Check out the new design

وه‌رگێڕانی ماناكانی قورئانی پیرۆز - وەرگێڕاوی فلیپینی (تگالۆگ) - ناوەندی ڕواد بۆ وەرگێڕان * - پێڕستی وه‌رگێڕاوه‌كان

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

وه‌رگێڕانی ماناكان سوره‌تی: التغابن   ئایه‌تی:
وَٱلَّذِينَ كَفَرُواْ وَكَذَّبُواْ بِـَٔايَٰتِنَآ أُوْلَٰٓئِكَ أَصۡحَٰبُ ٱلنَّارِ خَٰلِدِينَ فِيهَاۖ وَبِئۡسَ ٱلۡمَصِيرُ
Ang mga tumangging sumampalataya at nagpasinungaling sa mga talata Namin [sa Qur’ān], ang mga iyon ay ang mga maninirahan sa Apoy [ng Impiyerno] bilang mga mananatili roon. Kay saklap ang kahahantungan!
تەفسیرە عەرەبیەکان:
مَآ أَصَابَ مِن مُّصِيبَةٍ إِلَّا بِإِذۡنِ ٱللَّهِۗ وَمَن يُؤۡمِنۢ بِٱللَّهِ يَهۡدِ قَلۡبَهُۥۚ وَٱللَّهُ بِكُلِّ شَيۡءٍ عَلِيمٞ
Walang tumama na anumang kasawian [sa sinuman] malibang ayon sa pahintulot ni Allāh. Ang sinumang sumasampalataya kay Allāh ay magpapatnubay Siya sa puso nito. Si Allāh sa bawat bagay ay Maalam.
تەفسیرە عەرەبیەکان:
وَأَطِيعُواْ ٱللَّهَ وَأَطِيعُواْ ٱلرَّسُولَۚ فَإِن تَوَلَّيۡتُمۡ فَإِنَّمَا عَلَىٰ رَسُولِنَا ٱلۡبَلَٰغُ ٱلۡمُبِينُ
Tumalima kayo kay Allāh at tumalima kayo sa Sugo [na si Propeta Muḥammad]. Kaya kung tumalikod kayo, tanging kailangan sa Sugo Namin ang pagpapaabot na malinaw [ng mensahe].
تەفسیرە عەرەبیەکان:
ٱللَّهُ لَآ إِلَٰهَ إِلَّا هُوَۚ وَعَلَى ٱللَّهِ فَلۡيَتَوَكَّلِ ٱلۡمُؤۡمِنُونَ
Si Allāh, walang Diyos [na karapat-dapat] kundi Siya. Kay Allāh ay manalig ang mga mananampalataya.
تەفسیرە عەرەبیەکان:
يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْ إِنَّ مِنۡ أَزۡوَٰجِكُمۡ وَأَوۡلَٰدِكُمۡ عَدُوّٗا لَّكُمۡ فَٱحۡذَرُوهُمۡۚ وَإِن تَعۡفُواْ وَتَصۡفَحُواْ وَتَغۡفِرُواْ فَإِنَّ ٱللَّهَ غَفُورٞ رَّحِيمٌ
O mga sumampalataya, tunay na mayroon sa mga maybahay ninyo at mga anak ninyo na kaaway para sa inyo[1] kaya mag-ingat kayo sa kanila. Kung magpapaumanhin kayo, magpapalampas kayo,[2] at magpapatawad kayo, tunay na si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain.
[1] dahil sa pag-abala nila sa inyo sa pag-alaala kay Allāh at pakikibaka sa landas Niya
[2] ng mga kamalian nila sa inyo at sa mga usaping pangmundo.
تەفسیرە عەرەبیەکان:
إِنَّمَآ أَمۡوَٰلُكُمۡ وَأَوۡلَٰدُكُمۡ فِتۡنَةٞۚ وَٱللَّهُ عِندَهُۥٓ أَجۡرٌ عَظِيمٞ
Ang mga yaman ninyo at ang mga anak ninyo ay isang tukso lamang samantalang si Allāh sa ganang Kanya ay may isang pabuyang sukdulan.
تەفسیرە عەرەبیەکان:
فَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ مَا ٱسۡتَطَعۡتُمۡ وَٱسۡمَعُواْ وَأَطِيعُواْ وَأَنفِقُواْ خَيۡرٗا لِّأَنفُسِكُمۡۗ وَمَن يُوقَ شُحَّ نَفۡسِهِۦ فَأُوْلَٰٓئِكَ هُمُ ٱلۡمُفۡلِحُونَ
Kaya mangilag kayong magkasala kay Allāh sa abot ng makakaya ninyo, makinig kayo, tumalima kayo, at gumugol kayo [sa landas ni Allāh] ng isang kabutihan para sa mga sarili ninyo. Ang sinumang ipinagsanggalang sa kasakiman ng sarili niya, ang mga iyon ay ang mga magtatagumpay.
تەفسیرە عەرەبیەکان:
إِن تُقۡرِضُواْ ٱللَّهَ قَرۡضًا حَسَنٗا يُضَٰعِفۡهُ لَكُمۡ وَيَغۡفِرۡ لَكُمۡۚ وَٱللَّهُ شَكُورٌ حَلِيمٌ
Kung magpapautang kayo kay Allāh ng isang pagpapautang na maganda[3] ay magpapaibayo Siya nito para sa inyo at magpapatatawad Siya sa inyo. Si Allāh ay Mapagpasalamat, Matimpiin,
[3] Ibig sabihin: magkalob kaya mula sa mga yaman ninyo alang-alang sa Kanya.
تەفسیرە عەرەبیەکان:
عَٰلِمُ ٱلۡغَيۡبِ وَٱلشَّهَٰدَةِ ٱلۡعَزِيزُ ٱلۡحَكِيمُ
ang Tagaalam sa nakalingid at nasasaksihan, ang Makapangyarihan, ang Marunong.
تەفسیرە عەرەبیەکان:
 
وه‌رگێڕانی ماناكان سوره‌تی: التغابن
پێڕستی سوره‌ته‌كان ژمارەی پەڕە
 
وه‌رگێڕانی ماناكانی قورئانی پیرۆز - وەرگێڕاوی فلیپینی (تگالۆگ) - ناوەندی ڕواد بۆ وەرگێڕان - پێڕستی وه‌رگێڕاوه‌كان

وەرگێڕان: تیمی ناوەندی ڕوواد بۆ وەرگێڕان بە هاوكاری كۆمەڵگەی بانگهێشت لە ڕەبەوە و كۆمەڵگەی خزمەتی ناوەڕۆکی ئیسلامی بە زمانەکان.

داخستن