Check out the new design

クルアーンの対訳 - クルアーン簡潔注釈(フィリピン - タガログ語対訳) * - 対訳の目次


対訳 章: 識別章   節:
وَلَا يَأۡتُونَكَ بِمَثَلٍ إِلَّا جِئۡنَٰكَ بِٱلۡحَقِّ وَأَحۡسَنَ تَفۡسِيرًا
Hindi nagdadala sa iyo, O Sugo, ang mga tagapagtambal ng isang paghahalintulad kabilang sa iminumungkahi nila malibang naghatid Kami sa iyo ng totoong sagot na pinagtibay at naghatid Kami sa iyo ng isang higit na maganda sa paglilinaw.
アラビア語 クルアーン注釈:
ٱلَّذِينَ يُحۡشَرُونَ عَلَىٰ وُجُوهِهِمۡ إِلَىٰ جَهَنَّمَ أُوْلَٰٓئِكَ شَرّٞ مَّكَانٗا وَأَضَلُّ سَبِيلٗا
Ang mga aakayin sa Araw ng Pagbangon habang mga kinakaladkad [na nakasubsob] sa mga mukha nila patungo sa Impiyerno, ang mga iyon ay higit na masama sa lugar dahil ang lugar nila ay Impiyerno at higit na malayo sa daan sa katotohanan dahil ang daan nila ay ang daan ng kawalang-pananampalataya at pagkaligaw.
アラビア語 クルアーン注釈:
وَلَقَدۡ ءَاتَيۡنَا مُوسَى ٱلۡكِتَٰبَ وَجَعَلۡنَا مَعَهُۥٓ أَخَاهُ هَٰرُونَ وَزِيرٗا
Talaga ngang nagbigay Kami kay Moises ng Torah at nagtalaga Kami kasama sa kanya ng kapatid niyang si Aaron bilang sugo upang sa kanya ay maging isang tagatulong.
アラビア語 クルアーン注釈:
فَقُلۡنَا ٱذۡهَبَآ إِلَى ٱلۡقَوۡمِ ٱلَّذِينَ كَذَّبُواْ بِـَٔايَٰتِنَا فَدَمَّرۡنَٰهُمۡ تَدۡمِيرٗا
Kaya nagsabi Kami sa kanilang dalawa: "Pumunta kayong dalawa kay Paraon at sa mga tao niyang nagpasinungaling sa mga tanda Namin." Kaya sumunod silang dalawa sa utos Namin. Pumunta silang dalawa sa kanila at nag-anyaya silang dalawa sa kanila tungo sa paniniwala sa kaisahan ni Allāh, ngunit nagpasinungaling sila sa kanilang dalawa kaya nagpahamak Kami sa kanila nang isang pagpapahamak na matindi.
アラビア語 クルアーン注釈:
وَقَوۡمَ نُوحٖ لَّمَّا كَذَّبُواْ ٱلرُّسُلَ أَغۡرَقۡنَٰهُمۡ وَجَعَلۡنَٰهُمۡ لِلنَّاسِ ءَايَةٗۖ وَأَعۡتَدۡنَا لِلظَّٰلِمِينَ عَذَابًا أَلِيمٗا
Ang mga tao ni Noe, noong nagpasinungaling sila sa mga sugo sa pamamagitan ng pagpapasinungaling nila kay Noe – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan, ay ipinahamak Namin sa pamamagitan ng paglunod sa dagat. Ginawa Namin ang pagpapahamak sa kanila bilang katunayan sa kakayahan Namin sa paglipol sa mga tagalabag sa katarungan. Naghanda Kami para sa mga tagalabag sa katarungan sa Araw ng Pagbangon ng isang pagdurusang nakasasakit.
アラビア語 クルアーン注釈:
وَعَادٗا وَثَمُودَاْ وَأَصۡحَٰبَ ٱلرَّسِّ وَقُرُونَۢا بَيۡنَ ذَٰلِكَ كَثِيرٗا
Nagpahamak Kami sa `Ād, na mga kababayan ni Hūd, at Thamūd, na mga kababayan ni Ṣāliḥ. Nagpahamak Kami sa mga kasamahan ng balon. Nagpahamak Kami sa maraming kalipunan sa pagitan ng tatlong ito.
アラビア語 クルアーン注釈:
وَكُلّٗا ضَرَبۡنَا لَهُ ٱلۡأَمۡثَٰلَۖ وَكُلّٗا تَبَّرۡنَا تَتۡبِيرٗا
