Check out the new design

クルアーンの対訳 - クルアーン簡潔注釈(フィリピン - タガログ語対訳) * - 対訳の目次


対訳 章: 夜の旅章   節:
ذَٰلِكَ مِمَّآ أَوۡحَىٰٓ إِلَيۡكَ رَبُّكَ مِنَ ٱلۡحِكۡمَةِۗ وَلَا تَجۡعَلۡ مَعَ ٱللَّهِ إِلَٰهًا ءَاخَرَ فَتُلۡقَىٰ فِي جَهَنَّمَ مَلُومٗا مَّدۡحُورًا
Yaong ipinaliwanag na mga pag-uutos, mga pagsaway, at mga patakaran ay kabilang sa karunungan na ikinasi sa iyo ng Panginoon mo. Huwag kang gumawa, O Sugo, kasama kay Allāh ng isang sinasambang iba pa para maitapon ka sa Impiyerno sa Araw ng Pagbangon bilang sinisising sinisisi ka ng sarili mo at sinisisi ka ng mga tao at bilang itinataboy palayo sa bawat kabutihan.
アラビア語 クルアーン注釈:
أَفَأَصۡفَىٰكُمۡ رَبُّكُم بِٱلۡبَنِينَ وَٱتَّخَذَ مِنَ ٱلۡمَلَٰٓئِكَةِ إِنَٰثًاۚ إِنَّكُمۡ لَتَقُولُونَ قَوۡلًا عَظِيمٗا
O kayong nag-aangkin na ang mga anghel daw ay mga babaing anak ni Allāh, nagtangi ba sa inyo ang Panginoon ninyo, O mga tagapagtambal, sa [pagkakaroon ng] mga lalaki kabilang sa mga anak at gumawa Siya para sa sarili Niya sa mga anghel bilang mga babaing anak? Pagkataas-taas si Allāh kaysa sa mga sinasabi ninyo! Tunay na kayo ay talagang nagsasabi laban kay Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – ng isang sinasabing lumalabis sa kapangitan yayamang nag-uugnay kayo sa Kanya ng anak, at naggigiit kayo na ukol sa Kanya ang mga babaing anak bilang pagpapakalabis sa kawalang-pananampalataya sa Kanya.
アラビア語 クルアーン注釈:
وَلَقَدۡ صَرَّفۡنَا فِي هَٰذَا ٱلۡقُرۡءَانِ لِيَذَّكَّرُواْ وَمَا يَزِيدُهُمۡ إِلَّا نُفُورٗا
Talaga ngang nagpaliwanag Kami sa Qur’ān na ito ng mga patakaran, mga pangaral, at mga paghahalintulad upang mapangaralan sa pamamagitan ng mga ito ang mga tao para tumahak sila sa nagpapakinabang sa kanila at umiwan sila sa nakapipinsala sa kanila, habang ang kalagayan ay na ang iba sa kanilang kabilang sa tumaliwas ang kalikasan ng pagkalalang sa kanila ay hindi nadagdagan sa pamamagitan niyon kundi ng isang pagkalayo sa katotohanan at isang pagkasuklam dito.
アラビア語 クルアーン注釈:
قُل لَّوۡ كَانَ مَعَهُۥٓ ءَالِهَةٞ كَمَا يَقُولُونَ إِذٗا لَّٱبۡتَغَوۡاْ إِلَىٰ ذِي ٱلۡعَرۡشِ سَبِيلٗا
Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na ito: "Kung sakaling kasama kay Allāh – pagkataas-taas Siya – ay may mga iba pang sinasamba gaya ng sinasabi nila bilang paggawa-gawa at bilang pagsisinungaling, samakatuwid, talaga sanang hinilingan ang mga inaakalang sinasambang iyon ng isang daan tungo kay Allāh na May trono, upang makipanaig ang mga ito sa Kanya sa kaharian Niya at makipagtunggali ang mga ito sa Kanya roon."
アラビア語 クルアーン注釈:
سُبۡحَٰنَهُۥ وَتَعَٰلَىٰ عَمَّا يَقُولُونَ عُلُوّٗا كَبِيرٗا
Nagpakawalang-kapintasan si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – at nagpakabanal Siya kaysa sa inilalarawan sa Kanya ng mga tagapagtambal, at pagkataas-taas Siya kaysa sa sinasabi nila ayon sa kataasang malaki!
アラビア語 クルアーン注釈:
تُسَبِّحُ لَهُ ٱلسَّمَٰوَٰتُ ٱلسَّبۡعُ وَٱلۡأَرۡضُ وَمَن فِيهِنَّۚ وَإِن مِّن شَيۡءٍ إِلَّا يُسَبِّحُ بِحَمۡدِهِۦ وَلَٰكِن لَّا تَفۡقَهُونَ تَسۡبِيحَهُمۡۚ إِنَّهُۥ كَانَ حَلِيمًا غَفُورٗا
