クルアーンの対訳 - クルアーン簡潔注釈(フィリピン - タガログ語対訳) * - 対訳の目次


対訳 節: (25) 章: 家畜章
وَمِنۡهُم مَّن يَسۡتَمِعُ إِلَيۡكَۖ وَجَعَلۡنَا عَلَىٰ قُلُوبِهِمۡ أَكِنَّةً أَن يَفۡقَهُوهُ وَفِيٓ ءَاذَانِهِمۡ وَقۡرٗاۚ وَإِن يَرَوۡاْ كُلَّ ءَايَةٖ لَّا يُؤۡمِنُواْ بِهَاۖ حَتَّىٰٓ إِذَا جَآءُوكَ يُجَٰدِلُونَكَ يَقُولُ ٱلَّذِينَ كَفَرُوٓاْ إِنۡ هَٰذَآ إِلَّآ أَسَٰطِيرُ ٱلۡأَوَّلِينَ
Kabilang sa mga tagapagtambal ang nakikinig sa iyo, O Sugo, kapag binigkas mo ang Qur'ān subalit sila ay hindi nakikinabang sa napakikinggan nila dahil Kami ay naglagay sa mga puso nila ng mga takip upang hindi nila maunawaan ang Qur'ān dahilan sa pagmamatigas nila at pag-ayaw nila, at naglagay naman Kami sa mga tainga nila ng pagkabingi para sa pagdinig na napakikinabangan. Anuman ang nakikita nila sa mga katunayang maliwanag at mga katwirang hayag ay hindi sila mananampalataya sa mga ito. Hanggang sa kapag dumating ka sa kanila, makikipag-alitan sila sa iyo sa katotohanan sa pamamagitan kabulaanan, na nagsasabi: "Walang iba ang inihatid mo kundi isang kinuha buhat sa mga aklat ng mga sinauna."
アラビア語 クルアーン注釈:
本諸節の功徳:
• بيان الحكمة في إرسال النبي عليه الصلاة والسلام بالقرآن، من أجل البلاغ والبيان، وأعظم ذلك الدعوة لتوحيد الله.
Ang paglilinaw sa kasanhian ng pagsusugo sa Propeta – sumakanya ang basbas at ang pagbati ng kapayapaan – dala ang Qur'ān alang-alang sa pagpapaabot at paglilinaw. Ang pinakasukdulan doon ay ang pag-aanyaya sa paniniwala sa kaisahan ni Allāh.

• نفي الشريك عن الله تعالى، ودحض افتراءات المشركين في هذا الخصوص.
Ang pagkakaila ng katambal kay Allāh – pagkataas-taas Siya – at ang pagpapabula sa mga gawa-gawang paninira ng mga tagapagtambal kaugnay sa usaping ito.

• بيان معرفة اليهود والنصارى للنبي عليه الصلاة والسلام، برغم جحودهم وكفرهم.
Ang paglilinaw sa pagkakilala ng mga Hudyo at mga Kristiyano sa Propeta – sumakanya ang basbas at ang pagbati ng kapayapaan – sa kabila ng pagtanggi nila at kawalang-pananampalataya nila.

 
対訳 節: (25) 章: 家畜章
章名の目次 ページ番号
 
クルアーンの対訳 - クルアーン簡潔注釈(フィリピン - タガログ語対訳) - 対訳の目次

クルアーン簡潔注釈(フィリピン - タガログ語対訳)- Tafsir Center for Quranic Studies - 発行

閉じる