Check out the new design

Kilniojo Korano reikšmių vertimas - Vertimas į filipinų (tagalogų) k. - Ruad vertimų centras * - Vertimų turinys

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Reikšmių vertimas Sūra: Al-Fath   Aja (Korano eilutė):
إِنَّ ٱلَّذِينَ يُبَايِعُونَكَ إِنَّمَا يُبَايِعُونَ ٱللَّهَ يَدُ ٱللَّهِ فَوۡقَ أَيۡدِيهِمۡۚ فَمَن نَّكَثَ فَإِنَّمَا يَنكُثُ عَلَىٰ نَفۡسِهِۦۖ وَمَنۡ أَوۡفَىٰ بِمَا عَٰهَدَ عَلَيۡهُ ٱللَّهَ فَسَيُؤۡتِيهِ أَجۡرًا عَظِيمٗا
Tunay na ang mga nangangako ng katapatan sa iyo [O Propeta Muḥammad] ay nangangako lamang ng katapatan kay Allāh habang ang kamay ni Allāh ay nasa ibabaw ng mga kamay nila. Kaya ang sinumang sumira [sa pangako] ay sumisira lamang siya laban sa sarili niya. Ang sinumang tumupad sa pakikipagkasunduan kay Allāh ay magbibigay Siya sa kanya ng isang pabuyang sukdulan [sa Paraiso].
Tafsyrai arabų kalba:
سَيَقُولُ لَكَ ٱلۡمُخَلَّفُونَ مِنَ ٱلۡأَعۡرَابِ شَغَلَتۡنَآ أَمۡوَٰلُنَا وَأَهۡلُونَا فَٱسۡتَغۡفِرۡ لَنَاۚ يَقُولُونَ بِأَلۡسِنَتِهِم مَّا لَيۡسَ فِي قُلُوبِهِمۡۚ قُلۡ فَمَن يَمۡلِكُ لَكُم مِّنَ ٱللَّهِ شَيۡـًٔا إِنۡ أَرَادَ بِكُمۡ ضَرًّا أَوۡ أَرَادَ بِكُمۡ نَفۡعَۢاۚ بَلۡ كَانَ ٱللَّهُ بِمَا تَعۡمَلُونَ خَبِيرَۢا
Magsasabi sa iyo ang mga pinaiwan [dahil sa pag-ibig sa kamunduhan] kabilang sa mga Arabeng disyerto: “Umabala sa amin ang mga ari-arian namin at ang mga mag-anak namin kaya magpatawad Ka sa amin.” Nagsasabi sila sa pamamagitan ng mga dila nila ng wala sa mga puso nila. Sabihin mo: “Sino ang makapagdudulot para sa inyo laban kay Allāh ng anuman kung nagnais Siya sa inyo ng isang kapinsalaan o nagnais Siya sa inyo ng isang kapakinabangan? Bagkus laging si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Mapagbatid.
Tafsyrai arabų kalba:
بَلۡ ظَنَنتُمۡ أَن لَّن يَنقَلِبَ ٱلرَّسُولُ وَٱلۡمُؤۡمِنُونَ إِلَىٰٓ أَهۡلِيهِمۡ أَبَدٗا وَزُيِّنَ ذَٰلِكَ فِي قُلُوبِكُمۡ وَظَنَنتُمۡ ظَنَّ ٱلسَّوۡءِ وَكُنتُمۡ قَوۡمَۢا بُورٗا
Bagkus nagpalagay kayo na hindi uuwi ang Sugo at ang mga mananampalataya sa mga mag-anak nila magpakailanman, ipinang-akit iyon sa mga puso ninyo, nagpalagay kayo ng pagpapalagay ng kasagwaan, at kayo ay naging mga taong napariwara.”
Tafsyrai arabų kalba:
وَمَن لَّمۡ يُؤۡمِنۢ بِٱللَّهِ وَرَسُولِهِۦ فَإِنَّآ أَعۡتَدۡنَا لِلۡكَٰفِرِينَ سَعِيرٗا
Ang sinumang hindi sumampalataya kay Allāh at sa Sugo Niya [na si Muḥammad] ay tunay na Kami ay naglaan para sa mga tagatangging sumampalataya ng isang Liyab.
Tafsyrai arabų kalba:
وَلِلَّهِ مُلۡكُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۚ يَغۡفِرُ لِمَن يَشَآءُ وَيُعَذِّبُ مَن يَشَآءُۚ وَكَانَ ٱللَّهُ غَفُورٗا رَّحِيمٗا
Sa kay Allāh ang paghahari sa mga langit at lupa. Nagpapatawad Siya sa kaninumang niloloob Niya at nagpaparusa Siya sa sinumang niloloob Niya. Laging si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain.
Tafsyrai arabų kalba:
سَيَقُولُ ٱلۡمُخَلَّفُونَ إِذَا ٱنطَلَقۡتُمۡ إِلَىٰ مَغَانِمَ لِتَأۡخُذُوهَا ذَرُونَا نَتَّبِعۡكُمۡۖ يُرِيدُونَ أَن يُبَدِّلُواْ كَلَٰمَ ٱللَّهِۚ قُل لَّن تَتَّبِعُونَا كَذَٰلِكُمۡ قَالَ ٱللَّهُ مِن قَبۡلُۖ فَسَيَقُولُونَ بَلۡ تَحۡسُدُونَنَاۚ بَلۡ كَانُواْ لَا يَفۡقَهُونَ إِلَّا قَلِيلٗا
Magsasabi ang mga pinaiwan kapag lumisan kayo patungo sa mga samsam upang kumuha ng mga iyon: “Magpaubaya kayo sa amin, susunod kami sa inyo.” Nagnanais sila na magpalit ng Pananalita ni Allāh. Sabihin mo: “Hindi kayo susunod sa amin; gayon nagsabi si Allāh bago pa niyan.” Kaya magsasabi sila: “Bagkus naiinggit kayo sa amin.” Bagkus sila noon ay hindi nakauunawa[2] kundi ng kaunti.
[2] sa mga ipinag-uutos ni Allāh at mga ipinagbabawal Niya
Tafsyrai arabų kalba:
 
Reikšmių vertimas Sūra: Al-Fath
Sūrų turinys Puslapio numeris
 
Kilniojo Korano reikšmių vertimas - Vertimas į filipinų (tagalogų) k. - Ruad vertimų centras - Vertimų turinys

Vertė Ruad vertimo centro komanda bendradarbiaujant su Religinės sklaidos ir orientavimo asociacija Rabwah bei Islamo turinio kalbos asociacija.

Uždaryti