ko ang mga ito sa inyo kung sumampalataya kayo. Hindi ako nagsasabi sa inyo na tunay na ako ay nakaaalam sa Lingid. Hindi ako nagsasabi sa inyo na tunay na ako ay kabilang sa mga anghel; bagkus ako ay isang tao tulad ninyo. Hindi ako nagsasabi tungkol sa mga maralitang nilalait ng mga mata ninyo at minamaliit ninyo na hindi magbibigay sa kanila si Allāh ng isang pagtutuon ni isang kapatnubayan. Si Allāh ay higit na maalam sa mga layunin nila at mga kalagayan nila. Tunay na ako, kung nag-angkin niyon, ay talagang kabilang sa mga tagalabag sa katarungan, na mga nagiging karapat-dapat sa pagdurusa mula kay Allāh."
アラビア語 クルアーン注釈:
قَالُواْ يَٰنُوحُ قَدۡ جَٰدَلۡتَنَا فَأَكۡثَرۡتَ جِدَٰلَنَا فَأۡتِنَا بِمَا تَعِدُنَآ إِن كُنتَ مِنَ ٱلصَّٰدِقِينَ
Nagsabi sila bilang pangyayamot at pagpapakamalaki: "O Noe, nakipag-alitan ka na sa amin at nakipagdebate ka sa amin saka nagpadalas ka sa pakikipag-alitan sa amin at pakikipagdebate sa amin kaya magdala ka sa amin ng ipinangangako mo sa amin na pagdurusa kung ikaw ay kabilang sa mga tapat sa inaangkin mo."
アラビア語 クルアーン注釈:
قَالَ إِنَّمَا يَأۡتِيكُم بِهِ ٱللَّهُ إِن شَآءَ وَمَآ أَنتُم بِمُعۡجِزِينَ
Nagsabi sa kanila si Noe: "Ako ay hindi magdadala sa inyo ng pagdurusa. Magdadala lamang sa inyo nito si Allāh kung niloob Niya, at kayo ay hindi mga makakakaya sa pagtakas sa pagdurusa mula kay Allāh kung nagnais Siya sa inyo ng isang pagdurusa.
アラビア語 クルアーン注釈:
وَلَا يَنفَعُكُمۡ نُصۡحِيٓ إِنۡ أَرَدتُّ أَنۡ أَنصَحَ لَكُمۡ إِن كَانَ ٱللَّهُ يُرِيدُ أَن يُغۡوِيَكُمۡۚ هُوَ رَبُّكُمۡ وَإِلَيۡهِ تُرۡجَعُونَ
Hindi magpapakinabang sa inyo ang payo ko at ang pagpapaalaala ko sa inyo kung nangyaring si Allāh ay nagnanais na magligaw sa inyo palayo sa landasing matuwid at magpabigo sa inyo sa pagkapatnubay dahilan sa pagmamatigas ninyo. Siya ay ang Panginoon ninyo sapagkat Siya ang nagmamay-ari sa nauukol sa inyo kaya magliligaw Siya sa inyo kung niloob Niya. Tungo sa Kanya lamang pababalikin kayo sa Araw ng Pagbangon para gumanti Siya sa inyo sa mga gawa ninyo."
アラビア語 クルアーン注釈:
أَمۡ يَقُولُونَ ٱفۡتَرَىٰهُۖ قُلۡ إِنِ ٱفۡتَرَيۡتُهُۥ فَعَلَيَّ إِجۡرَامِي وَأَنَا۠ بَرِيٓءٞ مِّمَّا تُجۡرِمُونَ
Ang kadahilanan ng kawalang-pananampalataya ng mga tao ni Noe ay na sila ay nag-aangkin na siya ay lumikha-likha laban kay Allāh nitong relihiyon na inihatid niya. Sabihin mo sa kanila, O Sugo: "Kung lumikha-likha ako nito ay sa akin lamang ang parusa sa kasalanan ko at hindi ako mananagot mula sa anuman sa kasalanan ng pagpapasinungaling ninyo sapagkat ako ay walang-kaugnayan doon."
アラビア語 クルアーン注釈:
وَأُوحِيَ إِلَىٰ نُوحٍ أَنَّهُۥ لَن يُؤۡمِنَ مِن قَوۡمِكَ إِلَّا مَن قَدۡ ءَامَنَ فَلَا تَبۡتَئِسۡ بِمَا كَانُواْ يَفۡعَلُونَ
Nagkasi si Allāh kay Noe: "Hindi sasampalataya kabilang sa mga tao mo, O Noe, kundi ang sinumang sumampalataya na noon pa, kaya huwag kang malungkot, O Noe, dahilan sa anumang dati nilang ginagawa na pagpapasinungaling at pangungutya sa loob ng mahabang yugtong iyon.
アラビア語 クルアーン注釈:
وَٱصۡنَعِ ٱلۡفُلۡكَ بِأَعۡيُنِنَا وَوَحۡيِنَا وَلَا تُخَٰطِبۡنِي فِي ٱلَّذِينَ ظَلَمُوٓاْ إِنَّهُم مُّغۡرَقُونَ
Yumari ka ng arko sa pamamagitan ng pagtingin mula sa Amin na naiingatan mula sa Amin at sa pamamagitan ng pagkasi Namin sa pagtuturo sa iyo kung papaano kang yayari nito. Huwag kang makipag-usap sa Akin, na humihiling ng pagpapalugit sa mga lumabag sa katarungan sa mga sarili nila dahil sa kawalang-pananampalataya; tunay na sila ay mga malulunod – walang pasubali – sa gunaw bilang parusa sa kanila dahil sa pagpupumilit nila sa kawalang-pananampalataya.
アラビア語 クルアーン注釈:
本諸節の功徳:
• عفة الداعية إلى الله وأنه يرجو منه الثواب وحده.
Ang kadalisayan ng tagapag-anyaya tungo kay Allāh at na ito ay naghahangad mula sa Kanya ng gantimpala – tanging sa Kanya.

• حرمة طرد فقراء المؤمنين، ووجوب إكرامهم واحترامهم.
Ang pagkabawal ng pagtataboy sa mga maralita ng mga mananampalataya at ang pagkatungkulin ng pagpaparangal sa kanila at paggalang sa kanila.

• استئثار الله تعالى وحده بعلم الغيب.
Ang pagsosolo ni Allāh – pagkataas-taas Siya – sa kaalaman sa Lingid.

• مشروعية جدال الكفار ومناظرتهم.
Ang pagkaisinasabatas ng pakikipagtalo sa mga tagatangging sumampalataya at ng pakikipagdebate sa kanila.

وَيَصۡنَعُ ٱلۡفُلۡكَ وَكُلَّمَا مَرَّ عَلَيۡهِ مَلَأٞ مِّن قَوۡمِهِۦ سَخِرُواْ مِنۡهُۚ قَالَ إِن تَسۡخَرُواْ مِنَّا فَإِنَّا نَسۡخَرُ مِنكُمۡ كَمَا تَسۡخَرُونَ
Kaya sumunod si Noe sa utos ng Panginoon niya. Nagsimula siyang yumari ng arko. Sa tuwing napadaan sa kanya ang mga malaking tao ng mga tao niya at ang mga pinapanginoon nila ay nangungutya sila sa kanya dahil sa isinasagawa niya na pagyari ng arko samantalang sa lupain niya ay walang tubig ni mga ilog. Kaya noong naulit-ulit ang pangungutya nila sa kanya ay nagsabi siya: "Kung nangungutya kayo, O konseho, sa amin ngayong araw kapag yumayari kami ng arko, tunay na kami ay mangungutya sa inyo dahil sa kamangmangan ninyo sa kahahantungan ng lagay ninyo na pagkalunod.
アラビア語 クルアーン注釈:
فَسَوۡفَ تَعۡلَمُونَ مَن يَأۡتِيهِ عَذَابٞ يُخۡزِيهِ وَيَحِلُّ عَلَيۡهِ عَذَابٞ مُّقِيمٌ
Saka makaaalam kayo sa kung sino ang pupuntahan ng isang pagdurusa sa mundo na mang-aaba sa kanya at manghahamak sa kanya at bababaan sa Araw ng Pagbangon ng isang pagdurusang mamamalaging hindi napuputol."
アラビア語 クルアーン注釈:
حَتَّىٰٓ إِذَا جَآءَ أَمۡرُنَا وَفَارَ ٱلتَّنُّورُ قُلۡنَا ٱحۡمِلۡ فِيهَا مِن كُلّٖ زَوۡجَيۡنِ ٱثۡنَيۡنِ وَأَهۡلَكَ إِلَّا مَن سَبَقَ عَلَيۡهِ ٱلۡقَوۡلُ وَمَنۡ ءَامَنَۚ وَمَآ ءَامَنَ مَعَهُۥٓ إِلَّا قَلِيلٞ
Winakasan ni Noe ang pagyari sa arkong ipinag-utos sa kanya ni Allāh na yariin. Hanggang sa nang dumating ang pasya Namin sa pagpapahamak sa kanila at sumambulat ang tubig mula sa pugon, na dati silang naghuhurno roon, bilang pagbibigay-alam sa simula ng gunaw ay nagsabi naman Kami kay Noe – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan: "Maglulan ka sa arko ng bawat uri ng hayop sa ibabaw ng lupa na dalawang magkapares: lalaki at babae. Maglulan ka ng mag-anak mo – maliban sa nauna sa kanya ang kahatulan na siya ay malulunod dahil sa kanyang pagiging hindi sumampalataya. Maglulan ka ng sinumang sumampalataya kabilang sa mga tao mo." Walang sumampalataya kasama sa kanya kundi kaunting bilang sa hinaba-haba ng yugtong nanatili siya roon na nag-aanyaya sa kanila sa pananampalataya kay Allāh.
アラビア語 クルアーン注釈:
۞ وَقَالَ ٱرۡكَبُواْ فِيهَا بِسۡمِ ٱللَّهِ مَجۡر۪ىٰهَا وَمُرۡسَىٰهَآۚ إِنَّ رَبِّي لَغَفُورٞ رَّحِيمٞ
Nagsabi si Noe sa sinumang sumampalataya kabilang sa mag-anak niya at mga tao niya: "Sumakay kayo sa arko. Sa ngalan ni Allāh mangyayari ang paglalayag ng arko at sa ngalan Niya mangyayari ang pagdaong nito. Tunay na ang Panginoon ko ay Mapagpatawad sa mga pagkakasala ng sinumang nagbalik-loob kabilang sa mga lingkod Niya, Maawain sa kanila. Bahagi ng awa Niya sa mga mananampalataya na nagligtas Siya sa kanila mula sa kapahamakan."
アラビア語 クルアーン注釈:
وَهِيَ تَجۡرِي بِهِمۡ فِي مَوۡجٖ كَٱلۡجِبَالِ وَنَادَىٰ نُوحٌ ٱبۡنَهُۥ وَكَانَ فِي مَعۡزِلٖ يَٰبُنَيَّ ٱرۡكَب مَّعَنَا وَلَا تَكُن مَّعَ ٱلۡكَٰفِرِينَ
Ang arko ay umuusad lulan ang sinumang nasa loob nito na mga tao at mga iba pa sa kanila sa mga dambuhalang alon na tulad ng mga bundok. Dahil sa damdamin ng pagkaama, nanawagan si Noe – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – sa anak niyang tagatangging sumampalataya habang ito ay nakabukod malayo sa ama nito at mga tao nito sa isang lugar: "O anak ko, sumakay ka kasama sa amin sa arko upang maligtas ka sa pagkalunod. Huwag kang maging kabilang sa mga tagatangging sumampalataya at dadapo sa iyo ang dumapo sa kanila na kapahamakan at pagkalunod."
アラビア語 クルアーン注釈:
قَالَ سَـَٔاوِيٓ إِلَىٰ جَبَلٖ يَعۡصِمُنِي مِنَ ٱلۡمَآءِۚ قَالَ لَا عَاصِمَ ٱلۡيَوۡمَ مِنۡ أَمۡرِ ٱللَّهِ إِلَّا مَن رَّحِمَۚ وَحَالَ بَيۡنَهُمَا ٱلۡمَوۡجُ فَكَانَ مِنَ ٱلۡمُغۡرَقِينَ
Nagsabi ang anak ni Noe kay Noe: "Dudulog ako sa isang bundok na mataas upang magtanggol sa akin laban sa pag-abot ng tubig sa akin." Nagsabi si Noe sa anak niya: "Walang tagapagtanggol sa araw na ito laban sa parusa ni Allāh sa pamamagitan ng pagkalunod sa gunaw kundi si Allāh na naaawa sa pamamagitan ng awa Niya sa sinumang niloloob Niya – kaluwalhatian sa Kanya – sapagkat tunay na Siya ay nagsasanggalang laban sa pagkalunod." Nagpahiwalay ang mga alon sa pagitan ni Noe at ng anak niyang tagatangging sumampalataya kaya ito ay naging kabilang sa mga nalunod sa gunaw dahil sa kawalang-pananampalataya nito.
アラビア語 クルアーン注釈:
وَقِيلَ يَٰٓأَرۡضُ ٱبۡلَعِي مَآءَكِ وَيَٰسَمَآءُ أَقۡلِعِي وَغِيضَ ٱلۡمَآءُ وَقُضِيَ ٱلۡأَمۡرُ وَٱسۡتَوَتۡ عَلَى ٱلۡجُودِيِّۖ وَقِيلَ بُعۡدٗا لِّلۡقَوۡمِ ٱلظَّٰلِمِينَ
Nagsabi si Allāh sa lupa matapos ng pagwawakas ng gunaw: "O lupa, inumin mo ang nasa ibabaw mo na tubig ng gunaw." Nagsabi Siya sa langit: "O langit, pigilin mo at huwag mong ipadala ang ulan." Nabawasan ang tubig hanggang sa natuyo ang lupa. Nagpahamak si Allāh sa mga tagatangging sumampalataya. Huminto ang arko sa ibabaw ng bundok ng Jūdīy. Sinabi: "Kalayuan sa awa at kapahamakan ay ukol sa mga taong lumalampas sa mga hangganan ni Allāh sa kawalang-pananampalataya."
アラビア語 クルアーン注釈:
وَنَادَىٰ نُوحٞ رَّبَّهُۥ فَقَالَ رَبِّ إِنَّ ٱبۡنِي مِنۡ أَهۡلِي وَإِنَّ وَعۡدَكَ ٱلۡحَقُّ وَأَنتَ أَحۡكَمُ ٱلۡحَٰكِمِينَ
Nanawagan si Noe – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – sa Panginoon niya habang nagpapasaklolo sa Kanya saka nagsabi: "O Panginoon ko, tunay na ang anak ko ay kabilang sa mag-anak ko na nangako Ka sa akin ng pagliligtas sa kanila. Tunay na ang pangako Mo ay ang tapat na walang pagsira rito. Ikaw ay ang pinakamakatarungan sa mga tagahatol at ang pinakamaalam sa kanila."
アラビア語 クルアーン注釈:
本諸節の功徳:
• بيان عادة المشركين في الاستهزاء والسخرية بالأنبياء وأتباعهم.
Ang paglilinaw sa kaugalian ng mga tagapagtambal sa pangungutya at panunuya sa mga propeta at mga tagasunod ng mga ito.

