Check out the new design

ಪವಿತ್ರ ಕುರ್‌ಆನ್ ಅರ್ಥಾನುವಾದ - ಫಿಲಿಪ್ಪಿನಿಯನ್ (ಟ್ಯಾಗಲಾಗ್) ಅನುವಾದ - ರುವ್ವಾದ್ ಭಾಷಾಂತರ ಕೇಂದ್ರ * - ಅನುವಾದಗಳ ವಿಷಯಸೂಚಿ

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

ಅರ್ಥಗಳ ಅನುವಾದ ಅಧ್ಯಾಯ: ಅನ್ನಮ್ಲ್   ಶ್ಲೋಕ:
وَلَقَدۡ أَرۡسَلۡنَآ إِلَىٰ ثَمُودَ أَخَاهُمۡ صَٰلِحًا أَنِ ٱعۡبُدُواْ ٱللَّهَ فَإِذَا هُمۡ فَرِيقَانِ يَخۡتَصِمُونَ
Talaga ngang nagsugo Kami sa [liping] Thamūd ng kapatid nilang si Ṣāliḥ, na [nagsasabi]: “Sumamba kayo kay Allāh,” saka biglang sila ay dalawang pangkat na nag-aalitan.
ಅರಬ್ಬಿ ವ್ಯಾಖ್ಯಾನಗಳು:
قَالَ يَٰقَوۡمِ لِمَ تَسۡتَعۡجِلُونَ بِٱلسَّيِّئَةِ قَبۡلَ ٱلۡحَسَنَةِۖ لَوۡلَا تَسۡتَغۡفِرُونَ ٱللَّهَ لَعَلَّكُمۡ تُرۡحَمُونَ
Nagsabi siya: “O mga kalipi ko, bakit kayo nagmamadali sa gawang masagwa bago ng gawang maganda? Bakit nga ba hindi kayo humihingi ng tawad kay Allāh nang sa gayon kayo ay kaaawaan?”
ಅರಬ್ಬಿ ವ್ಯಾಖ್ಯಾನಗಳು:
قَالُواْ ٱطَّيَّرۡنَا بِكَ وَبِمَن مَّعَكَۚ قَالَ طَٰٓئِرُكُمۡ عِندَ ٱللَّهِۖ بَلۡ أَنتُمۡ قَوۡمٞ تُفۡتَنُونَ
Nagsabi sila: “Nag-ugnay kami ng kamalasan sa iyo at sa sinumang kasama sa iyo.” Nagsabi siya: “Ang kamalasang inuugnay ninyo ay nasa ganang kay Allāh, bagkus kayo ay mga taong tinutukso.”
ಅರಬ್ಬಿ ವ್ಯಾಖ್ಯಾನಗಳು:
وَكَانَ فِي ٱلۡمَدِينَةِ تِسۡعَةُ رَهۡطٖ يُفۡسِدُونَ فِي ٱلۡأَرۡضِ وَلَا يُصۡلِحُونَ
Dati sa lungsod ay may siyam na lalaking nanggugulo sa lupain at hindi nagsasaayos.
ಅರಬ್ಬಿ ವ್ಯಾಖ್ಯಾನಗಳು:
قَالُواْ تَقَاسَمُواْ بِٱللَّهِ لَنُبَيِّتَنَّهُۥ وَأَهۡلَهُۥ ثُمَّ لَنَقُولَنَّ لِوَلِيِّهِۦ مَا شَهِدۡنَا مَهۡلِكَ أَهۡلِهِۦ وَإِنَّا لَصَٰدِقُونَ
Nagsabi sila: “Magsumpaan kayo kay Allāh na talagang susugod nga tayo sa gabi sa kanya at sa mag-anak niya, pagkatapos talagang magsasabi nga tayo sa katangkilik niya: “Hindi kami nakasaksi sa pagkapahamak ng mag-anak niya. Tunay na kami ay talagang mga tapat.”
ಅರಬ್ಬಿ ವ್ಯಾಖ್ಯಾನಗಳು:
وَمَكَرُواْ مَكۡرٗا وَمَكَرۡنَا مَكۡرٗا وَهُمۡ لَا يَشۡعُرُونَ
Nagpakana sila ng isang pakana [laban kay Ṣāliḥ] at nagpakana Kami ng isang pakana habang sila ay hindi nakararamdam.
ಅರಬ್ಬಿ ವ್ಯಾಖ್ಯಾನಗಳು:
فَٱنظُرۡ كَيۡفَ كَانَ عَٰقِبَةُ مَكۡرِهِمۡ أَنَّا دَمَّرۡنَٰهُمۡ وَقَوۡمَهُمۡ أَجۡمَعِينَ
Kaya tumingin ka kung papaano naging ang kinahinatnan ng pakana nila, na Kami ay nagwasak sa kanila at sa mga kalipi nila nang magkakasama.
ಅರಬ್ಬಿ ವ್ಯಾಖ್ಯಾನಗಳು:
فَتِلۡكَ بُيُوتُهُمۡ خَاوِيَةَۢ بِمَا ظَلَمُوٓاْۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَةٗ لِّقَوۡمٖ يَعۡلَمُونَ
Kaya ang mga iyon ay ang mga bahay nila: hungkag, dahil lumabag sila sa katarungan. Tunay na sa gayon ay talagang may tanda para sa mga taong umaalam.
ಅರಬ್ಬಿ ವ್ಯಾಖ್ಯಾನಗಳು:
وَأَنجَيۡنَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَكَانُواْ يَتَّقُونَ
Nagligtas Kami sa mga sumampalataya at dati na silang nangingilag magkasala.
ಅರಬ್ಬಿ ವ್ಯಾಖ್ಯಾನಗಳು:
وَلُوطًا إِذۡ قَالَ لِقَوۡمِهِۦٓ أَتَأۡتُونَ ٱلۡفَٰحِشَةَ وَأَنتُمۡ تُبۡصِرُونَ
[Banggitin] si Lot noong nagsabi siya sa mga kababayan niya: “Pumupunta ba kayo sa mahalay habang kayo ay nakakikita [sa isa’t isa nang lantaran]?”
ಅರಬ್ಬಿ ವ್ಯಾಖ್ಯಾನಗಳು:
أَئِنَّكُمۡ لَتَأۡتُونَ ٱلرِّجَالَ شَهۡوَةٗ مِّن دُونِ ٱلنِّسَآءِۚ بَلۡ أَنتُمۡ قَوۡمٞ تَجۡهَلُونَ
Tunay na kayo ba ay talagang pumupunta sa mga lalaki dala ng pagnanasa bukod pa sa mga babae? Bagkus kayo ay mga taong nagpakamangmang.
ಅರಬ್ಬಿ ವ್ಯಾಖ್ಯಾನಗಳು:
 
