Check out the new design

クルアーンの対訳 - クルアーン簡潔注釈(フィリピン - タガログ語対訳) * - 対訳の目次


対訳 章: 信仰者たち章   節:
فَإِذَا ٱسۡتَوَيۡتَ أَنتَ وَمَن مَّعَكَ عَلَى ٱلۡفُلۡكِ فَقُلِ ٱلۡحَمۡدُ لِلَّهِ ٱلَّذِي نَجَّىٰنَا مِنَ ٱلۡقَوۡمِ ٱلظَّٰلِمِينَ
Kaya kapag pumaibabaw ka sa arko at ang sinumang kasama sa iyo kabilang sa mga mananampalatayang maliligtas ay sabihin mo: "Ang papuri ay ukol kay Allāh na sumagip sa amin mula sa mga taong tagatangging sumampalataya, saka nagpahamak sa kanila."
アラビア語 クルアーン注釈:
وَقُل رَّبِّ أَنزِلۡنِي مُنزَلٗا مُّبَارَكٗا وَأَنتَ خَيۡرُ ٱلۡمُنزِلِينَ
Sabihin mo: "Panginoon ko, magpatuloy Ka sa akin mula sa lupa nang isang pagpapatuloy na pinagpala yamang Ikaw ay ang pinakamabuti sa mga tagapagpatuloy."
アラビア語 クルアーン注釈:
إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَٰتٖ وَإِن كُنَّا لَمُبۡتَلِينَ
Tunay na sa nabanggit na iyon na pagliligtas kay Noe at sa mga mananampalatayang kasama sa kanya at pagpapahamak sa mga tagatangging sumampalataya ay talagang may mga katunayang hayag sa kakayahan Namin sa pag-aadya sa mga sugo Namin at sa pagpapahamak sa mga tagapagpasinungaling sa kanila. Tunay na Kami noon ay talagang sumusulit sa mga kababayan ni Noe sa pamamagitan ng pagsusugo sa kanya sa kanila upang mapaglinawan ang mananampalataya sa tagatangging sumampalataya, at ang tagatalima sa tagasuway.
アラビア語 クルアーン注釈:
ثُمَّ أَنشَأۡنَا مِنۢ بَعۡدِهِمۡ قَرۡنًا ءَاخَرِينَ
Pagkatapos ay nagpaluwal Kami nang matapos ng pagpapahamak sa mga kababayan ni Noe ng iba pang kalipunan.
アラビア語 クルアーン注釈:
فَأَرۡسَلۡنَا فِيهِمۡ رَسُولٗا مِّنۡهُمۡ أَنِ ٱعۡبُدُواْ ٱللَّهَ مَا لَكُم مِّنۡ إِلَٰهٍ غَيۡرُهُۥٓۚ أَفَلَا تَتَّقُونَ
Saka nagpadala Kami sa kanila ng isang sugong kabilang sa kanila, na nag-aanyaya sa kanila tungo kay Allāh, saka nagsasabi ito sa kanila: "Sumamba kayo kay Allāh lamang; walang ukol sa inyo na anumang sinasamba ayon sa karapatan, na iba pa sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya. Kaya hindi ba kayo mangingilag magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pag-iwas sa mga sinasaway Niya at pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya?"
アラビア語 クルアーン注釈:
وَقَالَ ٱلۡمَلَأُ مِن قَوۡمِهِ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ وَكَذَّبُواْ بِلِقَآءِ ٱلۡأٓخِرَةِ وَأَتۡرَفۡنَٰهُمۡ فِي ٱلۡحَيَوٰةِ ٱلدُّنۡيَا مَا هَٰذَآ إِلَّا بَشَرٞ مِّثۡلُكُمۡ يَأۡكُلُ مِمَّا تَأۡكُلُونَ مِنۡهُ وَيَشۡرَبُ مِمَّا تَشۡرَبُونَ
Ang mga maharlika at ang mga pinuno kabilang sa mga kalipi niya na tumangging sumampalataya kay Allāh at nagpasinungaling sa Kabilang-buhay at anumang naroon na gantimpala at parusa samantalang nagpalabis sa kanila sa ipinagkaloob sa kanila na mga biyaya sa buhay na pangmundo ay nagsabi sa mga tagasunod nila at madla nila: "Walang iba ito kung isang taong tulad ninyo; kumakain siya mula sa kinakain ninyo at umiinom siya mula sa iniinom ninyo, kaya wala siyang pagkatangi sa inyo upang ipadala bilang sugo sa inyo.
アラビア語 クルアーン注釈:
وَلَئِنۡ أَطَعۡتُم بَشَرٗا مِّثۡلَكُمۡ إِنَّكُمۡ إِذٗا لَّخَٰسِرُونَ