• بيان سُنَّة الله في الناس وهي أن أكثرهم لا يؤمنون.
Ang paglilinaw sa kalakaran ni Allāh sa mga tao: na ang higit na marami sa kanila ay hindi sumasampalataya.

• لا ملجأ من الله إلا إليه، ولا عاصم من أمره إلا هو سبحانه.
Walang madudulugan mula kay Allāh kundi sa Kanya at walang tagapagsanggalang laban sa pasya Niya kundi Siya – kaluwalhatian sa Kanya.

قَالَ يَٰنُوحُ إِنَّهُۥ لَيۡسَ مِنۡ أَهۡلِكَۖ إِنَّهُۥ عَمَلٌ غَيۡرُ صَٰلِحٖۖ فَلَا تَسۡـَٔلۡنِ مَا لَيۡسَ لَكَ بِهِۦ عِلۡمٌۖ إِنِّيٓ أَعِظُكَ أَن تَكُونَ مِنَ ٱلۡجَٰهِلِينَ
Nagsabi si Allāh kay Noe: "O Noe, tunay na ang anak mo na hiniling mo sa Akin na iligtas siya ay hindi kabilang sa mag-anak mo na nangako Ako sa iyo na iligtas sila dahil siya ay isang tagatangging sumampalataya. Tunay na ang paghiling mo, O Noe, ay isang gawaing hindi naaangkop sa iyo at hindi nababagay para sa sinumang nasa katayuan mo. Kaya huwag kang humiling sa Akin ng wala kang kaalaman hinggil doon. Tunay na Ako ay nagbibigay-babala sa iyo na baka ikaw ay maging kabilang sa mga mangmang para humiling ka sa Akin ng sumasalungat sa kaalaman Ko at karunungan Ko."
アラビア語 クルアーン注釈:
قَالَ رَبِّ إِنِّيٓ أَعُوذُ بِكَ أَنۡ أَسۡـَٔلَكَ مَا لَيۡسَ لِي بِهِۦ عِلۡمٞۖ وَإِلَّا تَغۡفِرۡ لِي وَتَرۡحَمۡنِيٓ أَكُن مِّنَ ٱلۡخَٰسِرِينَ
Nagsabi si Noe – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan: "Panginoon ko, tunay na ako ay dumudulog at nagpapasanggalang sa Iyo laban sa paghiling ko sa Iyo ng walang kaalaman para sa akin hinggil doon. Kung hindi Ka magpapatawad sa akin sa pagkakasala ko at maaawa sa akin sa pamamagitan ng awa Mo, ako ay magiging kabilang sa mga lugi na nagpalugi ng mga bahagi nila sa Kabilang-buhay."
アラビア語 クルアーン注釈:
قِيلَ يَٰنُوحُ ٱهۡبِطۡ بِسَلَٰمٖ مِّنَّا وَبَرَكَٰتٍ عَلَيۡكَ وَعَلَىٰٓ أُمَمٖ مِّمَّن مَّعَكَۚ وَأُمَمٞ سَنُمَتِّعُهُمۡ ثُمَّ يَمَسُّهُم مِّنَّا عَذَابٌ أَلِيمٞ
Nagsabi si Allāh kay Noe – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan: "O Noe, bumaba ka mula sa arko sa lupa nang may kaligtasan, katiwasayan, at mga biyayang marami mula kay Allāh sa iyo at sa mga supling ng mga kasama sa iyo sa arko kabilang sa mga mananampalataya, na darating matapos mo. May mga ibang kalipunang kabilang sa mga supling nila na mga tagatangging sumampalataya na pagtatamasain Namin sa buhay na ito sa Mundo. Magbibigay Kami sa kanila ng ikabubuhay nila, pagkatapos may hahantong sa kanila mula sa Amin sa Kabilang-buhay na isang pagdurusang nakasasakit."
アラビア語 クルアーン注釈:
تِلۡكَ مِنۡ أَنۢبَآءِ ٱلۡغَيۡبِ نُوحِيهَآ إِلَيۡكَۖ مَا كُنتَ تَعۡلَمُهَآ أَنتَ وَلَا قَوۡمُكَ مِن قَبۡلِ هَٰذَاۖ فَٱصۡبِرۡۖ إِنَّ ٱلۡعَٰقِبَةَ لِلۡمُتَّقِينَ
Itong kasaysayan ni Noe ay kabilang sa mga ulat ng Lingid. Hindi ka dati, O Sugo, nakaaalam nito. Ang mga tao mo noon ay hindi nakaaalam ng mga ito bago pa ng pagkakasi na ito na ikinasi ni Allāh sa iyo. Kaya magtiis ka sa pananakit ng mga tao mo at pagpapasinungaling nila kung paanong nagtiis si Noe – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan. Tunay na ang pagwawagi at ang pananaig ay ukol sa mga sumusunod sa mga ipinag-uutos ni Allāh at umiiwas sa mga sinasaway Niya.
アラビア語 クルアーン注釈:
وَإِلَىٰ عَادٍ أَخَاهُمۡ هُودٗاۚ قَالَ يَٰقَوۡمِ ٱعۡبُدُواْ ٱللَّهَ مَا لَكُم مِّنۡ إِلَٰهٍ غَيۡرُهُۥٓۖ إِنۡ أَنتُمۡ إِلَّا مُفۡتَرُونَ
Nagsugo Kami sa [liping] `Ād ng kapatid nilang si Hūd – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan. Nagsabi siya sa kanila: "O mga kalipi ko, sumamba kayo kay Allāh lamang at huwag kayong magtambal kasama sa Kanya ng isa man; walang ukol sa inyo na isang sinasamba ayon sa karapatan na iba pa sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya. Walang iba kayo sa pag-aangkin ninyo na mayroon Siyang katambal kundi mga sinungaling."
アラビア語 クルアーン注釈:
يَٰقَوۡمِ لَآ أَسۡـَٔلُكُمۡ عَلَيۡهِ أَجۡرًاۖ إِنۡ أَجۡرِيَ إِلَّا عَلَى ٱلَّذِي فَطَرَنِيٓۚ أَفَلَا تَعۡقِلُونَ
O mga kalipi ko, hindi ako humihiling mula sa inyo ng isang gantimpala dahil sa nagpapaabot ako sa inyo mula sa Panginoon ko at nag-aanyaya ako sa inyo tungo sa Kanya. Walang iba ang gantimpala ko kundi nasa kay Allāh na lumikha sa akin. Kaya hindi ba kayo nakapag-uunawa niyon at tutugon sa ipinaaanyaya ko sa inyo?
アラビア語 クルアーン注釈:
وَيَٰقَوۡمِ ٱسۡتَغۡفِرُواْ رَبَّكُمۡ ثُمَّ تُوبُوٓاْ إِلَيۡهِ يُرۡسِلِ ٱلسَّمَآءَ عَلَيۡكُم مِّدۡرَارٗا وَيَزِدۡكُمۡ قُوَّةً إِلَىٰ قُوَّتِكُمۡ وَلَا تَتَوَلَّوۡاْ مُجۡرِمِينَ
O mga kalipi ko, humiling kayo ng kapatawaran mula kay Allāh, pagkatapos magbalik-loob kayo sa Kanya mula sa mga pagkakasala ninyo – at ang pinakamalaki sa mga ito ay ang shirk – maggagantimpala Siya sa inyo roon sa pamamagitan ng pagpapababa ng maraming ulan at magdaragdag Siya sa inyo ng kapangyarihan sa [dating] kapangyarihan ninyo sa pamamagitan ng pagpaparami sa mga supling at mga yaman. Huwag kayong umayaw sa ipinaaanyaya ko sa inyo para kayo maging mga salarin dahil sa pag-ayaw ninyo sa paanyaya ko, kawalang-pananampalataya ninyo kay Allāh, at pagpapasinungaling ninyo sa inihatid ko.
アラビア語 クルアーン注釈:
قَالُواْ يَٰهُودُ مَا جِئۡتَنَا بِبَيِّنَةٖ وَمَا نَحۡنُ بِتَارِكِيٓ ءَالِهَتِنَا عَن قَوۡلِكَ وَمَا نَحۡنُ لَكَ بِمُؤۡمِنِينَ
Nagsabi ang mga kalipi niya: "O Hūd, hindi ka nagdala sa amin ng isang katwirang hayag na magsasanhi sa amin na maniwala sa iyo. Hindi kami mga mag-iiwan sa pagsamba sa mga diyos namin alang-alang sa sabi mong salat sa katwiran at hindi kami mga maniniwala sa iyo sa inaangkin mo na ikaw ay isang sugo.
アラビア語 クルアーン注釈:
本諸節の功徳:
• لا يملك الأنبياء الشفاعة لمن كفر بالله حتى لو كانوا أبناءهم.
Hindi nakapagdudulot ang mga propeta ng pamamagitan sa sinumang tumangging sumampalataya kay Allāh kahit pa man sila ay mga anak nila.

