ការបកប្រែអត្ថន័យគួរអាន - ការអធិប្បាយសង្ខេបអំពីគម្ពីគួរអានជាភាសាហ្វីលីពីន (តាហ្គាឡុក) * - សន្ទស្សន៍នៃការបកប្រែ


ការបកប្រែអត្ថន័យ អាយ៉ាត់: (59) ជំពូក​: សូរ៉ោះអាល់អ៊ីសរ៉ក
وَمَا مَنَعَنَآ أَن نُّرۡسِلَ بِٱلۡأٓيَٰتِ إِلَّآ أَن كَذَّبَ بِهَا ٱلۡأَوَّلُونَۚ وَءَاتَيۡنَا ثَمُودَ ٱلنَّاقَةَ مُبۡصِرَةٗ فَظَلَمُواْ بِهَاۚ وَمَا نُرۡسِلُ بِٱلۡأٓيَٰتِ إِلَّا تَخۡوِيفٗا
Hindi Kami huminto sa pagpapababa ng mga palatandaang pisikal na nagpapatunay sa katapatan ng Sugo, na hiniling ng mga tagapagtambal gaya ng pagbibigay-buhay sa mga patay at mga tulad nito, malibang dahil Kami ay nagpababa ng mga ito sa mga kalipunang nauna ngunit nagpasinungaling sila sa mga ito. Nagbigay nga Kami sa [lipi ng] Thamūd ng isang dakilang tandang maliwanag, ang dumalagang kamelyo, ngunit tumanggi silang sumampalataya rito kaya minadali Namin sila sa pagdurusa. Hindi Kami nagpapadala ng mga tanda sa mga kamay ng mga sugo kundi bilang pagpapangamba sa mga kalipunan nila nang sa gayon sila ay magpapasakop.
តាហ្វសៀរជាភាសា​អារ៉ាប់ជាច្រេីន:
ក្នុង​ចំណោម​អត្ថប្រយោជន៍​នៃអាយ៉ាត់ទាំងនេះក្នុងទំព័រនេះ:
• من رحمة الله بالناس عدم إنزاله الآيات التي يطلبها المكذبون حتى لا يعاجلهم بالعقاب إذا كذبوا بها.
Bahagi ng awa ni Allāh sa mga tao ay ang hindi pagpapababa Niya ng mga tanda na hinihiling ng mga tagapagpasinungaling upang hindi Niya sila madaliin sa parusa kapag nagpasinungaling sila sa mga ito.

• ابتلى الله العباد بالشيطان الداعي لهم إلى معصية الله بأقواله وأفعاله.
Sumubok si Allāh sa mga tao sa pamamagitan ng demonyong tagapag-anyaya sa kanila sa pagsuway sa Kanya sa pamamagitan ng mga sabi nito at mga gawa nito.

• من صور مشاركة الشيطان للإنسان في الأموال والأولاد: ترك التسمية عند الطعام والشراب والجماع، وعدم تأديب الأولاد.
Kabilang sa mga anyo ng pakikilahok ng demonyo sa tao sa mga yaman at mga anak ay ang hindi pagsambit sa pangalan Niya sa sandali ng pagkain, pag-inom, at pakikipagtalik, at ang hindi pagdisiplina sa mga anak.

 
ការបកប្រែអត្ថន័យ អាយ៉ាត់: (59) ជំពូក​: សូរ៉ោះអាល់អ៊ីសរ៉ក
សន្ទស្សន៍នៃជំពូក លេខ​ទំព័រ
 
ការបកប្រែអត្ថន័យគួរអាន - ការអធិប្បាយសង្ខេបអំពីគម្ពីគួរអានជាភាសាហ្វីលីពីន (តាហ្គាឡុក) - សន្ទស្សន៍នៃការបកប្រែ

ការអធិប្បាយសង្ខេបអំពីគម្ពីគួរអានជាភាសាហ្វីលីពីន (តាហ្គាឡុក) ត្រូវបានចេញដោយមជ្ឈមណ្ឌល តាហ្វសៀរនៃការសិក្សាគម្ពីគួរអាន

បិទ