Sa bawat isa sa mga ipinahamak na ito ay naglarawan Kami ng pagpapahamak sa mga kalipunang nauna at ng mga kadahilanan nito upang mapangaralan sila. Sa bawat isa ay nagpahamak Kami nang isang matinding pagpapahamak dahil sa kawalang-pananampalataya nila at pagmamatigas nila.
アラビア語 クルアーン注釈:
وَلَقَدۡ أَتَوۡاْ عَلَى ٱلۡقَرۡيَةِ ٱلَّتِيٓ أُمۡطِرَتۡ مَطَرَ ٱلسَّوۡءِۚ أَفَلَمۡ يَكُونُواْ يَرَوۡنَهَاۚ بَلۡ كَانُواْ لَا يَرۡجُونَ نُشُورٗا
Talaga ngang pumunta ang mga tagapagpasinungaling kabilang sa mga kababayan mo – sa pagpunta nila sa Sirya – sa pamayanan ng mga kababayan ni Lot, na pinaulanan ng mga bato bilang parusa para roon sa paggawa ng mahalay, upang magsaalang-alang sila. Kaya nabulagan ba sila sa pamayanang ito sapagkat hindi sila dati nakasasaksi niyon? Hindi; bagkus sila noon ay hindi umaasa sa isang pagbubuhay [na muli], na tutuusin sila matapos niyon.
アラビア語 クルアーン注釈:
وَإِذَا رَأَوۡكَ إِن يَتَّخِذُونَكَ إِلَّا هُزُوًا أَهَٰذَا ٱلَّذِي بَعَثَ ٱللَّهُ رَسُولًا
Kapag humarap sa iyo, O Sugo, ang mga tagapagpasinungaling na ito ay nanunuya sila sa iyo habang nagsasabi sa paraan ng pangungutya at pagtutol: "Ito ba ang ipinadala ni Allāh bilang sugo sa atin?
アラビア語 クルアーン注釈:
إِن كَادَ لَيُضِلُّنَا عَنۡ ءَالِهَتِنَا لَوۡلَآ أَن صَبَرۡنَا عَلَيۡهَاۚ وَسَوۡفَ يَعۡلَمُونَ حِينَ يَرَوۡنَ ٱلۡعَذَابَ مَنۡ أَضَلُّ سَبِيلًا
Talaga ngang muntik na siyang nagpalihis sa atin palayo sa pagsamba sa mga diyos natin. Kung hindi dahil nagtiis tayo sa pagsamba sa mga ito ay talaga sanang nagpalihis siya sa atin palayo sa mga ito sa pamamagitan ng mga katwiran niya at mga patotoo niya." Malalaman nila kapag napagmamasdan na nila ang pagdurusa sa mga libingan nila at sa Araw ng Pagbangon kung sino ang higit na ligaw sa daan: sila ba o siya? Malalaman nila kung alin sa kanila ang higit na ligaw.
アラビア語 クルアーン注釈:
أَرَءَيۡتَ مَنِ ٱتَّخَذَ إِلَٰهَهُۥ هَوَىٰهُ أَفَأَنتَ تَكُونُ عَلَيۡهِ وَكِيلًا
Nakakita ka ba, O Sugo, sa gumawa, mula sa pithaya niya, ng isang diyos saka tumalima siya rito? Kaya ikaw ba sa kanya ay magiging isang mapag-ingat, na magtutulak ka sa kanya sa pananampalataya at pipigil ka sa kanya sa kawalang-pananampalataya?
アラビア語 クルアーン注釈:
本諸節の功徳:
• الكفر بالله والتكذيب بآياته سبب إهلاك الأمم.
Ang kawalang-pananampalataya kay Allāh at ang pagpapasinungaling sa mga tanda niya ay isang kadahilanan ng pagpapahamak sa mga kalipunan.

• غياب الإيمان بالبعث سبب عدم الاتعاظ.
Ang paglaho ng pananampalataya sa pagbubuhay ay isang kadahilanan sa kawalan ng pagtanggap sa pangaral.

• السخرية بأهل الحق شأن الكافرين.
Ang panunuya sa mga alagad ng katotohanan ay gawi ng mga tagatangging sumampalataya.

• خطر اتباع الهوى.
Ang panganib ng pagsunod sa pithaya.

 
対訳 章: 識別章
章名の目次 ページ番号
 
クルアーンの対訳 - クルアーン簡潔注釈(フィリピン - タガログ語対訳) - 対訳の目次

- Tafsir Center for Quranic Studies - 発行

閉じる