• عفة الداعية وتنزهه عما في أيدي الناس أقرب للقبول منه.
Ang kabinihan ng tagapag-anyaya tungo kay Allāh at ang pagwawalang-kaugnayan niya sa taglay ng mga kamay ng mga tao ay higit na malapit para sa pagtanggap mula sa kanya.

• فضل الاستغفار والتوبة، وأنهما سبب إنزال المطر وزيادة الذرية والأموال.
Ang kainaman ng paghingi ng tawad at ng pagbabalik-loob, at na ang dalawang ito ay kadahilanan ng pagpapababa ng ulan at pagkadagdag ng mga supling at mga yaman.

إِن نَّقُولُ إِلَّا ٱعۡتَرَىٰكَ بَعۡضُ ءَالِهَتِنَا بِسُوٓءٖۗ قَالَ إِنِّيٓ أُشۡهِدُ ٱللَّهَ وَٱشۡهَدُوٓاْ أَنِّي بَرِيٓءٞ مِّمَّا تُشۡرِكُونَ
54-55. Wala kaming sinasabi kundi na nagpadapo sa iyo ang ilan sa mga diyos namin ng isang kabaliwan noong sumasaway ka sa amin sa pagsamba sa kanila." Nagsabi si Hūd: "Tunay na ako ay nagpapasaksi kay Allāh, at saksihan ninyo mismo, na ako ay walang-kaugnayan sa pagsamba sa mga diyos ninyong sinasamba ninyo bukod pa kay Allāh. Kaya manlansi kayo sa akin, kayo at ang mga diyos ninyong inaakala ninyo na ang mga ito ay nagpadapo sa akin ng kabaliwan, pagkatapos huwag kayong magpalugit sa akin.
アラビア語 クルアーン注釈:
مِن دُونِهِۦۖ فَكِيدُونِي جَمِيعٗا ثُمَّ لَا تُنظِرُونِ
54-55. Wala kaming sinasabi kundi na nagpadapo sa iyo ang ilan sa mga diyos namin ng isang kabaliwan noong sumasaway ka sa amin sa pagsamba sa kanila." Nagsabi si Hūd: "Tunay na ako ay nagpapasaksi kay Allāh, at saksihan ninyo mismo, na ako ay walang-kaugnayan sa pagsamba sa mga diyos ninyong sinasamba ninyo bukod pa kay Allāh. Kaya manlansi kayo sa akin, kayo at ang mga diyos ninyong inaakala ninyo na ang mga ito ay nagpadapo sa akin ng kabaliwan, pagkatapos huwag kayong magpalugit sa akin.
アラビア語 クルアーン注釈:
إِنِّي تَوَكَّلۡتُ عَلَى ٱللَّهِ رَبِّي وَرَبِّكُمۚ مَّا مِن دَآبَّةٍ إِلَّا هُوَ ءَاخِذُۢ بِنَاصِيَتِهَآۚ إِنَّ رَبِّي عَلَىٰ صِرَٰطٖ مُّسۡتَقِيمٖ
Tunay na ako ay nanalig kay Allāh lamang at sumandal sa Kanya sa nauukol sa akin sapagkat Siya ay ang Panginoon ko at ang Panginoon ninyo. Walang anumang bagay na umuusad sa balat ng lupa malibang ito ay sumasailalim kay Allāh sa ilalim ng paghahari Niya at kapamahalaan Niya habang ibinabaling Niya ito kung papaano Niyang niloloob. Tunay na ang Panginoon ko ay nasa katotohanan at katarungan kaya hindi kayo maghahari sa akin dahil ako ay nasa katotohanan samantalang kayo ay nasa kabulaanan.
アラビア語 クルアーン注釈:
فَإِن تَوَلَّوۡاْ فَقَدۡ أَبۡلَغۡتُكُم مَّآ أُرۡسِلۡتُ بِهِۦٓ إِلَيۡكُمۡۚ وَيَسۡتَخۡلِفُ رَبِّي قَوۡمًا غَيۡرَكُمۡ وَلَا تَضُرُّونَهُۥ شَيۡـًٔاۚ إِنَّ رَبِّي عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٍ حَفِيظٞ
Ngunit kung aayaw kayo at tatalikod kayo sa inihatid ko, walang tungkulin sa akin kundi ang pagpapaabot sa inyo. Naipaabot ko na sa inyo ang lahat ng ipinasugo sa akin ni Allāh at ipinag-utos Niya sa akin na ipaabot ko. Lumitaw na sa inyo ang katwiran. Ipahahamak kayo ng Panginoon ko. Magdadala Siya ng mga taong iba pa sa inyo, na hahalili sa inyo. Hindi kayo makapipinsala kay Allāh ng isang pinsalang malaki ni maliit dahil sa pagpapasinungaling ninyo at pag-ayaw ninyo dahil Siya ay Walang-pangangailangan sa mga lingkod Niya. Tunay na ang Panginoon ko sa bawat bagay ay Mapagmasid. Siya ang nag-iingat sa akin laban sa kasagwaang ipinapakana ninyo sa akin."
アラビア語 クルアーン注釈:
وَلَمَّا جَآءَ أَمۡرُنَا نَجَّيۡنَا هُودٗا وَٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ مَعَهُۥ بِرَحۡمَةٖ مِّنَّا وَنَجَّيۡنَٰهُم مِّنۡ عَذَابٍ غَلِيظٖ
Noong dumating ang utos Namin ng pagpapahamak sa kanila, pinaligtas Namin si Hūd at ang mga sumampalataya kasama niya sa pamamagitan ng isang awa mula sa Amin na umabot sa kanila. Pinaligtas Namin sila mula sa isang pagdurusang matindi na ipinarusa Namin sa mga kalipi niyang mga tagatangging sumampalataya.
アラビア語 クルアーン注釈:
وَتِلۡكَ عَادٞۖ جَحَدُواْ بِـَٔايَٰتِ رَبِّهِمۡ وَعَصَوۡاْ رُسُلَهُۥ وَٱتَّبَعُوٓاْ أَمۡرَ كُلِّ جَبَّارٍ عَنِيدٖ
Iyon ay [liping] `Ād na tumangging sumampalataya sa mga tanda ni Allāh, ang Panginoon nila, sumuway sa sugo nilang si Hūd, at tumalima sa utos ng bawat nagpapakamalaki sa katotohanan, na tagapagmalabis na hindi tumatanggap nito ni nagpapasakop dito.
アラビア語 クルアーン注釈:
وَأُتۡبِعُواْ فِي هَٰذِهِ ٱلدُّنۡيَا لَعۡنَةٗ وَيَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِۗ أَلَآ إِنَّ عَادٗا كَفَرُواْ رَبَّهُمۡۗ أَلَا بُعۡدٗا لِّعَادٖ قَوۡمِ هُودٖ
Nakahabol sa kanila sa buhay na ito sa Mundo ang kahihiyan at ang pagtaboy mula sa awa ni Allāh. Gayon din sa Araw ng Pagbangon, sila ay mga palalayuin mula sa awa ni Allāh. Iyon ay dahilan sa kawalang-pananampalataya nila kay Allāh – pagkataas-taas Siya. Pansinin, kaya nagpalayo sa kanila si Allāh sa bawat kabutihan at nagpalapit Siya sa kanila sa bawat kasamaan.
アラビア語 クルアーン注釈:
۞ وَإِلَىٰ ثَمُودَ أَخَاهُمۡ صَٰلِحٗاۚ قَالَ يَٰقَوۡمِ ٱعۡبُدُواْ ٱللَّهَ مَا لَكُم مِّنۡ إِلَٰهٍ غَيۡرُهُۥۖ هُوَ أَنشَأَكُم مِّنَ ٱلۡأَرۡضِ وَٱسۡتَعۡمَرَكُمۡ فِيهَا فَٱسۡتَغۡفِرُوهُ ثُمَّ تُوبُوٓاْ إِلَيۡهِۚ إِنَّ رَبِّي قَرِيبٞ مُّجِيبٞ
Nagsugo si Allāh sa liping Thamūd ng kapatid nilang si Ṣāliḥ. Nagsabi siya: "O mga kalipi ko, sumamba kayo kay Allāh lamang; walang ukol sa inyo na anumang sinasambang nagiging karapat-dapat sa pagsamba na iba pa sa Kanya. Siya ay lumikha sa inyo mula sa alabok ng lupa sa pamamagitan ng paglikha sa ama ninyong si Adan mula rito at gumawa sa inyo bilang mga naninirahan dito. Kaya humiling kayo ng kapatawaran mula sa Kanya, pagkatapos manumbalik kayo sa Kanya sa pamamagitan ng paggawa ng mga pagtalima at pag-iwan sa mga pagsuway. Tunay na ang Panginoon ko ay Malapit sa sinumang nagpapakawagas sa Kanya sa pagsamba, Tagasagot sa sinumang dumalangin sa Kanya."
アラビア語 クルアーン注釈:
قَالُواْ يَٰصَٰلِحُ قَدۡ كُنتَ فِينَا مَرۡجُوّٗا قَبۡلَ هَٰذَآۖ أَتَنۡهَىٰنَآ أَن نَّعۡبُدَ مَا يَعۡبُدُ ءَابَآؤُنَا وَإِنَّنَا لَفِي شَكّٖ مِّمَّا تَدۡعُونَآ إِلَيۡهِ مُرِيبٖ
Nagsabi sa kanya ang mga kalipi niya: "O Ṣāliḥ, ikaw nga dati sa atin ay nagtataglay ng kalagayang mataas bago ng pag-aanyaya mong ito sapagkat kami nga dati ay nag-aasam na ikaw ay maging isang nakapag-uunawa na may pagpapayo at pagsangguni. Sumasaway ka ba sa amin, O Ṣāliḥ, sa pagsamba sa sinasamba noon ng mga ninuno namin? Tunay na kami ay talagang nasa isang pagdududa sa inaanyaya mo sa amin na pagsamba kay Allāh lamang. Nagsasanhi ito sa amin na magparatang kami sa iyo ng pagsisinungaling laban kay Allāh."
アラビア語 クルアーン注釈:
本諸節の功徳:
• من وسائل المشركين في التنفير من الرسل الاتهام بخفة العقل والجنون.
Kabilang sa mga kaparaanan ng mga tagapagtambal sa pagpapalayo ng loob sa mga sugo ay ang pagpaparatang sa kanila ng kahinaan ng isip at kabaliwan.

• ضعف المشركين في كيدهم وعدائهم، فهم خاضعون لله مقهورون تحت أمره وسلطانه.
Ang kahinaan ng mga tagapagtambal sa pagpapakana nila at pangangaway nila sapagkat sila ay mga sumasailalim kay Allāh at mga nalulupig sa ilalim ng utos Niya at kapamahalaan Niya.

• أدلة الربوبية من الخلق والإنشاء مقتضية لتوحيد الألوهية وترك ما سوى الله.
Ang mga patunay ng pagkapanginoon na paglikha at pagpapasimula ay humihiling ng paniniwala sa kaisahan sa pagkadiyos at pag-iwan sa anumang iba pa kay Allāh.

