Check out the new design

Kilniojo Korano reikšmių vertimas - Kilniojo Korano sutrumpinto aiškinimo vertimas į filipiniečių (tagalog) k. * - Vertimų turinys


Reikšmių vertimas Sūra: As-Saffat   Aja (Korano eilutė):
فَكَذَّبُوهُ فَإِنَّهُمۡ لَمُحۡضَرُونَ
Ngunit walang nangyari mula sa mga kababayan niya maliban na nagpasinungaling sila sa kanya; at dahilan sa pagpapasinungaling nila, sila ay talagang mga padadaluhin sa pagdurusa,
Tafsyrai arabų kalba:
إِلَّا عِبَادَ ٱللَّهِ ٱلۡمُخۡلَصِينَ
maliban sa sinumang kabilang sa mga kalipi niya na naging mananampalatayang nagtatangi kay Allāh sa pagsamba sapagkat tunay na ito ay maliligtas sa pagpapadalo sa pagdurusa.
Tafsyrai arabų kalba:
وَتَرَكۡنَا عَلَيۡهِ فِي ٱلۡأٓخِرِينَ
Nagpamalagi Kami para sa kanya ng isang pagbubunying maganda at isang pagbanggit na kaaya-aya sa mga kalipunang kasunod.
Tafsyrai arabų kalba:
سَلَٰمٌ عَلَىٰٓ إِلۡ يَاسِينَ
Isang pagbati mula kay Allāh at isang pagbubunyi ay sumakay Elias.
Tafsyrai arabų kalba:
إِنَّا كَذَٰلِكَ نَجۡزِي ٱلۡمُحۡسِنِينَ
Tunay na Kami, kung paanong gumanti Kami kay Elias ng magandang ganting ito, ay gaganti sa mga tagagawa ng maganda kabilang sa mga lingkod Naming mga mananampalataya.
Tafsyrai arabų kalba:
إِنَّهُۥ مِنۡ عِبَادِنَا ٱلۡمُؤۡمِنِينَ
Tunay na si Elias ay kabilang sa mga lingkod Naming mga mananampalataya nang totohanan, na tapat sa pananampalataya nila sa Panginoon nila.
Tafsyrai arabų kalba:
وَإِنَّ لُوطٗا لَّمِنَ ٱلۡمُرۡسَلِينَ
Tunay na si Lot ay talagang kabilang sa mga sugo ni Allāh na isinugo Niya sa mga tao nila bilang mga tagapagbalita ng nakagagalak at mga tagapagbabala,
Tafsyrai arabų kalba:
إِذۡ نَجَّيۡنَٰهُ وَأَهۡلَهُۥٓ أَجۡمَعِينَ
Kaya banggitin mo nang nailigtas Namin siya at ang mag-anak niya sa kabuuan nila mula sa pagdurusang ipinadala sa mga kababayan niya,
Tafsyrai arabų kalba:
إِلَّا عَجُوزٗا فِي ٱلۡغَٰبِرِينَ
maliban sa maybahay niya sapagkat ito noon ay isang babaing nasaklawan ng pagdurusa ng mga kalipi nito dahil sa ito noon ay isang tagatangging sumampalataya tulad nila.
Tafsyrai arabų kalba:
ثُمَّ دَمَّرۡنَا ٱلۡأٓخَرِينَ
Pagkatapos nagpahamak Kami sa mga nagpaiwan kabilang sa mga kababayan niya kabilang sa mga nagpasinungaling sa kanya at hindi nagpatotoo sa inihatid niya.
Tafsyrai arabų kalba:
وَإِنَّكُمۡ لَتَمُرُّونَ عَلَيۡهِم مُّصۡبِحِينَ
Tunay na kayo, O mga mamayan ng Makkah, ay talagang nagdaraan sa mga tahanan nila sa mga paglalakbay ninyo patungo sa Sirya sa oras ng umaga
Tafsyrai arabų kalba:
وَبِٱلَّيۡلِۚ أَفَلَا تَعۡقِلُونَ
