ಪವಿತ್ರ ಕುರ್‌ಆನ್ ಅರ್ಥಾನುವಾದ - ಅಲ್-ಮುಖ್ತಸರ್ ಫಿ ತಫ್ಸೀರಿಲ್ ಕುರ್‌ಆನಿಲ್ ಕರೀಮ್ - ಫಿಲಿಪ್ಪಿನಿಯನ್ (ಟ್ಯಾಗಲಾಗ್) ಅನುವಾದ * - ಅನುವಾದಗಳ ವಿಷಯಸೂಚಿ


ಅರ್ಥಗಳ ಅನುವಾದ ಶ್ಲೋಕ: (125) ಅಧ್ಯಾಯ: ಸೂರ ಅಲ್- ಬಕರ
وَإِذۡ جَعَلۡنَا ٱلۡبَيۡتَ مَثَابَةٗ لِّلنَّاسِ وَأَمۡنٗا وَٱتَّخِذُواْ مِن مَّقَامِ إِبۡرَٰهِـۧمَ مُصَلّٗىۖ وَعَهِدۡنَآ إِلَىٰٓ إِبۡرَٰهِـۧمَ وَإِسۡمَٰعِيلَ أَن طَهِّرَا بَيۡتِيَ لِلطَّآئِفِينَ وَٱلۡعَٰكِفِينَ وَٱلرُّكَّعِ ٱلسُّجُودِ
Banggitin mo noong ginawa ni Allāh ang Bahay na Binanal bilang isang pagbabalikan para sa mga tao, na kinahuhumalingan ng mga puso nila: sa tuwing lumilisan sila mula roon ay bumabalik sila roon; at ginawa Niya iyon bilang isang katiwasayan para sa kanila, na hindi sila inaaway roon. Nagsabi Siya sa mga tao: "Gumawa kayo mula sa bato – na tinatayuan noon ni Abraham habang siya nagtatayo ng Ka`bah – ng isang lugar para sa pagdarasal." Nagtagubilin Kami kay Abraham at sa anak niyang si Ismael ng pagdalisay ng Bahay na Binanal mula sa mga karumihan at mga anito, at ng paghahanda niyon para sa sinumang nagnais ng pagsamba roon sa pamamagitan ng pagsasagawa ng ṭawāf, i`tikāf, ṣalāh, at iba pa.
ಅರಬ್ಬಿ ವ್ಯಾಖ್ಯಾನಗಳು:
ಈ ಪುಟದಲ್ಲಿರುವ ಶ್ಲೋಕಗಳ ಉಪಯೋಗಗಳು:
• أن المسلمين مهما فعلوا من خير لليهود والنصارى؛ فلن يرضوا حتى يُخرجوهم من دينهم، ويتابعوهم على ضلالهم.
Na ang Muslim, anuman ang gawin nilang kabutihan para sa mga Hudyo at Kristiyano, ay hindi malulugod ang mga ito hanggang sa makapagpalabas sa kanila ang mga ito mula sa relihiyon nila at makasunod sila sa mga ito sa pagkaligaw ng mga ito.

• الإمامة في الدين لا تُنَال إلا بصحة اليقين والصبر على القيام بأمر الله تعالى.
Ang pamumuno sa relihiyon ay hindi natatamo malibang sa pamamagitan ng katumpakan ng katiyakan at pagtitiis sa pagsasagawa sa utos ni Allāh – pagkataas-taas Siya.

• بركة دعوة إبراهيم عليه السلام للبلد الحرام، حيث جعله الله مكانًا آمنًا للناس، وتفضّل على أهله بأنواع الأرزاق.
Ang pagpapala ng panalangin ni Abraham – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – ay para sa Bayang Binanal kung saan ginawa ito ni Allāh na isang lugar na matiwasay para sa mga tao at nagmabuting-loob Siya sa mga naninirahan doon ng mga uri ng mga panustos.

 
ಅರ್ಥಗಳ ಅನುವಾದ ಶ್ಲೋಕ: (125) ಅಧ್ಯಾಯ: ಸೂರ ಅಲ್- ಬಕರ
ಅಧ್ಯಾಯಗಳ ವಿಷಯಸೂಚಿ ಪುಟ ಸಂಖ್ಯೆ
 
ಪವಿತ್ರ ಕುರ್‌ಆನ್ ಅರ್ಥಾನುವಾದ - ಅಲ್-ಮುಖ್ತಸರ್ ಫಿ ತಫ್ಸೀರಿಲ್ ಕುರ್‌ಆನಿಲ್ ಕರೀಮ್ - ಫಿಲಿಪ್ಪಿನಿಯನ್ (ಟ್ಯಾಗಲಾಗ್) ಅನುವಾದ - ಅನುವಾದಗಳ ವಿಷಯಸೂಚಿ

ಅಲ್-ಮುಖ್ತಸರ್ ಫಿ ತಫ್ಸೀರಿಲ್ ಕುರ್‌ಆನಿಲ್ ಕರೀಮ್ - ಫಿಲಿಪ್ಪಿನಿಯನ್ (ಟ್ಯಾಗಲಾಗ್) ಅನುವಾದ - ಕುರ್‌ಆನ್ ತಫ್ಸೀರ್ ಸ್ಟಡಿ ಸೆಂಟರ್

ಮುಚ್ಚಿ