قَالَ يَٰقَوۡمِ أَرَءَيۡتُمۡ إِن كُنتُ عَلَىٰ بَيِّنَةٖ مِّن رَّبِّي وَءَاتَىٰنِي مِنۡهُ رَحۡمَةٗ فَمَن يَنصُرُنِي مِنَ ٱللَّهِ إِنۡ عَصَيۡتُهُۥۖ فَمَا تَزِيدُونَنِي غَيۡرَ تَخۡسِيرٖ
Nagsabi si Ṣāliḥ bilang pagtugon sa mga kalipi niya: "O mga kalipi ko, magpabatid kayo sa akin. Kung ako ay nasa isang katwirang maliwanag mula sa Panginoon ko at nagbigay Siya sa akin mula sa Kanya ng isang awa, ang pagkapropeta, sino ang magsasanggalang sa akin laban sa parusa Niya kung ako ay sumuway sa Kanya sa pamamagitan ng pag-iwan sa pagpapaabot ng ipinag-utos Niya sa akin na ipaabot sa inyo? Kaya hindi kayo nakadaragdag sa akin ng iba pa sa isang pagliligaw at isang pagkalayo sa pagkalugod Niya."
アラビア語 クルアーン注釈:
وَيَٰقَوۡمِ هَٰذِهِۦ نَاقَةُ ٱللَّهِ لَكُمۡ ءَايَةٗۖ فَذَرُوهَا تَأۡكُلۡ فِيٓ أَرۡضِ ٱللَّهِۖ وَلَا تَمَسُّوهَا بِسُوٓءٖ فَيَأۡخُذَكُمۡ عَذَابٞ قَرِيبٞ
O mga kalipi ko, ito ay dumalagang kamelyo ni Allāh; para sa inyo ay isang palatandaan sa katapatan ko. Kaya iwanan ninyo ito na nanginginain sa lupain ni Allāh at huwag kayong magsailalim dito sa anumang pananakit sapagkat may aabot sa inyo na isang pagdurusang malapit sa oras ng pagkatay ninyo rito.
アラビア語 クルアーン注釈:
فَعَقَرُوهَا فَقَالَ تَمَتَّعُواْ فِي دَارِكُمۡ ثَلَٰثَةَ أَيَّامٖۖ ذَٰلِكَ وَعۡدٌ غَيۡرُ مَكۡذُوبٖ
Ngunit kinatay nila ito bilang pagpapakasidhi sa pagpapasinungaling kaya nagsabi sa kanila si Ṣāliḥ: "Magtamasa kayo sa buhay sa lupain ninyo sa loob ng tatlong araw mula sa pagkatay ninyo rito. Pagkatapos pupunta sa inyo ang pagdurusa mula kay Allāh sapagkat ang pagpunta ng pagdurusa mula sa Kanya matapos niyon ay isang pangakong magaganap nang walang pasubali, na hindi mapasisinungalingan, bagkus iyan ay pangako ng katapatan."
アラビア語 クルアーン注釈:
فَلَمَّا جَآءَ أَمۡرُنَا نَجَّيۡنَا صَٰلِحٗا وَٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ مَعَهُۥ بِرَحۡمَةٖ مِّنَّا وَمِنۡ خِزۡيِ يَوۡمِئِذٍۚ إِنَّ رَبَّكَ هُوَ ٱلۡقَوِيُّ ٱلۡعَزِيزُ
Kaya noong dumating ang utos Namin ng pagpapahamak sa kanila, pinaligtas Namin si Ṣāliḥ at ang mga sumampalataya kasama sa kanya sa pamamagitan ng isang awa mula sa Amin at pinaligtas Namin sila mula sa pagkahamak sa araw na iyon at sa kaabahan niyon. Tunay na ang Panginoon mo, O Sugo, ay ang Malakas, ang Makapangyarihan na walang nakikipanaig sa Kanya na isa man. Dahil doon, nagpahamak Siya sa mga kalipunang nagpapasinungaling.
アラビア語 クルアーン注釈:
وَأَخَذَ ٱلَّذِينَ ظَلَمُواْ ٱلصَّيۡحَةُ فَأَصۡبَحُواْ فِي دِيَٰرِهِمۡ جَٰثِمِينَ
Dumaklot ng isang matinding nagpapahamak na tunog ang [liping] Thamūd saka namatay sila dahil sa tindi nito at sila ay naging mga nakahandusay sa mga mukha nila. Kumapit nga ang mga mukha nila sa alabok.
アラビア語 クルアーン注釈:
كَأَن لَّمۡ يَغۡنَوۡاْ فِيهَآۗ أَلَآ إِنَّ ثَمُودَاْ كَفَرُواْ رَبَّهُمۡۗ أَلَا بُعۡدٗا لِّثَمُودَ
Para bang hindi sila namalagi sa bayan nila sa isang biyaya at isang kaalwanan ng pamumuhay. Pansinin, tunay na ang [liping] Thamūd ay tumangging sumampalataya kay Allāh, ang Panginoon nila. Hindi sila natigil sa pagiging mga inilayo mula sa awa ni Allāh.
アラビア語 クルアーン注釈:
وَلَقَدۡ جَآءَتۡ رُسُلُنَآ إِبۡرَٰهِيمَ بِٱلۡبُشۡرَىٰ قَالُواْ سَلَٰمٗاۖ قَالَ سَلَٰمٞۖ فَمَا لَبِثَ أَن جَآءَ بِعِجۡلٍ حَنِيذٖ
Talaga ngang dumating ang mga anghel sa anyo ng mga lalaking tao kay Abraham – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – bilang mga tagapagbalita ng nakagagalak sa kanya at sa maybahay niya hinggil kay Isaac, pagkatapos kay Jacob. Kaya nagsabi ang mga anghel: "Kapayapaan!" Kaya tumugon sa kanila si Abraham sa pagsabi niya: "Kapayapaan." Umalis siya na nagmamadali saka naghatid sa kanila ng isang guyang inihaw upang kumain sila mula rito dala ng isang pag-aakala mula sa kanya na sila ay mga lalaking tao.
アラビア語 クルアーン注釈:
فَلَمَّا رَءَآ أَيۡدِيَهُمۡ لَا تَصِلُ إِلَيۡهِ نَكِرَهُمۡ وَأَوۡجَسَ مِنۡهُمۡ خِيفَةٗۚ قَالُواْ لَا تَخَفۡ إِنَّآ أُرۡسِلۡنَآ إِلَىٰ قَوۡمِ لُوطٖ
Ngunit noong nakita ni Abraham na ang mga kamay nila ay hindi umaabot doon sa [inihaw na] guya at na sila ay hindi kumakain mula roon, minasama niya iyon sa kanila. Nagkubli siya sa sarili niya ng pangamba sa kanila, ngunit noong nakita ng mga anghel ang pangamba niya sa kanila ay nagsabi sila: "Huwag kang mangamba sa amin. Kami ay ipinadala ni Allāh sa mga tao ni Lot upang pagdusahin namin sila."
アラビア語 クルアーン注釈:
وَٱمۡرَأَتُهُۥ قَآئِمَةٞ فَضَحِكَتۡ فَبَشَّرۡنَٰهَا بِإِسۡحَٰقَ وَمِن وَرَآءِ إِسۡحَٰقَ يَعۡقُوبَ
Ang maybahay ni Abraham na si Sarah ay nakatayo, saka nagpabatid Kami ng ikatutuwa nito, at na ito ay manganganak siya kay Isaac. Magkakaroon naman si Isaac ng Anak, si Jacob. Kaya natawa siya at nagalak sa narinig niya.
アラビア語 クルアーン注釈:
本諸節の功徳:
• عناد واستكبار المشركين حيث لم يؤمنوا بآية صالح عليه السلام وهي من أعظم الآيات.
Ang pagmamatigas at ang pagmamalaki ng mga tagapagtambal yayamang hindi sila sumampalataya sa tanda ni Ṣāliḥ – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – gayong ito ay kabilang sa pinakadakila sa mga tanda.

• استحباب تبشير المؤمن بما هو خير له.
Ang pagtuturing na kaibig-ibig ang pagbabalita ng nakagagalak sa mananampalataya hinggil sa mabuti para sa kanya.

• مشروعية السلام لمن دخل على غيره، ووجوب الرد.
Ang pagkaisinasabatas ng pagbati ng kapayapaan para sa sinumang pumunta sa ibang tao at ang pagkatungkulin ng pagtugon.

• وجوب إكرام الضيف.
Ang pagkatungkulin ng pagpaparangal sa panauhin.