at nagdaraan sa mga iyon, gayon din, sa gabi. Kaya hindi ba kayo nakapag-uunawa at napangangaralan ng kinauwian ng lagay nila matapos ng pagpapasinungaling nila, kawalang-pananampalataya nila, at paggawa nila ng mahalay na hindi sila naunahan doon?
Tafsyrai arabų kalba:
وَإِنَّ يُونُسَ لَمِنَ ٱلۡمُرۡسَلِينَ
Tunay na ang lingkod na si Jonas ay talagang kabilang sa mga sugo ni Allāh na isinugo Niya sa mga tao nila bilang mga tagapagbalita ng nakagagalak at mga tagapagbabala,
Tafsyrai arabų kalba:
إِذۡ أَبَقَ إِلَى ٱلۡفُلۡكِ ٱلۡمَشۡحُونِ
nang tumakas siya mula sa mga tao niya nang walang pahintulot ng Panginoon niya at sumakay siya sa isang daong na puno ng mga pasahero at mga bagahe.
Tafsyrai arabų kalba:
فَسَاهَمَ فَكَانَ مِنَ ٱلۡمُدۡحَضِينَ
Halos ang daong ay malunod dahil sa pagkakapuno nito, kaya nagpalabunutan ang mga pasahero upang itapon ang iba sa kanila dala ng pangamba sa pagkalunod ng daong dahilan sa dami ng mga pasahero. Si Jonas ay kabilang sa mga nadaig na ito kaya itinapon nila siya sa dagat.
Tafsyrai arabų kalba:
فَٱلۡتَقَمَهُ ٱلۡحُوتُ وَهُوَ مُلِيمٞ
Kaya noong itinapon nila siya sa dagat ay kinuha siya ng isda at nilunok nito habang siya ay nagdadala ng isinisisi sa kanya dahil sa pagpunta niya sa dagat nang walang pahintulot ng Panginoon niya.
Tafsyrai arabų kalba:
فَلَوۡلَآ أَنَّهُۥ كَانَ مِنَ ٱلۡمُسَبِّحِينَ
Kaya kung hindi dahil sa si Jonas ay maging kabilang sa mga tagabanggit kay Allāh nang madalas bago ng dumapo sa kanya, at kung hindi dahil sa pagluluwalhati niya sa loob ng tiyan ng isda,
Tafsyrai arabų kalba:
لَلَبِثَ فِي بَطۡنِهِۦٓ إِلَىٰ يَوۡمِ يُبۡعَثُونَ
talaga sanang nanatili siya sa tiyan ng isda hanggang sa Araw ng Pagbangon kung saan ito ay magiging isang libingan para sa kanya.
Tafsyrai arabų kalba:
۞ فَنَبَذۡنَٰهُ بِٱلۡعَرَآءِ وَهُوَ سَقِيمٞ
Ngunit ibinato Namin siya mula sa tiyan ng isda sa lupang hungkag sa punong-kahoy at gusali, habang siya ay mahina ang katawan dahil sa pananatili niya ng isang yugto sa tiyan ng isda.
Tafsyrai arabų kalba:
وَأَنۢبَتۡنَا عَلَيۡهِ شَجَرَةٗ مِّن يَقۡطِينٖ
Nagpatubo Kami sa ibabaw niya sa lupaing hungkag na iyon ng isang puno ng malakalabasa, na nagpapalilim siya rito at kumakain mula rito.
Tafsyrai arabų kalba:
وَأَرۡسَلۡنَٰهُ إِلَىٰ مِاْئَةِ أَلۡفٍ أَوۡ يَزِيدُونَ
Nagsugo Kami sa kanya sa mga kalipi niya, na ang bilang nila ay isang daang libo, bagkus nakahihigit sila.
Tafsyrai arabų kalba:
فَـَٔامَنُواْ فَمَتَّعۡنَٰهُمۡ إِلَىٰ حِينٖ
Kaya sumampalataya sila at nagpatotoo sila sa inihatid niya, kaya nagpatamasa sa kanila si Allāh sa buhay nilang pangmundo hanggang sa nagwakas ang mga taning nilang tinakdaan para sa kanila.
