クルアーンの対訳 - クルアーン簡潔注釈(フィリピン - タガログ語対訳) * - 対訳の目次


対訳 節: (2) 章: 合同礼拝章
هُوَ ٱلَّذِي بَعَثَ فِي ٱلۡأُمِّيِّـۧنَ رَسُولٗا مِّنۡهُمۡ يَتۡلُواْ عَلَيۡهِمۡ ءَايَٰتِهِۦ وَيُزَكِّيهِمۡ وَيُعَلِّمُهُمُ ٱلۡكِتَٰبَ وَٱلۡحِكۡمَةَ وَإِن كَانُواْ مِن قَبۡلُ لَفِي ضَلَٰلٖ مُّبِينٖ
Siya ay ang nagsugo sa mga Arabe na hindi nakababasa at hindi nakasusulat ng isang sugo na kabilang sa lahi nila, na bumibigkas sa kanila ng mga talata Niya na pinababa Niya rito, nagdadalisay sa kanila mula sa kawalang-pananampalataya at mga kasagwaan ng mga kaasalan, at nagtuturo sa kanila ng Qur'ān at nagtuturo sa kanila ng Sunnah – gayong tunay sila dati bago ng pagsusugo sa kanya sa kanila ay nasa isang maliwanag na pagkaligaw palayo sa katotohanan= yayamang sila dati ay sumasamba sa mga anito, nagpapadanak ng mga dugo, at pumuputol sa ugnayang pangkaanak.
アラビア語 クルアーン注釈:
本諸節の功徳:
• عظم منة النبي صلى الله عليه وسلم على البشرية عامة وعلى العرب خصوصًا، حيث كانوا في جاهلية وضياع.
Ang kasukdulan ng kagandahang-loob ng Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – sa sangkatauhan sa pangkalahatan at sa mga Arabe lalo na yayamang sila dati ay nasa isang kamangmangan at pagkapariwara.

• الهداية فضل من الله وحده، تطلب منه وتستجلب بطاعته.
Ang kapatnubayan ay isang kabutihang-loob mula kay Allāh lamang; hinihiling ito mula sa Kanya at natatamo ito sa pamamagitan ng pagtalima.

• تكذيب دعوى اليهود أنهم أولياء الله؛ بتحدّيهم أن يتمنوا الموت إن كانوا صادقين في دعواهم لأن الولي يشتاق لحبيبه.
Ang pagpapasinungaling sa pag-aangkin ng mga Hudyo na sila raw ay mga katangkilik ni Allāh ay sa pamamagitan ng paghamon sa kanila na magmithi sila ng kamatayan kung sila ay mga tapat sa pag-aangkin nila dahil ang katangkilik ay nananabik sa mahal niya.

 
対訳 節: (2) 章: 合同礼拝章
章名の目次 ページ番号
 
クルアーンの対訳 - クルアーン簡潔注釈(フィリピン - タガログ語対訳) - 対訳の目次

クルアーン簡潔注釈(フィリピン - タガログ語対訳)- Tafsir Center for Quranic Studies - 発行

閉じる