قَالَتۡ يَٰوَيۡلَتَىٰٓ ءَأَلِدُ وَأَنَا۠ عَجُوزٞ وَهَٰذَا بَعۡلِي شَيۡخًاۖ إِنَّ هَٰذَا لَشَيۡءٌ عَجِيبٞ
Nagsabi si Sarah noong nagbalita sa kanya ang mga anghel ng nakagagalak na balitang iyon habang nagtataka: "Papaano akong manganganak samantalang ako ay isang matandang walang pag-asang manganak at itong asawa ko ay umabot na sa edad ng katandaan? Tunay na ang pagsisilang ng anak sa kalagayang ito ay isang bagay na kataka-taka na hindi umaayon ang kaugalian dito."
アラビア語 クルアーン注釈:
قَالُوٓاْ أَتَعۡجَبِينَ مِنۡ أَمۡرِ ٱللَّهِۖ رَحۡمَتُ ٱللَّهِ وَبَرَكَٰتُهُۥ عَلَيۡكُمۡ أَهۡلَ ٱلۡبَيۡتِۚ إِنَّهُۥ حَمِيدٞ مَّجِيدٞ
Nagsabi ang mga anghel kay Sarah noong nagtaka siya sa nagagalak na balita: "Nagtataka ka ba sa pagtatadhana ni Allāh at pagtatakda Niya? Sa tulad mo ay hindi naikukubli na si Allāh ay nakakakaya ng tulad nito. Ang awa ni Allāh at ang mga pagpapala Niya ay sumainyo, O mga tao ng bahay ni Abraham. Tunay na Allāh ay Kapuri-puri sa mga katangian Niya at mga gawain Niya, May karingalan at kaangatan."
アラビア語 クルアーン注釈:
فَلَمَّا ذَهَبَ عَنۡ إِبۡرَٰهِيمَ ٱلرَّوۡعُ وَجَآءَتۡهُ ٱلۡبُشۡرَىٰ يُجَٰدِلُنَا فِي قَوۡمِ لُوطٍ
Kaya noong umalis kay Abraham – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – ang pangambang dumapo sa kanya mula sa mga panauhin niya na hindi kumain ng pagkain niya, matapos ng pagkaalam niya na sila ay mga anghel, at dumating sa kanya ang balitang nakatutuwa na ipanganganak sa kanya si Isaac, pagkatapos si Jacob, nagsimula siyang nakipagtalo sa mga sugo Namin kaugnay sa lagay ng mga kababayan ni Lot, nang sa gayon sila ay magpaliban sa mga iyon ng parusa at nang sa gayon sila ay magligtas kay Lot at sa mag-anak nito.
アラビア語 クルアーン注釈:
إِنَّ إِبۡرَٰهِيمَ لَحَلِيمٌ أَوَّٰهٞ مُّنِيبٞ
Tunay na si Abraham ay matimpiin: naiibigan niya ang pagpapaliban ng kaparusahan, madalas ang pagsusumamo sa Panginoon niya, madalas ang panalangin, nagbabalik-loob sa Panginoon.
アラビア語 クルアーン注釈:
يَٰٓإِبۡرَٰهِيمُ أَعۡرِضۡ عَنۡ هَٰذَآۖ إِنَّهُۥ قَدۡ جَآءَ أَمۡرُ رَبِّكَۖ وَإِنَّهُمۡ ءَاتِيهِمۡ عَذَابٌ غَيۡرُ مَرۡدُودٖ
Nagsabi ang mga anghel: "O Abraham, umayaw ka sa pakikipagtalong ito hinggil sa mga kababayan ni Lot! Tunay na dumating na ang utos ng Panginoon mo ng pagpapaganap ng pagdurusang itinakda Niya sa kanila. Tunay na ang mga kababayan ni Lot ay pupuntahan ng isang pagdurusang sukdulan na hindi mapipigil ng isang pagtatalo ni ng isang panalangin."
アラビア語 クルアーン注釈:
وَلَمَّا جَآءَتۡ رُسُلُنَا لُوطٗا سِيٓءَ بِهِمۡ وَضَاقَ بِهِمۡ ذَرۡعٗا وَقَالَ هَٰذَا يَوۡمٌ عَصِيبٞ
Noong dumating ang mga anghel kay Lot na nasa anyo ng mga lalaking tao, ikinasama ng loob niya ang pagdating nila at sumikip ang dibdib niya dahilan sa pangamba sa kanila para sa mga kababayan niyang pumapatol sa mga lalaki dala ng pagnanasa sa halip na sa mga babae. Nagsabi si Lot: "Ito ay isang araw na matindi," dahil sa pagpapalagay niya na ang mga kababayan niya ay makikipanaig sa kanya sa mga panauhin niya.
アラビア語 クルアーン注釈:
وَجَآءَهُۥ قَوۡمُهُۥ يُهۡرَعُونَ إِلَيۡهِ وَمِن قَبۡلُ كَانُواْ يَعۡمَلُونَ ٱلسَّيِّـَٔاتِۚ قَالَ يَٰقَوۡمِ هَٰٓؤُلَآءِ بَنَاتِي هُنَّ أَطۡهَرُ لَكُمۡۖ فَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ وَلَا تُخۡزُونِ فِي ضَيۡفِيٓۖ أَلَيۡسَ مِنكُمۡ رَجُلٞ رَّشِيدٞ
Dumating kay Lot ang mga kababayan niya, na nagmamadaling naglalayon ng paggawa ng kahalayan sa mga panauhin niya. Bago pa niyon, ang kaugalian nila dati ay ang pagpatol sa mga lalaki dala ng pagnanasa sa halip na sa mga babae. Nagsabi si Lot habang nagtatanggol sa mga kababayan niya at humihingi ng paumanhin para sa sarili niya sa harap ng mga panauhin niya: "Ang mga ito ay mga babaing anak ko kabilang sa kabuuan ng mga kababaihan ninyo kaya magpakasal kayo sa kanila sapagkat sila ay higit na dalisay para sa inyo kaysa sa paggawa ng kahalayan. Saka mangamba kayo kay Allāh at huwag kayong magdulot sa akin ng kapintasan sa mga panauhin ko. Wala bang kabilang sa inyo, O mga kababayan ko, na isang lalaking may tamang pag-iisip na sasaway sa inyo sa pangit na gawaing ito?"
アラビア語 クルアーン注釈:
قَالُواْ لَقَدۡ عَلِمۡتَ مَا لَنَا فِي بَنَاتِكَ مِنۡ حَقّٖ وَإِنَّكَ لَتَعۡلَمُ مَا نُرِيدُ
Nagsabi sa kanya ang mga kababayan niya: "Talaga ngang nalaman mo, O Lot, na wala kaming pangangailangan sa mga babaing anak mo ni sa kababaihan ng mga kababayan mo, ni pagnanasa. Tunay na ikaw ay talagang nakaaalam sa ninanais namin sapagkat wala kaming ninanais kundi ang mga lalaki."
アラビア語 クルアーン注釈:
قَالَ لَوۡ أَنَّ لِي بِكُمۡ قُوَّةً أَوۡ ءَاوِيٓ إِلَىٰ رُكۡنٖ شَدِيدٖ
Nagsabi si Lot: "O kung sana mayroon akong lakas na maipantutulak ko sa inyo o isang angkang magtatanggol sa akin para humarang ako sa pagitan ninyo at ng mga panauhin ko."
アラビア語 クルアーン注釈:
قَالُواْ يَٰلُوطُ إِنَّا رُسُلُ رَبِّكَ لَن يَصِلُوٓاْ إِلَيۡكَۖ فَأَسۡرِ بِأَهۡلِكَ بِقِطۡعٖ مِّنَ ٱلَّيۡلِ وَلَا يَلۡتَفِتۡ مِنكُمۡ أَحَدٌ إِلَّا ٱمۡرَأَتَكَۖ إِنَّهُۥ مُصِيبُهَا مَآ أَصَابَهُمۡۚ إِنَّ مَوۡعِدَهُمُ ٱلصُّبۡحُۚ أَلَيۡسَ ٱلصُّبۡحُ بِقَرِيبٖ
Nagsabi ang mga anghel kay Lot – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan: "O Lot, tunay na kami ay mga sugo na isinugo ni Allāh. Hindi makapagpapaabot sa iyo ang mga kababayan mo ng isang kasagwaan. Kaya lumisan ka kasama ng mag-anak mo mula sa pamayanang ito sa gabi sa isang madilim na oras. Huwag titingin ang isa sa inyo sa likuran niya, maliban ang maybahay mo; lilingon ito bilang pagsalungat dahil sasapit dito ang sasapit sa mga kababayan mo na pagdurusa. Tunay na ang tipanan ng pagpapahamak sa kanila ay ang umaga. Ito ay tipanang malapit na."
アラビア語 クルアーン注釈:
本諸節の功徳:
• بيان فضل ومنزلة خليل الله إبراهيم عليه السلام، وأهل بيته.
Ang paglilinaw sa kalamangan at antas ng matalik na kaibigan ni Allāh na si Abraham – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – at ng sambahayan niya.

• مشروعية الجدال عمن يُرجى له الإيمان قبل الرفع إلى الحاكم.
Ang pagkaisinasabatas ng pakikipagtalo para sa sinumang maaasahan sa kanya ang pananampalataya bago ng pagsasampa sa tagahatol.

• بيان فظاعة وقبح عمل قوم لوط.
Ang paglilinaw sa karumalan at kapangitan ng gawain ng mga kababayan ni Lot.

فَلَمَّا جَآءَ أَمۡرُنَا جَعَلۡنَا عَٰلِيَهَا سَافِلَهَا وَأَمۡطَرۡنَا عَلَيۡهَا حِجَارَةٗ مِّن سِجِّيلٖ مَّنضُودٖ
Kaya noong dumating ang utos Namin ng pagpapahamak sa mga kababayan ni Lot, ginawa Namin ang mataas ng mga pamayanan nila na mababa ng mga iyon sa pamamagitan ng pag-angat sa mga iyon at pagtaob sa mga iyon kasama sa kanila. Nagpaulan Kami sa kanila ng mga batong yari sa luwad na tumigas na nakahanay, na ang iba sa mga ito ay nasa ibabaw ng iba ayon sa pagkakasunuran.
アラビア語 クルアーン注釈:
مُّسَوَّمَةً عِندَ رَبِّكَۖ وَمَا هِيَ مِنَ ٱلظَّٰلِمِينَ بِبَعِيدٖ
Ang mga batong ito ay nilagyan sa ganang Panginoon mo ng palatandaang natatangi. Ang mga batong ito, mula sa mga tagalabag sa katarungan kabilang sa liping Quraysh at iba pa sa kanila, ay hindi malayo; bagkus ang mga ito ay malapit. Kapag nagtakda si Allāh ng pagpapababa ng mga ito sa kanila ay bababa ang mga ito.
アラビア語 クルアーン注釈:
۞ وَإِلَىٰ مَدۡيَنَ أَخَاهُمۡ شُعَيۡبٗاۚ قَالَ يَٰقَوۡمِ ٱعۡبُدُواْ ٱللَّهَ مَا لَكُم مِّنۡ إِلَٰهٍ غَيۡرُهُۥۖ وَلَا تَنقُصُواْ ٱلۡمِكۡيَالَ وَٱلۡمِيزَانَۖ إِنِّيٓ أَرَىٰكُم بِخَيۡرٖ وَإِنِّيٓ أَخَافُ عَلَيۡكُمۡ عَذَابَ يَوۡمٖ مُّحِيطٖ
Nagsugo Kami sa Madyan ng kapatid nila na si Shu`ayb. Nagsabi siya: "O mga kalipi ko, sumamba kayo kay Allāh lamang; wala na kayong anumang sinasambang nagiging karapat-dapat sa pagsamba na iba pa sa Kanya. Huwag kayong magbawas sa pagtatakal at pagtitimbang kapag tumakal kayo para sa mga tao o tumimbang kayo para sa kanila. Tunay na ako ay nakakikita sa inyo na nasa isang kaluwagan sa panustos at biyaya kaya huwag kayong magpaiba laban sa inyo ng biyaya ni Allāh sa pamamagitan ng mga pagsuway. Tunay na ako ay nangangamba para sa inyo ng isang pagdurusa sa isang araw na sumasaklaw, na aabot sa bawat isa sa inyo, na hindi kayo makatatagpo mula roon ng isang matatakasan ni isang kalingaan."
アラビア語 クルアーン注釈:
وَيَٰقَوۡمِ أَوۡفُواْ ٱلۡمِكۡيَالَ وَٱلۡمِيزَانَ بِٱلۡقِسۡطِۖ وَلَا تَبۡخَسُواْ ٱلنَّاسَ أَشۡيَآءَهُمۡ وَلَا تَعۡثَوۡاْ فِي ٱلۡأَرۡضِ مُفۡسِدِينَ
O mga kalipi ko, lubusin ninyo ang takalan at ang timbangan ayon sa katarungan kung tatakal kayo o magtitimbang kayo sa iba sa inyo, huwag kayong bumawas sa mga tao sa mga karapatan nila ng anuman sa pamamagitan ng pang-uumit, pandaraya, at panlilinlang. Huwag kayong manggulo sa lupa sa pamamagitan ng pagpatay at iba pa rito na mga pagsuway.
アラビア語 クルアーン注釈:
بَقِيَّتُ ٱللَّهِ خَيۡرٞ لَّكُمۡ إِن كُنتُم مُّؤۡمِنِينَۚ وَمَآ أَنَا۠ عَلَيۡكُم بِحَفِيظٖ
Ang tira ni Allāh na itinira Niya para sa inyo mula sa ipinahihintulot matapos ng pagtupad sa mga karapatan ng mga tao ayon sa katarungan ay higit sa pakinabang at pagpapala kaysa sa karagdagang natatamo sa pamamagitan ng pang-uumit at panggugulo sa lupa, kung kayo ay totohanang mga mananampalataya. Kaya malugod kayo sa tirang iyon. Ako sa inyo ay hindi isang mapagmasid na bumibilang sa mga gawa ninyo at nagtutuos sa inyo sa mga ito. Ang Mapagmasid lamang doon ay ang nakaaalam sa lihim at hayag.
アラビア語 クルアーン注釈:
قَالُواْ يَٰشُعَيۡبُ أَصَلَوٰتُكَ تَأۡمُرُكَ أَن نَّتۡرُكَ مَا يَعۡبُدُ ءَابَآؤُنَآ أَوۡ أَن نَّفۡعَلَ فِيٓ أَمۡوَٰلِنَا مَا نَشَٰٓؤُاْۖ إِنَّكَ لَأَنتَ ٱلۡحَلِيمُ ٱلرَّشِيدُ
Nagsabi ang mga kalipi ni Shu`ayb kay Shu`ayb: "O Shu`ayb, ang dasal mo ba na idinadasal kay Allāh ay nag-uutos sa iyo na mag-iwan kami sa pagsamba sa sinasamba noon ng mga ninuno namin na mga anito, at nag-uutos sa iyo na mag-iwan kami sa paggawa sa mga yaman namin ng ayon sa niloloob namin at magpalago sa mga ito ng ayon sa niloloob namin? Tunay na ikaw ay talagang ikaw ang matimpiin, ang matino sapagkat ikaw ay ang nakapag-uunawa, ang marunong gaya ng pagkakilala namin sa iyo bago ng paanyayang ito. Ano ang dumapo sa iyo?"
アラビア語 クルアーン注釈:
قَالَ يَٰقَوۡمِ أَرَءَيۡتُمۡ إِن كُنتُ عَلَىٰ بَيِّنَةٖ مِّن رَّبِّي وَرَزَقَنِي مِنۡهُ رِزۡقًا حَسَنٗاۚ وَمَآ أُرِيدُ أَنۡ أُخَالِفَكُمۡ إِلَىٰ مَآ أَنۡهَىٰكُمۡ عَنۡهُۚ إِنۡ أُرِيدُ إِلَّا ٱلۡإِصۡلَٰحَ مَا ٱسۡتَطَعۡتُۚ وَمَا تَوۡفِيقِيٓ إِلَّا بِٱللَّهِۚ عَلَيۡهِ تَوَكَّلۡتُ وَإِلَيۡهِ أُنِيبُ
Nagsabi si Shu`ayb sa mga kalipi niya: "O mga kalipi ko, magpabatid kayo sa akin tungkol sa kalagayan ninyo kung nangyaring ako ay nasa isang maliwanag na patotoo mula sa Panginoon ko at isang pagkakatalos mula sa Kanya at nagtustos Siya sa akin mula sa Kanya ng isang panustos na ipinahihintulot, na kabilang dito ang pagkapropeta. Hindi ako nagnanais na sumaway sa inyo sa isang bagay at sumalungat sa inyo sa paggawa nito. Hindi ako nagnanais kundi ng pagsasaayos sa inyo sa pamamagitan ng pag-aanyaya sa inyo tungo sa paniniwala sa kaisahan ng Panginoon ninyo at pagtalima sa Kanya sa abot ng kakayahan ko. Walang iba ang pagtutuon sa akin sa pagtamo niyon kundi sa pamamagitan ni Allāh – kaluwalhatian sa Kanya. Sa Kanya lamang ako nanalig sa lahat ng mga nauukol sa akin at tungo sa Kanya ako babalik.
アラビア語 クルアーン注釈:
本諸節の功徳:
• من سنن الله إهلاك الظالمين بأشد العقوبات وأفظعها.
Bahagi ng mga kalakaran ni Allāh ang pagpapahamak sa mga tagalabag sa katarungan ayon sa pinakamatindi sa mga kaparusahan at pinakamarumal sa mga ito.

