ការបកប្រែអត្ថន័យគួរអាន - ការអធិប្បាយសង្ខេបអំពីគម្ពីគួរអានជាភាសាហ្វីលីពីន (តាហ្គាឡុក) * - សន្ទស្សន៍នៃការបកប្រែ


ការបកប្រែអត្ថន័យ អាយ៉ាត់: (15) ជំពូក​: សូរ៉ោះអាល់អះកហ្វ
وَوَصَّيۡنَا ٱلۡإِنسَٰنَ بِوَٰلِدَيۡهِ إِحۡسَٰنًاۖ حَمَلَتۡهُ أُمُّهُۥ كُرۡهٗا وَوَضَعَتۡهُ كُرۡهٗاۖ وَحَمۡلُهُۥ وَفِصَٰلُهُۥ ثَلَٰثُونَ شَهۡرًاۚ حَتَّىٰٓ إِذَا بَلَغَ أَشُدَّهُۥ وَبَلَغَ أَرۡبَعِينَ سَنَةٗ قَالَ رَبِّ أَوۡزِعۡنِيٓ أَنۡ أَشۡكُرَ نِعۡمَتَكَ ٱلَّتِيٓ أَنۡعَمۡتَ عَلَيَّ وَعَلَىٰ وَٰلِدَيَّ وَأَنۡ أَعۡمَلَ صَٰلِحٗا تَرۡضَىٰهُ وَأَصۡلِحۡ لِي فِي ذُرِّيَّتِيٓۖ إِنِّي تُبۡتُ إِلَيۡكَ وَإِنِّي مِنَ ٱلۡمُسۡلِمِينَ
Nag-utos Kami sa tao ng isang utos na binigyang-diin: na gumawa siya ng maganda sa mga magulang niya sa pamamagitan ng pagpapakabuti sa kanilang dalawa sa buhay nilang dalawa at matapos ng kamatayan nilang dalawa, sa pamamagitan ng anumang walang pagsalungat sa Batas ng Islām, lalo na sa ina niya na nagdalang-tao sa kanya sa hirap at nagsilang sa kanya nito sa hirap. Ang yugto ng pagdadalang-tao sa kanya na ang haba nito at ang simula ng pag-awat sa kanya ay tatlumpong buwan. Hanggang sa nang umabot siya sa pagkalubos ng mga kalakasan niyang pangkaisipan at pangkatawan at umabot siya sa apatnapung taong gulang ay nagsabi siya: "Panginoon ko, ibuyo Mo ako na magpasalamat ako sa biyaya Mo na ibiniyaya Mo sa akin at sa mga magulang ko, ibuyo Mo ako na gumawa ako ng gawang maayos na kalulugdan Mo, tanggapin Mo ito mula sa akin, at magsaayos Ka para sa akin ng mga supling ko; tunay na ako ay nagbabalik-loob sa Iyo mula sa mga pagkakasala ko at tunay na ako ay kabilang sa mga nagpapaakay sa pagtalima sa iyo, na mga sumusuko sa mga utos Mo."
តាហ្វសៀរជាភាសា​អារ៉ាប់ជាច្រេីន:
ក្នុង​ចំណោម​អត្ថប្រយោជន៍​នៃអាយ៉ាត់ទាំងនេះក្នុងទំព័រនេះ:
• بيان مكانة بِرِّ الوالدين في الإسلام، بخاصة في حق الأم، والتحذير من العقوق.
Ang paglilinaw sa kalagayan ng pagpapakabuti sa mga magulang sa Islām, lalo na sa panig ng ina, at ang pagbabala laban sa kasutilan [sa mga magulang].

• بيان خطر التوسع في ملاذّ الدنيا؛ لأنها تشغل عن الآخرة.
Ang paglilinaw sa panganib ng pagpapalawak sa mga minamasarap sa Mundo dahil ang mga ito ay nakaaabala palayo sa Kabilang-buhay.

• بيان الوعيد الشديد لأصحاب الكبر والفسوق.
Ang paglilinaw sa matinding banta para sa mga sangkot sa pagmamalaki at kasuwailan.

 
ការបកប្រែអត្ថន័យ អាយ៉ាត់: (15) ជំពូក​: សូរ៉ោះអាល់អះកហ្វ
សន្ទស្សន៍នៃជំពូក លេខ​ទំព័រ
 
ការបកប្រែអត្ថន័យគួរអាន - ការអធិប្បាយសង្ខេបអំពីគម្ពីគួរអានជាភាសាហ្វីលីពីន (តាហ្គាឡុក) - សន្ទស្សន៍នៃការបកប្រែ

ការអធិប្បាយសង្ខេបអំពីគម្ពីគួរអានជាភាសាហ្វីលីពីន (តាហ្គាឡុក) ត្រូវបានចេញដោយមជ្ឈមណ្ឌល តាហ្វសៀរនៃការសិក្សាគម្ពីគួរអាន

បិទ