ಅರ್ಥಗಳ ಅನುವಾದ ಅಧ್ಯಾಯ: ಅನ್ನಮ್ಲ್
ಅಧ್ಯಾಯಗಳ ವಿಷಯಸೂಚಿ ಪುಟ ಸಂಖ್ಯೆ
 
ಪವಿತ್ರ ಕುರ್‌ಆನ್ ಅರ್ಥಾನುವಾದ - ಫಿಲಿಪ್ಪಿನಿಯನ್ (ಟ್ಯಾಗಲಾಗ್) ಅನುವಾದ - ರುವ್ವಾದ್ ಭಾಷಾಂತರ ಕೇಂದ್ರ - ಅನುವಾದಗಳ ವಿಷಯಸೂಚಿ

ರಬ್ವಾಹ್ನಲ್ಲಿರುವ ದಾವಾ ಸಂಸ್ಥೆ ಮತ್ತು ಭಾಷೆಗಳಲ್ಲಿ ಇಸ್ಲಾಮಿಕ್ ವಿಷಯವನ್ನು ಸೇವಿಸುವ ಸಂಸ್ಥೆಯ ಸಹಕಾರದೊಂದಿಗೆ ರುವ್ವಾದ್ ಅನುವಾದ ಕೇಂದ್ರದ ತಂಡದಿಂದ ಅನುವಾದಿಸಲಾಗಿದೆ.

ಮುಚ್ಚಿ