Check out the new design

വിശുദ്ധ ഖുർആൻ പരിഭാഷ - അൽ മുഖ്തസ്വർ ഫീ തഫ്സീറിൽ ഖുർആനിൽ കരീം (ഫിലിപ്പീൻ വിവർത്തനം). * - വിവർത്തനങ്ങളുടെ സൂചിക


പരിഭാഷ അദ്ധ്യായം: സ്സുഖ്റുഫ്   ആയത്ത്:
وَلِبُيُوتِهِمۡ أَبۡوَٰبٗا وَسُرُرًا عَلَيۡهَا يَتَّكِـُٔونَ
at gumawa para sa mga bahay nila ng mga pinto, gumawa para sa kanila ng mga kama na sa mga ito sasandal sila, bilang pagpapain para sa kanila at bilang pagsubok,
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
وَزُخۡرُفٗاۚ وَإِن كُلُّ ذَٰلِكَ لَمَّا مَتَٰعُ ٱلۡحَيَوٰةِ ٱلدُّنۡيَاۚ وَٱلۡأٓخِرَةُ عِندَ رَبِّكَ لِلۡمُتَّقِينَ
Talaga sanang gumawa Kami para sa kanila ng [palamuting] ginto. Walang iba ang lahat ng iyon kundi pagtatamasa sa buhay na pangmundo sapagkat ang pakinabang nito ay kakaunti dahil sa kawalan ng pananatili nito. Ang nasa Kabilang-buhay na kaginhawahan ay higit na mabuti sa ganang Panginoon mo, O Sugo, para sa mga tagapangilag magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya.
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
وَمَن يَعۡشُ عَن ذِكۡرِ ٱلرَّحۡمَٰنِ نُقَيِّضۡ لَهُۥ شَيۡطَٰنٗا فَهُوَ لَهُۥ قَرِينٞ
Ang sinumang tumitingin nang tingin na hindi mahusay sa Qur'ān, na nagpapahantong sa kanya sa pag-ayaw, ay parurusahan sa pamamagitan ng pagpapangibabaw sa isang demonyong dumidikit sa kanya, na nagdaragdag sa kanya sa kalisyaan.
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
وَإِنَّهُمۡ لَيَصُدُّونَهُمۡ عَنِ ٱلسَّبِيلِ وَيَحۡسَبُونَ أَنَّهُم مُّهۡتَدُونَ
Tunay na ang mga kapisang ito na mga pinangingibabaw sa mga tagaayaw sa Qur'ān ay talagang bumabalakid sa kanila sa relihiyon ni Allāh kaya hindi sila sumusunod sa mga ipinag-uutos Niya at hindi sila umiiwas sa mga sinasaway Niya habang nagpapalagay sila na sila ay mga napapatnubayan sa katotohanan at dahil doon sila ay hindi nagbabalik-loob mula sa pagligaw nila.
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
حَتَّىٰٓ إِذَا جَآءَنَا قَالَ يَٰلَيۡتَ بَيۡنِي وَبَيۡنَكَ بُعۡدَ ٱلۡمَشۡرِقَيۡنِ فَبِئۡسَ ٱلۡقَرِينُ
Hanggang sa kapag dumating kay Allāh ang tagaayaw sa pag-alaala sa Kanya sa Araw ng Pagbangon, magsasabi siya habang nagmimithi: "O kung sana sa pagitan ko at pagitan mo, O kapisan, ay may distansiya ng nasa pagitan ng silangan at kanluran sapagkat pinapangit ka na kapisan!"
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
وَلَن يَنفَعَكُمُ ٱلۡيَوۡمَ إِذ ظَّلَمۡتُمۡ أَنَّكُمۡ فِي ٱلۡعَذَابِ مُشۡتَرِكُونَ
Magsasabi si Allāh sa mga tagatangging sumampalataya sa Araw ng Pagbangon: "Hindi magpapakinabang sa inyo sa Araw na ito – yayamang lumabag nga kayo sa katarungan sa mga sarili ninyo dahil sa pagtatambal at mga pagsuway – ang pagkakalahok ninyo sa pagdurusa sapagkat hindi magpapasan ang mga pantambal ninyo [sa Akin] para sa inyo ng anuman mula sa pagdurusa ninyo."
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
أَفَأَنتَ تُسۡمِعُ ٱلصُّمَّ أَوۡ تَهۡدِي ٱلۡعُمۡيَ وَمَن كَانَ فِي ضَلَٰلٖ مُّبِينٖ
Tunay na ang mga ito ay mga bingi sa pagdinig ng katotohanan, mga bulag sa pagkakita nito. Kaya ikaw ba, O Sugo, ay nakakakaya sa pagpaparinig sa mga bingi o pagpapatnubay sa mga bulag o pagpapatnubay sa sinumang naging nasa isang pagkaligaw na maliwanag palayo sa daang tuwid?