Talagang kung tumalima kayo sa isang taong tulad ninyo, tunay na kayo, samakatuwid, ay talagang mga lugi dahil sa kawalan ng pakikinabang ninyo sa pagtalima sa kanya at dahil sa pag-iwan ninyo sa mga diyos ninyo at pagsunod sa isang walang kalamangan sa kanya sa inyo.
アラビア語 クルアーン注釈:
أَيَعِدُكُمۡ أَنَّكُمۡ إِذَا مِتُّمۡ وَكُنتُمۡ تُرَابٗا وَعِظَٰمًا أَنَّكُم مُّخۡرَجُونَ
Nangangako ba sa inyo ang nag-aangking ito na siya ay sugo, na kayo, kapag namatay kayo at naging alabok at butong durog kayo, ay ilalabas kayo mula sa mga libingan ninyo bilang mga buhay? Maiisip ba ito?
アラビア語 クルアーン注釈:
۞ هَيۡهَاتَ هَيۡهَاتَ لِمَا تُوعَدُونَ
Lubhang malayo ang ipinangangako sa inyo na pagpapalabas sa inyo mula sa mga libingan ninyo bilang mga buhay matapos ng kamatayan ninyo. Ang kahahantungan niyon ay maging alabok at butong durog.
アラビア語 クルアーン注釈:
إِنۡ هِيَ إِلَّا حَيَاتُنَا ٱلدُّنۡيَا نَمُوتُ وَنَحۡيَا وَمَا نَحۡنُ بِمَبۡعُوثِينَ
Walang iba ang buhay kundi ang buhay na pangmundo: walang buhay na pangkabilang-buhay. Namamatay ang mga buhay sa atin at hindi nabubuhay. Ipinanganganak ang mga iba pa saka nabubuhay sila. Tayo ay hindi mga palalabasin [mula sa libingan] matapos ng kamatayan natin para sa pagtutuos sa Araw ng Pagbangon.
アラビア語 クルアーン注釈:
إِنۡ هُوَ إِلَّا رَجُلٌ ٱفۡتَرَىٰ عَلَى ٱللَّهِ كَذِبٗا وَمَا نَحۡنُ لَهُۥ بِمُؤۡمِنِينَ
Walang iba itong nag-aangking siya ay sugo sa inyo kundi isang lalaking lumikha-likha laban kay Allāh ng isang kasinungalingan dahil sa pag-aangkin niya nito. Hindi tayo sa kanya mga maniniwala."
アラビア語 クルアーン注釈:
قَالَ رَبِّ ٱنصُرۡنِي بِمَا كَذَّبُونِ
Nagsabi ang Sugo: "Panginoon ko, mag-adya Ka sa akin laban sa kanila sa pamamagitan ng paghihiganti Mo sa kanila para sa akin dahilan sa pagpapasinungaling nila sa akin."
アラビア語 クルアーン注釈:
قَالَ عَمَّا قَلِيلٖ لَّيُصۡبِحُنَّ نَٰدِمِينَ
Kaya sumagot si Allāh, na nagsasabi: "Matapos ng kaunting panahon, ang mga tagapagpasinungaling na ito sa inihatid mo ay magiging mga magsisisi dahil sa naganap mula sa kanila na pagpapasinungaling."
アラビア語 クルアーン注釈:
فَأَخَذَتۡهُمُ ٱلصَّيۡحَةُ بِٱلۡحَقِّ فَجَعَلۡنَٰهُمۡ غُثَآءٗۚ فَبُعۡدٗا لِّلۡقَوۡمِ ٱلظَّٰلِمِينَ
Kaya dumaklot sa kanila ang isang matinding tunog na nakapagpapahamak dahil sa pagiging karapat-dapat nila sa pagdurusa dahil sa kasutilan nila. Kaya ginawa sila ng mga pagkapahamak na tulad ng yagit ng baha. Kaya kapahamakan ay ukol sa mga taong tagalabag sa katarungan.
アラビア語 クルアーン注釈:
ثُمَّ أَنشَأۡنَا مِنۢ بَعۡدِهِمۡ قُرُونًا ءَاخَرِينَ
Pagkatapos matapos ng pagpapahamak sa kanila ay nagpaluwal Kami ng mga tao at mga kalipunang iba pa tulad ng mga tao ni Lot, mga tao ni Shu`ayb, at mga tao ni Jonas.
アラビア語 クルアーン注釈:
本諸節の功徳:
• وجوب حمد الله على النعم.
Ang pagkatungkulin ng pagpuri kay Allāh dahil sa mga biyaya.

• الترف في الدنيا من أسباب الغفلة أو الاستكبار عن الحق.
Ang kariwasaan sa Mundo ay kabilang sa mga kadahilanan ng pagkalingat o pagmamalaki sa katotohanan.

• عاقبة الكافر الندامة والخسران.
Ang kahihinatnan ng tagatangging sumampalataya ay ang pagsisisi at ang pagkalugi.

• الظلم سبب في البعد عن رحمة الله.
Ang kawalang-katarungan ay isang kadahilanan ng pagkalayo sa awa ni Allāh.

 
対訳 章: 信仰者たち章
章名の目次 ページ番号
 
クルアーンの対訳 - クルアーン簡潔注釈(フィリピン - タガログ語対訳) - 対訳の目次

- Tafsir Center for Quranic Studies - 発行

閉じる