Kilniojo Korano reikšmių vertimas - Kilniojo Korano sutrumpinto aiškinimo vertimas į filipiniečių (taglog) kalbą * - Vertimų turinys


Reikšmių vertimas Aja (Korano eilutė): (195) Sūra: Sūra Al-Bakara
وَأَنفِقُواْ فِي سَبِيلِ ٱللَّهِ وَلَا تُلۡقُواْ بِأَيۡدِيكُمۡ إِلَى ٱلتَّهۡلُكَةِ وَأَحۡسِنُوٓاْۚ إِنَّ ٱللَّهَ يُحِبُّ ٱلۡمُحۡسِنِينَ
Gumugol kayo ng salapi sa pagtalima kay Allāh gaya ng pakikibaka at iba pa rito. Huwag kayong magbulid sa mga sarili ninyo sa pagkapahamak sa pamamagitan ng pag-iwan ninyo sa pakikibaka at pagkakaloob alang-alang dito o sa pamamagitan ng pagbulid ninyo sa mga sarili ninyo sa anumang nagiging isang dahilan para sa pagkapahamak ninyo. Magpakahusay kayo sa mga pagsamba ninyo, mga pakikitungo ninyo, at mga kaasalan ninyo; tunay na si Allāh ay umiibig sa mga nagpapakahusay sa lahat ng mga nauukol sa kanila kaya pinabibigat Niya para sa kanila ang gantimpala at itinutuon Niya sila sa pagkagabay.
Tafsyrai arabų kalba:
Šiame puslapyje pateiktų ajų nauda:
• مقصود الجهاد وغايته جَعْل الحكم لله تعالى وإزالة ما يمنع الناس من سماع الحق والدخول فيه.
Ang pinapakay ng pakikibaka at tunguhin nito ay ang paglalagay ng kapamahalaan para kay Allāh – pagkataas-taas Siya – at ang pag-aalis ng anumang pumipigil sa mga tao sa pagdinig sa katotohanan at pagpasok doon.

• ترك الجهاد والقعود عنه من أسباب هلاك الأمة؛ لأنه يؤدي إلى ضعفها وطمع العدو فيها.
Ang pag-iwan sa pakikibaka at ang pag-iwas doon ay kabilang sa mga dahilan ng pagkapahamak ng Kalipunang Islām dahil iyon ay nagpapahantong sa panghihina nito at paghahangad ng kaaway rito.

• وجوب إتمام الحج والعمرة لمن شرع فيهما، وجواز التحلل منهما بذبح هدي لمن مُنِع عن الحرم.
Ang pagkatungkulin ng paglubos sa `umrah at ḥajj para kay Allāh na nagsabatas sa mga ito at ang pagpayag sa pagkalas sa mga ito sa pamamagitan ng pagkakatay ng handog para sa sinumang napigilang pumasok sa Ḥaram.

 
Reikšmių vertimas Aja (Korano eilutė): (195) Sūra: Sūra Al-Bakara
Sūrų turinys Puslapio numeris
 
Kilniojo Korano reikšmių vertimas - Kilniojo Korano sutrumpinto aiškinimo vertimas į filipiniečių (taglog) kalbą - Vertimų turinys

Kilniojo Korano reikšmių vertimas į filipiniečių (tagalog) k., išleido Korano studijų interpretavimo centras.

Uždaryti