• حرمة نقص الكيل والوزن وبخس الناس حقوقهم.
Ang pagkabawal ng pagbabawas sa takal at timbang at ng pagkukulang sa mga tao sa mga karapatan nila.

• وجوب الرضا بالحلال وإن قل.
Ang pagkatungkulin ng pagkalugod sa ipinahihintulot kahit kaunti.

• فضل الأمر بالمعروف والنهي عن المنكر، ووجوب العمل بما يأمر الله به، والانتهاء عما ينهى عنه.
Ang kainaman ng pag-uutos sa nakabubuti at ang pagsaway sa nakasasama, at ang pagkatungkulin ng paggawa ayon sa ipinag-uutos ni Allāh at ng pagtigil sa sinasaway Niya.

وَيَٰقَوۡمِ لَا يَجۡرِمَنَّكُمۡ شِقَاقِيٓ أَن يُصِيبَكُم مِّثۡلُ مَآ أَصَابَ قَوۡمَ نُوحٍ أَوۡ قَوۡمَ هُودٍ أَوۡ قَوۡمَ صَٰلِحٖۚ وَمَا قَوۡمُ لُوطٖ مِّنكُم بِبَعِيدٖ
O mga kalipi ko, huwag ngang magbubuyo sa inyo ang pangangaway sa akin sa pagpapasinungaling sa inihatid ko, sa pangambang baka may umabot sa inyo na pagdurusang tulad ng umabot sa mga tao ni Noe o mga kalipi ni Hūd o mga kalipi ni Ṣāliḥ. Ang mga kababayan ni Lot mula sa inyo ay hindi malayo sa panahon ni sa lugar. Nalaman na ninyo ang tumama sa kanila kaya magsaalang-alang kayo.
アラビア語 クルアーン注釈:
وَٱسۡتَغۡفِرُواْ رَبَّكُمۡ ثُمَّ تُوبُوٓاْ إِلَيۡهِۚ إِنَّ رَبِّي رَحِيمٞ وَدُودٞ
Humiling kayo ng kapatawaran mula sa Panginoon ninyo, pagkatapos magbalik-loob kayo sa Kanya mula sa mga pagkakasala ninyo. Tunay na ang Panginoon ko ay Maawain sa mga nagbabalik-loob, matindi ang pag-ibig sa sinumang nagbalik-loob kabilang sa kanila."
アラビア語 クルアーン注釈:
قَالُواْ يَٰشُعَيۡبُ مَا نَفۡقَهُ كَثِيرٗا مِّمَّا تَقُولُ وَإِنَّا لَنَرَىٰكَ فِينَا ضَعِيفٗاۖ وَلَوۡلَا رَهۡطُكَ لَرَجَمۡنَٰكَۖ وَمَآ أَنتَ عَلَيۡنَا بِعَزِيزٖ
Nagsabi ang mga kalipi ni Shu`ayb kay Shu`ayb: "O Shu`ayb, hindi kami nakaiintindi sa marami sa inihatid mo. Tunay na kami ay talagang nagtuturing sa iyo sa gitna namin bilang may kahinaan dahil sa dumapo sa mata mo na kahinaan o pagkabulag. Kung hindi dahil ang angkan mo ay nasa kapaniwalaan namin, talaga sanang pinatay ka namin sa pamamagitan ng paghagis ng bato. Hindi ka sa amin isang kagalang-galang upang masindak kami sa pagpatay sa iyo. Nagsaisang-tabi lamang kami ng pagpatay sa iyo bilang paggalang sa angkan mo."
アラビア語 クルアーン注釈:
قَالَ يَٰقَوۡمِ أَرَهۡطِيٓ أَعَزُّ عَلَيۡكُم مِّنَ ٱللَّهِ وَٱتَّخَذۡتُمُوهُ وَرَآءَكُمۡ ظِهۡرِيًّاۖ إِنَّ رَبِّي بِمَا تَعۡمَلُونَ مُحِيطٞ
Nagsabi si Shu`ayb sa mga kalipi niya: "O mga kalipi ko, ang angkan ko ba ay higit na marangal sa inyo kaysa kay Allāh na Panginoon ninyo? Umiwan kayo kay Allāh sa likuran ninyo nang pabalibag nang hindi kayo sumampalataya sa propeta Niya na ipinadala Niya sa inyo. Tunay na ang Panginoon ko, sa anumang ginagawa ninyo, ay Tagasaklaw: walang nakakukubli sa Kanya na anuman sa mga gawa ninyo. Gaganti Siya sa inyo sa mga ito sa Mundo sa pamamagitan ng pagpapahamak at sa Kabilang-buhay sa pamamagitan ng pagdurusa.
アラビア語 クルアーン注釈:
وَيَٰقَوۡمِ ٱعۡمَلُواْ عَلَىٰ مَكَانَتِكُمۡ إِنِّي عَٰمِلٞۖ سَوۡفَ تَعۡلَمُونَ مَن يَأۡتِيهِ عَذَابٞ يُخۡزِيهِ وَمَنۡ هُوَ كَٰذِبٞۖ وَٱرۡتَقِبُوٓاْ إِنِّي مَعَكُمۡ رَقِيبٞ
O mga kalipi ko, gumawa kayo ayon sa nakakaya ninyo ayon sa paraan ninyo na kinalugdan ninyo; tunay na ako ay gumagawa ayon sa paraan ko na kinalugdan ko ayon sa nakakaya ko. Malalaman ninyo kung sino sa atin ang pupuntahan ng isang pagdurusang mang-aaba sa kanya bilang parusa para sa kanya at kung sino sa atin ang siyang sinungaling sa inaangkin niya. Kaya maghintay kayo sa itatadhana ni Allāh; tunay na ako kasama sa inyo ay naghihintay."
アラビア語 クルアーン注釈:
وَلَمَّا جَآءَ أَمۡرُنَا نَجَّيۡنَا شُعَيۡبٗا وَٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ مَعَهُۥ بِرَحۡمَةٖ مِّنَّا وَأَخَذَتِ ٱلَّذِينَ ظَلَمُواْ ٱلصَّيۡحَةُ فَأَصۡبَحُواْ فِي دِيَٰرِهِمۡ جَٰثِمِينَ
Noong dumating ang utos Namin ng pagpapahamak sa mga kalipi ni Shu`ayb ay sumagip Kami kay Shu`ayb at sa mga sumampalataya kasama sa kanya sa pamamagitan ng isang awa mula sa Amin. Tinamaan ang mga lumabag sa katarungan kabilang sa mga kalipi niya ng isang matinding nagpapahamak na tunog kaya namatay sila. Sila ay naging mga nakahandusay sa mga mukha nila. Kumapit nga ang mga mukha nila sa alabok.
アラビア語 クルアーン注釈:
كَأَن لَّمۡ يَغۡنَوۡاْ فِيهَآۗ أَلَا بُعۡدٗا لِّمَدۡيَنَ كَمَا بَعِدَتۡ ثَمُودُ
Para bang hindi sila namalagi roon noon pa man. Pansinin, itinaboy ang Madyan mula sa awa ni Allāh sa pamamagitan ng pagsapit ng paghihiganti Niya sa kanila, kung paanong itinaboy mula roon ang [liping] Thamūd sa pamamagitan ng pagpapababa ng pagkayamot Niya sa kanila.
アラビア語 クルアーン注釈:
وَلَقَدۡ أَرۡسَلۡنَا مُوسَىٰ بِـَٔايَٰتِنَا وَسُلۡطَٰنٖ مُّبِينٍ
Talaga ngang nagsugo si Allāh kay Moises kalakip ng mga tanda Niyang nagpapatunay sa paniniwala sa kaisahan ni Allāh at kalakip ng mga katwirang maliwanag na nagpapatunay sa katapatan ng inihatid ni Moises.
アラビア語 クルアーン注釈:
إِلَىٰ فِرۡعَوۡنَ وَمَلَإِيْهِۦ فَٱتَّبَعُوٓاْ أَمۡرَ فِرۡعَوۡنَۖ وَمَآ أَمۡرُ فِرۡعَوۡنَ بِرَشِيدٖ
Nagsugo si Allāh kay Moises kay Paraon at sa mga maharlika kabilang sa mga tao nito, ngunit sumunod ang mga maharlikang ito sa utos ni Paraon sa kanila ng kawalang-pananampalataya kay Allāh. Ang utos ni Paraon ay hindi utos na may pag-ayon sa katotohanan upang sundin.
アラビア語 クルアーン注釈:
本諸節の功徳:
• ذمّ الجهلة الذين لا يفقهون عن الأنبياء ما جاؤوا به من الآيات.
Ang pagpula sa mga mangmang na hindi nakauunawa buhat sa mga propeta ng inihatid ng mga ito na mga tanda.

• ذمّ وتسفيه من اشتغل بأوامر الناس، وأعرض عن أوامر الله.
Ang pagpula at ang pagtuturing na hunghang sa sinumang nagpakaabala sa mga utos ng tao at umayaw sa mga utos ni Allāh.

• بيان دور العشيرة في نصرة الدعوة والدعاة.
Ang paglilinaw sa ginagampanan ng angkan sa pag-adya sa pag-aanyaya at tagapag-anyaya [sa pananampalataya].

• طرد المشركين من رحمة الله تعالى.
Ang pagtataboy sa mga tagapagtambal mula sa awa ni Allāh – pagkataas-taas Siya.

