クルアーンの対訳 - クルアーン簡潔注釈(フィリピン - タガログ語対訳) * - 対訳の目次


対訳 節: (93) 章: 雌牛章
وَإِذۡ أَخَذۡنَا مِيثَٰقَكُمۡ وَرَفَعۡنَا فَوۡقَكُمُ ٱلطُّورَ خُذُواْ مَآ ءَاتَيۡنَٰكُم بِقُوَّةٖ وَٱسۡمَعُواْۖ قَالُواْ سَمِعۡنَا وَعَصَيۡنَا وَأُشۡرِبُواْ فِي قُلُوبِهِمُ ٱلۡعِجۡلَ بِكُفۡرِهِمۡۚ قُلۡ بِئۡسَمَا يَأۡمُرُكُم بِهِۦٓ إِيمَٰنُكُمۡ إِن كُنتُم مُّؤۡمِنِينَ
Banggitin ninyo noong tumanggap Kami sa inyo ng isang tipang binigyang-diin sa pamamagitan ng pagsunod kay Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – at ng pagtanggap sa inihatid niya mula sa ganang kay Allāh at nag-angat Kami sa ibabaw ninyo ng bundok bilang pagpapangamba sa inyo, at nagsabi kami sa inyo: "Tanggapin ninyo ang ibinigay Namin sa inyo na Torah nang may pagsisikhay at pagsisikap at makinig kayo nang pakikinig ng pagtanggap at pagpapaakay at kung hindi ay ibabagsak Namin ang bundok sa inyo. Nagsabi kayo: "Nakarinig kami sa pamamagitan ng mga tainga namin at sumuway kami sa pamamagitan ng mga gawa namin." Nanaig ang pagsamba sa guya sa mga puso nila dahilan sa kawalang-pananampalataya nila. Sabihin mo, O Propeta: "Kay saklap ng ipinag-uutos sa inyo ng pananampalatayang ito na kawalang-pananampalataya kay Allāh kung kayo ay mga mánanampalataya dahil ang pananampalatayang totoo ay hindi mangyayaring may kasama itong kawalang-pananampalataya."
アラビア語 クルアーン注釈:
本諸節の功徳:
• اليهود أعظم الناس حسدًا؛ إذ حملهم حسدهم على الكفر بالله وردِّ ما أنزل، بسبب أن الرسول صلى الله عليه وسلم لم يكن منهم.
Ang mga Hudyo ay pinakasukdulan sa mga tao sa inggit yayamang ibinuyo sila ng inggit nila sa kawalang-pananampalataya kay Allāh at pagtanggi sa pinababa Niya dahilan sa ang Sugo – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ay hindi naging kabilang sa kanila.

• أن الإيمان الحق بالله تعالى يوجب التصديق بكل ما أَنزل من كتب، وبجميع ما أَرسل من رسل.
Na ang pananampalatayang totoo kay Allāh – pagkataas-taas Siya – ay nag-oobliga ng paniniwala sa kabuuan ng pinababa na mga kasulatan at sa lahat ng isinugo na mga sugo.

• من أعظم الظلم الإعراض عن الحق والهدى بعد معرفته وقيام الأدلة عليه.
Kabilang sa pinakasukdulan na kawalang-katarungan ay ang pag-ayaw sa katotohanan at patnubay matapos ng pagkakilala rito at pagkalahad ng mga patunay rito.

• من عادة اليهود نقض العهود والمواثيق، وهذا ديدنهم إلى اليوم.
Kabilang sa kaugalian ng mga Hudyo ay ang pagkalas sa mga tipan at mga kasunduan. Ito ay ang nakagawian nila hanggang sa ngayon.

 
対訳 節: (93) 章: 雌牛章
章名の目次 ページ番号
 
クルアーンの対訳 - クルアーン簡潔注釈(フィリピン - タガログ語対訳) - 対訳の目次

クルアーン簡潔注釈(フィリピン - タガログ語対訳)- Tafsir Center for Quranic Studies - 発行

閉じる