クルアーンの対訳 - クルアーン簡潔注釈(フィリピン - タガログ語対訳) * - 対訳の目次


対訳 節: (9) 章: 集合章
وَٱلَّذِينَ تَبَوَّءُو ٱلدَّارَ وَٱلۡإِيمَٰنَ مِن قَبۡلِهِمۡ يُحِبُّونَ مَنۡ هَاجَرَ إِلَيۡهِمۡ وَلَا يَجِدُونَ فِي صُدُورِهِمۡ حَاجَةٗ مِّمَّآ أُوتُواْ وَيُؤۡثِرُونَ عَلَىٰٓ أَنفُسِهِمۡ وَلَوۡ كَانَ بِهِمۡ خَصَاصَةٞۚ وَمَن يُوقَ شُحَّ نَفۡسِهِۦ فَأُوْلَٰٓئِكَ هُمُ ٱلۡمُفۡلِحُونَ
Ang mga Tagapag-adya na nanirahan sa Madīnah bago pa man ng mga Lumikas at pumili sa pananampalataya kay Allāh at sa Sugo Niya ay umiibig sa sinumang lumikas sa kanila mula sa Makkah. Hindi sila nakatatagpo sa mga dibdib nila ng isang ngitngit ni isang pagkainggit sa mga Lumikas sa landas ni Allāh nang binigyan ang mga iyon ng anuman mula sa nakumpiska samantalang hindi sila mismo nabigyan. Inuuna nila ang mga Lumikas higit sa mga sarili nila sa mga bahaging pangmundo, kahit pa man sila ay mga mailalarawan sa karalitaan at pangangailangan. Ang sinumang ipinagsanggalang ni Allāh sa kasigasigan ng sarili niya sa yaman, kaya naman nagkakaloob ito sa landas ni Allāh, ang mga iyon ay ang mga magwawagi sa pamamagitan ng pagtamo ng inaasahan nila at ng kaligtasan sa pinangingilabutan nila.
アラビア語 クルアーン注釈:
本諸節の功徳:
• فعل ما يُظنُّ أنه مفسدة لتحقيق مصلحة عظمى لا يدخل في باب الفساد في الأرض.
Ang paggawa ng ipinagpapalagay na ito ay panggulo para magsakatuparan ng isang kapakanang pinakadakila ay hindi pumapasok sa pinto ng kaguluhan sa lupa.

• من محاسن الإسلام مراعاة ذي الحاجة للمال، فَصَرَفَ الفيء لهم دون الأغنياء المكتفين بما عندهم.
Kabilang sa mga kagandahan ng Islām ang pagsasaalang-alang sa mga may pangangailangan sa salapi kaya naglaan ito ng nakumpiskang yaman sa kanila sa halip na sa mga mayaman na nakasasapat sa taglay ng mga ito.

• الإيثار منقبة عظيمة من مناقب الإسلام ظهرت في الأنصار أحسن ظهور.
Ang altruismo ay isa sa mga dakilang napupurihang katangian sa Islām na lumitaw sa mga Tagapag-adya sa pinakamagandang paglitaw.

 
対訳 節: (9) 章: 集合章
章名の目次 ページ番号
 
クルアーンの対訳 - クルアーン簡潔注釈(フィリピン - タガログ語対訳) - 対訳の目次

クルアーン簡潔注釈(フィリピン - タガログ語対訳)- Tafsir Center for Quranic Studies - 発行

閉じる