يَقۡدُمُ قَوۡمَهُۥ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِ فَأَوۡرَدَهُمُ ٱلنَّارَۖ وَبِئۡسَ ٱلۡوِرۡدُ ٱلۡمَوۡرُودُ
Mauuna si Paraon sa mga tao niya sa Araw ng Pagbangon patungo sa Impiyerno hanggang sa magpasok siya roon. Kay sagwa ang hatiran na paghahatiran niya sa kanila!
アラビア語 クルアーン注釈:
وَأُتۡبِعُواْ فِي هَٰذِهِۦ لَعۡنَةٗ وَيَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِۚ بِئۡسَ ٱلرِّفۡدُ ٱلۡمَرۡفُودُ
Pinasundan sila ni Allāh sa buhay na pangmundo ng isang sumpa, isang pagtataboy, at isang pagpapalayo mula sa awa Niya kalakip ng tumama sa kanila na kapahamakan sa pamamagitan ng pagkalunod. Pasusundan Niya sila ng isang pagtataboy at isang pagpapalayo mula roon sa Araw ng Pagbangon. Kay sagwa ang nangyari sa kanila na pagsusunuran ng dalawang sumpa at pagdurusa sa Mundo at Kabilang-buhay!
アラビア語 クルアーン注釈:
ذَٰلِكَ مِنۡ أَنۢبَآءِ ٱلۡقُرَىٰ نَقُصُّهُۥ عَلَيۡكَۖ مِنۡهَا قَآئِمٞ وَحَصِيدٞ
Ang nabanggit na iyon sa kabanatang ito [ng Qur'ān] ay bahagi ng mga ulat ng mga pamayanan, na nagpapabatid Kami sa iyo hinggil doon, O Sugo. Kabilang sa mga pamayanang ito ay ang nakatayo pa ang mga palatandaan at kabilang sa mga ito ay ang nabura na ang mga palatandaan nito kaya walang naiwang bakas para rito.
アラビア語 クルアーン注釈:
وَمَا ظَلَمۡنَٰهُمۡ وَلَٰكِن ظَلَمُوٓاْ أَنفُسَهُمۡۖ فَمَآ أَغۡنَتۡ عَنۡهُمۡ ءَالِهَتُهُمُ ٱلَّتِي يَدۡعُونَ مِن دُونِ ٱللَّهِ مِن شَيۡءٖ لَّمَّا جَآءَ أَمۡرُ رَبِّكَۖ وَمَا زَادُوهُمۡ غَيۡرَ تَتۡبِيبٖ
Hindi lumabag sa katarungan sa kanila dahil sa pinatama sa kanila na kapahamakan, subalit lumabag sila sa katarungan sa mga sarili nila sa pamamagitan ng paghahatid sa mga ito sa mga hatiran ng kapahamakan dahil sa kawalang-pananampalataya nila kay Allāh. Saka ang mga diyos na dati nilang sinasamba bukod pa kay Allāh ay hindi nakapagtulak palayo sa kanila ng bumaba sa kanila na pagdurusa noong dumating ang utos ng Panginoon mo, O Sugo, ng pagpapahamak sa kanila. Walang naidagdag sa kanila ang mga diyos nilang ito kundi isang pagkalugi at isang kapahamakan.
アラビア語 クルアーン注釈:
وَكَذَٰلِكَ أَخۡذُ رَبِّكَ إِذَآ أَخَذَ ٱلۡقُرَىٰ وَهِيَ ظَٰلِمَةٌۚ إِنَّ أَخۡذَهُۥٓ أَلِيمٞ شَدِيدٌ
Gayon ang pagdaklot at ang pagpuksa na ipinandadlot ni Allāh sa mga pamayanang nagpapasinungaling sa bawat panahon at pook. Tunay na ang pagdaklot Niya sa mga pamayanang tagalabag sa katarungan ay isang pagdaklot na nakasasakit na malakas.
アラビア語 クルアーン注釈:
إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَةٗ لِّمَنۡ خَافَ عَذَابَ ٱلۡأٓخِرَةِۚ ذَٰلِكَ يَوۡمٞ مَّجۡمُوعٞ لَّهُ ٱلنَّاسُ وَذَٰلِكَ يَوۡمٞ مَّشۡهُودٞ
Tunay na sa pagkuha na matindi ni Allāh sa mga pamayanang iyon na lumalabag sa katarungan ay talagang may maisasaalang-alang at pangaral para sa sinumang nangamba sa pagdurusa sa Araw ng Pagbangon. Iyon ay ang araw na titipunin ni Allāh ang mga tao para sa pagtutuos sa kanila. Iyon ay araw na sasaksihan, na sasaksi roon ang mga tao sa Kalapan (ng mga tao sa Araw ng Pagkabuhay).
アラビア語 クルアーン注釈:
وَمَا نُؤَخِّرُهُۥٓ إِلَّا لِأَجَلٖ مَّعۡدُودٖ
Hindi Kami nag-aantala ng araw na sasaksihang iyon maliban sa isang taning na nalalaman ang bilang.
アラビア語 クルアーン注釈:
يَوۡمَ يَأۡتِ لَا تَكَلَّمُ نَفۡسٌ إِلَّا بِإِذۡنِهِۦۚ فَمِنۡهُمۡ شَقِيّٞ وَسَعِيدٞ
Sa araw na darating ang araw na iyon, walang magsasalitang alinmang kaluluwa hinggil sa isang katwiran o isang pamamagitan malibang matapos ng pahintulot Niya. Ang mga tao roon ay dalawang uri: malumbay na papasok sa Apoy at maligaya na papasok sa Paraiso.
アラビア語 クルアーン注釈:
فَأَمَّا ٱلَّذِينَ شَقُواْ فَفِي ٱلنَّارِ لَهُمۡ فِيهَا زَفِيرٞ وَشَهِيقٌ
Hinggil sa mga malumbay dahil sa kawalang-pananampalataya nila at katiwalian ng mga gawain nila, papasok sila sa Apoy. Aangat doon ang mga tinig nila at ang mga paghinga nila dahil sa tindi ng ipinagdurusa nila dahil sa liyab nito.
アラビア語 クルアーン注釈:
خَٰلِدِينَ فِيهَا مَا دَامَتِ ٱلسَّمَٰوَٰتُ وَٱلۡأَرۡضُ إِلَّا مَا شَآءَ رَبُّكَۚ إِنَّ رَبَّكَ فَعَّالٞ لِّمَا يُرِيدُ
Bilang mga mamamalagi roon magpakailanman, hindi sila makalalabas mula roon hanggat tumatagal ang mga langit at ang lupa, maliban sa niloob ni Allāh na palabasin kabilang sa mga tagasuway ng mga monoteista. Tunay na ang Panginoon mo, O Sugo, ay palagawa ng anumang ninanais Niya sapagkat walang nakapipilit sa Kanya roon – kaluwalhatian sa Kanya.
アラビア語 クルアーン注釈:
۞ وَأَمَّا ٱلَّذِينَ سُعِدُواْ فَفِي ٱلۡجَنَّةِ خَٰلِدِينَ فِيهَا مَا دَامَتِ ٱلسَّمَٰوَٰتُ وَٱلۡأَرۡضُ إِلَّا مَا شَآءَ رَبُّكَۖ عَطَآءً غَيۡرَ مَجۡذُوذٖ
Hinggil sa mga maligaya na nauna sa kanila ang kaligayahan mula kay Allāh dahil sa pananampalataya nila at kaayusan ng mga gawain nila, sila ay sa Paraiso bilang mga mamamalagi roon magpakailanman hanggat tumatagal ang mga langit at ang lupa, maliban sa niloob ni Allāh na papasukin sa Apoy bago ng Paraiso kabilang sa mga tagasuway ng mga mananampalataya. Tunay na ang kaginhawahang dulot ni Allāh para sa mga maninirahan sa Paraiso ay hindi mapuputol sa kanila.
アラビア語 クルアーン注釈:
本諸節の功徳:
• التحذير من اتّباع رؤساء الشر والفساد، وبيان شؤم اتباعهم في الدارين.
Ang pagbibigay-babala laban sa pagsunod sa mga pinuno ng kasamaan at kaguluhan at ang paglilinaw sa kasawiang-palad ng pagsunod sa kanila sa Mundo at Kabilang-buhay.

• تنزه الله تعالى عن الظلم في إهلاك أهل الشرك والمعاصي.
Ang pagpapawalang-kaugnayan ni Allāh sa kawalang-katarungan kaugnay sa pagpapahamak sa mga kampon ng shirk at mga pagsuway.

• لا تنفع آلهة المشركين عابديها يوم القيامة، ولا تدفع عنهم العذاب.
Hindi nagpapakinabang ang mga diyos ng mga tagapagtambal sa mga tagasamba ng mga ito sa Araw ng Pagbangon at hindi nakapagtutulak ang mga ito ng pagdurusa palayo sa kanila.

• انقسام الناس يوم القيامة إلى: سعيد خالد في الجنان، وشقي خالد في النيران.
Ang pagkakahati ng mga tao sa Araw ng Pagbangon sa mga maligayang mananatili sa mga hardin at malumbay na mananatili sa mga apoy.