Nagluluwalhati kay Allāh ang pitong langit, nagluluwalhati kay Allāh ang lupa, at nagluluwalhati kay Allāh ang mga nasa mga langit at lupa kabilang sa mga nilikha. Walang anumang bagay kundi nagpapawalang-kapintasan ito sa Kanya na nalalakipan ang pagpapawalang-kapintasan nito sa Kanya ng pagbubunyi subalit hindi kayo nakaiintindi sa pamamaraan ng pagluluwalhati nila sapagkat kayo ay hindi nakaiintindi kundi ng pagluluwalhati ng sinumang nagluluwalhati sa pamamagitan ng dila ninyo. Tunay na Siya – pagkataas-taas Siya – ay laging Matimpiin: hindi Siya nagmamadali sa kaparusahan, Mapagpatawad sa sinumang nagbalik-loob sa Kanya.
アラビア語 クルアーン注釈:
وَإِذَا قَرَأۡتَ ٱلۡقُرۡءَانَ جَعَلۡنَا بَيۡنَكَ وَبَيۡنَ ٱلَّذِينَ لَا يُؤۡمِنُونَ بِٱلۡأٓخِرَةِ حِجَابٗا مَّسۡتُورٗا
Kapag bumigkas ka, O Sugo, ng Qur’ān saka nakapakinig sila ng nasaad dito na mga pagbabawal at mga pangangaral, naglalagay Kami sa pagitan mo at ng mga hindi sumampalataya sa Araw ng Pagbangon ng isang tabing na nagtatakip, na humahadlang sa kanila sa pag-intindi sa Qur'ān bilang parusa para sa kanila sa pag-ayaw nila.
アラビア語 クルアーン注釈:
وَجَعَلۡنَا عَلَىٰ قُلُوبِهِمۡ أَكِنَّةً أَن يَفۡقَهُوهُ وَفِيٓ ءَاذَانِهِمۡ وَقۡرٗاۚ وَإِذَا ذَكَرۡتَ رَبَّكَ فِي ٱلۡقُرۡءَانِ وَحۡدَهُۥ وَلَّوۡاْ عَلَىٰٓ أَدۡبَٰرِهِمۡ نُفُورٗا
Naglagay Kami sa mga puso nila ng mga takip upang hindi sila makaintindi ng Qur'ān at naglagay Kami sa mga tainga nila ng kabigatan upang hindi sila makarinig nito ayon sa pagkadinig ng pakikinabang. Kapag bumanggit ka sa Panginoon mo sa Qur'ān lamang at hindi ka bumanggit sa mga diyos nilang inaakala, nanunumbalik sila sa mga dinaanan nila habang mga naglalayuan sa pagpapakawagas sa paniniwala sa kaisahan ni Allāh.
アラビア語 クルアーン注釈:
نَّحۡنُ أَعۡلَمُ بِمَا يَسۡتَمِعُونَ بِهِۦٓ إِذۡ يَسۡتَمِعُونَ إِلَيۡكَ وَإِذۡ هُمۡ نَجۡوَىٰٓ إِذۡ يَقُولُ ٱلظَّٰلِمُونَ إِن تَتَّبِعُونَ إِلَّا رَجُلٗا مَّسۡحُورًا
Kami ay higit na maalam sa pamamaraan ng pakikinig ng mga pangulo nila sa Qur'ān. Sila ay hindi nagnanais ng pagkapatnubay sa pamamagitan nito, bagkus nagnanais ng pagmamaliit at kawalang-kapararakan sa sandali ng pagbigkas mo. Kami ay higit na maalam sa pinag-uusapan nila nang palihim na pagpapasinungaling at pagbalakid, nang nagsasabi ang mga tagalabag na ito sa katarungan sa mga sarili nila dahil sa kawalang-pananampalataya: "Hindi kayo, sumusunod, O mga tao, maliban sa isang lalaking nagaway na natuliro ang isip niya."
アラビア語 クルアーン注釈:
ٱنظُرۡ كَيۡفَ ضَرَبُواْ لَكَ ٱلۡأَمۡثَالَ فَضَلُّواْ فَلَا يَسۡتَطِيعُونَ سَبِيلٗا
Magnilay-nilay ka, O Sugo, talagang mamamangha ka sa anumang inilarawan nila sa iyo na mga magkakaibang katangiang napupulaan kaya nalihis sila sa katotohanan at nalito sila kaya hindi sila napatnubayan tungo sa daan ng katotohanan.
アラビア語 クルアーン注釈:
وَقَالُوٓاْ أَءِذَا كُنَّا عِظَٰمٗا وَرُفَٰتًا أَءِنَّا لَمَبۡعُوثُونَ خَلۡقٗا جَدِيدٗا
Nagsabi ang mga tagapagtambal bilang pagkakaila sa pagkabuhay: "Kapag ba namatay kami, naging mga buto kami, at nabulok ang mga katawan namin, bubuhayin ba kami sa isang bagong pagkabuhay? Tunay na ito ay talagang imposible!"
アラビア語 クルアーン注釈:
本諸節の功徳:
• الزعم بأن الملائكة بنات الله افتراء كبير، وقول عظيم الإثم عند الله عز وجل.
Ang pag-aakala na ang mga anghel ay mga babaing anak ni Allāh ay isang malaking paggawa-gawa [ng kasinungalingan] at isang pananalitang sukdulan sa kasalanan sa ganang kay Allāh – kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan.