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
فَإِمَّا نَذۡهَبَنَّ بِكَ فَإِنَّا مِنۡهُم مُّنتَقِمُونَ
Kaya kung nag-aalis Kami sa iyo sa pamamagitan ng pagbibigay-kamatayan sa iyo bago Namin sila pagdurusahin, tunay na Kami ay maghihiganti sa kanila sa pamamagitan ng pagdudulot ng pagdurusa sa kanila sa Mundo at Kabilang-buhay,
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
أَوۡ نُرِيَنَّكَ ٱلَّذِي وَعَدۡنَٰهُمۡ فَإِنَّا عَلَيۡهِم مُّقۡتَدِرُونَ
o magpapakita nga Kami sa iyo ng ilan sa ipinangako Namin sa kanila na pagdurusa saka tunay na Kami sa kanila ay nakakakaya: hindi sila nakakakaya sa pakikinaig sa Amin sa anuman.
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
فَٱسۡتَمۡسِكۡ بِٱلَّذِيٓ أُوحِيَ إِلَيۡكَۖ إِنَّكَ عَلَىٰ صِرَٰطٖ مُّسۡتَقِيمٖ
Kaya kumapit ka, O Sugo, sa ikinasi sa iyo ng Panginoon mo at gumawa ka ayon doon; tunay na ikaw ay nasa isang daang totoo, na walang pagkalito rito.
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
وَإِنَّهُۥ لَذِكۡرٞ لَّكَ وَلِقَوۡمِكَۖ وَسَوۡفَ تُسۡـَٔلُونَ
Tunay na ang Qur'ān na ito ay talagang isang dangal para sa iyo at isang dangal para sa mga kababayan mo, at tatanungin kayo sa Araw ng Pagbangon tungkol sa pananampalataya rito, pagsunod sa patnubay nito, at pag-anyaya tungo rito.
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
وَسۡـَٔلۡ مَنۡ أَرۡسَلۡنَا مِن قَبۡلِكَ مِن رُّسُلِنَآ أَجَعَلۡنَا مِن دُونِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ءَالِهَةٗ يُعۡبَدُونَ
Magtanong ka, O Sugo, sa mga ipinadala Namin, bago mo pa, na mga sugo: "Nagtalaga ba Kami, bukod pa sa Napakamaawain, ng mga sinasamba na sasambahin?
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
وَلَقَدۡ أَرۡسَلۡنَا مُوسَىٰ بِـَٔايَٰتِنَآ إِلَىٰ فِرۡعَوۡنَ وَمَلَإِيْهِۦ فَقَالَ إِنِّي رَسُولُ رَبِّ ٱلۡعَٰلَمِينَ
Talaga ngang nagpadala Kami kay Moises, kalakip ng mga tanda Namin, kay Paraon at sa mga maharlika kabilang sa mga tao nito kaya nagsabi siya sa kanila: "Tunay na ako ay sugo ng Panginoon ng mga nilikha sa kabuuan ng mga ito."
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
فَلَمَّا جَآءَهُم بِـَٔايَٰتِنَآ إِذَا هُم مِّنۡهَا يَضۡحَكُونَ
Ngunit noong naghatid siya sa kanila ng mga tanda Namin, sila sa mga ito ay tumatawa dala ng panunuya at pangungutya.
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
ഈ പേജിലെ ആയത്തുകളിൽ നിന്നുള്ള പാഠങ്ങൾ:
• خطر الإعراض عن القرآن.
Ang panganib ng pag-ayaw sa Qur'ān.

• القرآن شرف لرسول الله صلى الله عليه وسلم ولأمته.
Ang Qur'ān ay karangalan para sa Sugo ni Allāh – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – at para sa Kalipunan niya.

• اتفاق الرسالات كلها على نبذ الشرك.
Ang pagkakasundo ng mga mensahe sa kabuuan ng mga ito sa pagtatwa sa shirk.

• السخرية من الحق صفة من صفات الكفر.
Ang panunuya sa katotohanan ay isa sa mga katangian ng kawalang-pananampalataya.

 
പരിഭാഷ അദ്ധ്യായം: സ്സുഖ്റുഫ്
സൂറത്തുകളുടെ സൂചിക പേജ് നമ്പർ
 
വിശുദ്ധ ഖുർആൻ പരിഭാഷ - അൽ മുഖ്തസ്വർ ഫീ തഫ്സീറിൽ ഖുർആനിൽ കരീം (ഫിലിപ്പീൻ വിവർത്തനം). - വിവർത്തനങ്ങളുടെ സൂചിക

മർകസ് തഫ്സീർ പുറത്തിറക്കിയത്.

അടക്കുക