فَلَا تَكُ فِي مِرۡيَةٖ مِّمَّا يَعۡبُدُ هَٰٓؤُلَآءِۚ مَا يَعۡبُدُونَ إِلَّا كَمَا يَعۡبُدُ ءَابَآؤُهُم مِّن قَبۡلُۚ وَإِنَّا لَمُوَفُّوهُمۡ نَصِيبَهُمۡ غَيۡرَ مَنقُوصٖ
Kaya huwag ka, O Sugo, maging nasa isang pag-aalinlangan at isang pagdududa sa katiwalian ng sinasamba ng mga tagapagtambal na ito sapagkat wala silang patunay na pangkaisipan at pambatas sa katumpakan nito. Ang nagbubuyo lamang sa kanila sa pagsamba sa iba pa kay Allāh ay ang paggaya nila sa mga ninuno nila. Tunay na Kami ay talagang maglulubos sa kanila ng bahagi nila mula sa pagdurusa nang walang pagkukulang.
アラビア語 クルアーン注釈:
وَلَقَدۡ ءَاتَيۡنَا مُوسَى ٱلۡكِتَٰبَ فَٱخۡتُلِفَ فِيهِۚ وَلَوۡلَا كَلِمَةٞ سَبَقَتۡ مِن رَّبِّكَ لَقُضِيَ بَيۡنَهُمۡۚ وَإِنَّهُمۡ لَفِي شَكّٖ مِّنۡهُ مُرِيبٖ
Talaga ngang nagbigay Kami kay Moises ng Torah, ngunit nagkaiba-iba ang mga tao hinggil dito sapagkat sumampalataya rito ang iba sa kanila at tumangging sumampalataya ang iba pa. Kung hindi dahil sa isang pagpapasya mula kay Allāh na nauna: na Siya ay hindi magmamadali sa pagpaparusa bagkus magpapaliban nito hanggang sa Araw ng Pagbangon dahil sa isang kasanhian, talaga sanang bumaba sa kanila ang nagiging karapat-dapat sa kanila na pagdurusa sa Mundo. Tunay na ang mga tagatangging sumampalataya kabilang sa mga Hudyo at mga tagapagtambal ay talagang nasa isang pagdududa sa Qur'ān, na nagsasadlak sa pag-aalinlangan.
アラビア語 クルアーン注釈:
وَإِنَّ كُلّٗا لَّمَّا لَيُوَفِّيَنَّهُمۡ رَبُّكَ أَعۡمَٰلَهُمۡۚ إِنَّهُۥ بِمَا يَعۡمَلُونَ خَبِيرٞ
Tunay na lahat ng sinuman mula sa nabanggit kabilang sa mga nagkakaiba-iba ay talagang magkukumpleto nga sa kanila ang Panginoon mo, O Sugo, ng ganti sa mga gawa nila. Kaya ang anumang naging kabutihan, ang ganti rito ay magiging kabutihan; at ang anumang naging kasamaan, ang ganti rito ay kasamaan. Tunay na si Allāh sa mga kaliit-liitan ng ginagawa nila ay Maalam: walang nakakukubli sa Kanya mula sa mga gawain nila na anuman.
アラビア語 クルアーン注釈:
فَٱسۡتَقِمۡ كَمَآ أُمِرۡتَ وَمَن تَابَ مَعَكَ وَلَا تَطۡغَوۡاْۚ إِنَّهُۥ بِمَا تَعۡمَلُونَ بَصِيرٞ
Mamalagi ka sa pananatili sa daang tuwid, O Sugo, gaya ng ipinag-utos sa iyo ni Allāh kaya sumunod ka sa mga ipinag-uutos Niya at umiwas ka sa mga sinasaway Niya. Magpakatuwid ang sinumang nagbalik-loob kasama sa iyo kabilang sa mga mananampalataya. Huwag kayong lumampas sa hangganan sa pamamagitan ng paggawa ng mga pagsuway; tunay na Siya sa anumang ginagawa ninyo ay Nakakikita: walang nakakukubli sa Kanya mula sa mga gawain ninyo na anuman. Gaganti Siya sa inyo sa mga ito.
アラビア語 クルアーン注釈:
وَلَا تَرۡكَنُوٓاْ إِلَى ٱلَّذِينَ ظَلَمُواْ فَتَمَسَّكُمُ ٱلنَّارُ وَمَا لَكُم مِّن دُونِ ٱللَّهِ مِنۡ أَوۡلِيَآءَ ثُمَّ لَا تُنصَرُونَ
Huwag kayong kumiling sa mga tagatangging sumampalataya na tagalabag sa katarungan sa pamamagitan ng paglalangis at pagmamahal para dumapo sa inyo ang Apoy dahilan sa pagkiling na iyon. Walang ukol sa inyo bukod pa kay Allāh na mga katangkilik na sasagip sa inyo mula sa Apoy, pagkatapos hindi kayo makatatagpo ng sinumang mag-aadya sa inyo.
アラビア語 クルアーン注釈:
وَأَقِمِ ٱلصَّلَوٰةَ طَرَفَيِ ٱلنَّهَارِ وَزُلَفٗا مِّنَ ٱلَّيۡلِۚ إِنَّ ٱلۡحَسَنَٰتِ يُذۡهِبۡنَ ٱلسَّيِّـَٔاتِۚ ذَٰلِكَ ذِكۡرَىٰ لِلذَّٰكِرِينَ
Magpanatili ka, O Sugo, ng pagdarasal ayon sa pinakamagandang paraan sa dalawang dulo ng maghapon: ang simula ng maghapon at ang wakas nito. Magpanatili ka nito sa mga oras ng gabi. Tunay na ang mga gawang maayos ay pumapawi sa mga maliit ng mga pagkakasala. Ang nabanggit na iyon ay isang pangaral para sa mga napangangaralan at isang maisasaalang-alang para sa mga nagsasaalang-alang.
アラビア語 クルアーン注釈:
وَٱصۡبِرۡ فَإِنَّ ٱللَّهَ لَا يُضِيعُ أَجۡرَ ٱلۡمُحۡسِنِينَ
Magtiis ka sa paggawa sa ipinag-utos sa iyo na pagpapakatuwid at iba pa rito at sa pag-iwan sa sinaway sa iyo na pagmamalabis at pagsandal sa mga tagalabag sa katarungan. Tunay na si Allāh ay hindi nagpapawalang-saysay sa gantimpala ng mga tagagawa ng maganda, bagkus tumatanggap mula sa kanila ng pinakamaganda sa ginawa nila at gumaganti sa kanila ng pabuya sa kanila ayon sa pinakamaganda sa dati nilang ginagawa.
アラビア語 クルアーン注釈:
فَلَوۡلَا كَانَ مِنَ ٱلۡقُرُونِ مِن قَبۡلِكُمۡ أُوْلُواْ بَقِيَّةٖ يَنۡهَوۡنَ عَنِ ٱلۡفَسَادِ فِي ٱلۡأَرۡضِ إِلَّا قَلِيلٗا مِّمَّنۡ أَنجَيۡنَا مِنۡهُمۡۗ وَٱتَّبَعَ ٱلَّذِينَ ظَلَمُواْ مَآ أُتۡرِفُواْ فِيهِ وَكَانُواْ مُجۡرِمِينَ
Kaya bakit kaya hindi nagkaroon mula sa mga kalipunang nagpapasinungaling bago pa ninyo ng tira mula sa mga may kainaman at kaayusan, na sumasaway sa mga kalipunang iyon sa kawalang-pananampalataya at sa kaguluhan sa lupa sa dahil sa mga pagsuway? Hindi mula sa kanila ang tirang iyon, maliban sa kaunti kabilang sa kanila na sumasaway noon sa katiwalian kaya pinaligtas Namin sila nang nagpahamak Kami sa mga tao nilang mga tagalabag sa katarungan. Sumunod ang mga tagalabag sa katarungan kabilang sa mga tao nila sa taglay nila na kaginhawahan. Sila ay naging mga tagalabag sa katarungan dahil sa pagsunod nila roon.
アラビア語 クルアーン注釈:
وَمَا كَانَ رَبُّكَ لِيُهۡلِكَ ٱلۡقُرَىٰ بِظُلۡمٖ وَأَهۡلُهَا مُصۡلِحُونَ
Hindi nangyaring ang Panginoon mo, O Sugo, ay ukol magpahamak ng isang pamayanan kabilang sa mga pamayanan kapag ang mga mamamayan nito ay mga nagsasaayos sa lupa. Nagpapahamak lamang Siya rito kung nangyaring ang mga mamamayan nito ay naging mga tagagulo dahil sa kawalang-pananampalataya, kawalang-katarungan, at mga pagsuway.
アラビア語 クルアーン注釈:
本諸節の功徳:
• وجوب الاستقامة على دين الله تعالى.
Ang pagkatungkulin ng pagpapakatuwid sa Relihiyon ni Allāh – pagkataas-taas Siya.

• التحذير من الركون إلى الكفار الظالمين بمداهنة أو مودة.
Ang pagbibigay-babala laban sa pagsandal sa mga tagatangging sumampalataya na mga tagalabag sa katarungan sa pamamagitan ng paglalangis o pagmamahal.

• بيان سُنَّة الله تعالى في أن الحسنة تمحو السيئة.
Ang paglilinaw sa kalakaran ni Allāh – pagkataas-taas Siya – kaugnay sa pagpawi ng magandang gawa sa masagwang gawa.

• الحث على إيجاد جماعة من أولي الفضل يأمرون بالمعروف، وينهون عن الفساد والشر، وأنهم عصمة من عذاب الله.
Ang paghimok sa pagpapalitaw ng isang pangkat ng mga may kainaman na nag-uutos sa nakabubuti at sumasaway sa katiwalian at kasamaan, at na sila ay isang pananggalang laban sa pagdurusa mula kay Allāh.

وَلَوۡ شَآءَ رَبُّكَ لَجَعَلَ ٱلنَّاسَ أُمَّةٗ وَٰحِدَةٗۖ وَلَا يَزَالُونَ مُخۡتَلِفِينَ
Kung sakaling niloob ng Panginoon mo, O Sugo, na gawin ang mga tao bilang kalipunang nag-iisa sa katotohanan ay talaga sanang ginawa Niya; subalit Siya ay hindi lumoob niyon kaya hindi sila tumitigil na mga nagkakaiba-iba kaugnay rito dahilan sa pagsunod ng pithaya at hangarin.
アラビア語 クルアーン注釈:
إِلَّا مَن رَّحِمَ رَبُّكَۚ وَلِذَٰلِكَ خَلَقَهُمۡۗ وَتَمَّتۡ كَلِمَةُ رَبِّكَ لَأَمۡلَأَنَّ جَهَنَّمَ مِنَ ٱلۡجِنَّةِ وَٱلنَّاسِ أَجۡمَعِينَ
Maliban sa mga kinaawaan ni Allāh sa pamamagitan ng pagtutuon sa kapatnubayan sapagkat tunay na sila ay hindi nagkakaiba-iba sa paniniwala sa kaisahan Niya – kaluwalhatian sa Kanya. Dahil sa pagsubok na iyon sa pamamagitan ng pagkakaiba-iba, lumikha Siya sa kanila – kaluwalhatian sa Kanya. Kaya kabilang sa kanila ay malumbay at maligaya. Malulubos ang salita ng Panginoon mo, O Sugo, na itinadhana Niya sa walang-hanggan, sa pamamagitan ng pagpuno sa Impiyerno ng mga tagasunod ng demonyo kabilang sa mga jinnīy at mga tao.
アラビア語 クルアーン注釈:
وَكُلّٗا نَّقُصُّ عَلَيۡكَ مِنۡ أَنۢبَآءِ ٱلرُّسُلِ مَا نُثَبِّتُ بِهِۦ فُؤَادَكَۚ وَجَآءَكَ فِي هَٰذِهِ ٱلۡحَقُّ وَمَوۡعِظَةٞ وَذِكۡرَىٰ لِلۡمُؤۡمِنِينَ
Bawat ulat na isinalaysay Namin sa iyo, O Sugo, mula sa mga ulat hinggil sa mga sugo noong bago mo ay isinalaysay Namin ito upang magpatatag Kami sa pamamagitan nito sa puso mo sa katotohanan at magpalakas Kami nito. Dumating sa iyo sa kabanatang ito ang katotohanang walang pagdududa hinggil dito. Dumating sa iyo rito ang isang pangaral para sa mga tagatangging sumampalataya at ang isang paalaala para sa mga mananampalatayang nakikinabang sa paalaala.
アラビア語 クルアーン注釈:
وَقُل لِّلَّذِينَ لَا يُؤۡمِنُونَ ٱعۡمَلُواْ عَلَىٰ مَكَانَتِكُمۡ إِنَّا عَٰمِلُونَ
Sabihin mo, O Sugo, sa mga hindi sumasampalataya kay Allāh at hindi naniniwala sa kaisahan Niya: "Gumawa kayo ayon sa paraan ninyo sa pag-ayaw sa katotohanan at pagbalakid dito; tunay na kami ay mga gumagawa ayon sa paraan namin na pagpapakatatag dito, pag-aanyaya para rito, at pagtitiis dito.
アラビア語 クルアーン注釈:
وَٱنتَظِرُوٓاْ إِنَّا مُنتَظِرُونَ
Mag-abang-abang kayo sa bababa sa amin; tunay na kami ay mga nag-aabang-abang sa bababa sa inyo."
アラビア語 クルアーン注釈:
وَلِلَّهِ غَيۡبُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ وَإِلَيۡهِ يُرۡجَعُ ٱلۡأَمۡرُ كُلُّهُۥ فَٱعۡبُدۡهُ وَتَوَكَّلۡ عَلَيۡهِۚ وَمَا رَبُّكَ بِغَٰفِلٍ عَمَّا تَعۡمَلُونَ
Sa kay Allāh lamang ang kaalaman sa anumang nalingid sa mga langit at anumang nalingid sa lupa: walang nakakukubli sa Kanya na anuman mula rito. Tungo sa Kanya lamang pababalikin ang usapin, ang lahat ng ito, sa Araw ng Pagbangon. Kaya sumamba ka sa Kanya, O Sugo, tanging sa Kanya, at manalig ka sa Kanya sa lahat ng mga nauukol sa iyo. Ang Panginoon mo ay hindi nalilingat sa anumang ginagawa ninyo, bagkus Siya ay Maalam dito. Gaganti Siya sa bawat dahil sa ginawa nito.
アラビア語 クルアーン注釈:
本諸節の功徳:
• بيان الحكمة من القصص القرآني، وهي تثبيت قلب النبي صلى الله عليه وسلم وموعظة المؤمنين.
Ang paglilinaw sa kasanhian ng salaysay na pang-Qur'ān. Ito ay ang pagpapatibay sa puso ng Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – at ang pangaral sa mga mananampalataya.

• انفراد الله تعالى بعلم الغيب لا يشركه فيه أحد.
Ang pamumukod-tangi ni Allāh – pagkataas-taas Siya – sa kaalaman sa Lingid, na walang tumatambal sa Kanya rito na isa man.

• الحكمة من نزول القرآن عربيًّا أن يعقله العرب؛ ليبلغوه إلى غيرهم.
Ang kasanhian ng pagbaba ng Qur'ān bilang [nasa wikang] Arabe ay na makapag-unawa rito ang mga Arabe upang magpaabot sila nito sa mga iba pa sa kanila.

• اشتمال القرآن على أحسن القصص.
Ang paglalaman ng Qur'ān ng pinakamaganda sa mga salaysay.

 
対訳 章: フード章
章名の目次 ページ番号
 
クルアーンの対訳 - クルアーン簡潔注釈(フィリピン - タガログ語対訳) - 対訳の目次

クルアーン簡潔注釈(フィリピン - タガログ語対訳)- Tafsir Center for Quranic Studies - 発行

閉じる