Kilniojo Korano reikšmių vertimas - Kilniojo Korano sutrumpinto aiškinimo vertimas į filipiniečių (taglog) kalbą * - Vertimų turinys


Reikšmių vertimas Aja (Korano eilutė): (74) Sūra: Sūra Al-Bakara
ثُمَّ قَسَتۡ قُلُوبُكُم مِّنۢ بَعۡدِ ذَٰلِكَ فَهِيَ كَٱلۡحِجَارَةِ أَوۡ أَشَدُّ قَسۡوَةٗۚ وَإِنَّ مِنَ ٱلۡحِجَارَةِ لَمَا يَتَفَجَّرُ مِنۡهُ ٱلۡأَنۡهَٰرُۚ وَإِنَّ مِنۡهَا لَمَا يَشَّقَّقُ فَيَخۡرُجُ مِنۡهُ ٱلۡمَآءُۚ وَإِنَّ مِنۡهَا لَمَا يَهۡبِطُ مِنۡ خَشۡيَةِ ٱللَّهِۗ وَمَا ٱللَّهُ بِغَٰفِلٍ عَمَّا تَعۡمَلُونَ
Pagkatapos tumigas ang mga puso ninyo nang matapos nitong mga masidhing pangaral at mga nakasisilaw na himala hanggang sa naging tulad ng mga bato, bagkus higit na matindi sa katigasan kaysa sa mga ito sapagkat ang mga ito ay hindi nagpapalit ng kalagayan ng mga ito magpakailanman. Tungkol naman sa mga bato, nagbabago at nagpapalit ang mga ito. Tunay na mayroon sa mga bato na bumubulwak mula rito ang mga ilog. Tunay na mayroon sa mga ito na talagang nagkakabiyak-biyak kaya lumalabas mula rito ang tubig bilang mga bukal na dumadaloy sa lupa, na nakikinabang sa mga ito ang mga tao at ang mga hayop. Mayroon sa mga ito na bumabagsak mula sa matataas na bahagi ng mga bundok dahil sa takot kay Allāh at pagkasindak. Hindi ganoon ang mga puso ninyo. Si Allāh ay hindi nalilingat sa anumang ginagawa ninyo, bagkus Siya ay nakaaalam niyon. Gaganti Siya sa inyo roon.
Tafsyrai arabų kalba:
Šiame puslapyje pateiktų ajų nauda:
• أن بعض قلوب العباد أشد قسوة من الحجارة الصلبة؛ فلا تلين لموعظة، ولا تَرِقُّ لذكرى.
Na ang ilan sa mga puso ng mga tao ay higit na matindi sa katigasan kaysa sa matigas na bato, kaya naman hindi lumalambot ang mga ito dahil sa isang pangaral ni bumabanayad dahil sa isang paalaala.

• أن الدلائل والبينات - وإن عظمت - لا تنفع إن لم يكن القلب مستسلمًا خاشعًا لله.
Na ang mga katunayan at ang mga malinaw na patunay, kahit pa man bumigat, ay hindi magpapakinabang kung ang puso ay hindi naging sumusuko at nagpapakababa kay Allāh.

• كشفت الآيات حقيقة ما انطوت عليه أنفس اليهود، حيث توارثوا الرعونة والخداع والتلاعب بالدين.
Naglantad ang mga talata ng reyalidad ng ikinubli ng mga kaluluwa ng mga Hudyo kung saan nagmanahan sila ng katunggakan, panlilinlang, at paglalaru-laro sa relihiyon.

 
Reikšmių vertimas Aja (Korano eilutė): (74) Sūra: Sūra Al-Bakara
Sūrų turinys Puslapio numeris
 
Kilniojo Korano reikšmių vertimas - Kilniojo Korano sutrumpinto aiškinimo vertimas į filipiniečių (taglog) kalbą - Vertimų turinys

Kilniojo Korano reikšmių vertimas į filipiniečių (tagalog) k., išleido Korano studijų interpretavimo centras.

Uždaryti