Check out the new design

Kilniojo Korano reikšmių vertimas - Vertimas į filipinų (tagalogų) k. - Ruad vertimų centras * - Vertimų turinys

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Reikšmių vertimas Sūra: Al-’Ankabūt   Aja (Korano eilutė):
وَلَمَّا جَآءَتۡ رُسُلُنَآ إِبۡرَٰهِيمَ بِٱلۡبُشۡرَىٰ قَالُوٓاْ إِنَّا مُهۡلِكُوٓاْ أَهۡلِ هَٰذِهِ ٱلۡقَرۡيَةِۖ إِنَّ أَهۡلَهَا كَانُواْ ظَٰلِمِينَ
Noong naghatid ang mga [anghel na] sugo Namin kay Abraham ng balitang nakagagalak[8] ay nagsabi sila: “Tunay na kami ay magpapahamak sa mga naninirahan sa pamayanang iyan [ni Lot]. Tunay na ang mga naninirahan diyan ay laging mga tagalabag sa katarungan.”
[8] ng pagsilang ni Isaac
Tafsyrai arabų kalba:
قَالَ إِنَّ فِيهَا لُوطٗاۚ قَالُواْ نَحۡنُ أَعۡلَمُ بِمَن فِيهَاۖ لَنُنَجِّيَنَّهُۥ وَأَهۡلَهُۥٓ إِلَّا ٱمۡرَأَتَهُۥ كَانَتۡ مِنَ ٱلۡغَٰبِرِينَ
Nagsabi siya: “Tunay na nariyan si Lot.” Nagsabi sila: “Kami ay higit na maalam sa sinumang nariyan. Talagang magliligtas nga Kami sa kanya at sa mag-anak niya maliban sa maybahay niya; ito ay magiging kabilang sa mga magpapaiwan [para masawi].”
Tafsyrai arabų kalba:
وَلَمَّآ أَن جَآءَتۡ رُسُلُنَا لُوطٗا سِيٓءَ بِهِمۡ وَضَاقَ بِهِمۡ ذَرۡعٗاۖ وَقَالُواْ لَا تَخَفۡ وَلَا تَحۡزَنۡ إِنَّا مُنَجُّوكَ وَأَهۡلَكَ إِلَّا ٱمۡرَأَتَكَ كَانَتۡ مِنَ ٱلۡغَٰبِرِينَ
Noong dumating ang mga sugo Namin kay Lot ay pinahapis siya dahil sa kanila at pinanghinaan siya dahil sa kanila ng loob.[9] Nagsabi sila: “Huwag kang mangamba[10] at huwag kang malungkot. Tunay na kami ay mga magliligtas sa iyo at sa mag-anak mo maliban sa maybahay mo; ito ay magiging kabilang sa mga magpapaiwan [para masawi].
[9] na makapagsanggalang sa kanila laban sa mga kababayan niya
[10] kami ay mga sugo ni Allāh
Tafsyrai arabų kalba:
إِنَّا مُنزِلُونَ عَلَىٰٓ أَهۡلِ هَٰذِهِ ٱلۡقَرۡيَةِ رِجۡزٗا مِّنَ ٱلسَّمَآءِ بِمَا كَانُواْ يَفۡسُقُونَ
Tunay na kami ay mga magpapababa sa mga naninirahan sa pamayanang iyan ng isang pasakit mula sa langit dahil dati na silang nagpapakasuwail.”
Tafsyrai arabų kalba:
وَلَقَد تَّرَكۡنَا مِنۡهَآ ءَايَةَۢ بَيِّنَةٗ لِّقَوۡمٖ يَعۡقِلُونَ
Talaga ngang nag-iwan Kami mula riyan ng isang tandang malinaw para sa mga taong nakapag-uunawa.
Tafsyrai arabų kalba:
وَإِلَىٰ مَدۡيَنَ أَخَاهُمۡ شُعَيۡبٗا فَقَالَ يَٰقَوۡمِ ٱعۡبُدُواْ ٱللَّهَ وَٱرۡجُواْ ٱلۡيَوۡمَ ٱلۡأٓخِرَ وَلَا تَعۡثَوۡاْ فِي ٱلۡأَرۡضِ مُفۡسِدِينَ
[Nagsugo Kami sa] Madyan ng kapatid nilang si Shu`ayb, saka nagsabi siya: “O mga kalipi ko, sumamba kayo kay Allāh, mag-asam kayo ng [gantimpala sa] Huling Araw, at huwag kayong manampalasan sa lupa bilang mga tagagulo.”
Tafsyrai arabų kalba:
فَكَذَّبُوهُ فَأَخَذَتۡهُمُ ٱلرَّجۡفَةُ فَأَصۡبَحُواْ فِي دَارِهِمۡ جَٰثِمِينَ
Ngunit nagpasinungaling sila sa kanya, kaya dumaklot sa kanila ang yanig saka sila, sa mga tahanan nila, ay naging mga [patay na] nakasubsob.
Tafsyrai arabų kalba:
وَعَادٗا وَثَمُودَاْ وَقَد تَّبَيَّنَ لَكُم مِّن مَّسَٰكِنِهِمۡۖ وَزَيَّنَ لَهُمُ ٱلشَّيۡطَٰنُ أَعۡمَٰلَهُمۡ فَصَدَّهُمۡ عَنِ ٱلسَّبِيلِ وَكَانُواْ مُسۡتَبۡصِرِينَ
[Nagpahamak Kami] sa `Ād at Thamūd, at luminaw ito para sa inyo mula sa mga tirahan nila. Ipinang-akit para sa kanila ng demonyo ang mga gawain nila kaya bumalakid siya sa kanila sa landas habang sila noon ay mga nakatatalos.
Tafsyrai arabų kalba:
 
Reikšmių vertimas Sūra: Al-’Ankabūt
Sūrų turinys Puslapio numeris
 
Kilniojo Korano reikšmių vertimas - Vertimas į filipinų (tagalogų) k. - Ruad vertimų centras - Vertimų turinys

Vertė Ruad vertimo centro komanda bendradarbiaujant su Religinės sklaidos ir orientavimo asociacija Rabwah bei Islamo turinio kalbos asociacija.

Uždaryti