ಪವಿತ್ರ ಕುರ್‌ಆನ್ ಅರ್ಥಾನುವಾದ - ಅಲ್-ಮುಖ್ತಸರ್ ಫಿ ತಫ್ಸೀರಿಲ್ ಕುರ್‌ಆನಿಲ್ ಕರೀಮ್ - ಫಿಲಿಪ್ಪಿನಿಯನ್ (ಟ್ಯಾಗಲಾಗ್) ಅನುವಾದ * - ಅನುವಾದಗಳ ವಿಷಯಸೂಚಿ


ಅರ್ಥಗಳ ಅನುವಾದ ಶ್ಲೋಕ: (25) ಅಧ್ಯಾಯ: ಸೂರ ಅಲ್ -ಇಸ್ರಾಅ್
رَّبُّكُمۡ أَعۡلَمُ بِمَا فِي نُفُوسِكُمۡۚ إِن تَكُونُواْ صَٰلِحِينَ فَإِنَّهُۥ كَانَ لِلۡأَوَّٰبِينَ غَفُورٗا
Ang Panginoon ninyo, O mga tao, ay higit na maalam sa anumang nasa mga budhi ninyo na pagpapakawagas sa Kanya sa pagsamba, mga gawain ng kabutihan, at pagpapakabuti sa mga magulang. Kaya kung ang mga layunin ninyo sa pagsamba ninyo at pakikitungo ninyo sa mga magulang ninyo at iba sa kanilang dalawa ay naging maayos, tunay na Siya – kaluwalhatian sa Kanya – laging sa mga palabalik sa Kanya sa pamamagitan ng pagbabalik-loob ay Mapagpatawad, sapagkat ang sinumang nagbalik-loob mula sa naunang pagkukulang nito sa pagtalima nito sa Panginoon nito o sa mga magulang nito ay magpapatawad si Allāh dito.
ಅರಬ್ಬಿ ವ್ಯಾಖ್ಯಾನಗಳು:
ಈ ಪುಟದಲ್ಲಿರುವ ಶ್ಲೋಕಗಳ ಉಪಯೋಗಗಳು:
• ينبغي للإنسان أن يفعل ما يقدر عليه من الخير وينوي فعل ما لم يقدر عليه؛ ليُثاب على ذلك.
Nararapat sa tao na gumawa ng nakakaya niya na kabutihan at maglayon ng paggawa ng hindi niya nakaya, upang gantimpalaan siya roon.

• أن النعم في الدنيا لا ينبغي أن يُسْتَدل بها على رضا الله تعالى؛ لأنها قد تحصل لغير المؤمن، وتكون عاقبته المصير إلى عذاب الله.
Na ang mga biyaya sa Mundo ay hindi nararapat na ipampatunay sa pagkalugod ni Allāh – pagkataas-taas Siya – dahil ang mga [biyayang ito] ay maaaring mangyari sa mga hindi mananampalataya at ang kahihinatnan nito ay ang kahahantungan tungo sa pagdurusang dulot ni Allāh.

• الإحسان إلى الوالدين فرض لازم واجب، وقد قرن الله شكرهما بشكره لعظيم فضلهما.
Ang paggawa ng maganda sa mga magulang ay isang tungkuling kinakailangan at obligado. Nag-ugnay nga si Allāh sa pagpapasalamat sa kanilang dalawa sa pagpapasalamat sa Kanya dahil sa kadakilaan ng kabutihang-loob nilang dalawa.

• يحرّم الإسلام التبذير، والتبذير إنفاق المال في غير حقه.
Nagbabawal ang Islām ng pagwawaldas. Ang pagwawaldas ay ang paggugol ng yaman sa hindi karapat-dapat dito.

 
ಅರ್ಥಗಳ ಅನುವಾದ ಶ್ಲೋಕ: (25) ಅಧ್ಯಾಯ: ಸೂರ ಅಲ್ -ಇಸ್ರಾಅ್
ಅಧ್ಯಾಯಗಳ ವಿಷಯಸೂಚಿ ಪುಟ ಸಂಖ್ಯೆ
 
ಪವಿತ್ರ ಕುರ್‌ಆನ್ ಅರ್ಥಾನುವಾದ - ಅಲ್-ಮುಖ್ತಸರ್ ಫಿ ತಫ್ಸೀರಿಲ್ ಕುರ್‌ಆನಿಲ್ ಕರೀಮ್ - ಫಿಲಿಪ್ಪಿನಿಯನ್ (ಟ್ಯಾಗಲಾಗ್) ಅನುವಾದ - ಅನುವಾದಗಳ ವಿಷಯಸೂಚಿ

ಅಲ್-ಮುಖ್ತಸರ್ ಫಿ ತಫ್ಸೀರಿಲ್ ಕುರ್‌ಆನಿಲ್ ಕರೀಮ್ - ಫಿಲಿಪ್ಪಿನಿಯನ್ (ಟ್ಯಾಗಲಾಗ್) ಅನುವಾದ - ಕುರ್‌ಆನ್ ತಫ್ಸೀರ್ ಸ್ಟಡಿ ಸೆಂಟರ್

ಮುಚ್ಚಿ