Check out the new design

ಪವಿತ್ರ ಕುರ್‌ಆನ್ ಅರ್ಥಾನುವಾದ - ಫಿಲಿಪ್ಪಿನಿಯನ್ (ಟ್ಯಾಗಲಾಗ್) ಅನುವಾದ - ರುವ್ವಾದ್ ಭಾಷಾಂತರ ಕೇಂದ್ರ * - ಅನುವಾದಗಳ ವಿಷಯಸೂಚಿ

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

ಅರ್ಥಗಳ ಅನುವಾದ ಅಧ್ಯಾಯ: ಅಲ್ -ಮುಲ್ಕ್   ಶ್ಲೋಕ:

Al-Mulk

تَبَٰرَكَ ٱلَّذِي بِيَدِهِ ٱلۡمُلۡكُ وَهُوَ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ قَدِيرٌ
Napakamapagpala ang nasa kamay Niya ang paghahari, at Siya sa bawat bagay ay May-kakayahan,
ಅರಬ್ಬಿ ವ್ಯಾಖ್ಯಾನಗಳು:
ٱلَّذِي خَلَقَ ٱلۡمَوۡتَ وَٱلۡحَيَوٰةَ لِيَبۡلُوَكُمۡ أَيُّكُمۡ أَحۡسَنُ عَمَلٗاۚ وَهُوَ ٱلۡعَزِيزُ ٱلۡغَفُورُ
na lumikha ng kamatayan at buhay upang sumubok Siya sa inyo kung alin sa inyo ang pinakamaganda sa gawa. Siya ay ang Makapangyarihan, ang Mapagpatawad,
ಅರಬ್ಬಿ ವ್ಯಾಖ್ಯಾನಗಳು:
ٱلَّذِي خَلَقَ سَبۡعَ سَمَٰوَٰتٖ طِبَاقٗاۖ مَّا تَرَىٰ فِي خَلۡقِ ٱلرَّحۡمَٰنِ مِن تَفَٰوُتٖۖ فَٱرۡجِعِ ٱلۡبَصَرَ هَلۡ تَرَىٰ مِن فُطُورٖ
na lumikha ng pitong langit na nagkakatakluban. Hindi ka nakakikita sa pagkakalikha ng Napakamaawain ng anumang pagtataliwasan. Kaya magpapabalik ka ng pagtingin [sa langit], nakakikita ka kaya ng anumang mga bitak?
ಅರಬ್ಬಿ ವ್ಯಾಖ್ಯಾನಗಳು:
ثُمَّ ٱرۡجِعِ ٱلۡبَصَرَ كَرَّتَيۡنِ يَنقَلِبۡ إِلَيۡكَ ٱلۡبَصَرُ خَاسِئٗا وَهُوَ حَسِيرٞ
Pagkatapos magpapabalik ka ng paningin nang pault-ulit, babalik sa iyo ang paningin mo na hamak samantalang ito ay pagal.
ಅರಬ್ಬಿ ವ್ಯಾಖ್ಯಾನಗಳು:
وَلَقَدۡ زَيَّنَّا ٱلسَّمَآءَ ٱلدُّنۡيَا بِمَصَٰبِيحَ وَجَعَلۡنَٰهَا رُجُومٗا لِّلشَّيَٰطِينِۖ وَأَعۡتَدۡنَا لَهُمۡ عَذَابَ ٱلسَّعِيرِ
Talaga ngang gumayak Kami sa langit na pinakamababa[1] ng mga lampara at gumawa Kami sa mga iyon na mga pambato sa mga demonyo. Naglaan Kami para sa kanila ng pagdurusa sa Liyab.
[1] Ibig sabihin: langit na pinakamalapit sa Daigdig.
ಅರಬ್ಬಿ ವ್ಯಾಖ್ಯಾನಗಳು:
وَلِلَّذِينَ كَفَرُواْ بِرَبِّهِمۡ عَذَابُ جَهَنَّمَۖ وَبِئۡسَ ٱلۡمَصِيرُ
Ukol sa mga tumangging sumampalataya sa Panginoon nila ang pagdurusa sa Impiyerno. Kay saklap ang kahahantungan!
ಅರಬ್ಬಿ ವ್ಯಾಖ್ಯಾನಗಳು:
إِذَآ أُلۡقُواْ فِيهَا سَمِعُواْ لَهَا شَهِيقٗا وَهِيَ تَفُورُ
Kapag itinapon sila roon ay makaririnig sila ng isang singhal habang iyon ay kumukulo.
ಅರಬ್ಬಿ ವ್ಯಾಖ್ಯಾನಗಳು:
تَكَادُ تَمَيَّزُ مِنَ ٱلۡغَيۡظِۖ كُلَّمَآ أُلۡقِيَ فِيهَا فَوۡجٞ سَأَلَهُمۡ خَزَنَتُهَآ أَلَمۡ يَأۡتِكُمۡ نَذِيرٞ
Halos nagkakapira-piraso iyon sa ngitngit. Tuwing nakapagtapon doon ng isang pulutong ay magtatanong sa kanila ang mga tagatanod niyon: “Wala bang pumunta sa inyo na isang mapagbabala [na isang sugo mula kay Allāh]?”
ಅರಬ್ಬಿ ವ್ಯಾಖ್ಯಾನಗಳು:
قَالُواْ بَلَىٰ قَدۡ جَآءَنَا نَذِيرٞ فَكَذَّبۡنَا وَقُلۡنَا مَا نَزَّلَ ٱللَّهُ مِن شَيۡءٍ إِنۡ أَنتُمۡ إِلَّا فِي ضَلَٰلٖ كَبِيرٖ
Magsasabi sila: “Oo, may pumunta nga sa amin na isang mapagbabala ngunit nagpasinungaling kami at nagsabi kami: Hindi nagbaba si Allāh ng anuman [mula sa Kapahayagan]; walang iba kayo kundi nasa isang pagkaligaw na malaki.”
ಅರಬ್ಬಿ ವ್ಯಾಖ್ಯಾನಗಳು:
وَقَالُواْ لَوۡ كُنَّا نَسۡمَعُ أَوۡ نَعۡقِلُ مَا كُنَّا فِيٓ أَصۡحَٰبِ ٱلسَّعِيرِ
Magsasabi sila: “Kung sakaling kami dati ay dumidinig[2] o nakapag-uunawa, hindi sana kami naging mga maninirahan sa Liyab!”
[2] nang pagdinig na mapakikinabangan
ಅರಬ್ಬಿ ವ್ಯಾಖ್ಯಾನಗಳು:
فَٱعۡتَرَفُواْ بِذَنۢبِهِمۡ فَسُحۡقٗا لِّأَصۡحَٰبِ ٱلسَّعِيرِ
Kaya aamin sila ng pagkakasala nila, kaya pagkalayu-layo [sa kabutihan] ay ukol sa mga maninirahan sa Liyab!
ಅರಬ್ಬಿ ವ್ಯಾಖ್ಯಾನಗಳು:
إِنَّ ٱلَّذِينَ يَخۡشَوۡنَ رَبَّهُم بِٱلۡغَيۡبِ لَهُم مَّغۡفِرَةٞ وَأَجۡرٞ كَبِيرٞ
Tunay na ang mga natatakot sa Panginoon nila nang nakalingid, ukol sa kanila ay isang kapatawaran at isang pabuyang malaki.
ಅರಬ್ಬಿ ವ್ಯಾಖ್ಯಾನಗಳು:
 
