വിശുദ്ധ ഖുർആൻ പരിഭാഷ - അൽ മുഖ്തസ്വർ ഫീ തഫ്സീറിൽ ഖുർആനിൽ കരീം (ഫിലിപ്പീൻ വിവർത്തനം). * - വിവർത്തനങ്ങളുടെ സൂചിക


പരിഭാഷ ആയത്ത്: (209) അദ്ധ്യായം: സൂറത്തുൽ ബഖറഃ
فَإِن زَلَلۡتُم مِّنۢ بَعۡدِ مَا جَآءَتۡكُمُ ٱلۡبَيِّنَٰتُ فَٱعۡلَمُوٓاْ أَنَّ ٱللَّهَ عَزِيزٌ حَكِيمٌ
Ngunit kung may naganap mula sa inyo na pagkatisod at paglihis matapos na dumating sa inyo ang mga patunay na maliwanag na walang kalituhan sa mga ito, alamin ninyo na si Allāh ay Makapangyarihan sa kakayahan Niya at pananaig Niya, Marunong sa pangangasiwa Niya at pagbabatas Niya kaya mangamba kayo sa Kanya at gumalang kayo sa Kanya.
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
ഈ പേജിലെ ആയത്തുകളിൽ നിന്നുള്ള പാഠങ്ങൾ:
• التقوى حقيقة لا تكون بكثرة الأعمال فقط، وإنما بمتابعة هدي الشريعة والالتزام بها.
Ang pangingilag magkasala ay reyalidad na hindi mangyayari sa pamamagitan ng dami ng mga gawa lamang. Ito ay sa pamamagitan ng pagsunod lamang sa patnubay ng Batas ng Islām at pananatili rito.

• الحكم على الناس لا يكون بمجرد أشكالهم وأقوالهم، بل بحقيقة أفعالهم الدالة على ما أخفته صدورهم.
Ang paghatol sa mga tao ay hindi ayon lamang sa mga anyo nila at mga sabi nila, bagkus ayon sa reyalidad ng mga gawain nilang nagpapatunay sa ikinubli ng mga dibdib nila.

• الإفساد في الأرض بكل صوره من صفات المتكبرين التي تلازمهم، والله تعالى لا يحب الفساد وأهله.
Ang panggugulo sa lupa sa lahat ng mga anyo nito ay kabilang sa mga katangian ng mga nagpapakamalaki, na kumakapit sa kanila. Si Allāh – pagkataas-taas Siya – ay hindi umiibig sa kaguluhan at mga kampon nito.

• لا يكون المرء مسلمًا حقيقة لله تعالى حتى يُسَلِّم لهذا الدين كله، ويقبله ظاهرًا وباطنًا.
Ang tao ay hindi nagiging isang Muslim, sa katotohanan, kay Allāh – pagkataas-taas Siya – hanggang sa magpasakop siya sa relihiyong Islām na ito sa kabuuan nito at tumanggap rito nang lantaran at pakubli.

 
പരിഭാഷ ആയത്ത്: (209) അദ്ധ്യായം: സൂറത്തുൽ ബഖറഃ
സൂറത്തുകളുടെ സൂചിക പേജ് നമ്പർ
 
വിശുദ്ധ ഖുർആൻ പരിഭാഷ - അൽ മുഖ്തസ്വർ ഫീ തഫ്സീറിൽ ഖുർആനിൽ കരീം (ഫിലിപ്പീൻ വിവർത്തനം). - വിവർത്തനങ്ങളുടെ സൂചിക

അൽ മുഖ്തസ്വർ ഫീ തഫ്സീറിൽ ഖുർആനിൽ കരീം (ഫിലിപ്പീൻ വിവർത്തനം). മർകസ് തഫ്സീർ പുറത്തിറക്കിയത്.

അടക്കുക