Tafsyrai arabų kalba:
فَٱسۡتَفۡتِهِمۡ أَلِرَبِّكَ ٱلۡبَنَاتُ وَلَهُمُ ٱلۡبَنُونَ
Kaya magtanong ka, O Muḥammad, sa mga tagapagtambal ng tanong ng pagtutol: "Gumagawa ba kayo para kay Allāh ng mga anak na babae na kinasusuklaman ninyo at gumagawa kayo para sa inyo ng mga anak na lalaki na naiibigan ninyo? Aling paghahati ito?"
Tafsyrai arabų kalba:
أَمۡ خَلَقۡنَا ٱلۡمَلَٰٓئِكَةَ إِنَٰثٗا وَهُمۡ شَٰهِدُونَ
Papaano silang naghaka-haka na ang mga anghel ay mga babae samantalang sila ay hindi dumalo sa paglikha sa mga iyon at hindi nakasaksi roon?
Tafsyrai arabų kalba:
أَلَآ إِنَّهُم مِّنۡ إِفۡكِهِمۡ لَيَقُولُونَ
Pakatandaan, tunay na ang mga tagapagtambal, dahil sa kasinungalingan nila laban kay Allāh at paggagawa-gawa nila laban sa Kanya, ay talagang nag-uugnay sa Kanya ng anak; at tunay na sila ay talagang mga sinungaling sa pag-aangkin nila nito.
Tafsyrai arabų kalba:
وَلَدَ ٱللَّهُ وَإِنَّهُمۡ لَكَٰذِبُونَ
Pakatandaan, tunay na ang mga tagapagtambal, dahil sa kasinungalingan nila laban kay Allāh at paggagawa-gawa nila laban sa Kanya, ay talagang nag-uugnay sa Kanya ng anak; at tunay na sila ay talagang mga sinungaling sa pag-aangkin nila nito.
Tafsyrai arabų kalba:
أَصۡطَفَى ٱلۡبَنَاتِ عَلَى ٱلۡبَنِينَ
Pumili ba si Allāh para sa sarili Niya ng mga anak na babae, na kinasusuklaman ninyo, higit sa mga anak na lalaki, na naiibigan ninyo? Aba'y hindi!
Tafsyrai arabų kalba:
Šiame puslapyje pateiktų ajų nauda:
• سُنَّة الله التي لا تتبدل ولا تتغير: إنجاء المؤمنين وإهلاك الكافرين.
Ang kalakaran (sunnah) ni Allāh na hindi napapalitan at hindi nababago ay ang pagpapaligtas sa mga mananampalataya at pagpapahamak sa mga tagatangging sumampalataya.

• ضرورة العظة والاعتبار بمصير الذين كذبوا الرسل حتى لا يحل بهم ما حل بغيرهم.
Ang pangangailangan sa pangaral at pagsasaalang-alang sa kinahinatnan ng mga nagpasinungaling sa mga sugo upang hindi dumapo sa kanila ang dumapo sa iba pa sa kanila.

• جواز القُرْعة شرعًا لقوله تعالى: ﴿ فَسَاهَمَ فَكَانَ مِنَ اْلْمُدْحَضِينَ ﴾.
Ang pagpayag sa palabunutan ayon sa batas ng Islām dahil sa sabi ni Allāh – pagkataas-taas Siya (Qur'ān 37:141): "Kaya nakipagpalabunutan siya ngunit siya ay naging kabilang sa mga natalo."

 
Reikšmių vertimas Sūra: As-Saffat
Sūrų turinys Puslapio numeris
 
Kilniojo Korano reikšmių vertimas - Kilniojo Korano sutrumpinto aiškinimo vertimas į filipiniečių (tagalog) k. - Vertimų turinys

Išleido Korano studijų interpretavimo centras.

Uždaryti