クルアーンの対訳 - クルアーン簡潔注釈(フィリピン - タガログ語対訳) * - 対訳の目次


対訳 節: (272) 章: 雌牛章
۞ لَّيۡسَ عَلَيۡكَ هُدَىٰهُمۡ وَلَٰكِنَّ ٱللَّهَ يَهۡدِي مَن يَشَآءُۗ وَمَا تُنفِقُواْ مِنۡ خَيۡرٖ فَلِأَنفُسِكُمۡۚ وَمَا تُنفِقُونَ إِلَّا ٱبۡتِغَآءَ وَجۡهِ ٱللَّهِۚ وَمَا تُنفِقُواْ مِنۡ خَيۡرٖ يُوَفَّ إِلَيۡكُمۡ وَأَنتُمۡ لَا تُظۡلَمُونَ
Hindi nasa iyo, O Propeta, ang kapatnubayan nila para sa pagtanggap sa katotohanan at pagpapaakay rito, at pagdala sa kanila rito. Ang isinasatungkulin lamang sa iyo ay ang paggabay sa kanila sa katotohanan at ang pagpapakilala sa kanila rito. Tunay na ang pagtutuon sa katotohanan at ang kapatnubayan tungo rito ay nasa kamay ni Allāh. Siya ay nagpapatnubay sa sinumang niloloob Niya. Ang anumang ginugugol ninyo na kabutihan, ang pakinabang nito ay manunumbalik sa inyo dahil si Allāh ay Walang-pangangailangan dito. Ang paggugol ninyo ay maging wagas na inuukol kay Allāh sapagkat ang mananampalataya, sa totoo, ay hindi gumugugol malibang dala ng paghahanap ng kaluguran ni Allāh. Ang anumang ginugugol ninyo na kabutihan, kaunti man o marami, tunay na kayo ay bibigyan ng gantimpala rito nang lubos na hindi kinukulangan sapagkat tunay na si Allāh ay hindi lumalabag sa katarungan sa isa man.
アラビア語 クルアーン注釈:
本諸節の功徳:
• إذا أخلص المؤمن في نفقاته وصدقاته فلا حرج عليه في إظهارها وإخفائها بحسب المصلحة، وإن كان الإخفاء أعظم أجرًا وثوابًا لأنها أقرب للإخلاص.
Kapag nagpakawagas ang mananampalataya sa mga paggugol niya at mga kawanggawa niya ay walang pagkaasiwa sa kanya sa paglalantad sa mga ito at pagkukubli sa mga ito alinsunod sa kapakanan, bagamat ang pagkukubli ay higit na mabigat sa kabayaran at gantimpala dahil ito ay higit na malapit sa pagpapakawagas.

• دعوة المؤمنين إلى الالتفات والعناية بالمحتاجين الذين تمنعهم العفة من إظهار حالهم وسؤال الناس.
Ang pag-anyaya sa mga mananampalataya sa pagtuon at pagmamalasakit sa mga nangangailangan na pumipigil sa kanila ang pag-iwas sa paglalantad sa kalagayan nila at panghihingi sa mga tao.

• مشروعية الإنفاق في سبيل الله تعالى في كل وقت وحين، وعظم ثوابها، حيث وعد تعالى عليها بعظيم الأجر في الدنيا والآخرة.
Ang pagkaisinasabatas ng paggugol ayon sa landas ni Allāh – pagkataas-taas Siya – sa bawat oras at sandali, at ang bigat ng gantimpala nito yayamang nangako Siya – pagkataas-taas Siya – para rito ng mabigat na pabuya sa Mundo at Kabilang-buhay.

 
対訳 節: (272) 章: 雌牛章
章名の目次 ページ番号
 
クルアーンの対訳 - クルアーン簡潔注釈(フィリピン - タガログ語対訳) - 対訳の目次

クルアーン簡潔注釈(フィリピン - タガログ語対訳)- Tafsir Center for Quranic Studies - 発行

閉じる