ಅರ್ಥಗಳ ಅನುವಾದ ಅಧ್ಯಾಯ: ಅಲ್ -ಮುಲ್ಕ್
ಅಧ್ಯಾಯಗಳ ವಿಷಯಸೂಚಿ ಪುಟ ಸಂಖ್ಯೆ
 
ಪವಿತ್ರ ಕುರ್‌ಆನ್ ಅರ್ಥಾನುವಾದ - ಫಿಲಿಪ್ಪಿನಿಯನ್ (ಟ್ಯಾಗಲಾಗ್) ಅನುವಾದ - ರುವ್ವಾದ್ ಭಾಷಾಂತರ ಕೇಂದ್ರ - ಅನುವಾದಗಳ ವಿಷಯಸೂಚಿ

ರಬ್ವಾಹ್ನಲ್ಲಿರುವ ದಾವಾ ಸಂಸ್ಥೆ ಮತ್ತು ಭಾಷೆಗಳಲ್ಲಿ ಇಸ್ಲಾಮಿಕ್ ವಿಷಯವನ್ನು ಸೇವಿಸುವ ಸಂಸ್ಥೆಯ ಸಹಕಾರದೊಂದಿಗೆ ರುವ್ವಾದ್ ಅನುವಾದ ಕೇಂದ್ರದ ತಂಡದಿಂದ ಅನುವಾದಿಸಲಾಗಿದೆ.

ಮುಚ್ಚಿ