Kilniojo Korano reikšmių vertimas - Kilniojo Korano sutrumpinto aiškinimo vertimas į filipiniečių (taglog) kalbą * - Vertimų turinys


Reikšmių vertimas Aja (Korano eilutė): (60) Sūra: Sūra Al-Bakara
۞ وَإِذِ ٱسۡتَسۡقَىٰ مُوسَىٰ لِقَوۡمِهِۦ فَقُلۡنَا ٱضۡرِب بِّعَصَاكَ ٱلۡحَجَرَۖ فَٱنفَجَرَتۡ مِنۡهُ ٱثۡنَتَا عَشۡرَةَ عَيۡنٗاۖ قَدۡ عَلِمَ كُلُّ أُنَاسٖ مَّشۡرَبَهُمۡۖ كُلُواْ وَٱشۡرَبُواْ مِن رِّزۡقِ ٱللَّهِ وَلَا تَعۡثَوۡاْ فِي ٱلۡأَرۡضِ مُفۡسِدِينَ
Banggitin ninyo: Kabilang sa mga biyaya ni Allāh sa inyo ay noong kayo dati ay nasa ilang at dumapo sa inyo ang matinding uhaw kaya nagsumamo si Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – sa Panginoon niya at humiling siya na magpainom sa inyo. Kaya nag-utos si Allāh sa kanya na humampas ng tungkod niya sa bato. Kaya noong nakahampas siya roon, bumulwak mula roon ang labindalawang bukal ayon sa bilang ng mga lipi nila. Dumaloy mula sa mga iyon ang tubig. Nilinaw Niya sa bawat lipi ang lugar ng inuman nitong inilalaan para rito upang walang maganap na alitan sa pagitan nila. Nagsabi Siya sa kanila: "Kumain kayo at uminom kayo mula sa panustos ni Allāh na umakay sa inyo nang walang pagpupunyagi mula sa inyo at walang paggawa. Huwag kayong magpunyagi sa lupa bilang mga tagagulo rito."
Tafsyrai arabų kalba:
Šiame puslapyje pateiktų ajų nauda:
• كل من يتلاعب بنصوص الشرع ويحرّفها فيه شَبَهٌ من اليهود، وهو مُتوعَّد بعقوبة الله تعالى.
Ang bawat naglalaru-laro sa mga teksto ng Batas at pumipilipit sa mga ito ay may wangis sa mga Hudyo. Siya ay pinagbabantaan ng kaparusahan ni Allāh – pagkataas-taas Siya.

• عِظَمُ فضل الله تعالى على بني إسرائيل، وفي مقابل ذلك شدة جحودهم وعنادهم وإعراضهم عن الله وشرعه.
Ang kadakilaan ng kabutihang-loob ni Allāh – pagkataas-taas Siya – sa mga anak ni Israel samantalang ang katapat niyon ay tindi ng pagtanggi nila, pagmamatigas nila, at pag-ayaw nila kay Allāh at sa Batas Niya.

• أن من شؤم المعاصي وتجاوز حدود الله تعالى ما ينزل بالمرء من الذل والهوان، وتسلط الأعداء عليه.
Na bahagi ng kasamaan ng mga pagsuway at paglampas sa mga hangganan ni Allāh – pagkataas-taas Siya – ay ang bumababa sa tao na pagkaaba at pagkahamak, at ang pananaig ng mga kaaway sa kanya.

 
Reikšmių vertimas Aja (Korano eilutė): (60) Sūra: Sūra Al-Bakara
Sūrų turinys Puslapio numeris
 
Kilniojo Korano reikšmių vertimas - Kilniojo Korano sutrumpinto aiškinimo vertimas į filipiniečių (taglog) kalbą - Vertimų turinys

Kilniojo Korano reikšmių vertimas į filipiniečių (tagalog) k., išleido Korano studijų interpretavimo centras.

Uždaryti