Check out the new design

Kilniojo Korano reikšmių vertimas - Vertimas į filipinų (tagalogų) k. - Ruad vertimų centras * - Vertimų turinys

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Reikšmių vertimas Sūra: Az-Zukhruf   Aja (Korano eilutė):
وَإِنَّهُۥ لَعِلۡمٞ لِّلسَّاعَةِ فَلَا تَمۡتَرُنَّ بِهَا وَٱتَّبِعُونِۚ هَٰذَا صِرَٰطٞ مُّسۡتَقِيمٞ
Tunay na si Jesus ay talagang [isang tanda ng] kaalaman [sa paglapit ng] Huling Sandali kaya huwag nga kayong magtaltalan hinggil dito at sumunod kayo sa akin. Ito ay isang landasing tuwid.
Tafsyrai arabų kalba:
وَلَا يَصُدَّنَّكُمُ ٱلشَّيۡطَٰنُۖ إِنَّهُۥ لَكُمۡ عَدُوّٞ مُّبِينٞ
Huwag ngang sasagabal sa inyo [sa landasing tuwid] ang demonyo; tunay na siya para sa inyo ay isang kaaway na malinaw.
Tafsyrai arabų kalba:
وَلَمَّا جَآءَ عِيسَىٰ بِٱلۡبَيِّنَٰتِ قَالَ قَدۡ جِئۡتُكُم بِٱلۡحِكۡمَةِ وَلِأُبَيِّنَ لَكُم بَعۡضَ ٱلَّذِي تَخۡتَلِفُونَ فِيهِۖ فَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ وَأَطِيعُونِ
Noong naghatid si Jesus ng mga malinaw na patunay [sa mga anak ni Israel] ay nagsabi siya: “Naghatid nga ako sa inyo ng karunungan at upang maglinaw ako para sa inyo ng ilan sa nagkakaiba-iba kayo hinggil doon. Kaya mangilag kayong magkasala kay Allāh at tumalima kayo sa akin.
Tafsyrai arabų kalba:
إِنَّ ٱللَّهَ هُوَ رَبِّي وَرَبُّكُمۡ فَٱعۡبُدُوهُۚ هَٰذَا صِرَٰطٞ مُّسۡتَقِيمٞ
Tunay na si Allāh ay Panginoon ko at Panginoon ninyo kaya sumamba kayo sa Kanya. Ito ay landasing tuwid.”
Tafsyrai arabų kalba:
فَٱخۡتَلَفَ ٱلۡأَحۡزَابُ مِنۢ بَيۡنِهِمۡۖ فَوَيۡلٞ لِّلَّذِينَ ظَلَمُواْ مِنۡ عَذَابِ يَوۡمٍ أَلِيمٍ
Ngunit nagkaiba-iba ang mga lapian mula sa gitna nila,[11] kaya kapighatian ay ukol sa mga lumabag sa katarungan mula sa isang pagdurusa sa isang Araw na masakit.
[11] Ibig sabihin: ng mga sekta ng mga Kristiyano.
Tafsyrai arabų kalba:
هَلۡ يَنظُرُونَ إِلَّا ٱلسَّاعَةَ أَن تَأۡتِيَهُم بَغۡتَةٗ وَهُمۡ لَا يَشۡعُرُونَ
Naghihintay kaya sila maliban ng Huling Sandali, na sumapit ito sa kanila nang biglaan habang sila ay hindi nakararamdam?
Tafsyrai arabų kalba:
ٱلۡأَخِلَّآءُ يَوۡمَئِذِۭ بَعۡضُهُمۡ لِبَعۡضٍ عَدُوٌّ إِلَّا ٱلۡمُتَّقِينَ
Ang mga matalik na magkaibigan, sa Araw na iyon, ang iba sa kanila para sa iba pa ay kaaway, maliban sa mga tagapangilag magkasala.
Tafsyrai arabų kalba:
يَٰعِبَادِ لَا خَوۡفٌ عَلَيۡكُمُ ٱلۡيَوۡمَ وَلَآ أَنتُمۡ تَحۡزَنُونَ
O mga lingkod Ko, walang pangamba sa inyo sa Araw na iyon ni kayo ay malulungkot.
Tafsyrai arabų kalba:
ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ بِـَٔايَٰتِنَا وَكَانُواْ مُسۡلِمِينَ
[Sila ay] ang mga sumampalataya sa mga tanda Namin at sila noon ay mga Muslim [na tagapagpasakop sa kalooban ni Allāh].
Tafsyrai arabų kalba:
ٱدۡخُلُواْ ٱلۡجَنَّةَ أَنتُمۡ وَأَزۡوَٰجُكُمۡ تُحۡبَرُونَ
Pumasok kayo sa Paraiso habang kayo at ang mga kabiyak ninyo ay pinagagalak.
Tafsyrai arabų kalba:
يُطَافُ عَلَيۡهِم بِصِحَافٖ مِّن ذَهَبٖ وَأَكۡوَابٖۖ وَفِيهَا مَا تَشۡتَهِيهِ ٱلۡأَنفُسُ وَتَلَذُّ ٱلۡأَعۡيُنُۖ وَأَنتُمۡ فِيهَا خَٰلِدُونَ
Magpapalibot sa kanila ng mga platong yari sa ginto at mga baso. Naroon ang ninanasa ng mga sarili at minamasarap ng mga mata habang kayo roon ay mga mananatili.
Tafsyrai arabų kalba:
وَتِلۡكَ ٱلۡجَنَّةُ ٱلَّتِيٓ أُورِثۡتُمُوهَا بِمَا كُنتُمۡ تَعۡمَلُونَ
Iyon ay ang Hardin na ipinamana sa inyo dahil sa dati ninyong ginagawa [na kabutihan].
Tafsyrai arabų kalba:
لَكُمۡ فِيهَا فَٰكِهَةٞ كَثِيرَةٞ مِّنۡهَا تَأۡكُلُونَ
Para sa inyo roon ay bungang-kahoy na marami at mula sa mga ito ay kakain kayo.
Tafsyrai arabų kalba:
 
Reikšmių vertimas Sūra: Az-Zukhruf
Sūrų turinys Puslapio numeris
 
Kilniojo Korano reikšmių vertimas - Vertimas į filipinų (tagalogų) k. - Ruad vertimų centras - Vertimų turinys

Vertė Ruad vertimo centro komanda bendradarbiaujant su Religinės sklaidos ir orientavimo asociacija Rabwah bei Islamo turinio kalbos asociacija.

Uždaryti