• أكثر الناس لا تزيدهم آيات الله إلا نفورًا؛ لبغضهم للحق ومحبتهم ما كانوا عليه من الباطل.
Ang higit na marami sa mga tao ay hindi nadaragdagan ng mga tanda ni Allāh kundi pag-ayaw dahil sa pagkamuhi nila sa katotohanan at pag-ibig nila sa taglay nila na kabulaanan.

• ما من مخلوق في السماوات والأرض إلا يسبح بحمد الله تعالى فينبغي للعبد ألا تسبقه المخلوقات بالتسبيح.
Walang anumang nilikha sa mga langit at lupa malibang nagluluwalhati kay Allāh kalakip ng pagpupuri kay Allāh – pagkataas-taas Siya – kaya nararapat para sa tao na hindi makauna sa kanya ang mga ibang nilikha sa pagluluwalhati.

• من حلم الله على عباده أنه لا يعاجلهم بالعقوبة على غفلتهم وسوء صنيعهم، فرحمته سبقت غضبه.
Bahagi ng pagtitimpi ni Allāh sa mga lingkod Niya ay na Siya ay hindi nagmamadali sa kanila sa kaparusahan dahil sa pagkalingat nila at kasagwaan ng pinaggagawa nila sapagkat ang awa Niya ay nauna sa galit Niya.

 
対訳 章: 夜の旅章
章名の目次 ページ番号
 
クルアーンの対訳 - クルアーン簡潔注釈(フィリピン - タガログ語対訳) - 対訳の目次

- Tafsir Center for Quranic Studies - 発行

閉じる