വിശുദ്ധ ഖുർആൻ പരിഭാഷ - അൽ മുഖ്തസ്വർ ഫീ തഫ്സീറിൽ ഖുർആനിൽ കരീം (ഫിലിപ്പീൻ വിവർത്തനം). * - വിവർത്തനങ്ങളുടെ സൂചിക


പരിഭാഷ അദ്ധ്യായം: സൂറത്ത് ഖുറൈശ്   ആയത്ത്:

Quraysh

സൂറത്തിൻ്റെ ഉദ്ദേശ്യങ്ങളിൽ പെട്ടതാണ്:
بيان نعمة الله على قريش وحق الله عليهم.
Ang paglilinaw sa biyaya ni Allāh sa [Liping] Quraysh at karapatan ni Allāh sa kanila.

لِإِيلَٰفِ قُرَيۡشٍ
Alang-alang sa kaugalian ng Quraysh at pagkahirati nila –
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
إِۦلَٰفِهِمۡ رِحۡلَةَ ٱلشِّتَآءِ وَٱلصَّيۡفِ
sa paglalakbay sa taglamig patungo sa Yemen at sa paglalakbay sa tag-init patungo sa Sirya habang mga natitiwasay –
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
فَلۡيَعۡبُدُواْ رَبَّ هَٰذَا ٱلۡبَيۡتِ
ay sumamba sila kay Allāh lamang, ang Panginoon ng Bahay na Pinakababanal na nagpadali para sa kanila ng paglalakbay na ito, at huwag silang magtambal sa Kanya ng isa man,
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
ٱلَّذِيٓ أَطۡعَمَهُم مِّن جُوعٖ وَءَامَنَهُم مِّنۡ خَوۡفِۭ
na nagpakain sa kanila mula sa isang pagkagutom at nagpatiwasay sa kanila mula sa isang pangamba dahil sa inilagay Niya sa mga puso ng mga Arabe na paggalang sa lugar ng Ka`bah at paggalang sa mga naninirahan doon.
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
ഈ പേജിലെ ആയത്തുകളിൽ നിന്നുള്ള പാഠങ്ങൾ:
• أهمية الأمن في الإسلام.
Ang kahalagahan ng katiwasayan sa Islām.

• الرياء أحد أمراض القلوب، وهو يبطل العمل.
Ang pagpapakitang-tao ay isa sa mga karamdaman ng mga puso. Ito ay nagpapawalang-saysay sa gawa.

• مقابلة النعم بالشكر يزيدها.
Ang pagtumbas ng pasasalamat sa mga biyaya ay nakadaragdag sa mga ito.

• كرامة النبي صلى الله عليه وسلم على ربه وحفظه له وتشريفه له في الدنيا والآخرة.
Ang karangalan ng Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – sa Panginoon niya, ang pangangalaga Nito sa kanya, at ang pagpaparangal Nito sa kanya sa Mundo at Kabilang-buhay.

 
പരിഭാഷ അദ്ധ്യായം: സൂറത്ത് ഖുറൈശ്
സൂറത്തുകളുടെ സൂചിക പേജ് നമ്പർ
 
വിശുദ്ധ ഖുർആൻ പരിഭാഷ - അൽ മുഖ്തസ്വർ ഫീ തഫ്സീറിൽ ഖുർആനിൽ കരീം (ഫിലിപ്പീൻ വിവർത്തനം). - വിവർത്തനങ്ങളുടെ സൂചിക

അൽ മുഖ്തസ്വർ ഫീ തഫ്സീറിൽ ഖുർആനിൽ കരീം (ഫിലിപ്പീൻ വിവർത്തനം). മർകസ് തഫ്സീർ പുറത്തിറക്കിയത്.

അടക്കുക